Hating gabi na kami nakarating ni Yuhence sa kanyang sinasabing bahay. Masyadong malaki at masyado din maganda ang pagkakadisenyo. Hindi masyadong pangit sa mata ang kulay ng kisame at nakakasigurado din na ako na mamahalin lahat ng kanyang kagamitan na nandito sa loob ng bahay. Nakakahanga dahil sa ganda at ayos ng mga gamit sa paligid.
"Sino gumawa ng bahay na ito Yuhence?" tanong ko habang tumitingin sa paligid.
"Mr. Engineer. Yuhence Won De Vera," sagot niya kaya napatingin ako sa kanya ng deretso. Ayon na naman ang pagngisi niya na nakakapanghina ng damdamin ko.
"Seryoso ka?"
"Do i look like I'm joking?"
"Sabi ko nga ikaw," pagsuko ko at muling binaling ang paningin sa paligid.
"Do you want to rest?"
"S-Saan mo ba ako patutulugin?"
"Sa kwarto," sagot ni Yuhence at nilagay ang isang kamay sa kanyang bulsa.
"Sige. Medyo napagod din ako sa biyahe," nakangiting anas ko at bahagya syang tumango.
"Let's go. I'm sleepy too."
Nauna si Yuhence na maglakad patungo sa hagdanan. Mula sa likod ay grabe din ang pagkakagusot ng kanyang polo. Grabe naman. Ganyan ba magtrabaho ang isang engineer? Nagugusot ang polo? Bakit ako kapag nagtatrabaho ay maayos pa din ang kasuotan ko at hindi kailanman nagusot. Hindi ata maingat si Yuhence o masyado ba syang malikot? Paano ba siya magtrabaho? Nakahiga ba? Nakadapa? Nakatagilid? Bakit iba ang nararamdaman ko?
"Dito ang kwarto mo. And this is my room," turo niya sa magkatapat lang na pintuan.
Hindi ako sumagot, ang paningin ko lang ay nasa pintuan at wala kay Yuhence.
"Pahinga ka na," dagdag pa ni Yuhence na ikinatingin ko sa kanya.
"Sige," mahinang anas ko at binuksan na ang pintuan. Muli ko pang tinignan si Yuhence at pilit na ngumiti sa kanya. "Good night Y-Yuhence."
"Sweet dreams," sagot niya.
Hindi na ako sumagot. Sinarado ko na ang pintuan at pinindot ang lock bago sumandal doon. May piano mula sa gilid ng kama na malayo kaunti doon. Pero bakit iba ang pakiramdam ko. Bumigat ang pakiramdam ko. Ano ba kasi ang iniisip ko? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bumuga muna ako ng hangin bago tumungo sa kama at binagsak ang katawan ko doon. Nakatingin lang ako sa puting kisame at pinapakiramdaman ang sarili ko kung inaantok na ba ako. Pero parang hindi pa. Hindi pa ako nakakaramdam ng antok.
"Hindi talaga ako makatulog!" mahinang anas ko at nagpagulong-gulong sa malaking kama. Tumingin ako sa wrist watch ko at nanlaki ang aking mata. "2 AM na. Bakit ba hindi pa din ako nakakaramdam ng antok?"
Pilit naman akong pumipikit pero sadyang ayaw pa ng mga mata ko. Hindi pa ako dinadalaw ng antok ko, anong oras na pero hanggang ngayon ay gising pa din ako. Hindi ko malaman kung bakit ako ganito ngayon. Dahil ba siguro sa naiisip ko kanina kay Yuhence? Baka nga?
"Bakit ba kasi ganon ang itsura ng polo ni Yuhence?" mahinang tanong ko sa aking sarili. "Ibang-iba kasi tala—ay kalawakan!"
Napasinghal na lang ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na katok na nagmula sa labas ng pintuan. Ang ganda na nang aking pagmumuni pero biglang may eeksena sa moment ko. Anong oras na bakit may nakatok pa din ng ganitong oras? Agad akong tumayo sa pagkakahiga sa kama upang tumungo sa pintuan at buksan kung sino ang tao doon. Bakit ko pa kailangan alamin kung sino ang tao doon sa labas ng pintuan kung alam ko naman kung sino. Kami lang naman dalawa ang tao dito kaya syempre ay papasok sa isip ko na si Yuhence ang nandoon sa labas.
"Ha? Bakit wala?" tanong ko sa aking sarili na walang tao sa pagbukas ko ng pintuan. "May kumakatok dito kanina lang bakit ngayon ay wala naman tao dito?"
Nakakapagtaka lang na masyadong malakas ang pagkakatok dito kanina ngunit bakit ngayo'y walang tao dito? Binibiro ba ako ngayon ni Yuhence? Tinignan ko ang pintuan sa harap ng kwarto ko na mula sa loob ng isang kwarto ay nandoon sa loob si Yuhence. Humakbang ako papalapit doon at akma sana ako kakatok ngunit may narinig akong parang may nagsasalita.
Dinikit ko ang aking tenga sa pintuan ng dahan-dahan upang marinig kung sino ang kausap ni Yuhence. Napakunot ang aking noo dahil hindi ko masyadong marinig ang boses niya. Sino ba kausap ni Yuhence? Kami lang naman dalawa ang tao dito, at imposible naman kung nakakausap niya ay isang multo dahil hindi naman maaari yon.
"How many times do i have to tell you that i don't like you Meerah?"
Meerah? Parang narinig ko na ang pangalan na yan noon. Siya ba yung Meerah na manager ni Yuhence na kanyang sinesante? Ano naman ang ginagawa n'ya dito?
"Bakit parang may kinakalimutan ka sa nangyari sa atin Yuhence?"
"What?"
"Amnesia? We make love Yuhence before you came here. Something happened to the two of us. You tasted me again twice," sagot ng Meerah na ikinagulat ko.
Totoong may nangyari sa kanila? Kailan pa?
"Are you joking? Kahit sobrang landi mo Meerah ay hindi kita nagawang tikman."
"Oh really? Look at your neck Yuhence, may hickey ka sa leeg mo at ako mismo ang naglagay. So tell me? How do you explain to Amethyst that you say you like what happened to the two of us?!"
Bakit parang ang bigat na naman sa pakiramdam ang naririnig ko? Hindi ko kayang paniwalaan ngunit parang nagsasabi si Meerah ng totoo.
"What? You have nothing to say? O gusto mo ako pa ang magsasabi kay Amethyst kung ano nangyari sa ating dalawa?" dagdag na sabi pa ni Meerah.
"Shut up the f**k up Meerah. Masyado kang bobo at masyado ka pang desperada para lang makuha ako. You know what? You are bullshit!"
Ayan ka na naman Yuhence pati babae minumura mo. Ang bastos talaga ng bunganga mo.
"You're so mean Yuhence! Respect me!"
"Gusto mong respetuhin kita? Pero ako hindi mo nirerespeto at talagang sinundan mo pa ako dito para lang sabihin sakin yang kasinungalingan na pinuputak mo?! Tsaka na kita rerespetuhin kung umaakto ka sa tama, doon lang kita rerespetuhin kung talagang karespe-respeto ka na," mahabang sabi ni Yuhence. "If you want to be respected, you must respect yourself first."
"What?!"
"Lumayas ka na dito Meerah. Bago pa ako mawala sa ulirat baka hilahin kita palabas."
"No! Hindi ako aalis dito! You are mine Yuhence."
"I'm not yours Meerah. Wag kang desperada. Now get out of here."
"I'll be back baby," malambing na anas ni Meerah.
"f**k you."
Rinig ko ang yabag na papalapit dito sa pintuan. Hangga't hindi pa sila tuluyan nakakalabas ay mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko ulit. Napasandal ako sa pintuan ng maingat akong hindi nila nakita. Laking pasalamat ko naman din at hindi nila ako napansin. Pero masyadong mabigat sa pakiramdam ang narinig ko. Eto na naman ang pakiramdam na nandidiri ako. Bakit ko pa kasi kailangan marinig ang ganong bagay? Kasalanan ko naman din kasi. Masyado akong chismosa. Ayan tuloy, masyadong masakit.
Mawawala din yan Amethyst. Basta inhale and exhale mo lang. Okay? Go.
"Inhale, exhale. Inhale, exhale," sabi ko habang lumalakad patungo sa kama. Pinaulit-ulit kong sabihin ang kataga na iyon hanggang sa maihiga ko ang katawan ko sa kama. "I-Inhale, e-exhale. Inhale, e-exhale."
Hindi ko na pala namalayan na naiyak na pala ang mga mata ko. Hinawakan ko ang aking pisngi at ramdam ko ang luha na tumulo sa gilid. Bakit ako umiiyak? Bakit ko kailangan iyakan ang narinig ko mula sa kanila? Bakit ang sakit? Bakit ko ito nararamdaman? Ganito ba ang pakiramdam ng pagkakagusto sa isang tao? Ang masaktan sa ganitong sitwasyon? Pero may karapatan ba akong masaktan?
"Wala kang karapatan Amethyst. Wala kang karapatan. Dahil tulad mong isang inosente ay walang karapatan sa isang Yuhence Won De Vera," mahinang anas ko. "Please stop crying. Strong ka diba? Strong."
Pero sadyang makulit ang mga mata ko. Hindi sila tumitigil sa pagtulo dahilan para igalaw ko ang aking katawan upang pumewesto nang nakadapa. Doon ako umiyak ng umiyak. Bakit ko ba kasi kailangan umiyak? Tumayo ako sa pagkakadapa at umupo sa gilid. Nahagip ng mata ko ang piano kaya agad akong tumayo at tumungo doon. Mula sa interior ay natuto akong tumugtog ng piano. Kaya hindi na bago sa akin ang ganitong intsrumento. Umupo ako doon at pwinesto ang daliri ko. Ramdam ko pa din na natulo ang luha ko kaya agad ko iyon pinahid.
Muli ko ng pwinesto ang aking daliri upang patugtugin ang alam kong kanta. Bumuga muna ako ng hangin bago ko bigkasin dahan-dahan ang salita na aking aawitin.
Fly me to the moon
Let me play among the stars
Let me see what spring is like
On a, Jupiter and Mars
In other words, hold my hand
In other words, baby, kiss me
Fill my heart with song
And let me sing for ever more
You are all I long for
All I worship and adore
In other words, please be true
In other words, I love you
Muli ko pang tinipa ang piano hanggang sa magawa kong tapusin ang kanta. Ngunit agad na lang ako napatigil at napalingon sa pinanggalingan ng palakpak mula sa aking likuran.
"Y-Yuhence," dahan-dahan humina ang kanyang pagpalakpak ng magkatitigan ang aming mga mata. Hindi ko namalayan na pumasok siya dito sa loob ng kwarto na kanyang ipinapagamit sa akin. "W-What are you doing... I mean here. What are you doing here?"
"And what's that tears on your pinky cheeks?"
Nakaramdam ako ng kaunting kaba ngunit hindi ito katulad ng kaba na nararamdaman ko noon. Parang simple na lang ito na walang bahid ng takot sa aking isasagot.
"Am... m-masyado kasing malungkot ang kanta na inawit k-kaya naiyak ako," pagsisinungaling ko na ikinangisi ni Yuhence.
"Walang nakakalungkot sa kinanta mo Amethyst," seryoso niyang tugon. "Tell me... why are you crying?"
"Wala. Maniwala ka mula lang ito sa kanta na inawit ko at wala ng iba."
"Really?" parang hindi naniniwala niyang tugon at dahan-dahan na lumakad papagawi sa akin. "Cry as hard as you want to, but just make it sure that when you stop crying you'll never cry again for the same reason."
Napalunok ako sa sinabi ni Yuhence. Masyado bang malakas ang kanyang pakiramdam upang malaman niya na hindi totoo ang aking dahilan? Ngayon ay nakatingala na ako kay Yuhence dahil tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin siya ng deretso sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ko nagawang labanan ang mga titig ni Yuhence na parang tumatagos at lumulusaw sa pagkatao ko.
"May narinig ka ba?" hindi ko inaasahan na itatanong niya.
"H-Ha? A-Anong narinig ko? Saan ako may narinig?"
Kung yung boses ko ay kinakabahan tiyak na makakahalata si Yuhence na nagsisinungaling lang ako. Ano ba ang kailangan kong sabihin na dahilan sa kanya para lang maniwala s'ya sa aking paliwanag? Wala akong maisip. Dahil parang hindi ko kayang magsinungaling sa isang Yuhence Won De Vera.
Agad na lang ako napalunok dahil sa biglang paghawak ni Yuhence sa aking baba. Doon ko na lang din nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa ginawa ni Yuhence.
"Tell me? Do you hear everything?" dagdag pa na tanong ni Yuhence.
"Maniwala ka sa akin wala akong narinig. A-At tsaka, hindi pa ako lumalabas ng kwarto mula kanina nakatulog ako ng kaunti ngunit agad din nagising. Kaya eto tumugtog ako ng piano para muli akong makaramdam ng antok," pagsisinungaling ko na ikinabitaw ni Yuhence sa baba ko. Akma niya sanang hahalikan ang aking noo ngunit agad akong umiwas ng tingin at biglang tumayo sa pagkakaupo. "M-Makakalabas ka na Yuhence matutulog na ulit ako."
"Amethyst? Are you mad at me? Did i do something wrong?"
Wala kang ginawang mali pero dahil sa mga narinig ko ay masyadong masakit. Pero sino naman ako para sabihin sayo na nasasaktan ako? A-At nagseselos ako.
"Wala, Yuhence. G-Gusto ko na kasi matulog, ikaw din matulog ka na."
"I don't believe you," seryoso niyang sabi.
Nagmartsa ako patungo sa pintuan at ako na ang nagbukas ng pintuan para kay Yuhence. Pilit akong ngumiti kay Yuhence para ipakita sa kanya na kunwari ay ayos ako.
"Believe me Yuhence, I'm not mad at you."
"You're lying," mahina niyang anas pero narinig ko pa din. "Galit ka sa akin dahil sa hindi ka nagpahalik sa noo mo."
Hindi na dinagdagan ni Yuhence ang kanyang sasabihin dahil nagpatuloy s'ya sa paglalakad papalabas sa loob ng kwarto. Narinig ko pa na sumara na ang kanyang pintuan kaya isinara ko na din yung pintuan ng kwarto ko. Mabigat na bugtong hininga ang aking pinakawalan bago na ulit ako tumungo sa kama at nahiga. Hindi pa din talaga ako inaantok kaya kinuha ko ang cellphone ko pati ang earphone. Eto ang paraan para mawala ang bigat ng nararamdaman ko. Ang makinig ng musika.
He's starin' at me
I'm sittin', wonderin'
What he's thinkin'
Nobody's talkin'
'Cause talkin' just
Turned into screamin'
And now is I'm yellin'
Over him,
He's yellin' over me.
All that that means
Is neither of us is listening,
(And what's even worse)
That we don't even
Remember why were fighting.
So both of us are mad for
Doon na lang ako napapikit dahil sa kanta na naririnig ko.
Boy, I don't wanna go to bed
(Mad at you)
And I don't want you to go to bed
(Mad at me)
No, I don't wanna go to bed
(Mad at you)
And I don't want you to go to bed
(Mad at me)
Oh, no, no, no
Hanggang sa nakatulog ako dahil sa mga kanta na napapakinggan ko. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa katok na nagmumula sa labas ng pintuan. Bumangon ako habang nakapikit pa ang mga mata ko. Inaantok pa din ako kaya kinusot ko ang aking mata habang binuksan ang pintuan. Hihikab pa sana ako sa antok pero nanlaki ang mata ko at napatakip sa bunganga.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakatakip pa din ang kamay ko sa bibig ko. Baka kasi mabaho ang hininga ko.
"Dress up we're going out," sabi ni Yuhence na ikinatingin ko ang itsura niya mula ulo hanggang paa.
"Ang ganda ng hoodie mo," mahinang anas ko.
Simpleng pormahan lang ang suot ni Yuhence. Nakaputing pantalon at naka-hoodie na maroon na may disensyo na buwan banda sa kanyang dibdib. May nakasulat mula roon kaya tinignan ko ng maiigi.
The moon. You and I.
"M-Maliligo lang ako," sagot ko at biglang sinara ang pintuan.
Nabastusan ba siya sa ginawa ko? Naalala ko na naman kasi yung narinig ko kaninang madaling araw. Nag-asikaso na ako at naligo. Simpleng long-sleeve na dress lang ang suot ko at pinatuyo ko muna ang buhok ko bago ko ipusod at nag-iwan ng kaunting buhok sa dalawang magkabilaang gilid ng tenga ko at kinulot para maganda tignan. Hindi na ako naglagay ng disenyo sa aking mukha dahil sapat na ako sa itsura ko. Lumabas na ako at namatahan ko si Yuhence na nakasandal sa pader habang naka-cross ang kamay habang nakapikit. Oo, nakapikit.
"Yuhence. Tara na," pagtawag ko at nakita ko pa ang kanyang mata na dahan-dahan dumilat. Napakagat ako sa aking labi dahil tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "B-bakit?"
"Nothing. You're pretty. Ah cut that, you look like my..."
"My?"
"My future girl," ani niya at nagmartsang lumapit sa akin at sabay hawak sa aking kamay. "Let's go."
"S-Sige."
My future girl? Ako?
Sumakay na kami sa sasakyan ni Yuhence at tinahak ang daan kung saan hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang hawak ni Yuhence ang kamay ko.
"Where we going?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Mall," simple niyang sagot at tumango lang ako.
May mall pala dito sa Baguio. Cool.
Nakarating na kami ni Yuhence sa sinasabi niyang mall. Masyado iyon maganda kaya napalinga-linga ako sa paligid.
"Are you hungry? Let's eat first."
"Sige. Kasi hindi pa ako nakain eh," sagot ko sa kanyang sinabi habang busy ang aking mata sa kakatingin sa paligid.
Napatigil na lang ako bigla dahil sa nakita kong dress. Kulay purple iyon at hindi masyadong masakit sa mata. Nauna si Yuhence na naglalakad kaya hindi niya namalayan na hindi ako nakasunod sa kanya dahil nakahinto ako dito sa boutique shop. Gusto kong mabili ang dress na yan. Siguro mamaya ay babalikan ko ulit ito kasama si Yuhence para mabili ang dress na ito. Napangiti ako at nagpatuloy na sa paglalakad pero wala akong Yuhence na nakita.
"Asan na yung lalaki na iyon?" tanong ko habang nagpapalinga-linga sa paligid.
Hindi ko mahagilap si Yuhence masyado din maraming tao kaya nahihirapan. Lumiko ako sa pasilyo na baka sakaling makita ko siya dito at oo nakita ko nga siya. Nakita ko siyang may kahalikan na iba. Napatigil ako, hindi naman siya ang humalik sa babae dahil ang Meerah na iyon ang nag first moved para mahalikan si Yuhence. Pero bakit hindi umangal si Yuhence? Bakit ang sakit?
Nang maramdaman kong tutulo na ang luha ko ay napaatras na lang ako bigla upang talikuran sila. Ngunit sa pag-atras ko ay may biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa lalaki bago tumulo ang luha ko.
"D-Doc Leander."
"Nice view. It really hurts," ani niya habang nakatingin din sa gawi ni Yuhence. "Let's go. Hindi mo kailangan makakita ng ganitong kaganapan, because it hurts you so much."
Hindi na ako pinagsalita pa ni Doc Leander dahil agad niya na akong hinila papalayo. Sariwa pa din sa isip ko ang nakita ko. Masyado din masakit at sa sobrang sakit para akong dinudurog.
To be continued. . .