Dumating ang araw ng sabado ay tinulungan ako ni Apollo kung ano ang susuotin kong. Hindi naman daw iyon pabonggahan kaya cocktail dress ang susuotin ko. Si Apollo din ang nag-asikaso ng susuotin ko habang ako naman ay inaayusan ng baklang tinawagan ni Apollo para ayusan ako. Sinabi ko din sa kanya na ayoko ng masyadong makapal ang makeup dahil gusto ko simple lang. Nabili ko na din ang regalo para kay Yuhence, hindi na nga ako makapaghintay na hindi iyon maibigay sa kanya.
"Oh pak! Ang prilalu mo na sis!" nakangiting sabi ni LJ. Iyon ang pangalan niya.
"A-Ano 'yung prilalu?"
"Maganda ka na kako," ani niya. "Ikaw daw ang date ng boyfriend mo sabi sa akin ng pinsan mo. Ay sis! Pak na pak ang iyong face dahil kanin na ulam pa! Biruin mo? Isang ulam na Yuhence Won De Vera ay boyfriend mo pala?"
Naguluhan ako. "K-Kailan pa naging kanin at ulam si Yuhence?"
"Hahaha. Hindi mo makeri ang joke ko ma'am."
"J-Joke ba iyon?"
Parang hindi naman iyon biro. Kailan ba naging kanin at ulam si Yuhence? Tao siya at magnanakaw pa.
"Wala ka sigurong alam sa mga ganong joke 'no? Ay nako. Hindi pa hinog ang iyong mind."
Napanguso ako. Ganyan na ganyan ang sinasabi ni Apollo at ni daddy sa akin. Sila ang magulo. Kailan ba nagiging hinog ang utak ha? Walang ganon sa science.
"Okay na iyong innocent face. Aayusan ko na ang buhok mo para maisuot mo na ang iyong cocktail dress," dagdag pa ni LJ.
Hindi ako sumagot dahil hinayaan ko na lang siyang ayusan ang aking buhok. Kinulot niya muna ang buhok ko bago ipusod na banda lang sa aking batok. Kinulot niya din ang hibla ng buhok ko sa gilid ng tenga at iniwan lang iyon na nakalantad. Nilagyan niya din ng hairclip ang aking buhok na ang disensyo ay perlas na may bulaklak na paderetso nakapatong doon ang perlas.
"Ayan okay na," ani ulit ni LJ ng matapos niya akong ayusan ng buhok. "Pwede mo ng suotin ang cocktail dress mo at paglabas mo wala na ako dito."
"Hala? Saan ka pupunta?"
"Ay? Ayaw mo akong paalisin? Gusto mo akong tumira ditey? Kalerski ka. Walang tao sa aking palasyo kaya uuna na ako. Don't worry my sis bayad na ako," anas niya sabay kindat.
Binigay sa akin ni LJ ang susuotin ko kaya pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Ang ganda ng cocktail dress. Nasabi din sa akin ni Apollo na isa daw itong navy blue off shoulder two piece cocktail dress. Two piece ay nahahati sa gitna na bandang tiyan upang makita ang balat ko doon. Kaso nga lang nakikita ang dibdib ko.
"Dress ba 'to?" hindi makapaniwalang anas ko habang tinitignan ko ang aking sarili sa aking salamin. "Kita dibdib ko pero hindi naman as in kita lahat. Parang kita lang yung guhit at laman ng kaunti?"
Ano ba itong pinapasuot ni Apollo sa akin? Daig pa niya babae kung pumili ng ganitong dress. Nilagyan ko ng neckless ang aking leeg para may disenyo iyon at magandang tignan. Sunod naman ay hikaw tapos bracelet. Ganon na lang din kabilis ang pagtibok ng puso ko sa sunod-sunod na pag doorbell mula sa labas ng bahay ko. Tinignan ko ang orasan sa ding-ding at alas-sais na ng gabi at malapit na mag alas-siyete.
Kinuha ko na ang handbag ko pati ang regalo at lumabas na ng kwarto. Paglabas ko ng pintuan ng bahay ko at nasilayan ko na si Yuhence na nakatingin sa gilid na parang may tinitignan sa malayo. Binuksan ko na yung gate para mapatingin sa akin ng deretso. Muli na naman tumibok ng malakas ang aking puso dahil sa tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
Pangit ba ang suot ko?
Muli ko siyang tinignan at ang itsura niya ay nakasalubong na ang kilay habang nakatingin sa dibdib ko sabay tingin sa mga mata ko. May ginawa ba akong masama? Parang galit siya. Galit ba siya?
"A-Am... b-bakit ang sama ng tingin mo sa akin?"
"Ano yan'g suot mo?"
Tinignan ko ang aking sarili. "Navy blue cocktail dress. G-Gusto mo ba'ng suotin?"
"Look at yourself? And look at your chest," turo pa niya sa dibdib ko.
"B-Bakit ba?"
"Aisssh! Nakikita!" Inis niyang sagot para mapanguso ako.
"H-Hindi naman kasi ako ang pumili neto kun'di si Apollo."
"What the f**k? I will f*****g kill him."
"Bunganga mo," duro ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin. "O-Oh sige. Magpapantalon na lang ako sa party mo."
Akma na sana akong babalik sa loob ng biglang hawakan ni Yuhence ang kamay ko. Muli akong humarap sa kanya at bumuga muna siya ng hangin.
"Let's cover up."
"H-Ha?"
Hinubad ni Yuhence ang kanyang suit at nilagay iyon sa balikat ko. Akma pa siyang umiling na parang hindi sapat ang kanyang ginawa sa akin.
"Do you have a hairclip?"
"A-Ah... yes i have. Wait," kinuha ko sa bag ko ang itim na hairclip.
Sabi kasi ni LJ kapag naramdaman ko daw na parang maluwag na sa ilalim ay lagyan ko lang daw ng hairclip. Ibinigay ko iyon kay Yuhence at pinaayos muna niya sa akin ang suit niya na isuot ko daw ng ayos. Tuluyan ko na iyon sinuot at tinignan ko ang kamay niyang malapit sa dibdib ko. Nilagyan niya iyon ng hairclip upang hindi na makita ang dibdib ko.
"P-Paano ka? Edi wala ka ng suot na suit," turo ko sa kanya.
"Don't mind me Amethyst. Marami akong tuxedo sa bahay at maaari akong magpalit. As if naman na hayaan kong pagtinginan yan'g dibdib mo?" salubong na kilay niyang sagot.
Masama ba ang suot ko?
"Get in," ani pa ni Yuhence nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
Hindi na ako sumagot at sumakay na ako sa front seat at ganon din siya. Pagtapos non ay tinahak na namin ang daan patungo sa party niya.
"Sino pala ang mga dadalo sa birthday mo?" hindi ko mapigilan ang hindi magtanong.
"My friends and my family friends."
"Ah," tangong sagot ko.
Dahil sa sinabi niya na mga kaibigan niya ang dadalo ay parang kinakabahan na ako. Kasi baka hindi nila ako gustong maging kaibigan ni Yuhence? Paranoid na kung paranoid dahil ganon ang dating sa akin. Si Kaizen at si Yuhence lang ang kilala ko nandoon naman si Apollo kaya paniguradong mawawala din ang kaba na nararamdaman ko. Sana naman hindi sila magalit sa akin.
"Open ko lang yung spotify," hindi ko inaasahan na magsasalita si Yuhence.
"Sasakyan mo ito Yuhence kaya hindi mo na kailangan magpaalam pa," simpleng sagot ko at tumingin na sa labas ng bintana.
Iyon na lang ang paglingon ko muli kay Yuhence na bigla niyang hawakan ang kamay ko at ipinatong iyon sa kambyo. Sunod naman ay nakapatong na doon ang kamay niya sa ibabaw ng palad ko. Muli na naman lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa niya.
Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning
Mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan
Sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay
Puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing
Hawak ko ang 'yong kamay
O kay sarap sa ilalim
Ng kalawakan
Kapag kapiling kang
Tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin
Sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing si Yuhence ang gumagawa ng ganitong galaw ay sobrang lakas ng t***k ng puso ko pagdating sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, basta ang alam ko lang ay ayoko ng bitawan niya ang mga kamay ko.
"Amethyst," napalingon ako kay Yuhence.
"B-Bakit?"
Ngumiti siya pero ang mga mata niya ay nasa daan.
"Last night I'm staring at the moon, i saw a shooting star and thought of you."
Napalunok ako sa sinabi niya. "Bakit mo ako n-naisip?"
"Because i miss staring at you."
Iyon na lang ulit ang pagtibok ng puso ko dahil sa paglingon niya sa akin.
"1 universe, 9 planets, 204 contries, 809 islands, 7 seas and i met you," muli pa niyang sabi at nag-redlight ang stoplight para mapalingon siya sa akin. "Who are you? Bakit sinasabi ng puso ko na parang wag na kita'ng hayaan na umalis pa sa tabi ko?"
"I-I don't know. T-Tanungin mo ang puso mo dahil hindi naman nagsasalita ang puso ko," kinakabahan anas ko at ngumisi siya.
"Is it possible to fall in love with a innocent girl?"
Napahawak ako sa dibdin ko dahil iyon na naman ang muling paglakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Basta ang alam ko lang at aaminin ko sa sarili ko na ang sarap pakinggan ng sinasabi niya.
"Siguro naman ay oo," dagdag na anas niya at tinignan ko muli siya. "Kakantahan mo ako mamaya."
Muli na niyang pinaandar ang kanyang sasakyan.
"A-Ako kakanta?"
"Yes."
"Pero may regalo naman ako dito bakit ko pa kailangan kumanta?"
"Because i said so."
"But-"
"One but. One kiss."
"N-Nahihiya ako."
Pinisil niya ang kamay ko. "You don't have to be shy baby because I'm here."
Iyon na nga ang dahilan. Kinakabahan ako dahil nandyan ka.
Dumating na kami sa bahay ni Yuhence at mula sa labas ay maraming naggagandahan na sasakyan na nakahilera sa gilid ng bahay ni Yuhence. Namatahan ko din na maraming nagsisipasukan na mga tao. Pinagbuksan na ako ni Yuhence ng pintuan at nilagay niya ang kamay ko sa braso niya. Lumakad na kami papasok at iyon naman ang mga paningin ng lahat ng tao sa amin. Nakatingin sila sa amin ni Yuhence.
"Yuhence here!" may tumawag sa kanyang lalaki at parang nakita ko na siya.
Siya si Maxwell na nakilala ko sa aking clinic. Tumungo kami doon ni Yuhence at napahigpit ang kapit ko sa kanyang braso. Nandoon din si Vivienne habang hawak-hawak ang anak at katabi niya ay isang magandang babae. Siya yata ang asawa ni Maxwell.
"Who's that girl?" nakangiting sabi ng lalaki.
Ginala ko ang paningin ko at nakita kong kumaway si Apollo sa akin na may kasamang isang tatlong lalaki at isang babae. Yung dalawang lalaki ay kambal habang ang dalawa naman parang magkasintahan.
"Her name is Amethyst. My date."
Ngumiti ako sa kanila.
"And I'm Ivan."
"Me Arron."
"I'm Zach."
"Ako naman binibini ay si Ginoong Calix."
"And I'm Clive."
"Me Lash."
"Hello sa inyo," sagot ko at nginitian sila.
"And my name is Esther Vargaz. Husband of Vivienne Zin Vargaz," pagpapakilala ni Esther sa akin at inabot ko ang kamay niya.
"Bitawan mo na yung kamay niya Esther."
"Hahaha. Okay, okay. Don't be a possessive man f*****g Yuhence. She's yours."
I'm what? Hindi ako sa kanya.
"Hoy sperm na baog akin na muna yan'g date mo," sabi ni Vivienne. "Hindi pa pala ready ah? May pasabi-sabi kapa sa airport na hindi ready pero may kasama ka'ng date?"
"Just shut up Vien," inis na sabi ni Yuhence at hinawakan ko ang kamay ko na nasa kanyang braso. "I'll fetch you."
"S-Sige."
"Tara dito Amethyst-baby," ani ni Nayih.
Umupo ako sa harap nilang dalawa at nginitian nila ako. Nahihiya ako pero parang mababait naman sila.
"So what's up with you and Yuhence? In love naman sa isa't-isa?" tanong sa akin ni Nayih.
"N-No, no. We're just friends," nahihiyang sagot ko.
"Really?"
"Kailan ka pa naging bingi Nayih? Buntis ka lang naging bingi ka na?" sarkastikong tanong ni Vivienne.
"I hate you Vien-baby. Oh my God? I mean O to the M to the G! You didn't notice his eyes? Girl i swear he's already in love with you!"
"Pansin ko din iyon," sang-ayon ni Vien habang inaalog ang kanyang anak. "The way he look at you iba'ng-iba."
"H-Hindi naman siguro at tsaka hindi ko naman din alam kung ano ang ibig sabihin ng love."
Gulat nila akong tinignan dahil sa sinabi ko.
"Hindi mo alam?"
"O-Oo hindi ko alam," sagot ko sa tanong ni Nayih.
"Love?" ani naman ni Vivienne. "Love is knowing all about someone and still wanting to be with him more than any other person."
Hindi ko pa din maintindihan.
"Love is trusting," nakangiting sabi naman ni Nayih. "Love is trusting him enough to tell him everything about yourself including the things you might be ashamed of. Love is feeling comfortable and feeling safe with him."
Ganon nga ang nararamdaman ko. Sa tuwing kasama ko si Yuhence parang lagi akong ligtas.
"Kusa mo din yan mararamdaman Amethyst kapag kinakabahan ka sa mga bagay na ginagawa niya sayo it means gusto mo na siya," nakangiting sabi naman ni Vivienn. "Tulad mo ay naranasan ko yan. Hindi ko din malaman no'ng una na gusto ko na pala si Esther. Pero hindi ko naman din inaakala na may masasaktan akong isang tao."
"Ha? Sino?"
"Si Yuhence," si Nayih ang sumagot. "Yuhence is still broked because of Vien. Siya yung minahal ni Yuhence na babae pero nagparaya para lang sa ikakasaya ng taong mahal niya. Sweet niya ano? Pero masakit."
Siya pala yung babaeng gusto ni Yuhence pero hindi siya magawang gustuhin pabalik. Nakakaawa si Yuhence.
"Pero sa tingin ko ay unti-unti ng nabubuo si Yuhence dahil sayo," ngiting sabi ni Vivienne. "Hindi na kasi tulad ng dati ang mga mata niyang sobrang lungkot. Napalitan ng maraming emosyon. Napapangiti mo na siya hindi tulad noon ay laging seryoso ang kanyang mukha."
"G-Ganun ba?"
"Kaya wag mong sasaktan yan si Yuhence," duro na sabi sa akin ni Nayih. "Manok ko yan noon kay Vien at hanggang ngayon ay manok ko pa din siya because he's ideal man for me."
Kailan pa naging manok si Yuhence?
"A-Am. S-Sige," napapahiyang anas ko pero agad din'g ngumiti.
"Bakit hindi mo pa tanggalin yan'g suit ni Yuhence?" tanong ni Vien sa akin.
"N-Nakikita daw kasi yung dibdib ko kaya niya pinasuot sa akin ito. Ayaw niya ipatanggal kasi nakikita daw ng iba," kinakabahan na anas ko at pumalakpak si Nayih.
"Bachelor Of Possessive Man this year goes to Yuhence Won De Vera!"
Natawa si Vivienne dahil sa sinabi ni Nayih at ako naman ay pasimple lang tumawa. Lumingon-lingon ako at hinahanap ng mata ko si Yuhence. At ayon kausap niya ang asawa ni Vivienne at Nayih kasama si Apollo at Kaizen. Rinig ko din na magsisimula na ang event kaya napalingon sa akin si Yuhence. Kinakabahan na naman ako.
Kusa mo din yan mararamdaman Amethyst kapag kinakabahan ka sa mga bagay na ginagawa niya sayo it means gusto mo na siya
Bigla ko na naman naisip ang sinabi ni Vivienne sa akin. Kaya ba ako kinakabahan dahil g-gusto ko na si Yuhence? Ganon ba iyon? Paano ko naman malalaman kung mahal ko na ang tao? Gusto kong malaman kung paano ko malalaman kung mahal ko na ang isang tao.
"Let's go Amethyst," nakalahad ang kamay ni Yuhence sa akin. Hindi ko napansin na nandito na agad siya sa harapan ko.
"Congrats Yuhence," sabi ni Nayih.
Nilingon siya ni Yuhence. "For what?"
"Hahaha. Sa birthday mo."
"You have to say happy birthday not a f*****g congratulations. Are you teasing me with her?"
"Hahaha. Iyon ba ang dating sayo? Well. Oo."
"Keep doing that para ka'ng nagbebenta ng gayuma na pampatukso. Baka mangyari ang bagay na iyan," ani pa ni Yuhence at kinuha ang kamay ko.
"Sperm na in denial," kantsaw pa ni Vivienne pero hindi na siya sinagot ni Yuhence.
Tumayo na ako at nginitian muna sila Nayih at Vivienne bago namin sila talikuran ni Yuhence. Ngumiti din ako sa mga kaibigan niyang nakakasalubong namin. Siguro babalik na sila sa upuan na pinag-upuan ko kanina kung saan na nakaupo sila Vivienne at Nayih.
"Asan si Apollo?" tanong ko kay Yuhence habang naglalakad kami patungo sa stage na hindi naman kataasan.
"With Vargaz siblings and Kaizen. Why? Kasama din niya ang kapatid ni Vien na si Vanz."
"Ah napansin ko nga kanina."
Inalalayan akong makaupo ni Yuhence sa tabi niya. Pero bigla na naman niyang hinawakan ang kamay ko. Napalunok ako. Nakakahiya dahil ang mga mata nang lahat ng ay nasa amin.
"Maaari na natin simulan ang kaarawan ng aking nag-iisang anak. He's now 27 year's old," ani ng matandang lalaki. "Siguro nga ay baka mabigla na lang ako na engage na ang anak ko. Hindi malabong mangyari iyon dahil look at the girl with him, she's pretty and they look good together."
Para akong nahihiya sa sinabi ng kanyang daddy.
"Kung sino ang may gustong magbigay ng mensahe sa anak ko come on the stage, don't be shy. Happy birthday my son," ani naman ng kanyang mommy.
"A-Am... Yuhence? Kailangan ba talagang magkahawak ang kamay natin?" bulong ko at nilingon niya ako.
Meron ng nagsasalita sa mic na babae pero hindi ko kilala ngunit parang hindi nakikinig si Yuhence dahil ang mata niya ay na sa akin. Pansin ko sa gilid ng mata ko na lumapit ang mukha niya at ramdam ko ang hininga niya sa aking tenga.
"I want to hold your hand because I'm afraid you might leave me again," bulong na sabi niya na ikinakaba ko ng sobra. "Why am i so afraid to lose you when you're not even mine?"
Yuhence hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong mo.
Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Yuhence. Dahil kinakabahan na ako ng sobra dahil sa kanyang binibitawan na salita. Rinig ko ang pagngisi niya at sigurado akong nakangiti siya.
"No need to be so shy baby because it's just me. Ako lang ito ang nagsisimula ng magustuhan ka."
H-Ha? Anong ibig niyang sabihin?
To be continued. . .