Dumating ang biyernes ay nakahanda na ako sa pag-alis namin ni Yuhence patungo sa Baguio. Sa ngayon ay hinihintay ko pa siya dito sa bahay ko, gabi daw kami aalis at ngayon ay alas-sais na ng gabi at malapit nang mag-alas siyete. Hindi ko na din siya tatawagan dahil alam ko naman din na patungo na siya dito sa bahay ko. Si Apollo naman ay masyadong maraming paalala ang nilalatag sa akin na animo'y para pa akong isang bata na kailangan sundin ang sinasabi niya.
Well, kaya siya ganon dahil alam kong pinoprotektahan niya lang ako o para sa ikakabuti ko. Kaya bakit ko naman hindi susundin? Simpleng paalala lang naman iyon kaya susundin ko na lang ang sinabi niya. Pero sadyang alam kong hindi ko iyon masusunod minsan dahil si Yuhence ang kusang nalapit sa akin na sobrang lapit upang magkadikit na ang mga balat namin. Baka naman maging bastos ako sa kanya kung iwasan ko siya na wala namang dahilan.
"Nasaan na kaya si Yuhence?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa aking relo. Alas-siyete na ngunit wala pa din siya. "Hindi na ata kami matutuloy."
Nakakalungkot naman kung hindi kami matutuloy dahil umasa pa naman ako. Umasa ako na mararating ko ang sinasabi niyang lugar, gusto ko talagang puntahan ang Baguio. Bumuga muna ako ng hangin dahil sa bigat na nararamdaman ko. Akma na sana akong tatalikod upang pumanik sa hagdanan na may tumawag sa akin.
"Amethyst? Baby," malambing na pagtawag sa akin ni Yuhence kaya hinarap ko siya.
Nasilayan ko lang ang mukha niya parang biglang sumaya ang aking pakiramdam. Ngumiti ako at lumapit sa kanya at siya naman ay maliit na ngiti lang ang pinakita. Hindi ko iyon nagustuhan dahil parang pekeng ngiti.
"Ang tagal mo naman," nakanguso kong sabi.
"Sorry. Hmm... let's go?"
Tinignan ko si Yuhence mula ulo hanggang paa. Sa totoo lang masyadong magulo ang kanyang buhok at gusot pa ang kanyang polo na animo'y parang hinawakan nang mahigpit ng isang tao. Bukas ang tatlong butones ng kanyang polo. Bakit parang pagod na pagod siya?
Napahawak si Yuhence sa kanyang leeg at animo'y para iyong minamasahe. Nag-iwas ako ng tingin at nakaramdam ako ulit ako nang mabigat na pakiramdam. Bakit ganito ang itsura ni Yuhence? Hindi naman ganito ang itsura niya kapag tutungo sa bahay ko. Nakakapanibago siya. Sanay naman ako na magulo ang buhok niya dahil minsan ay siya ang gumugulo ng kanyang buhok. Ngunit pati ang kanyang polo ay hindi maayos at sa itsura niya ay para siyang pagod.
Naaawa tuloy ako kay Yuhence.
"Am, saan ka nanggaling? Bakit parang pagod na pagod ka at parang sumabak sa gera?" hindi ko na maiwasan ang hindi na magtanong kay Yuhence.
"Nagmamadali kasi ako Amethyst kaya ganito ang ayos ko. Don't worry about me I'm fine."
"But i think... i don't want to go with you. I'll change my mind," pilit ngiting sabi ko.
"But why?"
"I-I just don't want to go. Tinamad na ako Yuhence. You need more rest. Pagod na pagod ka."
"No. I'm not pagod. Why do you think that I'm pagod?" seryoso niyang tanong
Napaiwas ako ng tingin. "Dahil halata sa itsura mo."
"Baby? If I'm tired you are my rest. Ikaw ang pahinga ko sa mga pagod ko," sabi ni Yuhence at bigla akong niyakap na ikinagulat ko. "You are my sourted my soul, my rest, my calm, my peace and my wolrd."
Parang kinikiliti ang damdamin ko sa mga binibinitawan na salita ni Yuhence sa akin. Masyadong masarap sa pakiramdam at hindi nakakasawang pakinggan. Gustong-gusto ko na ganon lagi ang sinasabi niya sa harap ko dahil parang doon niya ipinapahiwatig na mahalaga ako sa kanya. Mahalaga nga ba ako?
"Tutuloy pa ba tayo?" tanong ko habang nakayakap si Yuhence sa akin.
"Diba sabi ko pareho natin hahanapin ang pag-ibig? Kaya tutuloy tayo," sagot niya at kumalas sa pagkakayakap.
Tinignan ako ni Yuhence ng deretso at nailang na naman ako kaya napaiwas ako ng tingin. Ngunit hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang dalawang pisngi ko at hinarap iyon muli sa kanya upang mapatingin ulit ako ng deretso sa kanyang mga mata. Sumilay sa akin ang matamis na ngiti ni Yuhence at pagtapos no'n ay hinalikan niya ang aking noo kaya napapikit ako sa ginawa niya. Kinakabahan 'man ay gusto ko ang ginawa niyang paghalik sa noo ko kahit hindi na ito ang unang beses na hinalikan niya ang aking noo.
Kahit wala pa akong alam sa pagmamahal at pagkagusto sa isang tao. Nasisigurado na ako... nasisigurado ako na gusto na kita Yuhence.
"Baby?"
"B-Bakit?" nauutal na sabi ko.
Masyado kasing malambing ang pagkakasabi ni Yuhence sa salita na baby. Ayan din ang salita na nagpapakaba sa akin.
"I miss you," sagot niya sabay hawak sa kamay ko. "Let's go."
"S-Sige," tango ko.
Dalawang araw lang kami hindi nagkita na-miss na niya agad ako? Per kahit ganon ay natutuwa ako sa kanyang sinabi. Tumungo na kaming dalawa sa kanyang sasakyan at nilagay muna niya ang gamit ko sa compartment. Pagtapos no'n ay tinahak na namin ni Yuhence ang daan. Masyado ng madilim ang paligid.
"Ilang oras ang biyahe patungo sa Baguio, Yuhence?" tanong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Four hours," sagot niya at tumango ako. "Kumain ka na ba?"
Nilingon ko siya sabay iling. "Hindi pa."
"Eat me then," nakangisi niyang sabi na ikinagulat ko.
"Bakit kita kakainin? Hindi naman ako zombie para kainin kita. Nahihibang ka ba?" kalmadong tanong na ikinanganga ni Yuhence.
"Dang it," mahina niyang sabi.
Napanguso ako. Mali ba ang sinagot ko sa kanyang sinabi? Kasi naman, tama ako sa aking isinagot pero parang hindi siya makapaniwala.
"Are you still broked, Yuhence?" hindi ko inaasahan na kusa iyon lalabas sa bibig ko.
Hindi ko alam kung nasaan na kami dahil wala na akong nasisilayan na malalaking building sa paligid. Matagal na kaming nabiyahe siguro ay malapit na kaming makarating.
"Bakit mo naman naitanong yan?"
"Gusto ko lang malaman."
"Do you want to know the truth?"
Napaisip ako sa kanyang tanong. Pero parang maganda na din kung malalaman ko ang totoo kung hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya at kung mahal pa din niya si Vivienne.
"Oo naman. P-Pwede ba?"
"Yes," mabilis niyang sagot na hindi niya ako nililingon. "I am still broked. And i still love her."
Para akong nabingi sa kanyang sinabi na hanggang ngayon ay mahal pa din niya si Vivienne. Hindi ko alam kung bakit ko ito tatanungin sa sarili ko. Ano yung mga sweetness na ipinapakita niya sa akin? Anong ibig sabihin ng lahat na iyon? Sa paraan na paghalik niya sa akin, sa paraan na kung paano niya sabihin kung gaano niya ako namimiss. Lahat-lahat lang ba iyon ay pawang hindi makatotohanan? G-Ginagamit lang ba niya talaga ako para lang makalimot siya sa babaeng minamahal niya ng sobra?
"G-Ginagamit mo lang ba ako?" nagdadalawang isip 'man ay gusto ko pa din itanong yan.
Biglang hininto ni Yuhence ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada. Masyado ng malalaking damo ang nakikita ko sa paligid ramdam ko din na dumoble ang lamig.
"What did you say again?"
"G-Ginagamit mo lang ba ako? O..."
"Or what?"
"O iniisip mo na ako si Vivienne sa tuwing nakakasama mo ako?"
Hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga sinasabi ko pero lahat-lahat ay gusto kong maisagot niya. Gusto kong malinawan.
"Amethyst?"
"T-Tama ba ako?" pilit ngiting paninigurado ko.
"No," sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Edi ano? H-Hindi ka pa pala nakakalimot pero binibigyan mo ako ng motibo."
"Anong motibo?"
"Motibo na ginagamit mo lang ako."
"Is not like that, Ms. Innocent."
"Iyon ang dating sa akin, Mr. Engineer," sabi ko sabay nag-iwas ng tingin.
Mabigat 'man sa pakiramdam ang sinasabi ko pero gusto ko talagang malaman. Bakit ganon siya? Kahit inosente ako alam ko ang mga ganyang aksyon na manggagamit. He used me.
"Look at me," utos ni Yuhence pero hindi ko lumilingon. "Goddamnit Amethyst! I said look at me!"
Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Yuhence kaya bigla akong napatingin sa kanya. Ngayon ang kanyang gwapong mukha ay napalitan ng galit na emosyon. Salubong ang kilay ni Yuhence habang nakatingin sa akin. Kinakabahan ako pero nilabanan ko ang kanyang tingin.
"I don't use you. And i will never ever use you. Because i like you," kalmado niyang sabi. "Yes i still love her. But it's not the same as i loved her before."
Hindi ako sumagot sa kanyang sinasabi sa akin. Bagkus nakinig lang ako at hinayaan lang siya na magsalita habang nakatingin sa aking mga mata.
"I like you, Amethyst."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa kanyang sinabi. Ang gulo niyang kausap. Noong nakaraan ay pinapamhukha pa niya sa pinsan ko na hindi niya ako gusto ngayon ay sasabihin niya sa akin na gusto na niya ako ngayon? Oo, gusto ko siya. Pero yung damdamin niya hindi ko kayang paniwalaan dahil sa kanyang sinasabi ngayon. Hindi pa siya nakakalimot pero gusto niya ako? Nahihibang na siya. Ginagamit mo lang ako.
"I don't trust words, i only trust action. People can pretend to do a lot without being serious about it," sagot ko.
"Amethyst i really do liked you. Do you think I'm sinungaling abou my feelings for you? No."
"Yes," sagot ko at doon ko siya muling nilingon. "Iniisip ko na sinungaling ka pagdating sa nararamdaman mo sa akin. Dahil Yuhence hindi ko maintindihan ang nararamdaman mo. I don't understand your action, your words, your feelings, your sweetness. Everything. I don't understand everything about you."
"I'm not a liar, Amethyst," seryoso niyang sabi.
Hindi ako nakasagot sa pagdedepensa niya sa kanyang nararamdaman. Lalo ng lumalalim ang gabi at ngayon pa talaga namin pinag-usapan ang bagay na ito.
"My feelings are not fake. I accept my fault but please give me another chance to prove my feelings. It's really too much pain inside my smiling face. But believe me baby... my feelings are not fake," dagdag niyang sabi sabay hawak sa kamay ko. "I can fake my smile, but i can't fake my feelings."
Masyadong masakit na salita ang kanyang sinasabi sa akin. Napayuko ako.
"Gusto ko na din umalis sa nakaraan kung saan ako nasaktan. But i don't know how to escape. I want to heal my broken heart. Because i can't take this pain anymore, it hurts."
Nag-angat ako ng tingi kay Yuhence at ngayon ay may tumulong luha sa kanyang mga mata kaya nanlaki ang mata ko. Dali-dali ko iyon pinahid gamit ang dalawang palad ko sa kanyang dalawang pisngi. Hinawakan ni Yuhence ang isang kamay ko na nasa kanyang pisngi sabay pumikit.
"Please? Don't get mad at me. Gusto ko pagdating natin sa Baguio hindi tayo magkagalit. Hindi ko kaya," ani niya at sabay tingin sa akin. "Hindi ko kaya na nagagalit ka dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang makitang nagagalit ang taong nagpapawala sa pagod at sakit ko. Ikaw lang yung pahinga ko sa lahat ng sakit at pagod ko."
Parang may sumibol sa aking puso dahil sa narinig ko mula kay Yuhence. Pinisil ko ang kanyang pisngi at ngumiti sa kanya.
"Sorry Yuhence. Sa mga nasabi ko," ani ko sa kanya at ngumiti siya sa akin.
"Don't be sorry, baby. It's fine," nakangiti niyang sabi. "Can i hug my girl?"
Tumango ako sa sinabi ni Yuhence kaya agad niya akong niyakap ng sobrang higpit. Ngumiti ako habang magkayakap kaming dalawa. Pero hindi ko naman din inaasahan na kakanta siya ng dahan-dahan habang magkayakap kaming dalawa. Dahan-dahan lang ang kanyang pagbigkas at masyadong malamig ang kanyang boses. Masarap pakinggan.
Why do you build me up
Buttercup, baby
Just to let me down
And mess me around?
And then worst of all
You never call, baby
When you say you will
But I love you still
I need you
More than anyone, darlin'
You know that I have
From the start
So build me up
Buttercup, don't break my heart
"Don't break my heart darling."
"Hindi ko gagawin yan," nakangiting sabi ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap pero agad niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko at mabilis na ginawaran ng halik. Nanlaki ang aking mata pero agad din pumikit at sinabayan ang paggalaw ng labi ni Yuhence sa labi ko. Magaan lang ang kanyang pagkakahalik na parang doon ipinaparating ang kanyang nararamdaman.
Napapaisip 'man ay tutulungan ko siyang makaalis sa nakaraan kung saan siya nasaktan ng sobra. Gusto na niyang makawala sa nakaraan kaya tutulungan ko siya. Kahit sakit 'man ang aabutin ko ay susugal ko.
Lumalalim ang pagkakahalik namin sa isa't-isa kaya napahawak ako sa dalawang braso ni Yuhence. Masyadong nakakakiliti sa nararamdaman at para akong kinukuryente sa bawat paghalik niya sa aking labi. Dahil sa aming ginagawa ay para akong binabaliw. Basta ang alam ko lang sa sarili ko.
Ayoko ng matapos ang gabi na ito.
To be continued. . .