"Hey, Amethyst?"
Tinutok ko ng maayos ang aking cellphone sa tenga ko. Nandito ako sa aking clinic pero hindi ko naman inaasahan ang pagtawag ngayon ni Doc Leander sa akin.
"Yes, Doc Leander?" sagot ko habang may pinipirmahan.
"Pwede ka ba ngayon dito sa hospital?"
"Yeah, I'm free. Why?"
"Maraming nadisgrasya dito dahil sa pagsabog sa isang mall. Pwede ka ba? Kulang kami dahil yung ibang doctor ay wala dahil sa medical mission."
Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Doc Leander. Kinuha ko din ang shoulder bag ko pati ang susi para magmadali.
"I'm coming!"
Dali-dali akong lumabas ng aking clinic. Hindi ko na din nagawang pansinin pa ang dalawang nurse ko dahil sa pagmamadali ko. Ngunit ayon na lang ang pagkabunggo ko sa tao na hindi ko sinasadya kaya nahulog ko ang susi ko.
"I-I'm sorry," sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko.
Lalagpasan ko na sana ang taong nakabunggo ko ngunit mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Mabilis ko naman din siyang tinignan kaya nanlaki ang mga mata.
"Where are you going?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Sorry, Yuhence. But please not now? I need to go," sabi ko at binawi ang braso kong hawak-hawak niya.
Agad na akong sumakay sa kotse ko at pinatakbo ang sasakyan papalayo. Tinignan ko pa sa side mirror si Yuhence at nakatayo pa din siya doon. Bumuga ako ng hangin dahil sa pinakita kong ugali sa kanya. Sadyang nagmamadali lang ako kaya ganon na lang ako kanina.
Maya-maya pa ay nakarating na ako sa hospital kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan. Mabuti na lang at suot ko ang white coat ko kaya pinapasok agad ako ng guard. Sa hall way pa lang ay masyado ngang madaming tao ang nasama sa aksidente na puro duguan at sugatan. Nakaramdam tuloy ako ng awa dahil sa mga itsura nila.
"There you are!" sabi ni Doc Leander na hinihingal pa ng makalapit sa akin.
"Sobrang dami ng mga sugatan, Doc Leander."
"Yeah, I know. Kaya kukulangin talaga."
"Kailangan ko ng mga gamit, magpadala ka ng isang nurse para sa akin," sabi ko at sinimulan ng lumapit sa tao na malala ang sugat.
Inuna ko ang isang bata na grabe din tinamo pero parang kinakaya niya. Lumapit ako sa kanya at tinignan niya ako habang naiyak.
"M-Mommy?" ani niya.
"I'm not your mommy, baby. But I'm your doctor. Gagamutin kita ah? Kaya tiisin mo ang sakit, okay?"
"Otay," bulol niyang sagot kaya napangiti ako.
Inasikaso ko ang bata at ginamot ang kanyang sugat. Kita ang sakit dahil sa kanyang mukha kaya dinahan-dahan kong tahiin ang kanyang braso na grabe ang hiwa. Nilagyan ko naman ng anesthesia pero parang may iba pa siyang iniindang sakit. Bago ko tahiin ay tinanggal ko muna ang natitirang bubog na nakabaon sa gilid ng braso niya.
"Stay here, okay? Babalikan kita," ani ko sa kanya ng matapos ko siyang gamutin.
"I'll wait, mommy," sabi niya at nginitian ko siya.
Yung iba naman ang ginamot ko habang kasama ang isang nurse na pinatawag para sa akin ni Doc Leander. May nagsisidatingan na ibang mga doctor kaya laking pasalamat ko na maraming kaming nag-aasikaso sa mga pasyente na nandito ngayon. Pero ayon na lang ang paglingon ko sa gilid dahil sa malakas na sigaw ni Doc Leander.
"You're not going anywhere, Miss. So you better lay down your f*****g ass on the f*****g bed before i lift you back to your f*****g room!" ani niya sa babaeng grabe ang ganda.
Hinarap siya ng babae kaya lalong nagsalubong ang kilay ni Doc Leander. Humawak ang babae sa dibdib ni Doc Leander at lumapit ng sobrang lapit. Wala siyang pakialam kahit maraming tao ang nasa paligid niya.
"Don't worry about me, baby," malambing niyang anas. "I'm fine."
"Don't temp me. I can resist anything but not temptation."
"If you don't want temptation to follow you, don't act as if you cared," akma na sanang tatalikod ang babae pero ayon na lang ang biglang paghawak ni Doc Leander sa braso sabay buhat sa kanya. "f**k! Let me down!"
Akma na lang akong napailing dahil sa eksena na kanilang ginawa ngayon dito sa hall way ng hospital. Matagal-tagal din naming natapos gamutan ang mga taong sugatan dito sa hospital. Halos hindi na ako nakakain dahil tutok ako sa pag-aasikaso sa mga pasyente. Binalikan ko ang batang babae kanina na una kong ginamot, napangiti ako dahil nandoon pa din siya at nakaupo.
"Mommy!" masaya niyang tawag sa akin nang makalapit ako.
"I'm not your mommy," sagot ko na ikinalungkot ng mata niya.
"I don't have a mommy po kasi that's why i call you mommy," malungkot niyang anas.
Nakaramdam ako ng awa dahil sa kanyang sinabi kaya hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi sabay ngiti sa kanya nang magtama ang paningin namin. Masyado siyang magandang bata para sa akin dahil ang hahaba ng pilik mata at mapupula ang labi.
"Kung gusto mo akong tawaging mommy pwede naman."
"Really po?"
"Yes."
"Wow! I have a mommy na!" masaya niyang sabi.
"By the way what's your name?"
"Summer po."
"Oh nice name, Summer."
"Are we going out, mommy?"
"No, baby. Kailangan kasi natin tawagin ang daddy mo. For sure he's worried about you."
"I don't know his cellphone number, mommy. But i know our village address," sagot niya.
"Wait? Paano ka ba nadamay sa nangyari kanina? Wala ka bang kasama sa mall?"
"Tumakas po kasi ako kanina at tumungo sa mall," sagot niya at sabay napayuko.
"Next time wag mo na uulitin yan ah? Dahil masama ang tumakas."
"Yes po, mommy."
"Let's go. Ihahatid kita sa daddy mo," nakangiting sabi ko.
"Amethyst," napalingon ako sa gilid dahil sa biglang pagtawag ni Doc Leander sa akin.
"Yes, doc?"
"Where are you going?"
"Am," nagbaba ako ng tingin kay Summer. "Ihahatid ko lang siya."
"Bumalik ka dito."
"Why?"
"Kakain tayo sa labas. My treat."
"Nakakabigla ka naman, Doc Leander," ani ko at nagbaba s'ya ng tingin kay Summer.
"Are you okay, princess?"
"Yes po. I'm okay po."
"Good to hear that. You can go."
"I'll be back, Doc Leander," sagot ko at tinanguan niya ako.
Hinawakan ko na ang kamay ni Summer upang lumabas na sa hospital. Kailangan ko siyang ihatid sa kanyang daddy dahil alam kong nag-aalala na ito.
"Lurex Village po iyon, mommy."
"Yeah, i know your village, Summer."
"Just ask me po if you want my help po," ani niya na ikinangiti ko.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa Lurex Village na sinasabi ni Summer. Hinarang pa kami ng mga guard dahil wala daw akong sticker pero sinabi ko ihahatid ko lang si Summer. Salamat naman din ay namumukhaan niya yung batang kasama ko kaya pinahintulutan ako ng guard na papasukin sa loob ng village.
"Mommy! Doon po sa may black gate na may gold na circle sa tuktok. That's our house," giliw na sabi ni Summer.
"Okay, okay," sagot ko.
Nasa tapat na kami ng bahay ni Summer o sabihin kong mansion? Masyadong malaki ang bahay nila kaya napalunok ako.
"Mommy, let's go!"
"Wait, stay here. Ako na muna ang lalabas," sabi ko na ikinanguso niya.
Lumabas na ako ng kotse at tumungo sa doorbell na may camera. Napalunok ako at sinimulan ng pindutin ang doorbell. Akma pa iyon umilaw na kulay pula at mula roon ay narinig ko ang tinig ng matandang babae.
"Sino po sila?"
"My name is Rhena Amethyst Sul, a doctor. Nandito ako para ihatid ang anak ng amo ninyo na naaksidente dahil sa pagsabog."
"D-Dyan lang po kayo, Doctora. Tatawagin ko lang si Mr. Hiro."
"Okay, I'll wait."
Bahagya pa akong umatras at pinagbuksan ng pintuan si Summer. Hinawakan ko ang kamay niya na may gasa dahil sa sugat na kanyang natamo.
"Galit po ba siya, mommy?"
"I don't know, Summer."
Narinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan kaya napalingon ako sa malaking gate. Nanlaki ang mata ko dahil sa binatang nandito ngayon sa harap ko.
"Baby!" malakas niyang sabi at mabilis na binuhat ang anak. "Where have you been?! Akala ko na sa kwarto ka lang!"
"I'm sorry, daddy. A-Ayaw mo po kasi akong samahang manood ng movie with me kaya tumakas po ako."
"What happened to you? Baki ganito ang itsura mo?"
"May nag boom po, daddy."
"God!" sabi pa niya at yinakap ang anak kahit buhat-buhat na niya. Nagtama ang paningin namin ng daddy ni Summer kaya napalunok ako. "And you are?"
"She's my mommy!" si Summer ang sumagot.
"S-She's not your mommy, baby."
"She's my mommy, daddy."
"T-Thank you," baling niya sa akin at ngumiti ako.
"Don't mention it. Sa susunod sana wag mo ng hayaan si Summer lumabas ng bahay mag-isa," sagot ko.
"I'm sorry. By the way my name is Hiro," inabot niya ang kanyang kamay sa akin.
"My name is Amethyst."
"Nice name."
"You too."
"Woah? Complete family na po ba tayo?!"
Parang ako pa ang mas nahihiya dahil sa sinasabi ni Summer. Ngumiti lang ako sa sinabi niya at magpapaalam na aalis na ako.
"Kailangan ko ng umalis. Marami pa akong aasikasuhin sa hospital."
"But mommy? Are you coming back to see me again?"
"Baby," nahihiyang sabi ni Hiro.
"What? Please mommy stay here."
"Babalik na lang ako para bisitahin ka, Summer," nakangiting sabi ko. "Pagaling ka ah?"
"Yes po, mommy."
"Thank you again, Amethyst."
"Welcome," nakangiting sabi ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at nilisan ang village na iyon. Bumalik ako sa hospital kagaya ng sinabi ni Doc Leander sa akin. Kumatok ako sa kanyang opisina dahil sinabi sa akin ng nurse na nandito siya.
"Come in."
"Doc Leander, tara na. Gutom na ako," iyon agad ang pagkakasabi ko nang makapasok ako sa loob.
"Oh yeah. Let's go," sabi niya at tumayo sa pagkakaupo. "San mo gustong kumain?"
"Yayain natin si Vivienne," pagpapaalam ko.
"Great idea," nakangiti niyang sabi at tinawagan si Vivienne. "Pupunta daw siya."
"Good. Let's go," ani ko.
Maya-maya pa ay nandito na kami sa isang restaurant na hindi naman kalayuan sa hospital. Hinihintay pa namin si Vivienne kaya nag-order lang muna ako ng juice at cake.
"What happened to your patient, Doc Leander? Yung babae kanina," tanong ko at ngumisi si Doc Leander.
"Tinurukan ko ng pampatulog," sagot niya na ikinalaki ng mata ko.
"What did you do that?"
"Because she's naughty police woman."
"Police pala ang babae na iyon?"
"Yeah. Pero parang hindi," nakakunot pang kilay niyang sabi. "I don't know. She has a gun."
"Kaya mo naiisip na police siya?"
"Yeah? Whatever," ani niya at lumingon sa gilid. "Oh? Vivienne is here with her husband."
Lumingon din ako sa gilid at ngumiti nang masilayan ko si Vivienne. Kasama niya ang kanyang asawa na si Esther na kasalukuyan na nakasalubong ang kilay.
"Good to see you again, Amethyst," sabi agad ni Vivienne na yinakap pa ako.
"Good to see you too. Have a seat," ani ko at umupo na si Vivienne sa upuan katabi ang kanyang asawa.
Ngayon naman si Doc Leander ay tumabi sa akin upang magkatabi ang mag-asawa. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin ni Esther kay Doc Leander.
"A-Ang sama mo naman makatingin," hindi ko na napigilan na magsalita.
"Dahil baka may masama s'yang balak sa asawa ko."
"Sperm na baog ka. Manahimik ka nga," hampas ni Vivienne sa kanya.
"Why are you so possessive, Esther? Cut it off."
"Hoy, hindi porke mabait sayo si Vivienne ay mabait na din ako sayo?"
"Then don't. Stop talking nonsense," masungit na sabi ni Doc Leander.
Nag-order na kami ng pagkain at nai-served naman ng maayos dito sa aming lamesa. Sinimulan na naming kumaing apat na tahimik lang.
"Kamusta ka naman, Amethyst?" hindi ko inaasahan na tatanungin ako ni Esther.
"I'm good."
"Akala ko bad."
"Ha? Hindi naman ako masama," sagot ko.
"Hindi ganon ang punto ko."
"Ah. Akala ko ganon ang punto mo," sagot ko.
"Kayo ni Yuhence? Kamusta naman siya?" muli niyang tanong.
"Ako ba si Yuhence para sa akin mo siya tanungin kung kamusta siya?" naguguluhan kong anas.
"Damn dude? Ang ibig kong sabihin kamusta ang pagsasama ninyo?"
"Hindi ko siya kasama ngayon, Esther. Kaya hindi ko alam kung okay ba siya."
Bahagyang napapikit si Esther sa inis dahil sa sagot. 'Yung dalawa naman ay natawa dahil sa sinagot ko. Mali ba ang sinagot ko?
"She have a point naman," natatawang sabi ni Doc Leander.
"Ano pang tanong mo sperm na baog?" tanong ng asawa niya.
"Tss. Nawalan na ako nang ganang magtanong."
"Nakakawalan ba ng gana ang magtanong sa tao?" tanong ko.
"Oo. Lalo na kung masyadong inosente ang pagtatanungan mo," seryosong sabi ni Esther na ikinanguso ko.
Natapos kaming kumaing apat kaya napagpasyahan na naming umuwi na dahil pagabi na din naman. Bumuga ako ng hangin habang nakatingin sa kalsada. Nakikinig lang ako ng kanta habang napapaisip sa napag-usapan namin ni Apollo.
"Kailangan ba talagang may bansang pinanghahawakan ang taong mahal ko para walang maging hadlang sa aming dalawa?" tanong ko sa aking sarili.
Bahagya kong nilakasan ang tugtog para mawala sa isip ko ang gumabagabag sa akin. Kung patuloy kong iisipin baka maluha lang ako ng tuluyan dahil kay Yuhence.
Summer after high school
When we first met
We'd make-out in your Mustang
To Radiohead
And on my 18th birthday
We got matching tattoos
Used to steal your parents
Liquor and climb to the roof
Talk about our future
Like we had a clue
Never planned that one day
I'd be losing you
In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don't have to say
You were the one that got away
The one that got away
"In another life, i would be your girl," hindi ko kinanta ang lyrics sinabi ko lang nang mahina. Hangga't hindi tumutulo ang luha ko ay agad ko na iyong pinahid. "Gusto kong maging masaya. 'Yung walang humahadlang."
Nakarating na din ako sa aking village at mula sa labas ng gate ay may isang rebulto na nakatayo mula roon. Maingat kong itinabi ang kotse ko sa gilid at lumabas ng kotse ko. Nagtama ang paningin namin pareho kaya bumilis ang t***k ng puso ko.
"K-Kanina ka pa ba nandito?" nauutal kong tanong kay Yuhence.
"Yeah."
"B-Bakit?"
"I just missed you," seryoso niyang sabi na ikinalunok ko.
"T-Tuloy ka," sabi ko at tumango siya.
Pumasok kaming dalawa ni Yuhence sa bahay ko at pinaupo ko siya sa sofa ngunit hindi ako sinunod. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin ng deretso.
"I-Ipagkukuha lang kita ng mai—"
"Just stay," pagpuputol niya sa sasabihin ko.
Kumaba ang dibdib ko dahil sobrang seryoso ni Yuhence ngayon sa harap. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang labanan ang mga titig niya na tumatagos sa kaluluwa ko. Bakit parang iba ngayon ang pagiging seryoso ni Yuhence? Kinakabahan ako dahil hindi ko malaman kung bakit siya ganito kaseryoso.
Napatingin ako sa kanya dahil bahagya siyang nagmartsa papalapit sa akin. Iisang dipa na lang ang lapit niya upang maglapat na ang balah namin pareho. Tiningala ko siya at iyon na naman ang nakakatunaw niyang tingin.
"M-May sasabihin ka ba?"
"Do you have anything to say too, Your Highness?" pabalik na tanong ni Yuhence sa akin na ikinakaba ko.
"A-Ano?" nanlalaking mata kong sabi.
"Rhena Amethyst Sul, princess of Greece," muli niyang sabi. "Narinig ko lahat-lahat ang mga pinag-usapan ninyo ni Apollo."
Doon ko na lang naalala ang mga napag-usapan namin ni Apollo. Kaya ba ganito siya ka-seryoso ngayon sa harap ko ay dahil may narinig siya? Hindi ka naman din chismoso.
"Hindi ka maaaring makapag-asawa kung walang pinanghahawakan na bansan ang mahal mo," dagdag ni Yuhence sabay ngisi. "As if i cared?"
"Y-Yuhence? Hindi mo alam ang sinasabi mo."
"Really, baby?"
"Hindi mo alam ang Interior. At paniguradong wala ka naman din pinanghahawakan na bansa kagaya ko," kinakabahan na anas ko.
"I have something to hold on to."
Bahagya akong napaatras dahil sa sinabi ni Yuhence. Tinignan ko siya ng deretso sa kanyang mga mata upang magkatitigan kaming dalawa.
"A-Ano?"
"Ikaw. Ikaw ang pinanghahawakan ko dahil ikaw ang mundo ko. You are my world, my moon, my galaxy, my star and my everything," seryoso niyang sabi at hinawakan ang kamay ako. Humakbang siya ng isang beses upang yakapin ako. "I can fight the interior for you. I can also tell them how much I like you. And I can also tell them that you are the one I hold on to, because you are the world I hold on to."
Yuhence... bakit mo sinasabi ang ganyang salita sa harap ko? Handa mo ba talaga akong ipaglaban? Kasi kung oo, handa din kitang ipaglaban.
To be continued. . .