CHAPTER 11

2430 Words
Kinabukasan ay simpleng araw lang iyon para sa akin. Dahil maganda ang araw ko at masyadong maganda ang pakisama ng panahon sa akin. Kaunti lang ang pasyente na tumungo dito sa clinic ko kaya hindi ako masyadong napagod. Maaga akong nagsara dahil gusto kong magpahinga ng mahaba. 2 o'clock pa lang ng hapon ay umuwi na kaming tatlo ng dalawang nurse ko. "Pupunta kayo sa Baguio na kayo lang dalawa? Really cous?" tanong ni Apollo sa akin habang gumagawa ng cupcake. Nandito siya sa bahay ko ngayon at hindi ko naman din inaasahan na papatungo siya dito. Siguro ito na din ang oras para magpaalam sa kanya. Kaya naman pala siya pumunta dito para lang ipag-bake ako ng cupcake. He's sweet. "Gusto ko naman din kasi maranasan makapunta sa mga malalayong lugar Apollo," nakangusong sagot ko habang tinitignan ang ginagawa niya. "Yeah, i know. Alam kong gusto mo maranasan ang bagay na iyan pero bakit kayo lang dalawa?" "Kasi kami lang dalawa." "Aissh!" naibagsak ni Apollo ang kanyang palad sa desk kitchen. "Hindi magandang tignan na kayo lang dalawa ang magkasama sa iisang bahay. Are you out of your mind Amethyst?" "Wala naman'g masama ah? Besides, he's a good guy naman." "I know that Yuhence is a good guy but my point here is... it's not good for you and Yuhence to be together in the same house." Bakit ba hindi maganda na magsama kami ni Yuhence sa iisang bahay? Wala naman siyang gagawin sa akin na masama. Hindi naman kami matutulog sa iisang kwarto because i know he would not let that happen. Alam kong hindi niya magagawa ang bagay na iyon dahil alam kong sa itsura ni Yuhence ay nirerespeto niya ako. "Wala ka bang tiwala sa amin? Wala kaming gagawin na ikakasama ng isip mo Apollo," seryoso kong tanong at natigilan si Apollo. "I know my limits at hanggang doon lang iyon. Hindi ko naman hahayaan si Yuhence na may gawin na masama sa akin." "Is not like that Amethyst." "I just don't get it Apollo. He's your friends," nakanguso kong sagot. "Alam ko naman na maganda ang pagkakakilala mo sa kanya at alam kong alam mo na hindi niya magagawa ang bagay na iniisip mong gagawin niya." "Are you still innocent?" nakangisi niyang sabi. "Ibang-iba kasi ang mga sagutan mo ngayon. Nakakapagtaka lang na masyadong matured." "Kailan ba ako naging immature?" Hindi niya ako sinagot. Binigyan lang ako ni Apollo na malakas na tawa para mapanguso ulit ako. Wala namang nakakatawa sa tanong ko pero grabe kung makatawa si Apollo. "Payag ka na please?" sabi ko pa at nag-puppy eyes. Tinignan ako ni Apollo ng seryosong tingin at lumunok muna ng laway sabay buga ng hangin. Pumikit muna siya bago ulit ako tignan ng deretso. "Fine," simple niyang sagot para mapatalon ako sa galak at patakbo siyang niyakap sa gilid ng kanyang braso. "Thanks cous. I love you." "Naughty princess. Basta alamin mo ang limitasyon mo ah? Hindi lalagpas doon at wag mo din hahayaan na lalapit sayo si Yuhence na ganito kalapit," paalala pa niya. Ngumiti ako. "Opo master." "Wag mo ko biruin baka bawiin ko ang sinabi ko," pananakot niya at nagkunwaring malungkot ako. "Hahaha. Kidding. You're so cute Amethyst." "And you're so handsome Apollo." Napatingin ako sa pintuan dahil sa sunod-sunod na pag-doorbell mula roon. Hindi na ako nagpaalam pa kay Apollo dahil tumungo na ako doon upang tignan kung sino ang tao sa labas ng gate ko. Lumaki ang pagkakangiti ko at patakbong tumungo sa gate. "Yuhence," pagtawag ko at tinignan niya ako sabay ngiti. "H-Hindi mo sinabi na pupunta ka pala dito." "I'm sorry. My cellphone is dead kaya hindi kita nagawang tawagan." "Patay na yung cellphone mo?" gulat na tanong ko at tumango siya. "Bakit hindi mo pa nililibing yung bangkay ng cellphone mo? Patay na kamo diba?" Sa halip na sagutin ni Yuhence ang tanong ko ay sinamaan niya na lang ako ng tingin. Ako naman ay napanguso dahil sa mga tinginan niya sa akin. May nasabi ba akong mali? "Nandito ba si Apollo?" turo ni Yuhence sa bahay ko para tignan ko iyon. "Yeah, he's here. Nasabi ko na din sa kanya na tutungo tayo sa Baguio." "Then what is his answer?" "He said yes. Tuloy ka." Pumasok na kami pareho ni Yuhence sa loob ng bahay ko at sabay na tumungo sa kusina. Naabutan namin si Apollo na nakasandal sa desk kitches habang nakaharap sa oven. Hinihintay na niya sigurong maluto. "Cous, Yuhence is here." Humarap si Apollo papagawi sa amin pero agad naman na sinamaan ng tingin si Yuhence. Nagmartsa siyang papalapit dito upang magpantay ang kanilang katangkaran. Ako naman ay nagpapalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa. Magkagalit ba sila? "Ikaw ba ay may nagugustuhan na ang pinsan ko Yuhence?" hindi ko inaasahan na itatanong iyon ni Apollo sa kanya. "Kasi hindi mo naman gagawin ang ganitong bagay kung wala kang gusto kay Amethyst. Tell me, are you already like my cousin?" Tinignan ko si Yuhence na nanatiling nakatingin lang kay Apollo habang seryoso ang mukha. Hindi ko alam, pero ang nararamdaman ko ay parang gusto kong malaman kahit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Apollo na kung ano ang gusto ni Yuhence sa akin. "Sumagot ka naman. Are you pipe?" dagdag na tanong ni Apollo. "No. I don't like her," sagot ni Yuhence para mapaatras ako. Hindi ko alam kung bakit ganon ang inakto ko, hindi ko din alam sa pakiramdam kung bakit parang nasasaktan ako? Ano ba ang masakit sa sinabi ni Yuhence na hindi niya ako gusto. B-Baka naman iba ang ibig niyang sabihin? But why it hurts? "You don't like her?" tanong pa ni Apollo. Hangga't hindi pa sumasagot si Yuhence sa tanong ng pinsan ko ay tumalikod na ako. Parang hindi ko kasing kayang pakinggan ang isasagot ni Yuhence kay Apollo kaya mas mabuting iwan ko muna silang dalawa. "Where are you going cous?" tanong ni Apollo para mapatingin ulit ako sa kanila. Napatingin ako kay Yuhence na kasalukuyan na nakatingin sa akin. Ngunit agad ko din ibinaling ang paningin ko kay Apollo at sabay binigyan siya ng pekeng ngiti. "I-I'll go to my room i need to prepare," turo ko pa sa hagdanan. "Pero maaga pa para mag-asikaso Amethyst. Tuesday pa lang ngayon at may iilang days pa tayo para mag-asikaso ng mga things or whatever," sabat ni Yuhence. "Am... mas mabuti yung advance p-para hindi na tayo magpanic." "Whatever," simple niyang sabi. Binigyan ko muna sila ng ngiti bago ako magpatuloy sa paglalakad. Narinig ko pa na tinanong ulit ni Apollo kung gusto ba ako ni Yuhence kaya binilisan ko ang paglalakad ko sa pagpanik sa hagdanan. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Para akong napagod ng sobra kahit wala naman akong ginawa na ikakapagod ko. Baka napagod ka sa narinig mo Amethyst? Kumunot ang noo ko. "Wala naman nakakapagod sa narinig ko." O baka naman nasaktan ka sa narinig mo? "N-Nasaktan nga ba ako?" Oo, nasaktan ka. Kasi hindi ka naman aalis doon sa dalawa kanina kung hindi ka nasaktan. "Hindi sa ganon. Ayoko lang ng ingay," depensa ko sa naiisip ko. Ayaw mo lang ng ingay o? "O ano?" O ayaw mo lang marinig ulit ang sagot ni Yuhence na hindi ka niya gusto? Bigla akong napatayo sa naisip ko. "Bad trip kang isip ka ah?! Pagmamay-ari kita kaya i-cheer up mo ako!" Nasabunutan ko ang aking sarili dahil sa sinasabi ko. Nahihibang na ako dahil kinakausap ko ang aking sarili. Hindi ko naman kasi kakausapin kung hindi magulo itong utak ko, parang may sariling pag-iisip na akin naman din sinasagot. Pero baka tama ang isip ko? "Baka nasasaktan nga ako dahil sa sagot ni Yuhence na hindi niya ako gusto," mahinang anas ko at kumunot ang noo ko. "Ano ba ang hindi niya gusto sa akin? Bakit ako masasaktan kung hindi naman niya sinasabi kung ano ang hindi niya gusto sa akin?" Napatingin na lang ako sa pintuan dahil sa tatlong katok na narinig ko mula roon. Bumuga muna ako ng hangin bago tumayo upang buksan ang pintuan kung sino ang tao sa labas. "Y-Yuhence? W-What are you doing here?" naiilang na tanong ko na si Yuhence ang masilayan ko. Hindi niya ako sinagot sa halip ay nagmartsa lang siya papagawi sa akin upang mapaatras ako. Tinulak niya ang pintuan gamit ang kanyang kamay na hindi tumitingin doon. Napalunok ako nagsimulang kumaba ang aking dibdib. Naisip ko na naman ang sinabi ni Vivienne sa akin na pinanghahawakan ko. Kusa mo din yan mararamdaman Amethyst kapag kinakabahan ka sa mga bagay na ginagawa niya sayo it means gusto mo na siya. Gusto ko na nga ba si Yuhence? Kaya ba ako kinakabahan dahil sa gusto ko na siya? Gusto ka ba ni Yuhence, Amethyst? "Bad trip ka ah!" Napatigil si Yuhence sa paglapit sa akin dahil sa sigaw ko. Doon na lang ako napapikit sa hiya dahil sa sinabi ko. Hindi ko matignan si Yuhence ng deretso dahil sa kahihiyan na sinabi ko. Pahamak kasi ang isip ko, lagi akong kinakausap at ako naman ay laging sinasagot. "Why did you bad trip with me? Did I do something wrong so you walked out because you had a bad trip with me? Is that the reason?" malumanay na tanong ni Yuhence sa akin. "H-Hindi. Hindi ako badtrip sayo. A-Ano... basta hindi ikaw ang sinabihan kong badtrip ka ah," pagdepensa ko at kumunot ang noo niya. "Then who?" Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa tanong ni Yuhence sa akin. Wala akong maisip na isasagot sa kanya, ano ang pwede kong isagot? I'm doomed! "A-Am... y-yung imaginary friend ko," bigla kong hinampas ang dalawang palad ko upang gumawa ng ingay dahil sa naisip ko. "Tama! Yung imaginary friend ko ang kausap ko." "Bakit mo siya sinabihan ng badtrip ka?" "K-Kasi... ano? M-Masyado kasi siyang dual purpose," kinakabahan na anas ko. "Dual purpose?" kunot noong tanong ni Yuhence. Kailangan kong gumawa ng dahilan! Tinuro ko ang gilid niya. "Katulad niyan! Nakadikit siya sayo." Tumingin si Yuhene sa gilid niya bago ulit tumingin sa akin. "Walang tao sa gilid ko, Amethyst." "Kaya nga imaginary friend 'di ba? Umalis ka nga sa tabi niya!" kunwaring utos ko at dinuro ang gilid ni Yuhence. "Dual purpose ka ah? Plastik na mapapel pa!" "Hey, hey? Calm down, darling," biglang hawak ni Yuhence sa dalawang balikat ko. Napalunok ako at sabay kagat sa pang-ibaba kong labi ngunit nag-iwas ng tingin kay Yuhence. Hindi ko kayang labanan ang mga titig niya dahil parang nilulusaw ang kaluluwa ko dahil sa pagtitig niya sa akin. Masyadong malakas ang epekto ng paningin ni Yuhence na parang isang minuto ay kaya akong lusawin. "Stop biting your lips, woman. Stop teasing me," dagdag pa ni Yuhence. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at hindi na muling kinagat ang aking labi. Doon na lang ako nag-angat ng tingin kay Yuhence upang magtanong sa kanya. "M-May kailangan ka ba sa akin?" "Wala akong kailangan sayo pero ikaw ang kailangan ko. I need you," malambing na boses na anas ni Yuhence para mapanganga ako. "I miss you baby." Ganon na lang ang paglaki ng mata ko dahil sa biglang pagyakap ni Yuhence sa akin. Narinig ko ang bahagya niyang pagngisi upang mas lalo akong kabahan. "Your heartbeats is malakas. Are you nervous?" dagdag na tanong ni Yuhence. "H-Ha? A-Ano... h-hindi ako kinakabahan. S-Sadyang malakas lang ang t***k ng puso ko d-dahil—" pinutol niya ang sasabihin ko. "Because of me? Your heartbeats is malakas because of me?" "H-Hindi. Asa ka naman ng dahil sayo. Kinakabahan ako sa pag-alis natin sa sabado," pagsisinungaling ko upang mapakalas siya sa pahkakayakap sa akin. "Really?" "O-Oo. Wala ng iba, iyo lang ang dahilan kaya malakas ang t***k ng puso ko," sagot ko at biglang tumingin si Yuhence sa paligid ng kwarto ko. "W-What are you looking at?" "Your bedroom is nice. Hindi masyadong girly, simple lang siya like you," ani niya kaya napatango ako. "I thought you were going to prepare your things? Because that's what you said." Bigla na lang ako napatingin sa kama ko dahil sa sinabi ni Yuhence. Bigla ko din naalala na iyon pala ang sinabi ko sa kanila upang makaalis ako doon sa kusina. "Am... where's Apollo?" pag-iiba ko sa usapan at tinignan siya ng deretso. "May pinuntahan siya. Emergency. But i think is not an emergency," nakangisi niyang sagot upang mapakunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi na hindi iyon emergency? Anong tingin mo ang totoong dahilan? Sige nga. Sabihin mo sa akin?" panghahamon ko at mas lalo siyang mapangisi. "Bebe time." "Ha?" hindi naiintindihan na anas ko. "Ano yung bebe time?" "You're such a baby." Napanguso ako sa sinabi niya pero siya ay ngumisi lang sa akin bago hawakan ang ibabaw ng ulo ko. Sa mga simpleng galaw lang na ipinapakita o ipinaparamdam niya sa akin ay masyado din malakas ang epekto. "Friday night, I'll fetch you. Iyon ang araw tayo aalis para two days tayo mananatili doon. Hindi mo kailangan magtagal ng weeks or months because you have a work to do." "G-Ganun ba? Sige." "Don't worry babalik naman tayo kapag..." "Kapag?" pag-uulit ko sa sinabi niya. Lumapit sa akin si Yuhence at bumaba ang kanyang ulo upang maramdaman ko ang kanyang hininga sa aking tenga. Naramdaman ko na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil parang kuryente ang mainit na hininga ni Yuhence na dumaloy sa buong katawan ko. Nakakakaba na hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. "Kapag lahat-lahat sayo ay nailahat ko na." "A-Ano? Hindi ko maintindihan Yuhence?" mahinang anas ko. "Dahil hindi pa green yan'g brain mo," bulong pa niya at tumayo ng ayos. Kailan ba nagiging green ang utak?! "Magkita na lang tayo sa friday. I'll fetch you baby," ani niya at hinalikan ang noo ko. Bakit ba niya ginagawa ang ganitong aksyon? Hindi ko naman siya kasintahan pero ginagawa niya ang mga bagay na dapat ay magkasintahan lang ang gumagawa. Ngiti lang ang naisagot ko kay Yuhence bago siya tumalikod at lumabas na sa kwarto ko. Doon na din ako nakahinga ng maluwag dahil sa wakas ay wala na siya. Pero agad ko na naman ulit naisip ang kanyang sinabi. Kapag lahat-lahat sayo ay nailahat ko na. "Ano naman ang lalahatin niya sa akin? Hindi ko talaga maintindihan." To be continued. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD