Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Yuhence sa akin. Ano ba'ng ibig sabihin lahat ng 'yon? Kaya ba niya ako gusto dahil kinakabahan din ba siya kagaya ko? Ganon ba? Pero baka nagbibiro lang siya? Oo tama Amethyst. Nagbibiro lang siya.
Kasi kung tutuusin kahit hindi ko pa alam masyado ang ibig sabihin ng pagmamahal ay hindi pa din masusukat ang dati mong minahal sa taong magugustuhan mo pa lang. Mas lamang pa din ang dati niyang nagustuhan na babae kaysa akin. Malay mo naguguluhan lang siya kasi ako lagi ang nandito sa tabi niya?
"Bakit ang tahimik mo?" dagdag na tanong pa ni Yuhence.
Nilingon ko siya pero agad din nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na ganon pa din kalapit ang mukha ni Yuhence sa akin. Malapit na maglapat ang labi namin kaya napaatras ako ng bahagya. Ngunit sa pag-atras ko ay muntikan na akong mahulog pero agad din nahawakan ni Yuhence ang likod ko upang hindi ako tuluyan mahulog. Nakahawak ako sa kanyang braso habang nakatingin sa isa't-isa. Pero ayon na lang ang paghiyawan ng mga tao sa paligid dahil sa posisyon naming dalawa.
"Careful darling," mahina niyang anas. Tama lang para marinig ko.
"A-Ano... sorry. N-Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo."
"Walang nakakagulat sa sinabi ko Amethyst," nakangisi niyang sabi at tinulungan niya akong makaupo ng ayos.
Hindi naman talaga ako nagulat sa sinabi mo. Nagulat ako sa presensya mo.
Nang makaupo ako ng ayos ay napababa ako ng tingin. Nakaramdam ako ng sobrang hiya dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman din kasi inaasahan na ganon ang mangyayari, isama mo pa yung hiyawan nilang lahat. Sa tingin ba nila biro ang muntikan ng mahulog? Hindi kaya. Natutuwa pa sila na muntikan na akong mahulog habang ako ay abot-abot ang kaba sa lalamunan ko.
"M-Makinig ka na lang muna siguro sa mensahe nila sayo Yuhence," nauutal na anas ko habang hindi nakatingin sa kanya.
Pansin ko na naman kasi sa gilid ng mata ko na nakatingin na naman siya sa akin. Rinig ko pa ang kanyang bahagyang pagngisi bago tumingin ng deretso sa harapan. Ang sunod na magsasalita ay si Vivienne kasama ang kanyang mag-ama.
"Hey sperm na baog," nakangiti niyang tugon. "Parang kailan lang sinabi mo na hindi ka pa handa para dyan at sabi mo ay hindi siya importante sayo? Hahaha. Lakas ng tama mo."
Napatingin ako kay Yuhence at bahagyang natawa dahil nakayuko siya at napailing. Rinig ko ang pagbungisngis ng tawa ni Vivienne kaya muli akong napatingin sa kanila.
"Happy birthday Yuhence, more baog to come. Thank you dahil sayo nalaman ko ang kwento ni araw at buwan, nakakalungkot nga lang pero may aral. Sayo ko nga lang din nalaman at naramdaman na sa tuwing nagmamahal ka ay lagi mong sinasama ang buwan at bituin sa iyong mga kataga," nakangiting sabi ni Vivienne. "Siya siguro ang bituin mo. Nasa kamay mo na kaya sana wag mo na hayaan na makalipad at mahawakan pa ng iba."
Sino yung tinutukoy ni Vivienne?
Sunod naman na nagsalita ay ang asawa ni Vivienne na si Esther. Ngumiti muna siya kay Yuhence bago ito magsalita.
"Happy birthday dude. I know we have a lot of issue about Vien. Dahil pareho natin siyang minahal, pero dahil siguro mabait at mapagmahal ka ng sobra ay dumating na ang babaeng bubuo ulit sayo. Wag mong hayaan na may umagaw pa dyan, maging possessive ka pagdating sa kanya," ani ni Esther sabay kindat. "I've no more to say but i want to say thank you for everything. You are a good friend to us. Kahit nasasaktan ka na ay patuloy ka pa din nandyan, sana ganon din ako katatag katulad sayo. Enjoy your day Yuhence, happy birthday. Ninong ka ah? Hindi ka pwedeng mawala."
"Tss. Crazy ass," nakangiting bulong ni Yuhence.
Lahat ng mga kaibigan ni Yuhence ultimo si Kaizen at Apollo ay nagbigay ng mensahe sa kanya. Hindi nalalayo ang mensahe na binigay ni Vivienne at Esther sa mga sinasabi nila. Na wag na kailanman pakawalan ang bituin na hawak niya na ngayon. Kailan pa nahahawakan ang bituin? Nakapunta na ba siya sa mars? Alien ba ito? Hala? Ang gwapo mo naman'g alien!
"You will sing for me Amethyst," hindi ko inaasahan na magsasalita si Yuhence.
Nagkakasayahan na ang lahat habang kami ni Yuhence ay nakaupo pa din ngayon dito. Ayokong kumanta kung ganitong karaming tao ang nasa paligid ko.
"N-Nahihiya ako Yuhence. K-Kakantahan kita kung... kung.." kinakabahan na anas ko.
"If what?"
"K-Kung tayo lang dalawa. I-I mean kung ikaw lang na mag-isa ang makakarinig. A-Ayokong kumanta sa harap ng mga bisita nahihiya ako," ani ko sabay yuko.
"Let's go to rooftop then," sabi niya at kinuha ang kamay ko sabay tayo.
"B-Bakit doon?"
"Dahil i said so," nakangisi niyang sabi sabay hinila ako upang mapatayo. "What? Do you want me to carry you? Just tell me if you want me to buhat you."
"A-Ano... hindi. N-Nabigla lang ako."
"Tss. Reason," nakangisi niyang sabi. "Let's go."
Hinila na ni Yuhence ang kamay ko at tumungo na sa hagdanan. May nadaanan pa kaming gitara kaya agad niya iyon'g kinuha. Ang dami naman netong gitara, mahilig talaga siyang tumugtog ng musika. Nakarating na kami sa sinasabi niyang rooftop at masyado iyong malaki. May lamesa at upuan din at kita ko din ang kalawakan. Mga nagkikinaman na bituin na kay gandang titigan.
"Anong kakantahin mo para sa akin? I will play," ani niya at pinaupo ako sa upuan.
Hinila ni Yuhence ang isa pa'ng upuan upang ilipat iyon sa harap ko. Magkaharap kaming dalawa kaya naiilang na ako lalo na at kami lang dalawa ang tao dito.
"Do you know how to play the song brown eyes?" tanong ko sa kanya at tinipa muna ang gitara bago sumagot.
"Yeah. Is that what you are going to sing to me?"
"O-Oo."
"Cool," nakangiti niyang sabi at sinimulan ng tipahin ang gitara.
Bumuga muna ako ng hangin bago magsimula. Kinakabahan 'man ay kailangan ko'ng gawin para kay Yuhence dahil ito ang gusto niyang ipagawa sa akin.
Remember the first day
That I saw your face?
Remember the first day
That you smiled at me?
You stepped to me
And then you said to me
I was the woman
You dreamed about
Nakatingin ako kay Yuhence ng deretso habang siya naman ay nakatingin sa kanyang gitara. Seryoso siyang nagtitipa kaya napangiti ako.
The way we held
Each others hand
The way we talked
The way we laughed
It felt so good
To find true love
I knew right then
And there you were the one
I know that he loves me
'Cause he told me so
I know that he loves me
'Cause his feelings show
And when he stares at me
You see he cares for me
You see how he is
So deep in love
I know that he loves me
'Cause it's obvious
I know that he loves me
'Cause it's me he trusts
And he's missin' me
If he's not kissin' me
And when he looks at me
His brown eyes tell his soul
Ganon na lang ang biglang pagtingin Yuhence sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin. Nahuli ba niya akong nakangiti sa kanya? Sana naman ay hindi dahil nahihiya ako.
"Nice song but... have you ever seen brown eyes in the sun?" napatingin ako bigla kay Yuhence dahil sa tanong niya.
"N-No."
"You don't always notice it at first but you'll see that brown no longer describes them," nakangiti niyang sagot. Ngiti na kay sarap titigan sa kanya. "They melt into the golden rays, circling an eclipse. There's nothing about boring brown eyes, not even when the later hours encroach; they just turn into a sunset of their own."
Naiintindihan ko ang punto na sinasabi ni Yuhence. Pero hindi ko naman din alam ang bagay na iyan. Ang mga mata kasi ni Yuhence ay hindi lang basta brown eyes hindi ko ma-explain pero ang sarap titigan. Kaya iyon ang kinanta ko para kanya dahil bagay sa mga mata niya. Ngunit habang kinakanta ko iyon kanina parang inilalarawan kaming dalawa.
"You don't know how lovely you are."
"H-Ha?" sabi ko at pinatong ni Yuhence ang kanyang gitara sa lamesa bago umusog papalapit sa akin. Hinawakan na naman niya ang kamay ko.
"You with your cheeky half-smile. The way you touch your hair, your soft finger tips," sabi ni Yuhence habang nakatingin sa mga kamay ko bago nag-angat ng tingin sa akin. "And those brown eyes."
Brown eyes lang ang mga mata ko pero hindi kasing ganda sayo.
"They draw me in, then slowly let me go. And i don't know if i want to go."
Nag-angat ng palad si Yuhence at humaplos na iyon sa mga pisngi ko. Doon na muli ako kinabahan ng sobra dahil sa kanyang mga galaw.
"Although i love the stars that dot the night sky, i love the stars in your eyes even more. Will i sleep, i will think about my favorite stars and wait to be with you again," pagtapos niyang sabihin 'yon ay agad niya ng hinalikan ang noo ko. "I like you ma chérie."
Muli na naman akong tinignan ni Yuhence sa aking mga mata ngunit ang kanyang mukha ay masyadong malapit sa akin. Maling galaw ko lang ay siguradong maglalapat ang labi namin sa isa't-isa. Nagbaba siya ng tingin sa akin mga labi upang siya ay mapangisi.
"I miss kissing you," bahagya niyang sabi.
"H-Ha? A-Ano... Yuhence m-masyado kang malapit," kinakabahan na anas ko.
"Just..." bumuga muna siya ng hangin. "I can't help it just one kiss."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko, pero basta nangyari na ang bagay na gusto niyang mangyari. Nahalikan niya na ang labi ko at nanlaki pa ang mata ko. Nakapikit si Yuhence habang ginagalaw niya ang kanyang labi mula sa akin. Napakasarap at banayad ang kanyang paggalaw sa labi ko. Hindi masyadonb malalim, hindi din masyadong mapusok. Tama lang na parang doon niya pinaparating na parang ako ang babaeng ginugusto niya talaga.
Doon na din ako napapikit at parang nagkusa ang labi ko na sundan ang bawat paggalaw ni Yuhence sa aking labi. Hindi 'man akong masyadong marunong ay sinubukan ko din pagalawin ang labi ko. Kusa na din ako napaatras dahil sa ginawang pagsipsip ni Yuhence sa labi ko at hinila ng paatras kaya ako napakalas.
"M-May balak ka bang tanggalin ang labi ko?" kinakabahan na anas ko at hinawakan ang labi ko.
"What?"
"B-Bakit mo hinila? May balak ka bang tanggalin ang labi ko?"
"Why will i do that?" natatawa niyang tanong.
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa hiya. Akala ko kasi kaya niya iyon ginawa dahil tatanggalin niya ang labi ko mula sa akin.
"Amethyst?"
Bahagya akong napalingon sa pintuan dahil sa boses ng pinsan ko.
"A-Apollo? Bakit?"
"Sabay ka na sa akin sa bahay mo ako matutulog," ani niya. "Hey bro happy birthday."
"Thanks dude," sagot ni Yuhence.
"I will wait for you outside cous," ani pa ni Yuhence at tinalikuran na kami.
Bahagya na akong tumayo at tinignan si Yuhence na nakaupo pa din hanggang ngayon. Nakagat ko muli ang pang-ibaba kong labi.
"Stop biting your lip because I might not be able to stop myself from kissing you again," nakangising sabi ni Yuhence kaya napanguso. "Stop pouting you are like a bibe."
"Bibe?" kunot noong anas ko.
"Bibe ko. Hahaha. Aissh. Baduy," natatawa niyang sabi. "Where's my gift?"
Doon na lang din bumalik ang excitement ko dahil sa tanong ni Yuhence. Kinuha ko ang regalo ko sa aking handbag at nakangiti iyong inabot kay Yuhence. Akma na niya sana iyon bubuksan nang bigla ko siyang pigilan.
"T-Tsaka mo na lang yan buksan kapag matutulog ka na."
"Why?"
"K-Kasi... basta. Sundin mo na lang."
"Pero gusto ko ng makita."
"Mamaya na lang," hampas ko ng mahina sa kanyang regalo.
"Fine, fine."
Tumayo si Yuhence at tinignan ako. Ngayon naman ay nakatingala na ako ulit sa kanya. Nilagay niya ang kanyang isang kamay sa bulsa habang deretso na nakatingin sa akin.
"Good night Yuhence. Happy birthday," nakangiti kong sabi.
Ngumiti siya at hinawakan ang likod ng ulo ko at muli na naman'g hinalikan ang aking noo! Puso naman kumalma ka! Kalma. Kalma.
"Good night my baby, my treasure, my darling, my galaxy, my moon and my star," sabi niya at bigla akong niyakap. "May the stars and the moon guard your peaceful slumber. Sweet dreams Amethyst."
Napalunok ako. "I-Ikaw din."
Dumating ang lunes at nandito ako ngayon sa aking clinic. Medyo wala ngayon masyadong pasyente sa mga araw na ito pero ayos na din iyon para naman din hindi kami mapagod. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkikita ni Yuhence simula no'ng matapos ang birthday niya. Kinabukasan kasi noon ay namili kamo ni Apollo ng mga groceries sa bahay.
Hindi ko din alam kung bakit ko ito nararamdaman. Namimiss ko si Yuhence. Aaminin kong namimiss ko siya at hindi na ako makapaghintay na hindi siya ulit makita.
"Dr. Amethyst," katok ni Fiona sa pintuan.
"Fiona," nakangiti kong sagot. "Tuloy ka."
Tuluyan na siyang pumasok at umupo sa harapan ko.
"Asan yung kasama mo?"
"Nasa labas po. Dito muna po ako wala kasi akong mapagsabihan," medyo nahihiya pa niyang sabi.
"Spill it?"
"Meron kasi akong mga kaibigan tingin nila sa akin hindi totoo. Kahit ganito na ang age ko na nasa 25 ay nakaka-encounter pa din ako ng mga ganyan."
"Tapos?"
"A-Ano po ba ang maibibigay mong advice? Hindi kasi ako totoo sa paningin nila," napayuko siya.
Sa tanang buhay ko ay hindi ko naranasan ang magkaroon ng kaibigan sa lugar namin. Kasi bantay sarado talaga ako sa mga magulang ko. Ngumiti ako kay Fiona kahit alam kong hindi niya nakikita dahil nakayuko siya.
"Maging totoo ka sa sarili mo kasi kahit hindi ka na nila tanggap, ang importante hindi ka nagpapanggap," sabi ko at napatingin sa akin si Fiona. "To be beautiful means to be yourself. You don't need to be accepted by others. You just need to accept yourself."
"Salamat Dr. Amethyst," nakangiti niyang sabi. "Simpleng kataga lang ang binitawan mo pero masyadong maganda ang punto. Salamat talaga."
"Walang anuman. Hindi mo kailangan baguhin ang sarili mo para lang magustuhan ng tao. Maging totoo ka sa sarili mo at wag mong hahayaan na i-down ka ng mga tao. Dahil kung hindi ka nila magawang magustuhan matutunan mo din sana ang mawalan ng paki sa sinasabi nila," nakangiti pang sabi.
"Thank you."
"Dr. Amethyst," kumatok si Aly sa pintuan.
"Yes?"
"May bisita po kayo."
Sino naman? Wala akong inaasahan na bisita.
"S-Sino daw?"
"Boyfriend n'yo daw po."
"P-Patuluyin mo," sabi ko pa at tinignan si Fiona na nakangiti na ngayon. "W-Why are you smiling like that?"
"Ikaw Dr. Amethyst wala kang sinasabi na may boyfriend kana pala."
"Hindi ko ba nasasabi?"
"Sus. Masikreto ka pala," ani pa ni Fiona sabay tayo. "I'll go outside. Enjoy Dr. Amethyst."
Bakit parang iba ang tono sa pananalita niya? Weird.
Lumabas na si Fiona sa opisina ko pero ang sunod naman na pumasok ay isang rebulto ng lalaki. Nanlaki ang mata ko, hindi na bago sa akin ito pero bakit parang naguguoat pa din ako sa presensya niya?
"Y-Yuhence? W-What are you doing here?" nauutal kong tanong.
Paano niya nalaman ang clinic ko? Hindi ko naman sinasabi sa kanya ang lugar.
May nilagay siya sa lamesa ko kaya nagbaba ako ng paningin doon at nasilayan ko ang regalo ko sa kanyang mask. Bakit naman niya ito dala dito?
"Ito ang regalo ko sayo ah? Nagustuhan mo ba?" nakangiti kong sabi at nag-angat ng tingin sa kanya. Nawala ang ngiti ko dahil nakapatong na ang dalawa niyang kamay sa lamesa ko at nakayuko sabay bumubuha ng hangin. "Y-Yuhence?"
"Ano ba yan'g nireregalo mo sa akin?" doon na lang niya ako tinignan ng deretso.
"Hala? Hindi mo ba gusto?" nakanguso kong tanong.
"I-Is not like that p-pero bakit ganyan ang niregalo mo sa akin? Ano bang tingin mo sa akin? Magnanakaw?"
"O-Oo. Diba ayan naman talaga ang ginagamit ng magnanakaw? Itim na mask? Kaya ayan ang niregalo ko sayo," sagot ko at napahilamos siya ng mukha.
"Oh fuck."
"Hey! Profanity!" duro ko sa kanya at tinignan ako na nakasalubong ang kilay.
"Ang ineexpect ko ay magandang regalo hindi cheap na regalo."
Para akong nasaktan sa sinabi ni Yuhence sa regalo. Cheap ba ang regalo ko? Hindi naman ah. Binabagay ko lang sa pagkakakilala ko sa kanya.
"Itatabi ko na lang," sagot ko at kinuha ang mask na niregalo ko sabay nilagay sa drawer. "You can leave."
"Amethyst."
Hindi ko siya tinignan. Nakatuon lang ang paningin ko sa lamesa habang nakakuyom ang kamay.
"Makakaalis ka na Yuhence marami pa akong trabaho na kailangan gawin."
"But—"
"Please?" doon ko na lang siya tinignan ng deretso. "May importante pa akong gagawin kaya makakaalis ka na. Papalitan ko na lang ang regalo na gusto mo. Yung maganda at hindi cheap sa paningin mo."
"Amethyst is not like that."
"Please?" nauubusan na pasensyang pakiusap ko.
Hindi na siya nagbitaw ng salita pa. Ginulo muna niya ang kanyang buhok bago lumabas ng opisina ko. Napasandal ako bigla sa swivel chair ko na parang sobrang bigat ng pakiramdam ko. Muli kong kinuha ang mask na niregalo ko kay Yuhence. Kailan pa naging cheap ang bagay na ibinibigay ko?
"Tanggapin mo na lang Amethyst. Cheap daw para sa kanya," mahinang anas ko at tinapon ang mask sa basurahan na nasa tabi ko.
Sa susunod hindi na ako magreregalo kung cheap lang pala sa paningin mo.
To be continued. . .