Natapos ang trabaho ko kaya agad kong inayos ang mga papel na nagkalat sa lamesa ko. Simula no'ng dumating si Yuhence dito kanina ay parang mabigat pa din ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa narinig ko sa kanya. Hindi kasi iyon ang ine-expect ko na sasabihin niya sa akin. Akala ko kasi matutuwa siya sa regalo ko pero hindi. Tinawag pa niyang cheap.
Nang matapos akong magligpit ay saglit pa akong natigilan sa mask na itinapon ko sa basurahan. Muli ko iyon kinuha at tinitigan sandali.
"Cheap ka ba talaga o sadyang pangit lang ang taste ng lalaking yon? O-O siguro parte sa pagiging inosente ko ang mag-isip ng ganitong regalo?" mahinang anas ko.
Iyon naman kasi ang pagkakakilala ko sayo kaya ibinabagay ko lang sa pagkatao mo. Magnanakaw.
Hindi ko na muli pang ibinalik sa basurahan ang mask dahil inilagay ko na lang iyon sa bag ko at pinatay na ang ilaw sa opisina ko. Kung hindi niya gagamitin, itatago ko na lang dahil sayang ang pera na ipinambili ko dito. Tumingin muna ako sa wrist watch ko at alas-syete na ng gabi.
Lumabas na ako sa clinic at dumeretso na sa kotse ko kaunting awang palang ang naibubukas ko sa pintuan na bigla iyon ulit sumara. Napatingin ako sa gilid dahil may palad mula roon na siya ang may gawa ng pagkakasarado. Ngunit agad naman niyang hinila ang pulsulan ko upang mapaharap ako sa kanya. Padarag pa niyang hinawakan ang balikat at padarag na isinandal.
"Y-Yuhence? T-Teka akala ko ba ayaw mo ng mask bakit suot mo yan?" ani ko sa lalaking naka-mask na matangkad sa akin at maputi ang pangangatawan.
"Wag mong subukan manlaban Miss dahil baka hindi mo kayang gamutin ang sarili mo kahit doctor ka pa."
Hindi siya si Yuhence.
Napababa ako ng tingin sa palad niya dahil may dinukot siya mula sa kanyang likuran. Nanlaki ang mata ko dahil sa bagay na hawak niya. Nakakasagut iyon at nasisigurado akong matalas at matalim din.
"A-Anong kailangan mo?"
"Pera."
"H-Ha? T-Tao lang ako kuya hindi ako ATM machine," kinakabahan na anas ko.
Akma pa akong napapikit dahil sa naramdaman ko ang tulis noon sa bandang tiyan ko. Baka masagutan ako.
"Hindi ako nakikipabiruan."
"H-Hindi din naman kasi ako nagbibiro dahil hindi naman ako joker."
"Ginagago mo ba ako?"
Umiling ako. "M-Masama yon k-kaya hindi."
"Ang kailangan ko ay pera."
"H-Hindi ka naman kailangan ng pera kaya mo wag mo nang ipagsisiksikan pa ang sarili mo sa pera na ayaw sayo," muli ko pang sagot.
"Talagang hinahamon mo ako?!" pabulong na sigaw niya.
Hala? Nagalit ata. Totoo naman kasi ang sinasabi ko.
"K-Kuya naman kasi wala akong pera."
"Imposible. Masyadong maganda ang kotse mo at sa tingin ko ay mayaman ka kaya marami kang pera!"
Nakasuot din kasi siya ng mask kaya paniguradong katulad ito ni Yuhence na magnanakaw din. B-Baka nga?
"Hala? Masama yung magnakaw kuya," duro ko sa kanya at luminga muna siya sa paligid bago ulit ako tignan.
"Kung hindi mo ibibigay ang pera mo sa akin malilintikan ka talaga ngayon."
"K-Kuya hindi naman masama ang manghingi kaya pwede mo naman itong hingiin sa akin."
"P-Pinaglololoko mo ba akong babae ka?!"
Hala galit na siya! Totoo naman kasi ang sinabi ko bakit siya nagagalit sa akin?!
"Kung hindi mo-" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin na may biglang humawak sa pulsulan niya na nakabalandra sa balikat ko. "A-Anak ng?!"
"No one can hurt my girl. Subukan mo ulit hawakan ang parte sa kanyang katawan para hindi ka makalakad kinabukasan," sabi ni Yuhence at biglang sinapak ang lalaki upang matumba ito at mapaatras.
Hinawakan ko sa braso si Yuhence upang awatin siya at hindi naman ako nabigo. Huminto siya para tignan ako, hinawakan niya din ang dalawang pisngi ko at sinuri kung nasaktan ba ako.
"Did he hurt you?" nag-aalang tanong niya.
"H-Hindi. G-Gusto niya akong nakawan ng pera k-kaso ang sabi ko masama ang magnakaw kaya hingiin niya na lang sa akin. P-Pero parang nagalit pa din ata siya," nakangusong sabi ko at narinig ko ang bahagya niyang pagmumura ngunit bulong.
Agad naman akong napatingin dahil biglang sinipa ni Yuhence ang lalaki na hindi naalis sa pwesto niya. Nakaramdam ako ng awa sa lalaki dahil nakatumba na ito.
"Do not feel sorry for him Amethyst 'cause he's a bad guy," muli pang sabi ni Yuhence upang mapatingin ako sa kanya.
"Masama din yung mananakit ka ng kapwa tao mo."
"Muntikan kana din niyang saktan Amethyst hindi sa bawat oras ay papairalin mo yang lambot sa puso mo. Kailangan marunong ka din lumaban sa oras na kailangan mong lumaban. Dahil dyan ka aabusuhin ng mga tao, sa pagiging mabait mo."
Ganon ba yon? Sa tingin ko naman hindi ako aabusuhin ng mga tao dahil alam ko naman na mababait sila sa akin. Katulad ni Yuhence at Kaizen, pati na din si Vivienne at Nayih. Mababait sila kaya hindi nila ako aabusuhin. Depende na lang kung aabusuhin ng tao ang pagiging inosente ko. Hala? Baka yun nga.
"I-Ikaw? B-Baka abusuhin mo yung pagiging inosente ko ah?" ani ko sa kanya at nagtiim ang bagang niya.
"I already told you that i own your innocence Amethyst," nakangisi niyang sabi.
Natigilan 'man pero agad din napaisip. Kailan pa naging pagmamay-ari ni Yuhence ang aking kainosentehan? Sa akin lang ito at hindi pwedeng angkinin nang kung sinoman. Masyado siyang selfish. Selfish na magnanakaw.
"Hindi," iling na sabi ko. "Hindi mo pagmamay-ari ang kainosentehan ko Mr. Kawatan na Kalawakan."
"What? Mr. Kawatan na Kalawakan? Really?"
"O-Oo. T-Total mahilig ka din sa kalawakan kagaya ko, magnanakaw nga lang. Kaya ayon ang tawag ko-"
"No," seryoso niyang sabi at biglang nagmartsa na lumakad.
Ako naman ay napaatras ngunit agad din napasandal sa kotse ko. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay gilid ng kotse ko upang wala akong madaanan.
"Don't call me Mr. Kawatan na Kalawakan," seryoso niyang sabi.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagalan. Parang yung titig niya tumatagos sa kaluluwa ko.
"Just baby. You will call me baby, darling."
"H-Ha? A-Anong darling?" bigla kong lingon sa kanya.
Ngumisi siya ngunit nagbaba siya ng tingin sa labi ko. Nakagat niya ang sarili niyang mga labi habang nakatingin sa labi ko. N-Nanakawan na naman ba niya ako ng halik?
Hindi na muling kinagat ni Yuhence ang kanyang labi bagkus unti-unti na itong lumalapit papagawi sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, nananakawan na naman niya ako ng halik. Kaya hangga't hindi pa nakakalapit ng tuluyan ang kanyang mukha ay yumuko ako ng dahan-dahan at biglang lumusot doon sa gilid. Nasagi ko pa ang kanyang katawan at tumayo ako ng ayos.
"W-Wag mo na akong nanakawan ng halik pwede ba?" turo ko sa kanya at ngumisi siya pero agad din ngumiti. "I-Ikaw lang yung magnanakaw na ngumingiti sa kanyang ginagawa."
"Dahil iba ako sa magnanakaw."
"H-Ha?"
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong iba?
"I'm different. Kung sila nagagawa nilang magnakaw ng pera well not me. Ninanakawan ko lang sayo ay halik ngunit hindi pera o bagay."
Ah. I get it.
Hindi ako sumagot nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya at tinignan ang wrist watch ko. Alas-otso na ng gabi. Baka nandoon din si Apollo sa bahay ko. Hindi ako sigurado pero parang ganon na nga.
"Are you still mad at me?"
Napatingin ako bigla kay Yuhence dahil sa tanong niya. Agad naman ako napaatras dahil hindi ko naman din inaasahan na nandito na agad siya sa harap ko na sobrang lapit.
"Are you still mad at me, baby?"
"H-Ha? B-Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Because of what happened this morning."
Alam ko na ang pinupunto niya. Yung sa regalo ko na tinawag niyang cheap. Hindi ko naman din alam, pero aaminin ko na nakaramdam ako ng kaunting inis ngunit galit? Hindi ako nagalit.
"Hindi," iling na sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti.
Hindi siya nakuntento sa sagot ko dahil bigla na lang niyang hinawakan ang braso ko at hinila para mayakap niya ako. Bahagya pa akong nagulat pero ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso niya.
"I'm sorry if i called your gift cheap. Hindi ko sinasadyang sabihin yon. I'm sorry, darling."
Darling? Bakit ba niya ako tinatawag na darling?
"A-Ayos lang Yuhence," ani ko at napatalon ako ng bahagya dahil sa ginawa niyang paghalik sa gilid ng ulo ko.
"Did i scare you?"
"N-No. N-Nagulat lang."
"Are you gulat? Oh sorry."
Ako na ang kumalas sa pagkakayakap niya at nakakagat na naman siya ng labi niya. Kaya pati din ako ay napakagat na din at siya naman ay napalunok.
"Stop teasing me. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka dito ngayon," suway niya kaya napanguso ako. "Stop pouting darling."
Lahat na lang ng gagawin kong reaksyon sa mukha ko ay tingin niya parang tinutukso ko siya o inaakit. Hindi ko naman siya inaakit pero bakit ganon ang dating sa kanya?
"I'll take you home."
"May kotse ako."
"Iwan mo na lang dito. Susunduin kita bukas."
"Ayoko iwan yung baby ko dito," turo ko sa sasakyan at napanganga siya.
"Did you call your car baby?" salubong na kilay niyang tanong.
Napalunok ako bago magsalita. "O-Oo. Baby ko siya kaya ayoko siyang iwan."
"f**k!" sipa niya sa gulong ng sasakyan ko.
"Wag mo ngang sasaktan yan! Wag ka din magmumura!" pasinghal kong sabi sa kanya.
Tinignan ko si Yuhence at nakatingala siya habang lumalanghap ng hangin. Nakahawak din siya sa kanyang bewang na animo'y parang nauubusan ng pasensya.
"Y-Yuhence."
"I am jealous," sabi niya at tinignan ako ng deretso.
"B-Bakit ka naman nagseselos?"
"Nagseselos ako sa kotse mo dahil tinatawag mo siyang baby!" duro niya sa kotse at sinipa ng malakas ulit ang gulong nito. "Damn it! It hurts! Why are you so matigas kasi ha?!"
Duro niya sa kotse ko pero ako naman ay lumapit doon.
"Baby are you okay?" tanong ko sa kotse ko at pinagpagan iyon. "Bakit mo kasi siya sinisipa?"
"Come again?" inis na tanong niya. "Stop calling your car baby!"
"What? Is it bawal?"
"Yes!"
"Why?!"
"B-Because I'm... I'm."
"I'm what?"
"I said I'm jealous. And f**k! I'm crazy. Baliw ako dahil pati sasakyan pinagseselosan ko!" inis niyang sabi at ginulo ang kanyang buhok. "I'm your baby. Your one and only baby and not that thing!"
Napanganga ako sa sinabi ni Yuhence. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ng kotse ko.
"Baby," ani niya at bigla na naman akong niyakap. "Please? Don't make me jealous."
"Oh sige tatawagin ko na lang siyang sweety?"
"No!"
"Honey?"
"Aisssh!"
"Ano ba?" natatawa kong tanong at kumalas siya sa pagkakayakap para tignan ako ng nakanguso.
"Please?"
"Fine," pagsuko ko para hindi na siya mangulit siya.
Lumitaw na naaman ang kanyang pagngiti kaya napangiti din ako sa kanya. Maganda kasing tignan kay Yuhence ang laging nakangiti dahil lalong lumalabas ang kagwapuhan niya.
"I'll take you home."
"No. I'll go home," nakangiti kong sabi sa kanya.
"But i can't let you drive darling."
"But i can take care of myself Yuhence. Kaya wag kang mag-alala," sabi ko at kinindatan siya.
"But—"
"I'll call you," pagpuputol ko sasabihin niya at sinimangutan niya ako. "What."
"You don't know my number."
"Give me your number then."
Ibinigay na sa akin ni Yuhence ang kanyang numero sa kanyang cellphone. Una ay pilit pa niyang pinepresinta na ihahatid niya ako ngunit hindi na siya nangulit pa dahil sabi ko kaya ko ng mag-isa at tatawagan ko na lang siya kung sakaling nakauwi na ako. Gumanda ang pakiramdam ko dahil sa tingin ko ay okay na kami ni Yuhence. Teka? Nagkagalit ba kami? Parang hindi naman.
Dumaan pa ang mga araw, linggo at buwan walang oras kung laging tumawag si Yuhence sa akin at laging pumaparito sa clinic ko. Minsan lang din naman siyang bumisita dahio nga isa siyang ganap na Engineer at marami din ginagawa kagaya ko. Tanda ko noon ay tumungo siya sa clinic ko at hindi niya alam na pasyente ko si Nayih at nagkagulatan pa silang dalawa. Tinutukso pa siya ni Nayih noon sa akin kaya natutuwa ako. Malaki na din ang tiyan ni Nayih at sa mga araw na ito ay ako ang magpapaanak sa kanya dahil ako daw ang gusto niyang magpaanak sa kanya.
"Dr. Amethyst," katok ni Fiona sa opisina ko.
"Bakit?" tanong ko habang ang mga mata ko ay nasa papel dahil may pinipirmahan akong papeles.
"May bisita po kayo."
"Papasukin mo?"
Rinig ko ang yabag ng pumasok at narinig ko na isinara pa niya ang pintuan. Hindi ko pa siya magawang tignan dahil nakatutok ako sa papeles.
"Are you busy?"
Doon na lanb ako nag-angat ng tingin dahil sa boses ni Yuhence.
"Am, oo eh. Napabisita ka?"
"Nothing. I just want to ask if am... kung papayag ka na tumungo tayo sa MOA? B-But i think you're busy so next time na lang i guess."
"Why?"
"I'm just miss you," sabi niya at umupo sa upuan. "Do you miss me darling?"
"Hahaha. Oo."
"Nice to hear that," nakangiti niyang tugon at nagbaba ng tingin sa papeles na pinipirmahan ko. "Para saan yan?"
"Ah ito? Galing ito sa hospital ng Maynila at kailangan kong pirmahan para manatili na talaga akong doctor doon as OB-gyn," nakangiti kong sabi.
"Is that so?"
"Yeah. Ikaw? Wala ka bang trabaho Mr. Engineer."
"Yeah. I don't have. Kaya nga kita niyaya," nakangisi niyang sabi. "Besides, malapit na din iyon matapos ang kontrata ko. Kaya mas pipiliin ko munang huminto after ng project na ginagawa ko."
Kumunot ang noo ko. "Why?"
"Tutungo ako sa baguio. Sa bahay ko doon. Vacation."
"Saan yon?"
Sa tagal ko ba naman dito sa Maynila hindi ko pa nasusubukan na tumungo sa mga malalayong lugar. Mga pasikot-sikot lang dito sa Maynila ang alam kong puntahan. Pero sa mga province? Wala akong alam puntahan.
"Gusto mong sumama?"
Parang nahumaling agad ako sa sinabi ni Yuhence kung gusto ko bang sumama. Gusto ko naman din makita ang lugar kung ano ang itsura.
"Maganda ba doon?"
"Yeah. Malamig nga lang."
"Woah? As in?"
"Yeah," natatawa niyang tugon.
"Hala? Sige sama ako!" nakangiting pagsang-ayon ko.
"Cool. Ipagpapaalam kita kay Apollo para aware siya na kasama mo ako," sabi niya at biglang hinawakan ang pisngi ko.
"Sige. Kailan ba?" nakangiti kong tanong.
"Gusto mo na agad tumungo doon?"
"Oo. I can't wait."
"Sino ba mga magulang mo at para kang ignorante sa mga lugar?"
Napanguso ako dahil sa sinabi ni Yuhence.
"Ayaw mo ata sabihin mo lang?" nakanguso kong tanong sa kanya.
"Kidding. Friday I'll fetch you. Aalis tayo ng umaga."
"Yiieee! Sige!"
"That's my girl."
Muling lumakas ang t***k ng puso ko at ramdam ko din ang pag-init ng pisngi ko. Narinig ko ang bahagya niyang pagngisi kaya napalunok ako.
"May pwede kayang mahanap doon sa baguio Yuhence?" tanong ko at nilingon niya ako.
"Ano naman ang gusto mong hanapin doon?"
"Pag-ibig. Pag-ibig ang gusto kong hanapin para malaman ko kung paano gawin o paano maramdaman," sabi ko at napangiti sa kanya.
Napayuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi bago nag-angat ng tingin sa akin. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.
"Pareho natin hanapin ang pag-ibig."
To be continued. . .