CHAPTER 14

3435 Words
"Bakit ka pala nandito din sa Baguio, Doc Leander?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Nandito kami ngayon sa kotse ni Doc Leander, hindi ko din alam kung saan ba niya ako dadalhin. Pero ang alam ko lang ay gusto kong makaalis sa lugar na iyon kung saan ko nasaksihan si Yuhence at Meerah na magkahalikan. Pero ano naman ang karapatan ko para magdemand sa ginawa nilang dalawa? Wala akong karapatan. "Nagkataon din kasi na dito ang medical mission namin. I want to enjoy myself alone but i saw you." "Nakita mo ako kaya mo ako nilapitan?" "Yes. So I approached you because I also saw Yuhence kissing another woman while you were looking at them," nakangisi niyang sagot. Bumuga ako ng hangin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi ni Leander. Parang nakikita ko pa din ang nakita ko kanina sa mall. Bakit ko ba ito nararamdaman? Bakit si Yuhence ang nagpaparamdam nang ganitong kirot mula sa aking puso? Diba gusto ko lang siya? Gusto ko lang naman siya pero bakit ako nasasaktan? Ibig sabihin ba ng nararamdaman ko ay unti-unti ko nang minamahal si Yuhence? Pareho ba kami nang nararamdaman? Hindi. Hindi kayo pareho, dahil kung pareho kayo nang nararamdaman hindi niya magagawa ang bagay na magpahalik sa ibang babae, Amethyst. "I see," sabi ko upang lingunin ako ni Doc Leander. "What you see?" Naguguluhan ko siyang nilingon. "A-Ano?" "You said i see. Are you talking to yourself?" "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanya upang makaiwas sa kanyang tinatanong. Alam ko kasi na hahaba ang usapan naming dalawa kapag sinabi ko ang dahilan kung bakit ko kinakausap ang sarili ko. Para akong napapagod na magsalita kahit alam kong wala namang nakakapagod sa tanong ni Doc Leander. "Babalik na tayo sa Maynila." Nagulat ako sa sinabi ni Doc Leander. Bakit na kami babalik sa Maynila? Hindi naman siya ang kasama kong tumungo dito sa Baguio upang bumalik na kami doon agad-agad. Diba sabi niya may medical mission pa siya? Bakit ganito na lang ang kanyang binibitawan na desisyon? "N-Nakakabastos naman ang gagawin kong biglang pagbalik sa Maynila na hindi nalalaman ni Yuhence," napapahiyang anas ko. "Edi sasamahan ka namin magpaalam." Kumunot ang aking noo. "Sinong namin? May iba ka pa bang kasama Doc Leander?" "Yup. Si Vien." Napabilog ang aking bibig dahil sa sagot na ibinigay ni Doc Leander sa akin. Paanong nangyaring kasama niya si Vivienne sa medical mission na nandito ginawa sa Baguio. "You don't believe that Vien is with me now? I see. She's already a full-fledged nurse. Soon to be doctor like us," dagdag pa ni Doc Leander. "Parang gusto ko tuloy siya makita." "Later you will see her. So do you want to go back to Maynila? Or do you want to join us on the medical mission?" Napaisip ako sa tanong ni Doc Leander sa akin. Gusto kong sumama pero iniisip ko si Yuhence dahil hindi niya alam na umalis na ako sa bahay niya para tumungo sa medical mission. Mas maganda pa din yung magpapaalam ako sa kanya para malaman niya na may mahalaga akong gagawin. Para sa ganon ay madali ko na lang siya mapapayag na makaalis sa bahay niya. "I-Ihatid mo muna ako sa bahay ni Yuhence. Ibigay mo na lang sa akin yung address sa lugar kung saan ninyo isinasagawa ang medical mission," pilit ngiting sagot ko at bahagyang tumango si Doc Leander. "Ibibigay ko na lang din ang address ni Vien kung saan siya pansamantalang tumutuloy. Para kahit papaano ay may matuluyan ka." "Nakakahiya pero sige." Hinatid ako ni Doc Leander sa bahay ni Yuhence. Nagpresinta pa siya na sunduin niya ako kaya pumayag ako. Wala naman din akong alam dito sa Baguio kaya wala na din sigurong saysay na ibinigay niyang address sa akin kung susunduin naman din niya ako dito sa bahay ni Yuhence. Ngayon ay nandito ako sa kwarto na ipinagamit sa akin ni Yuhence upang ligpitin ang aking mga gamit. Nang makarating ako dito ay wala pa si Yuhence, pero hindi ko na siya hinanap pa dahil aalis naman din ako agad. Tatawagan na lang daw ako ni Doc Leander kung sakaling nandoon na siya sa labas ng gate. Tumingin ako sa wrist watch ko pasado alas-onse na nang umaga. Bumuga muna ako ng hangin bago ko ituloy ang aking ginagawa na ilagay ang mga damit ko sa maleta. "What are you doing?" Gulat akong napalingon sa pintuan dahil sa boses ni Yuhence na narinig ko. Salubong ang kanyang kilay habang nakatingin sa akin at bahagyan pang bumaba ang tingin sa maleta ko bago ulit nag-angat ng tingin sa akin. "I've been looking for you for godsake, Amethyst. Tapos madadatnan lang kita na nag-aayos ng gamit mo dito? Tell me? What are you f*****g thinking doing? Are you going to leave me again?" inis na dagdag pa niya. "Yes, I'm leaving because i have something to do to. So please don't stop me," seryoso kong sagot at pinagpatuloy ang aking ginagawa. "You're not going to leave me, Amethyst," hindi ko naman din inaasahan na biglang hahawakan ni Yuhence ang aking kamay sa ganong mabilis na galaw. Hindi ko naramdaman ang kanyang paglapit papagawi sa akin. "Do you have a problem with me? Hindi ka aalis kung wala akong ginagawa." "Wala ka nga bang ginawa?" mapait kong tanong at tinignan ko siya nang deretso sa kanyang mga mata. "I don't know what you are saying, Amethyst." "You don't know?" "Amethyst." "Just let me go, Yuhence. They need me." "You're not leaving me, Amethyst." Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Yuhence sa akin. Bago ko ulit pinagpatuloy ang aking ginagawa. "Baby..." "Just don't," bahagya akong umatras. "Just don't come near me, Yuhence." Para kong muling nakikita ang ginawa ni Yuhence sa mall. Pero ayokong sabihin na nakita ko. Dahil wala akong karapatan para magdemand sa harap ni Yuhence. Wala lang ako sa kanya. "Kailangan ko nang umalis Yuhence dahil may medical mission ako na kailangan puntahan. Ngayon lang sinabi sa akin ni Doc Leander kaya kailangan ko nang umalis," seryoso kong sagot pero si Yuhence ay bahagya lang lumakad papalapit sa akin. "Yuhence i said don't come near me." "I'll let you go but... i need to know your true reason." "A-Anong rason?" "Alam kong nakita mo na hinalikan ako ni Meerah sa mall." Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi ni Yuhence. Umiwas ako ng tingin at nangangapa kung ano ang isasagot ko sa kanyang sinabi. "Now tell—" "Ako pa talaga ang kailangan pang magsabi kung ano ang rason ko?" pagpuputol ko sa sasabihin niya. "Amethyst i just want to know the truth. Hindi ka aalis kung wala lang." "Aalis ako dahil meron akong kailangang gawin." "Just tell me are you f*****g jealous to her?!" sigaw na tanong niya sa akin kaya napapikit ako dahil sa kanyang pagsigaw. "Hindi ko gusto na halikan niya ako." "Hindi mo kailangan magpaliwanag sa nangyari kanina Yuhence dahil wala naman akong pakialam," matapang na anas ko na ikinatahimik niya. "I mean i don't even know why you bothered to explain in front of me even though i don't care." "You gotta be kidding me, Ms. Innocent," natatawang sabi ni Yuhence dahil sa sinagot ko. "No, i don't." "You f*****g don't care? Like damn dude! I am care because you are mad at me! You're mad because what i did! And i know you hurt." I didn't mean to fall in love, but i did. You didn't mean to hurt me, but you did. Tinignan ko lang si Yuhence sa kanyang mga mata na walang bahid na emosyon na makikita sa akin. Sa totoo lang hindi naman niya talaga kailangan magpaliwanag sa harap ko dahil hindi niya na kailangan magpaliwanag. Bakit pa niya kailangan ipaliwanag kung hindi ko naman alam kung ano ba talaga ang tingin namin sa isa't-isa? Sometimes you need to know your place in someone's life, because you might get hurt if you expect too much. "Hindi ako nasasaktan Yuhence maniwala ka 'man sa hindi, hindi ako nasasaktan. Wala lang sa akin ang nakita ko at hindi ko nga alam kung bakit ka niya hinalikan at bakit mo naman hinayaan na magpahalik sa kanya? Look, what i saw meant nothing to me," sagot ko pa at bahagyang dumaan sa gilid niya upang isara ang maleta ko. "Yuhence!" Kaya ako sumigaw dahil hinila niya ang maleta ko upang magkalat ang mga damit ko sa lapag. Masamang tingin ang ginawad ko sa kanya nang muli ko siyang tignan ng deretso. "Ano bang problema mo?!" "Baby, just don't leave me," emosyonal niyang sabi na ikinalingon ko sa gilid. "May medical mission akong kailangan puntahan, Yuhence. Mahalagang bagay ang pupuntahan ko, kaya sana naman wag mong masamain ang biglang pag-alis ko. Dahil makikita mo naman ako." "No! Hindi ka aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos!" sigaw ni Yuhence. "Wala ka naman sinisira Yuhence kaya wala kang kailangan ayusin." "What? Damn dude? I mean ayusin natin kung ano 'man ang meron sa atin. Napakainosente mo." "There is no us," mabilis kong sagot na ikinatahimik ni Yuhence. "Yeah, I'm innocent. Inosente 'man ako pero hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Yes, you know I don't really know the love that two people do. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko talaga alam kung ano ang pagmamahal at pagkakagusto sa taong hindi ka naman magawang gustuhin." Bahagyang kumunot ang noo ni Yuhence dahil sa sinabi ko at bahagya din siyang nagmartsa papagawi sa akin. Ako naman ay bahagyang umatras dahil sa ginagawa niyang paglapit. "You like me?" "Iyon ba ang dating sayo?" "Yes." "Pwes, nagkakamali ka" mabilis kong sagot. Tumunog ang aking cellphone pero hindi ko na nagawang tignan kung sino ang caller dahil basta ko na lang iyon sinagot. Nanatili ang mata ko kay Yuhence at pinakinggan ang boses sa kabilang linya. "Amethyst, matatagalan ka pa ba?" "D-Doc Leander," doon ko na lang nagawang talikuran si Yuhence at lumabas ng silid upang lumabas na sa kanyang bahay. "Nandyan ka na ba?" "Yes. Kakarating ko lang din. So where are you?" "I'm own my way." "Okay. See you," aniya pa niya at siya na ang nagbaba ng linya. Tatapak pa lang sana ako sa hagdanan na bigla na namang hilahin ni Yuhence ang kamay ko. Ngayon ay may bahid na ng inis ang kanyang mga mata. Ako naman ay binabawi ang kamay ko pero mas lalo niya iyong hinigpitan. "Let me go!" sigaw ko pero parang bingi si Yuhence. Hindi niya ako sinagot padarag niya akong hinila pabalik. Akala ko ay papasok muli kaming dalawa sa kwarto kung saan kami nagsagutan, ngunit mali ako. Pumasok kaming dalawa ni Yuhence sa loob nang kanyang kwarto. Padarag niya ulit akong hinila upang mapunta ako sa harap niya. "Ano bang problema mo?! Look, maraming naghihintay sa akin sa medical mission kaya hayaan mo akong umalis!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ka aalis, Amethyst. Hindi ka aalis hangga't hindi tayo nagkakaayos!" "Ayos tayong dalawa!" "No!" "Yes!" "No!" "Ye—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko na biglang hawakan ni Yuhence ang dalawang pisngi ko at sinakop ang mga labi ko. Nanlaki pa ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawang paghalik ngunit parang masyadong takam si Yuhence na halikan ako sa labi. Siya lang ang gumagalaw sa labi namin sa isa't-isa at bahagya niyang sinisipsip ang aking pang-ibabang labi. Hanggang sa tuluyan na akong napapikit at dahan-dahang sinundan ang bawat paggalaw ng labi ni Yuhence sa labi ko. Bahagya siyang umabante ng hakbang at ako naman ay napaatras hanggang sa napahiga ako sa kama at siya naman ay nasa ibabaw. Hindi ko alam kung bakit sa ganong paraan nang aming galaw ay nakadikit pa din ang labi namin ni Yuhence nang bumagsak ako sa kama. Parehong inangat ni Yuhence ang dalawang kamay ko sa pinakauluhan ko habang hinahalikan niya ako. Ramdam ko ang pananabik sa kanyang mga halik. Umabante ang kanyang halik sa aking pisngi paibaba sa aking leeg. Nagsimulang kumaba ang aking dibdib dahil ang labi ni Yuhence ay naroon na sa aking leeg. Kumalas ang kanyang isang kamay at pumadausdos iyon sa braso ko at mula roon ay hinaplos ni Yuhence ang balat ko at pinisil na animo'y nanggigigil. Muling bumalik ang labi ni Yuhence dahilan para muli akong halikan nito. "f**k," mula roon ay nagsalita si Yuhence habang magkadikit ang aming labi. Nagmumura na naman siya! Tumigil siya sa kanyang paghalik at matamahan akong tinignan nang deretso sa aking mga mata. Bumaba ang tingin niya sa aking labi kaya nakagat ko iyon. "Can i..." "What?" para akong masasamid sa aking tanong sa sobrang kaba. "Can i touch it?" "A-Ano ang hahawakan mo?" "Your boobs." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yuhence. Bakit niya hahawakan ang dibdib ko? Wala ba siyang dibdib? Bakit dibdib ko pa ang gusto niyang hawakan? Hala! "W-Wala ka bang dibdib?" "What?" kumunot ang kanyang noo dahil sa tanong ko. "Bakit mo hahawakan ang dibdib ko? Wala ka bang dibdib kako?" "Oh f**k," ani niya at umalis sa pagkakaibaw sa akin. "Your such a baby." Tumayo ako at naupo din kagaya ni Yuhence. Ang kanyang mukha ay bahagyang nakatagilid sa akin kaya kita ko ang ilong niyang matangos. "Are you still mad at me, my moon?" Kailan pa ako naging buwan? "Bakit ba patuloy mo pa din tinatanong na kung galit ba ako sayo?" "Because you saw what i did." Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung nagalit ba ako pero wala akong nararamdaman na kahit ano. Pero iisa lang ang tanging nararamdaman ko sa puso ko. Nagseselos ako. "B-Bakit ka ba niya hinalikan? A-At bakit ka nagpahalik?" "Sabi niya titigilan na daw niya ang paghabol ko kung isang halik lang ang ibibigay ko sa kanya." Napalunok ako sa kanyang isinagot. Hindi sagot ang halik kung gusto mong umiwas sa taong ayaw mo naman gustuhin. Pero hinabol daw siya. "Napagod ka ba?" tanong ko sa kanya at nilingon niya ako. "What?" "Hinahabol ka niya diba. Napagod ka ba?" "Oh damn." "Profanity," turo ko sa bibig niya at ngumisi siya. Pero hindi ko naman din inaasahan na hahalikan niya ako pero mabilis lang. "P-Para saan yon?" "Kiss me. Halikan mo ako kapag naririnig mo akong magmura." "Kapag ba ginawa ko yon titigil ka na sa pagmumura?" Napaisip siya sa tanong ko. "Hmm, yeah?" "Deal," comfident na sagot ko. "Pero. Pwede mo ba akong samahan?" "Where?" "Nandoon si Vivienne sa medical mission kasama ko. Isa s'yang ganap na nurse na magiging doctor din daw balang araw." "Pansamantalang nurse?" "Siguro. Iyon ang sabi sa akin." "When?" "Now," ani ko at tumayo sa pagkakaupo sa kama. "Okay," sagot niya at tumayo na din. Nandito na kami sa sasakyan ni Yuhence at patungo sa lugar ng Baguio Midland kung saan ginagawa ang medical mission. Tinawagan ko si Doc Leander kung nasaan siya pero ang anas niya ay nandoon na din daw siya sa medical mission kasama si Vivienne. "We're here," ani ni Yuhence at naghanap kung saan pwede iparada ang kanyang sasakyan. Lumakad na kami papasok at mula rito ay masyadong maraming tao. Tumungo kami sa pinakaunahan kung nasaan ang lamesa at mga kagamitan. Mula rito ay kita ko si Vivienne at Doc Leander na nag-aasikaso ng mga tao. "Doc Leander," nakangiting tawag ko. Nag-angat ng tingin sa akin si Vivienne at nanlaki pa nang bahagya ang kanyang mga mata bago ako lapitan at yakapin. Nakangiti ko siyang yinakap pero ang mata ko ay na kay Doc Leander na nakatingin kay Yuhence. "Hindi ko inaasahan na nandito ka din pala," ani ni Vivienne sabay tingin kay Yuhence. "Kasama mo din pala yung sperm na baog." "H-Ha? Sperm na baog? Ano yon?" "Don't mind her. She's crazy," sagot ni Yuhence at inambahan naman siya ni Vivienne ng sapak. "Baliwin kita sa suntok tamo. Sperm to," sabi niya sabay tawa. "O siya, tulungan mo na lang kami Amethyst pagtapos neto ay tungo tayo sa resto bar na nadaanan namin ni Leander." "Kanina pa niya ako niyayaya doon kaya pumayag ka na, Amethyst," singit ni Doc Leander sa usapan at pinagpatuloy ang ginagawa. "Sige," nakangiting sagot. Tumulong na din ako sa kanila. Pero si Yuhence ay nakaupo lang sa tabi ko habang tinitignan akong magsulat at magbigay ng gamot. Medyo nakakailang pero hindi ko na lang siya pinansin. Nakakapagod 'man ay masaya akong nakatulong sa kanila. May susunod na bukas pa daw ang aming serbisyo pagtapos no'n ay pwede na daw kami bumalik na apat sa Maynila at hayaan na lang daw ang doctor ng Baguio na magbigay ng serbisyo sa mga tao na nandito sa Midland. Hindi daw sila dapat ang gumagawa neto dahil marami daw ang may kailangan kay Doc Leander sa Maynila. Pero sadyang sumama lang daw siya ng mga ilang araw para daw makatulong kahit papaano. Ngayon ay nandito na kaming apat sa sinasabi ni Vivienne na resto bar at nakaupo habang kumakain na may alak sa tabi. Hindi naman masyadong hard para lang daw itong pampatulak sabi niya. "Buti pinayagan ka ni Esther na tumungo dito sa Baguio na hindi siya kasama?" ani ni Yuhence. "Sabi ko naman kasi trabaho lang ito kaya wag niya bigyan ng bigdeal." "How's your daughter?" "She's sweet and fine." Katabi ko si Yuhence habang katabi naman ni Vivienne ay si Doc Leander. "Kamusta ka naman, Amethyst?" tanong ni Vivienne sa akin at nag-angat ng tingin sa kanya. "Kayo ni Yuhence kamusta?" Napatingin ako kay Yuhence ng sandali bago tumingin ulit kay Vivienne. "Ayos naman kami," ngiting sagot. "Ganon kabilis?" ani ni Doc Leander. "Sperm ka. Anong pinuputok ng sperm mo?" baling sa kanya ni Vivienne. "Nothing." Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pero sa sandali pa lang ay biglang may tumawag kay Yuhence upang mapalingon kaming tatlo sa gawi no'n. "Yuhence, baby!" "What the hell, Meerah?" ani ni Yuhence dahil bigla siyang yinakap nito sa leeg. "Kanina lang ay magkasama tayo now you're here. I miss you, baby." "Just leave, Meerah. God!" "But why—" hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin na bigla niya akong tignan. "Oh? The b***h is here? Kaya mo ba ako pinapaalis dahil dito sa peste mong babae?" Nakaduro siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pero iyon na lang ang gulat ko na biglang binagsak ni Vivienne ang kanyang kamay sa lamesa at biglang tumayo upang harapin si Meerah. "King ina. Ano bang pinuputok ng bunganga mo? Hindi mo ba naaamoy ang bibig mo? Yung laway mo tumatalsik sa kinakain namin kaya mahiya ka baka may sakit kang nakakahawa," inis na sabi ni Vivienne na ikinanganga ko. "And who the f**k are you? Isa ka din ba sa lumalandi kay Yuhence?" "Aba? Isa ka bang sperm na baog? Hoy, wag mong i-described ang pag-uugali mo dahil sa labas pa lang ay basang-basa ko na." "Vien calm down," pagpapakalma ng dalawa at ako naman ay nakikinig lang. "Like what? Na pretty ako? I know right b***h. At siya naman ay saksakan ng pangit kaya hindi ko malaman kung bakit nagustuhan ni Yuhence," duro sa akin ni Meerah. Pero siya ay dinuro din ni Vivienne. "Hoy Ms. Mananapak. Porke't mukha kang paa mananapak ka na ng tao? Tss. Mali yon." "What?" Hindi siya sinagot ni Vivienne bagkus kumuha ito ng kutsilyo na nakalatag sa mesa namin. Hindi naman iyon matalas, panghiwa lang iyon sa karne na kinakain namin. "Gusto mo bang saksakin kita ngayon? Mamili ka? Aalis ka dito na walang ginagawang ingay, o sasaksakin kita habang sumisigaw sa sakit? Choose wisely bago ako mawala sa ulirat at masapak kita." "Y-You're creepy!" sigaw ni Meerah sabay tingin sa akin. "Remember this b***h. Yuhence is—" Hindi niya ulit natuloy ang sasabihin niya na biglang ibagsak ni Vivienne ang kutsilyo sa mesa upang tumusok doon. Nakakatakot siya. "King ina alis na!" sigaw ni Vivienne upang mapaalis sa takot yung Meerah sa harap namin. Muling umupo si Vivienne sa upuan at sabay ngiti sa akin. "Ginagago ka ba ng babaeng yon?" "H-Hindi ko alam," sagot ko. Nakakatakot naman si Vivienne kalabanin. Normal lang ba na ganito siya makipag-usap? Bakit hinayaan lang ng dalawa? Nakakatakot. "Gaguhin mo din para ebribadi hapi," ani pa niya sabay pinagpatuloy ang pagkain. Masama yon kaya ayoko. Napatingin ako kay Yuhence dahil hinawakan niya ang aking kamay sa ilalim ng mesa. Lumapit ang kanyang mukha sa aking tenga at may binulong upang ako lang ang makarinig. "I like you, my moon. So damn much." Yuhence... To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD