Nakarating ako sa bahay ko na mabigat ang nararamdaman. Halo-halo ang emosyon ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga nangyari. Una, hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako kung sumagot. Pangalawa, hindi ko ugaling tawagin ang isang tao sa ganong salita. Bakit ganon? Dahil ba sa galit na nararamdaman ko?
Babalik ka diba?
Parang binulong muli sa akin ni Yuhence ang kanyang sinabi kanina bago ako tumungo sa banyo. Ganon na lang kabilis ang pagsabunot ko sa buhok ko dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Yuhence. Pero ganon na lang ulit kabilis mapalitan ng inis ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ng babae kanina.
"Totoo kaya ang sinabi niya?" mahinang anas ko. "A-Ano naman ang pakialam ko kung nag-séx na sila? A-Alam ko ang ibig sabihin no'n pero hindi ko alam kung paano gawin," natigilan ako sa sinabi ko. "Hala?! Ano ba ang mga pinagsasabi mo Amethyst? May balak ka bang alamin ang bagay na iyon? Masama yon, nakakadiri din."
Muli kong naisip si Yuhence. Ako naman din ang nagsabi na iiwasan ko na siya dahil sa babaeng nakasagutan ko kanina. Sasabihin niya na hindi siya babaero pero nakakadiri naman yung nalaman ko.
Eh bakit ka nandidiri Amethyst? 'Di ba sabi mo hindi mo alam kung paano gawin yon?
"K-Kaya ako nandidiri dahil alam ko ang ibig sabihin pero hindi ko alam kung paano gawin."
Talaga ba? Iyon lang ang dahilan mo talaga?
"Oo!" napasapo ako sa mukha ko. "Iyon lang ang dahilan ko."
O baka naman bukod pa don?
"Anong bukod pa don?"
Baka naman bukod pa don ang nararamdaman mo... o baka nagseselos ka na dahil gusto mo na si Yuhence?
"Hala?"
Natigilan ako dahil sa mga naiisip ako. Tuluyan akong napahiga sa mahabang sofa at nagpapadyak-padyak.
"Baliw ka na Amethyst! Baliw ka na. Sarili mong naiisip na tanong sarili mo din sagot galing sa bunganga mo!"
Eh baka naman na gusto mo na siya?
"Pwede ba isip? Wag ka ngang magulo!" napaupo na ako ng ayos at bumuga ng hangin. "I'm crazy. I am really, really crazy."
Napalingon na lang ako bigla sa pintuan dahil sa malakas na katok. Sino yon?
"Hala? Baka si Apollo," nakangiting sabi ko at sabay tumayo upang tumungo sa pintuan.
Nang mabuksan ko na ang pintuan iyon na lang ang paglaki ng mata ko. Ganon na lang din kabilis napalitan ng malakas na t***k ang puso ko. Kinakabahan ako. Oo, kinakabahan ako. Dahil salubong ang kilay ni Yuhence habang nakatingin sa akin.
"Sabi mo babalik ka diba?! Sabi mo babalik ka but goddamnít! You left me again!" sigaw niya sa akin na ikinaatras ako. "You make me stupid Amethyst! I thought you're coming back but no... you left me again twice."
Mali ba ang ginawa kong pag-iwan sa kanya? Nakakatakot si Yuhence.
"I am so worried about you," malumanay niya ng sabi at umabante ng hakbang papasok kaya napaatras ako. Tinulak niya ang pintuan para maisara iyon ng tuluyan. "Dahil akala ko nasa kapahamakan ka na."
"A-Akala mo lang naman yon p-pero hindi," nauutal na sabi ko at tinignan na naman niya akong ng seryoso.
"Why did you leave me?"
"A-Ano... k-kasi—"
"Because of my manager?" pagpuputol niya sa sasabihin ako. "Hindi ko siya ibabalik sa kanyang trabaho kung hindi mo sasabihin sa akin."
"Hala? Sinesante mo?" gulat na tanong ko.
"Yes. Is there a problem with what i did?"
"A-Ano, kasi... d-dapat hindi mo ginawa iyon dahil wala naman siyang ginagawa ng masama. A-Ako lang ang kusang umalis at iniwan ka."
Okay daddy...i lied. I'm sorry. Hindi ko sinunod ang rules mo.
Nakita kong nagtiim ang bagang ni Yuhence upang mapalunok ako. Galit ba siya sa sinagot ko? Baka alam niyang hindi totoo ang binigay kong sagot?
"Stop lying. I know everything that's why i fired her."
I'm doomed!
"That's why the reason why you left me again? May nakapagsabi sa akin na may kasagutan ka... lahat-lahat sinabi niya sa akin kaya ko nagawang isesante si Meerah."
Napayuko ako. "Sorry."
Tuluyang lumapit sa akin si Yuhence at hinawakan ang baba ko upang iangat iyon para mapatingin sa kanya. Napalitan ng emosyon ang kanyang mga mata. O nag-iilusyon lang ako?
"Naniniwala ka ba sinabi niya kaya ka umalis?" malumanay niyang tanong at napalunok ako.
"O-Oo," nauutal na sagot ko at nanlaki ang mata ko dahil ganon na lanh din kabilis na yinakap niya ako. "Y-Yuhence."
"I'm so sorry."
"Hala? Wag kang humingi ng sorry d-dahil wala ka naman'g ginawa na kasalanan sa akin."
"I'm sorry Amethyst. But is not true. Lahat-lahat ng sinabi niya ay hindi totoo."
Para akong nabuhayan ng saya dahil sa narinig ko.
"Totoo?"
"Yes, it is really, really ng bonggang-bongga," sabi niya sabay humagalpak ng tawa. "f**k it. I think I'm gay. Aisssh. Gross."
Napanguso ako. "Lasing ka Yuhence?"
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan muli ako ng deretso. Ngumiti siya sa akin.
"I'm not drunk. I'm broked."
Tinignan ko ang dibdib niya. "Gusto mo ipatahi natin yan'g puso mo?"
Kumunot ang noo niya. "What?"
Dinikit ko ang hintuturo ko sa dibdib niya kung saan nakapwesto ang puso ni Yuhence. Ngumiti ako habang nakatingin sa dibdib niya.
"Ipatahi natin yan'g puso mo para hindi na magawang saktan ng taong nanakit sayo. Gusto kong tahiin ang puso mo dahil nararamdaman ko na sira'ng-sira na ito at puro sugat na din," nakangiting sabi ko sabay tingin sa kanya. "M-May sinabi ba ako'ng masama?"
Umiling siya. "No. Natuwa lang ako sa sinabi mo."
"Ganyan ka matuwa?"
"What?"
"Natutuwa ka kamo pero seryoso ang mukha mo," nakangusong sabi ko at napatingin siya sa gilid sabay ngiti ngunit kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
Pero ganon na lang din kabilis niyang hawakan ang kamay ko na nasa dibdib niya. Nilingon niya ako na may ngiti na sa kanyang mga labi. Puso kalma.
"A simple touch from you healed every broken piece of my heart," ani niya.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"I gotta go," dagdag pa ni Yuhence.
Ngumiti lang ako pero siya nilagay niya ang palad niya sa aking ulo.
"I-Ingat ka Yuhence," sabi ko at tumango siya.
"Take care yourself."
"I-Ikaw din," ani ko pa at natigilan.
Natigilan ako dahil bigla niyang hinawakan ang baba ko at lumapit ang kanyang mukha. Nanlaki ang mata ko. Maling galaw ko lang ay maglalapat ang labi namin. Bakit ganon na lang kabilis ang kanyang paggalaw? Nahagip ng mata ko na bumaba ang paningin ni Yuhence sa labi ko.
"I can't wait to kiss your lips again Amethyst," iyon lang ang sinabi niya. Pero hindi ko naman din inaasahan na hahalikan niya ang ilong ko at pati na din ang noo ko. "Tu me manques."
"H-Ha?" anas ko. Hindi ko kasi naintindihan ang sinabi niya.
"I'll go. Have a good night," iyon lang ang sinagot niya at nagmartsa ng lumabas sa bahay ko.
Ganon na lang din kabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Bakit ganon na lang ang pagtrato ni Yuhence sa akin? May minamahal pa siyang iba at iyon ang sinabi niya. B-Baka kailangan niya lang gawin iyon upang maghilom ang sakit na nararamdaman niya at iiwasan niya na ako kapag nangyari ang bagay na iyon.
Bakit parang ang bigat sabihin? Totoo kaya?
"Ayos na din yon... basta maging okay lang siya ayos na ako," mahinang anas ko at bumuga ng hangin.
Lumipas ang mga araw at buwan kapag may oras ay nagkikita kami ni Yuhence sa MOA. Tinatanong niya din kung saan ang clinic ko pero hindi ko magawang sabihin. Dahil kailan pa siya nabunts para pumunta siya sa clinic ko? Lunes ng umaga at maaga akong tumungo sa hospital dahil sa kailangan ako doon dahil may manganganak. Hindi lang naman din ako nag-iisa dahil nandon si Mr. Leander Mallagher.
"Ikaw ba ang magpapaanak sa isa?" tanong ko kay Leander.
"Depende sa pipiliin ko Dr. Amethyst," nakangisi niyang sabi. "Tapos ka naman din na magpaanak sa isang babae kaya you can go. Baka kailangan ka na sa clinic mo. I'll call you if i need you."
"Okay Mr. Mallagher."
Lalaki siya pero nagpapaanak siya. Napatingin ako sa pintuan ng hospital dahil may lalaki at babae na buntis habang inaalalayan niya. Siya si Vivienne. Parang kailan ko lang siya nakita buntis na siya? She's lucky.
"I know them," ani ni Leander. "Ako ng bahala sa kanila. You can go now."
"Oh sige," tangong sagot ko.
"Leander! My wife. Manganganak na siya," sigaw ng lalaki habang papalapit si Leander.
"Natural. Alangan naman hindi manganak yan?" pilosopong sabi ni Leander at inutusan ang nurse na ihiga si Vien sa kama. Kumuha din ng papel si Leander sa nurse station
"Oh."
"Aanhin ko itong papel?"
"Kainin mo," sagot na naman ni Leander.
"Ha?"
"Fill-up-an mo. Kung gusto mo kainin mo."
Bakit parang galit siya? Rinig ko hanggang dito ang bangayan nila.
"King ina! Unahin mo muna akong doctor na baog ka!" sigaw ni Vivienne kaya napangiti ako.
"Whatever," si Leander.
"Teka lang?! Hindi naman ako papayag na ikaw ang magpaanak sa asawa ko dahil ako lang ang pwedeng makakita sa tinatago niya," ani ng lalaki at napansin kong napapikit si Vivienne sa sakit.
"Ang possessive mo. Makikita ko lang ang tinatago niya pero hindi ko aangkinin sa kanya. Kahit ipa-tattoo mo pa yan sa noo mo wala akong pakialam."
Ganito ba sila magsagutan?
"Tang ina mo Leander hindi ka pwede!"
Ang bad naman ng mouth mo kuya.
"Doctor ako! Alangan naman hayaan ko ang asawa mo? Walang mawawala sa kanya dahil ilalabas ko lang ang bata," sagot pa ni Leander. "Take her to the delivery room."
"Okay doc."
Hindi ko na sila pinansin dahil lumabas na ako ng hospital upang tumungo na sa clinic ko. Nang makarating na ako sa clinic ko ay hindi ko inaasahan na may isang cute na tuta na nasa harap ng pintuan. Dali-dali akong bumaba upang matignan iyon. Napangiti ako dahil ang cute niya. Para siyang mamahalin? Binuhat ko iyon at tinapat sa harap ko.
"Geia sou koutávi," nakangiting sabi ko. "Ang cute mo naman... nasaan ba yung nag-aalaga sayo? Bakit hinahayaan ka lang niyang mapadpad dito?"
"Actually he's mine," bigla akong napalingon sa likod ko dahil sa boses ng lalaki.
"M-Mr. Rome," mahinang tawag ko at nakangiti siyang lumapit sa akin.
"Don't call me Mr. Rome just Rome."
"O-Okay R-Rome," nahihiyang anas ko sabay tingin sa aso. "Sa iyo pala ito."
"Yeah... hahaha. He likes you," turo niya sa kanyang aso. "Ilang taon kitang hindi kita at ngayon doctor ka na."
"Oo nga po eh."
"Saan ka nakadestino as doctor?"
"Sa hospital ng Maynila," sagot ko.
"Lagi akong naroon pero hindi kita nakikita?"
"Bihira lang kasi ako pumaparoon kapag may manganganak."
"Ah i see. So this is your own clinic? That's cool," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa clinic ko.
"Thank you. Am... here," abot ko sa kanyang aso at kinuha naman niya. "I didn't know na mahilig ka pala sa aso."
"Hahaha. Now you know," tawa niya. "So Amethyst? I'll go na. Let's meet kapag may oras tayong pareho. Have a nice day."
"Thanks," nakangiting sagot ko at tinalikuran niya na ako.
Sumapit ang hapon ay masyado akong napagod dahil sunod-sunod ang nagpa-check up sa clinic ko. Nakaramdam ako ng pagod ng mapaupo na ako sa swivel chair ko ng matapos na ako sa ginagawa ko.
"Doktora? Aalis na po kami ni Aly," sabi ng isang nurse ko na si Fiona na sumulip sa opisina ko.
"Yeah. Take care. Pakilagay sa closed yung sign board ah? Thank you," nakapikit na anas ko habang ginagalaw ang swivel chaire ko.
Napapagod ako at hindi ko 'man lang din nagawang kumain kanina dahil hindi ko naramdaman ang gutom ko. Masyado talaga akong tutok kanina sa trabaho ko.
"Is any body here?!"
Napadilat ako bigla dahil sa boses ng lalaki. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng opisina ko. Namatahan ko na lang na buhat-buhat ng lalaki ang asawa niya.
"Oh there you are. My name is Maxwell." Pagpapakilala niya sa akin at tumango ako. "And her name is Nayih. M-My girl bigla na lang siyang nawalan ng malay."
"Bakit mo dito dinala imbis na hospital?"
"Aisssh! I've got no choice. Nahagip na lang kasi bigla ng mata ko ang clinic mo kaya dito ko na lang siya dinala. Besides, doctor ka naman din."
Bumuga ako ng hangin. "Follow me."
Pumasok kami sa loob ng kwarto upang matignan siya. Exam room ang tawag sa amin. Pinahiga ko sa upuan naa-adjust naman iyon kaya pwede siyang maihiga habang ang dalawang binti niya ay nakapatong.
"Hoy? Anong gagawin mo sa asawa ko?"
"Ic-check ko lang siya. Kung ayaw mong makita ang dapat na makikita pwede ka naman maghintay sa labas," malumanay na sagot ko kay Maxwell.
Nang matapos ang examination ay napagtantuan ko na isang buwan na siyang buntis. Tinignan ko si Maxwell na kasalukuyan na nakasapo ang palad sa mukha. Bumuga ako ng hangin.
"Sir Maxwell," tawag ko at tinignan niya ako. Ngumiti ako sa kanya. "Congratulations, she's pregnant."
"W-What?" gulat na anas niya at biglang tumayo. "S-She's what?"
"She's one month of pregnant. Congratulations. Tips, wag mong i-stress ang asawa mo dahil makakasama kay baby, and second kailangan niyang bumalik lagi dito para sa mga check-up."
"Hahaha. Magiging daddy na ako!" masayang sabi niya. "Thank you... ah?"
"Amethyst. My name is Rhena Amethyst Sul."
"Pinsan mo si Apollo?" gulat na turo niya sa akin.
Nagitla ako. "You know my cousin?"
"Yeah. He's my friend of mine."
"Nice to hear that," ngiting sagot nagpasalamat ulit siya sa akin.
Nakauwi na ako sa bahay ko at bigla ko na lang naibagsak ang katawan ko sa kama. Nakakapagod. Pagod ka Amethyst? Kumain ka muna bago matulog.
"Tinatamad pa akong bumangon."
"Hoy."
"Ay palakang hindi natalon! Apollo!" napabalikwas ako ng bangon.
"Hahaha! Ayan. Adik sa kape."
Bakit hindi ko siya napansin na nandito siya?
"H-Hindi kita napansin."
"Kakapasok ko lang din I'm with Yuhence and Kaizen," sabi niya. "May dala akong foods. Tara."
"M-Maliligo lang ako," sagot ko at tumango muna siya bago lumabas ng kwarto.
Nag-asikaso na ako sa sarili ko at naligo. Pagtapos kong patuyuin ang buhok ko ay bumaba na ako sa sala. At nahagip ng mata ko si Yuhence na kasalukuyan na nakatingin sa akin.
"Babae nga naman ang tagal lagi sa banyo," iling na sabi ni Kaizen.
Umupo ako sa tabi ni Apollo at binigyan niya ako ng pagkain. Kinuha ko iyon at kinain ko na din. Gutom ako.
"Woah, woah. Slow down marami pa dyan," awat ni Apollo sa akin.
Tinignan ko siya. "I'm hungry."
"I see that pero just please hinay-hinay? Mabilaukan ka."
Hindi ko sila sinagot nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay napasandal ako bigla sa sofa. Ang dami kong nakain.
Biglang pumasok sa isip ko si Maxwell na kakakilala ko lang kanina. Bigla akong napatingin kay Apollo at tinaasan niya ako ng kilay.
"You know Maxwell?"
"He's our friend. Why?"
"Nothing," ani ko at umupo ng ayos. "Naging pasyente ko kasi yung asawa niya. Buntis."
"Woah? Buntis na si Ms. O to the M to the G!" sagot ni Kaizen sabay tawa.
Hindi naman iyon ang pangalan niya. Her name is Nayih.
"Another celebration i guess," komento ni Yuhence sabay tingin sa akin.
"Bakit nga pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
"Yayayain ka sana namin sa darating na kaarawan ni Yuhence," sabi ni Kaizen.
"Kailan ba?"
"Sa october two sa darating na biyernes," sagot ni Apollo. "September 28 na ngayon. Sayang nga lang dapat imbitado ka sa birthday ni Vien netong buwan din kaso busy ka sa work mo."
"Is that so?" sabi ko at tumingin kay Yuhence at nakatingin din siya sa akin sabay ngisi. "D-Darating ako Apollo pero isabay mo ako."
"Oh no. He's your date kaya siya ang susundo sayo."
"H-Ha?" gulat na anas ko.
"Oo Amethyst. Nag-request kasi yan'g si Yuhence kay Apollo kung pwede ka ba niya maging date sa birthday niya."
Hindi ko alam ang isasagot ko.
"So cous what is your answer?" tanong sa akin ni Apollo na sinundan ni Kaizen.
"Is it a bluff or a fact? Hahaha. Joke. Yes or yes?"
"It's okay if you don't want to," sagot naman ni Yuhence sabay nag-iwas ng tingin.
"S-Sige. Payag ako," ani ko at biglang pumalakpak si Kaizen.
"Hahaha! Ayan na, ayan na. Ang puso mong dating durog ngayon mabubuo na ulit pero agad din madudurog!" sabi ni Kaizen at tinignan siya ng masama ni Yuhence.
Sino naman ang dudurog sa puso niya?
"Nice. So Yuhence ikaw na ang bahala sa pinsan ko ah?"
"Yeah. I will take care of her. But..." biglang tumingin sa akin si Yuhence. "No gift there is a consequence."
Para akong nabilaukan sa sinabi ni Yuhence. Ano naman ang regalong gusto niya? Hindi ko pa naman alam kung ano ang mga bagay na gusto niya. Ako na lang siguro ang pipili para masupresa siya. Kung yung itim na mask kaya na ginagamit ng mga magnanakaw? Hala? Oo! Iyon na lang ang ipangreregalo ko sa kanya. Easy.
To be continued. . .