CHAPTER 15

2567 Words
Nakabalik na kami ni Yuhence sa Maynila kasabay na umalis sila Vivienne at Doc Leander. Medyo na-enjoy ko naman ang pamamalagi namin doon sa Baguio dahil sa pinasyal ako ni Yuhence sa mga tanawin na mapupuntahan doon sa lugar na iyon. Pero sadyang laman pa din ng isip ko ang binitawan niyang kataga mula sa akin. Totoo kaya ang minungkahi niya? Pareho kaming nang nararamdaman pero sadyang hindi ako makapaniwala na sinabi niya sa akin ang salita na iyon na nagpakaba sa akin ng sobra. I like you, so damn much. "Masyadong masarap pakinggan pero totoo ba ang nararamdaman niya?" tanong ko sa aking sarili. Nandito ako ngayon sa clinic ko at natapos ko na din i-check ang mga pasyente ko. Sa ngayon ay gusto kong tumungo sa MOA. "Pupunta na lang ako doon. Wala naman din akong gagawin," ani ko pa at niligpit ang mga papel na nasa aking lamesa. Nang matapos kong iligpit ay lumabas na ako sa aking opisina at tinignan ang aking dalawang nurse na nag-uusap. Lumapit ako sa kanila upang mapasaakin ang kanilang atensyon. Nang mapatingin sila sa akin ay binigyan ko agad sila na matamis na ngiti. "You can go now," nakangiting anas ko. Tumingin si Fiona sa kanyang relo na parang nagtataka. "3 PM pa lang po ng hapon, Dr. Amethyst." "Tapos na din naman ang trabaho ko at wala ng susunod na pasyente kaya pwede na kayong umuwi at ganon din ako." "Ganon po ba? Sige po Dr. Amethyst," nakangiting sabi ng kasama ni Fiona. Nang makalabas na ang dalawang nurse ko ay pinatay ko muna ang ilaw ng clinic ko bago ko ikandado iyon. Sumakay na ako sa aking kotse at nilisan ang aking clinic upang tumungo sa lugar kung saan ako tumitingin na ubeng kaulapan. Nang makarating ako sa aking paroroonan ay bumili muna ako ng aking pagkain at inumin. Para habang nakaupo ako ay may kinakain ako dahil hindi ko pa nagagawang kumain kanina. "Masyado pa'ng sikat ang araw ngunit hindi na gaano mainit. Tama lang para makaupo na ako sa bato, siguro ay maghihintay lang ako ng kaunting oras para tumingin na sa kaulapan," ani ko habang nilalagay ang pagkain ko sa bato. Pagtapos no'n ay ako na ang sumunod na umakyat sa bato at inusog ang aking pagkain sa aking gilid. Ngumiti ako at sinimulan ng kumain habang nakatingin sa karagatan. Napapapikit ako sa tuwing malamig na hangin ang dumadapo sa aking mukha. Masyadong maraming tao ngayon na nandito sa MOA. Ako lang ata ang walang kasama ngayon dito pero hindi naman ako naghahanap. Hindi nga? Hindi mo hinahanap si Yuhence? "Bakit napunta kay Yuhence?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Habang hinihintay ko ang ubeng kaulapan ay kinuha ko ang aking cellphone pati na din ang aking earphone. Gusto kong malibang ang sarili ko habang naghihintay ako, ayokong mainip. Will you count me in? I've been awake For a while now You've got me feelin' Like a child now 'Cause every time I see Your bubbly face I get the tingles In a silly place It starts in my toes And I crinkle my nose Where ever it goes I always know That you make me smile Please, stay for a while now Just take your time Wherever you go Bahagya akong tumango-tango sa kantang napapakinggan ko. Bahagya ko din sinasabayan ang kanta ngunit mahina lang ang aking pagbigkas sa lirika. "Kay gandang kanta," nakangiting sabi ko. "Parang ikaw." Gulat akong napatingin sa aking gilid dahil sa boses na aking narinig. Nanlaki ang aking mata dahil hindi ko inaasahan si Yuhence na pumadito sa aking tabi. Ngunit may isa akong tanong sa aking sarili. Paano nalaman ni Yuhence na nandito ako ngayon sa MOA? "It's rude to stare," nakangisi niyang sabi sabay lingon sa akin. Pero ako naman ang napaiwas ng tingin kaya narinig ko ang matunog niyang pagngisi. "Look at me, my moon. I want to stare at your innocence face." Napalunok ako. "A-Anong ginagawa mo dito?" "Of course i want to see amethyst sky." Nagbaba ang tingin ko sa kanya. May dala si Yuhence na gitara, aawit na naman ba siya? "Bakit parang alam na alam mo na nandito ako?" "Dinerekta lang ng puso ko," sagot niya sabay ngiti. Pero umarko ang kanyang kamay upang kunin ang isang earpod na nasa aking tenga. Sabay inilagay niya iyon sa kanyang tenga at bahagyang tumango sabay tungo upang matawa. "Nice song." Doon na lang ako bumalik sa wisyo at nag-init ang aking pisngi dahil sa kantang naririnig ko. Ewan ko kung bakit ako biglang nahiya dahil sa kantang naririnig ko. So baby let's just Turn down the lights And close the door Ooh I love that dress But you won't Need it anymore No you won't Need it no more Let's just kiss 'Til we're naked, baby Versace on the floor Ooh take it off For me, for me, for me, for me now, girl Versace on the floor Ooh take it off For me, for me, for me, for me now, girl, mmm I unzip the back To watch it fall While I kiss your neck And shoulders No don't be afraid To show it all I'll be right here ready to— Hindi ko na narinig ang susunog na kataga dahil agad kong inalis ang suot kong earpod sa aking tenga. Wala namang nakakahiya sa tugtog na narinig ko pero parang nahihiya ako. "Hindi ko alam na isang inosenteng kagaya mo ay pinapakinggan ang ganyang kanta," nakangising sabi ni Yuhence sabay tingin sa akin. "H-Hindi ko naman alam na i-iyon na pala ang susunod na kanta," kinakabahang anas ko na ikinangisi lalo ni Yuhence. "Let's just kiss 'til we're naked, baby," pagkanta ni Yuhence na ikinainit ng pisngi ko. Bakit kapag si Yuhence ang nagsabi parang kakaiba sa pakiramdam at dating? A-Ang halay. "M-Masyadong mahalay k-kaya wag mo na ulit sasabihin yan," nauutal kong sabi na ikinangiti niya. "Bakit ka pala may dalang gitara?" "Gusto kitang kantahan," sagot niya sabay tingin sa akin. "I want to see your cheeks reddening." Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Hindi ko alam kung bakit niya gustong makitang mamula ang aking pisngi. "B-Bakit mo naman gustong makita ang pisngi kong mamula?" "Your blush was my moonlight," ani niya at hinawakan ang pisngi ko. Hindi ko naman din inaasahan na hahalikan niya ang aking pisngi. Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niya na lumapit pa sa aking tenga upang ibulong ang kanyang sasabihin. "If you blush, i will kiss your cheeks. If you smile, i will kiss your lips. If you cry, i will wipe the tears and hold you tight," dagdag niyang sabi. Lumayo ang mukha ni Yuhence sa aking tenga at tinitigan ako sa aking mga mata. Naiilang ako kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanya. Napanganga si Yuhence pero nandoon pa din ang ngisi sa kanyang labi. "And if you look at me and bite your lips, i will lead you to bed," dahil sa kanyang sinabi ay mahina kong hinampas ang kanyang braso na ikinatawa n'ya. "I was just joking, baby." "Masyadong mahalay, Yuhence." "Mahalay? What's that?" "Indecent," sagot ko. Umayos ng upo si Yuhence at kinuha niya ang kanyang gitara at akmang tutugtog. Tumingin siya sa akin sabay ngiti at iyon naman ang pagtipa ng kanyang gitara habang nakatingin sa akin. I might never be your Knight in shining armor I might never be the one You take home to mother And I might never be the one Who brings you flowers But I can be the one Be the one tonight Naiilang ako, nakanta si Yuhence habang nakatitig sa akin na may ngiti sa kanyang labi. Gusto ko 'man umiwas ng tingin ngunit parang gusto ko din titigan ang kanyang gwapong mukha. When I first saw you From across the room I could tell that you Were curious (oh, yeah) Girl, I hope you're sure What you're looking for 'Cause I'm not good At making promises But if you like causing Trouble up in hotel rooms And if you like having Secret little rendezvous If you like to do the things You know that we shouldn't do Then baby, I'm perfect Baby, I'm perfect for you Nag-angat ako ng tingin sa kaulapan at napangiti ako. Lumabas na ang hinihintay kong ulap. Binalik ko ang paningin ko kay Yuhence at nakapikit na ang kanyang mga mata. Napangiti ako, ang gwapo niya. And if you like midnight Driving with the windows down And if you like going places We can't even pronounce If you like to do whatever You've been dreaming about Baby, you're perfect Baby, you're perfect So let's start right now "You are so perfect, my moon," sabi ni Yuhence sabay dilat ng mata upang magsalubong ang paningin namin. "I like you, baby. My one and only baby, my moon, my treasure and my girl." Nakaramdam ako ng init at hiya sa aking nararamdaman. Ang lakas ng epekto sa akin ang mga sinasabi ni Yuhence. Hindi ko alam kung bakit lalong sumisibol ang aking puso at parang mas lalo kong nagugustuhan ang kanyang binibitawan na salita. "Sana pareho tayo ng nararamdaman," dagdag pa niya upang mapatingin ako sa kanya. "Natatakot ako na baka hindi tayo pareho ng nararamdaman. Baka hindi mo ako gusto." Gusto din kita, Yuhence. "But at least we are under the same sky," sabi niya sabay angat ng tingin sa kaulapan. "Under the same sky?" kunot noong ani ko. Nakita ko ang pagngiti ni Yuhence sabay tingin sa akin. "We are under the amethyst sky." Napangiti ako sa sinabi ni Yuhence, nakaramdam ako ng kilig dahil sa kanyang sinabi. "But at least we are the same feelings," ani ko na ikinakunot niya ng noo niya. "W-What do you—oh f**k?" Lumapit ako sa kanya at mabilis lang na hinalikan ang kanyang labi. Tumingin ako sa kanya sabay kindat. "Profanity." "My moon, just straight to the point," hindi makapaghintay na sabi ni Yuhence. "Gusto din kita, Yuhence. Pero tulad mo ay natatakot din akong aminin ang nararamdaman ko dahil baka hindi tayo magkapareho," sagot ko at tumingin sa kaulapan. "Pero dahil umamin ka din na gusto mo ako, naglakas loob na din akong aminin ang nararamdaman ko." "Are you still innocent, baby?" natatawang tanong ni Yuhence. Nakanguso ko siyang tinignan. "Porke isa akong inosente hindi ko na alam ang ganyang pakiramdam?" "I just don't believe." "Maniwala ka. Dahil hindi naman ako nagsisinungaling sa nararamdaman ko sayo." Umangat ang dalawang kamay ni Yuhence at tinignan ko iyon. Bahagya pa iyong gumalaw na parang gusto niyang bigyan ko siya ng yakap. Ngumiti ako kaya agad ko naman siya yinakap. Ramdam ko ang kanyang paghalik sa aking gilid ng aking ulo. "When i say i like you, it means you are mine," ani ni Yuhence. Sa pagmamahal, pareho kayo tayo ng nararamdamang pagmamahal sa isa't-isa? Sana maamin ko sayo na mahal kita, pero hindi ko pa alam sa sarili ko kung mahal kita. Pero alam ko na gusto kita at gusto ko din ay akin ka. Kinabukasan ay nandito ako ngayon sa aking bahay at nandito din si Apollo na hindi ko naman inaasahan na bibisitahin ako. Masyado din daw siyang busy sa kanyang hinahawakan na company. Siya ang boss doon pero parang pagod na pagod lagi siya. "Kamusta naman yung vacation ninyo ni Yuhence sa Baguio?" tanong sa akin ni Apollo habang sumisimsim ng kape. "Ayos naman. Nakasama pala namin si Vivienne doon dahil sa Baguio ginanap ang medical mission." "Woah? Doctor na yung lil'sis ko?" "Soon to be doctor. Pero ngayon isa pa lang siyang ganap na nurse. I don't know why," ani ko na ikinangiti ni Apollo. "Suits to her. Ang basagulerang doctor." Dahil sa sinabi ni Apollo ay naisip ko na naman ang nangyari sa Baguio dahil sa pagsagot ni Viviennr sa Meerah. Napangiti ako dahil ang tapang niya at ang astig. "Why are you smiling like that?" dagdag na tanong ni Apollo at tinignan ko siya ng deretso. "Naisip ko lang si Vivienne. Ang cool kasi niya lalo na yung pinagtanggol niya ako sa babaeng humahabol kay Yuhence," nakangiting sagot ko. "She's always like that. Concern siya lagi sa mga taong kakilala niya na inaapi." "I like her attitude. Savage but cool." "Ganyan din ang naisip ko noong may kinalaban siya." Napangiti lang ako sa sinabi ni Apollo. Kung siguro may ganon lang akong kakayahan katulad ni Vivienne na sumagot sa nang-aapi sa akin? Siguro ay hindi na ako magagawang tapak-tapakan ang ugali ko nang ibang tao. "Kayo ba'ng dalawa ni Yuhence ay may namamagitan na sa inyo?" Para akong nabilaukan sa tanong ng pinsan ko. Hinuhuli ba niya ako? "Pardon?" kinakabahang anas ko. "Gusto mo ba si Yuhence, cous?" "Bakit mo naman naitanong yan?" "Bakit nga ba hindi? O si Yuhence ang may gusto sayo?" Pareho kaming may gusto sa isa't'-isa. "We're cool. I-I mean we're good." "Good as friends?" Bakit ba ganito ang mga tinatanong niya sa akin? O baka nagdududa siya sa aming dalawa? "Nevermind. As long as he does not hurt you, i will support you two." "Salamat, cous. You're the best," nakangiting ani ko sa kanya. Hindi ako sinagot ni Apollo. Bagkus sumeryoso lang ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Bakit parang nag-iba ang mga tingin niya? Parang may gustong ipahiwatig. "Why do you look at me like that?" "But i can't promise. Hindi ko kayang mangako na suportahan kayo hanggang Interior." Nagsimulang kumaba ang aking dibdib dahil sa binitawan na salita ni Apollo. Bakit hindi ko naisip ang bagay na iyan? "Alam mo naman ang rules doon. Hindi ka maaaring makapag-asawa kung walang pinanghahawakan na bansa ang taong mahal mo." Napayuko ako dahil sa idinagdag ni Apollo. Iniisip ko pa lang ang kakalabasan ng pagkagusto namin sa isa't-isa alam kong may malaking hadalng na. "Pero lagi mong tatandaan Amethyst. Nandito lang ako lagi sa likod mo," ani ni Apollo at tumayo upang tumabi sa akin sa pagkakaupo. "You like him?" "I do like him." Hindi ko inaasahan na kusang lalabas sa bibig ko ang sagot na gustong marinig ni Apollo. Dahil lang ata sa kabang nararamdaman kaya naamin ko ang nararamdaman ko. Pero sa tuwing iniisip ko ang Interior kinakabahan na ako ng sobra. "Do you think they will still accept Yuhence even if he is not a prince?" tanong ko kay Apollo at napayuko lang siya. "I don't know, cous." "Why did I even have this kind of life? I want to live a normal life, fall in love with normal and thoughtless rules," sagot ko at naluha. "Iniisip ko pa lang ang Interior parang wala na akong kakayahan na labagin ang patakaran nila." "I'm sorry kung sinabi ko pa sayo," sabi ni Apollo at pinunasan ang luha ko. Pero sa sinabi ni Apollo ay tama siya, kaya hindi ko siya masisisi na sinabi niya pa sa akin. Bakit hindi ko naisip ang patakaran ng daddy at mommy ko sa Interior? Ang Interior pa ata ang hahadlang sa aming dalawa. "Cous? Are you okay?" Tinignan ko si Apollo at umiling. "I'm not okay but it makes me think." "Ano naman ang iniisip mo? Iniisip mo ba si Yuhence?" tanong ni Apollo at tumulo na naman ang luha ko. "Pinagtagpo lang ata kami ni Yuhence. Pero hindi itinadhana." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD