Chapter 8 | Pag nagkita kayo

1683 Words
THURSDAY. Maaga palang ang ingay na namin ni Zai, maaga kami nagising dahil sa nakakabingi niyang alarm. Dito siya natulog sa bahay kagabi. Pauwi na kami ni Jaxon 'non ng magkasalubong kami, sinabi ko narin sa kanya na sa kanya ako sasabay ngayon at bukas dahil sa monday pa dadating ang sasakyan at ang driver ko. Napag usapan na namin kagabi ni Zai 'yung tungkol sa sasayawin ko sa Lunes. Nung nalaman niya na wala pa kong kahit anong plano 'tumayo agad siya at tinawagan si Rei, pinagusapan daw nila 'yung gagawin ko para sa Monday. "Pumunta ka sa dance club tuwing vacant mo. Starting today maiiwan tayo sa dance club after class para mag practice." "Okay." Tumawa nalang ako. Lieutenant Cross blg. Finally, after almost a week i'm in here again. I'm with Rei, we took the escalator instead of the elevator para daw mas mapamilyar ako sa lugar. Tho' wala namang kalito-lito sa lugar na 'to. Sa third floor kami, gitnang kwarto. Dance club. Basa ko sa nakasulat. Tumayo lang ako sa tabi ni Rei at inaantay siyang buksan ang pintuan. "Welcome to Dance Club, Xia." She smiled before she pushed the doors to show me the whole room. I'm amazed on how big is the area. Pag bukas mo ng pinto bubungad sayo ang repleksyon mo mula sa mga salamin. I sneakers squeak against the floor when i walk. I turn around and i saw a graffiti designed wall, it says.. HAMILTON DANCE CLUB At may iba pang mga nakasulat sa palibot non na halos patakpan na ang buong pader. Para siyang isang malaking word cloud na ang nabuo ay isang kamao. I came closer and look closely, then i saw that it's not just words, it is names. Kahit walang paliwanag, malinaw sakin na pangalan 'to ng mga nagiging miyembro ng club nila. That's cool. Agad na natigil at napaharap ako ng may biglang tumugtog na kanta. Finesse by Bruno Mars ft. Cardi B na naka remix... Nakita ko ang kakaibang ngisi ni Rei na naglalakad palayo sa player sa likod niya, kasunod niya si Zai sa likod niya na kanina pa pala nandito sa loob. Pumwesto sila sa ginta at inantay 'yung susunod na beat drop bago siyla mag umpisnag sumayaw. Rei smirked like she knows what she's doing and it's significant to her expresssions that she's enjoying it. Napahanga ako ng bawat galaw at indak nila. Hindi na ko nag taka na ganito kagaling sumayaw si Zai dahil mga bata palang kami alam ko na hilig na niya ang pagsasayaw... pero si Rei, ngayon ko lang siyang nakkitang ganito. Napalitan ng angas at attitude 'yung pagiging coonyo niya. Sa isang pitik ng musika, biglang nag bago ang Rei na una kong nakilala. I can see her passion through her moves. Pagkatapos ng unang Chorus, huminto sila at nakangiting hinabol ang hininga. Nag lakad si Zai at pinatay ang player. "Pakitang gilas lang, baka hindi mo kami pag katiwalan sa sayaw mo." Sabi pa ni Zai "I'm so galing 'no?" Agad akong napairap at nitignan ssi Rei na nakngiti parang naglalakd palapit sakin. "Alam mo ba 'yung My Type?" Tanong ni Zia habang naglalakad siya pabalik samin. "Chainsmokers?" tanong ko. Tumango siya. "Nadali mo, iyon 'yung gagamitin nating kanta." "Contemporary, yey!" Sabi naman ni Rei. "Contemporary?" Hala. "Oo, aantayin lang natin 'yung partner mo tapos mag uumpisa na tayo." "May partner ako?" tanong ko ulit. "Why do you have so many questions ba, it's fun kaya." Sabi ni Rei. "Oo, ilang araw nalang, lunes na. Mas mapapadali tayo kung may aalalay sayo." Sabi naman ni Zai kaya napatango nalang ako "Ang bilis niyo naman makahanap ng i-papartner sakin.' "Hindi naman kami nag hanap eh." Sagot ni Zai. "Hah?" Tanong ko. "Kasi may nag presinta na bago pa kami mag hanap." Nakangiting sagot ni Rei. Kumunot naman agad 'yung noo ko. "Really, who?" Tanong ko. Biglang bumukas ang pintuan bago pa siya makasagot kaya pare-pareho kaming napalingon sa direksyong 'yon. "You're already here? Akala ko pa naman maaga ako." I stilled when i saw him. Why do i have this feeling na siya ang makakapareha ko? Is it too late to back out? Tila napako na ko sa kinatatayuan ko at nawala nang ibang nagawa kundi pagmasdan siyang tuluyan namang punasok sa Club. My eyes grew wide when his eyes met mine. s**t! Nakakahiya! Baka isipin ng hambog na 'to na tiinititigan ko siya. Well, totoo naman, pero kahit na! "Hi, Xia." bati niya sakin suot ang tipikal na espresyon ng mukha niya. Nginitian niya ko ng maloko ng makalapit na siya sakin. Didn't Jaxon told him to keep a distance to me? "Bukod sa basa, gusto ko rin ang pag sasayaw." Kumindat pa ang loko. Umirap nalang ako at hindi na nag salita dahil ayokong makipag talo. Humarap ako kay Rei na ngayon ay naka awkward smile sakin. Nag-iwas siya ng tingin at nilipat 'yung paningin niya kay Rainer. "Wag ka ngang epal, kuya." KUYA?!! "Hey." Tawag ko aggad kay Rei. "He... he's your brother?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Gosh, please.. No. Rei awkwardly nod at me... So, alam niya rin na ang kinukwento ko sa kanya ay ang kapatid niya. Bakit hindi niya man lang sinabi? Bakit kailangan siya pa. I close my eyes tightly and breath to calm myself before i open it again. Nilingon ko si Zia na naka-krus ang mga braso at pinapanood lang kami. "So, he's my partner?" tanong ko sa kanya. "Hindi, tingin mo hahahyaan kitang makapareha 'yang ugok na ''yan?" Parehong sagot at tanong sakin ni Zai. Nakahinga agad ako ng maluwag dahil sa sagot niya. Dinaanan ko ng tingin si Rainer bago binalik 'yung pningin kko kay Rei. "So, sinong partner ko?" "Si kuya." sagot niya sakin. Anak ng--? Ano ba talagga? "'Yung isa pa kasing kuya 'yung tinutukoy niya, couz." Sabi naman ni Zai. "Sino nga?" "Hindi pa makakapunta si Raiden." Sabi niya. "Bakit daw?" Tanong ni Zai. "Tatlong araw siyang absent kaya pinatawag siya sa Gen's office." Sagot namanni Rainer sa kanya. "Ano ba 'yan, naghahabol na nga ng oras." Reklamo ni Zai. "Ako." Sabi ni RAiner at tinapik pa ng ilang beses 'yung dibdib niya. "Pwede akong subtitute partner muna ni Xia, para atleat alam na niya 'yung steps pag nag practice kayo mamaya." nakangising sabi niya pa. "Sa bagay, madali lang naman turuan si Raiden." Tumango pa si Zai. Habang ako, nalilito parrang nag papali-palit lang ng tingin habang nakikinig sa kanila. "Magkapatid talaga kayo?" Tanong ko kay Rei. "Actually, tatlo kami." Siningit ni Rainer saming dalawa ni at inakbayan niya pa si Rei. "Triplets." Dugtong pa niya at ngumiti sakin. Dafaq?! Kulang nalang malaglag 'yung pang ko sa mga nalalaman ko. Bakit gano'n, iba iba sila ng ugali? Nililipat ko 'yung tingin ko kay Rei. "Sorry, nakalimutan 'kon sabihin." awkward siyang tuawa at nag peace sign pa. "Tama na nga 'yan." sabi ni Zai. "Umpisa na, sayang ang oras." Pag katapos 'non, inayos lang ni Rei 'yung player at nagumpisa narin kami. Kumpleto na ni Zai 'yung choreo at tinuturo nalang samin. I'm still awkward, i won't lie. At naaapektuhan 'non ang pag sasayaw ko. Lalo na't contemporary pa, maraming hawak-hawak. Pero hindi ko maiwasang humanga kay Rainer dahil magaling talaga siya kahit wala sa itsura niya nag sasayaw siya. Medyo nawala rin 'yung imrpession niya sakin ng ka-preskuhan dahil inaalalayan niya talaga ako ng maayos. Sa kalagitnaan ng practice namin, biglang pinatawag si Zai sa office kaya naiwan kaming tatlo dito nila Rei at Rainer. Dahil wala nga si Zai, humalili siya at tinuro sakin 'yung mga steps na hind ko pa masyadong nakukuha. Mukhang seryso naman siya ssa ginagaaniya kaya walang imik lang akong nakinigat inawa 'yung mga sinasabi niya. Naiilang ako dahil sa sobrang hiya. Ang pangit ng unang impression ko sa kanya tapos hindi ko alam na siya pa pala 'yung tutulong ngayon sakin. Sinayaw namin ng diretso 'yung buong choreo na naturo na ni Zai samin bago tapusin 'yung practice para mag handa naman para sa susunod at huli naming klase sa araw na 'to "Xia, umh..." lumayo ako kay Z at hinarap si Rei. "Maganda na, pero it's better if there's eye contact." Hangga't kay aumiiwas kasi talaga ako sa mata ni Rainer, pakirmdam ko delikado ako kapag tinitigan ko siya sa mata. Hindi ko alam, basta iyon ang pakiramdam ko. "Okay." Sabi ko nalang. I walked towards the player dahil nasa gilid no'n ang bag at inumin ko... i sat beside my bag and drank water from my tumbler. "Xia, labas lang ako." Paalam ni Rei at mabilis na nag lakad palabas bago pa ko pakapag salita. Dahil din do'n nahagip ng paningin ko na ngayo'y nakatayo parin na si Rainer sa gitna kung nasaan kami kanina at nakatingin sakin habang nakapamewang pa. "Ano?" Tanong ko at binaba 'yung tumbler ko. "Magaling ka." Puri niya at nag umpisang mag lakad tungo sa direksyon ko. "Tss." Wala akong ibang masabi. "Mamaya hindi na ako 'yung partner mo." sabi niya at naupo sa tabi ko. "Ano ngayon?" "Ang maldita mo." Natatawang puna niya. "Sayo lang naman ako maldita." Sabi ko naman. "I-suggest ko kaya na ako nalang 'yung partner mo?" "Asa kang papayag ako." Sabi ko at uminom ulit ng tubig. "Sige, sabi mo eh." Sagot niya. Nilingon ko siya dahil hindi iyon ang ineexpect kong initial reaction niya. Nakita ko siyang tumango at lumingon sakin. "But you owe me one wish if ever na pumayag ka." He aid that straight looking into my eyes which made me awkward, so i look away. "Dami mong alam." Sabi ko na lang. "It is a deal?" natatawang tanong niya parin. "Deal." Sabi ko ng hindi siya nililingon. Hindi ako nakatingin pero nasa kanya ang buong atensyon ko. Napangiti ako dahil rinig na rinig ko 'yung pag ngiti niya. "You knew i have a brother right?" Nag angat ulit ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya. "Si Raiden... diba?" Tanong ko. Tumango siya. Hindi ako umimik at inantay kung anong sasabihin niya. "Pag nagkita kayo, sabihin mo sa kanyang gusto kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD