Bumalik muli kami ni Azi sa loob ng Interior upang maisagawa ang plano namin. Hindi ko alam kung ikakaganda ba iyon sa Interior dahil sa gagawin kong pagtanggi. At ngayon ay magsisinungaling pa ako at gagamit ng ibang tao upang hindi lang maituloy ang kasalan na magaganap sa darating na panahon.
Bakit kasi kailangan pa nila kaming ipagkasundo? Maaari naman nila kaming suportahan sa gagawin namin sa aming buhay hindi iyon pati desisyon namin ay kailangan sila pa din ang masusunod. Kailan kaya ako mamumuhay ng normal? Yung walang sumusunod na mga tao sa aking likuran, yung simple lang ang suot at hindi lagi naka-gown sa buong maghapon. Yung walang kasalan na magaganap na hindi mo naman nais na mangyari.
At ngayon ay gagamit ako ng tao na hindi ko naman kailangang gawin dahil kasalanan na din iyon. Kaya pasensya na.
"Handa kana ba?" bulong ni Azi at napatingin ako sa kanya.
"Kinakabahan ako Azi. Baka ikasuklaman nila tayo sa gagawin nating pagtanggi."
"Mula sa puso mo naman sasabihin ang nais mong sabihin Amethyst."
"Hala? Kailan pa nakakapagsalita ang puso para sabihin mong mula sa puso ko ito sasabihin?"
Napapikit si Azi. "I mean, kung ano ang gusto mong sabihin na pagtutol sa magaganap na kasalan ay sabihin mo."
"Ah," tangong sabi ko. Hindi kasi nililinaw ng maayos.
"Kailangan na natin pumaroon sa lamesa dahil may kainan na gaganapin habang nag-uusap sa plano na gagawin sa atin."
"S-Sige," ani ko.
Nang makarating na kami sa hapag kainan ay namatahan na namin ni Azi ang mga magulang namin na nakaupo at masayang nag-uusap. Ako naman ay hindi magiging masaya sa gagawin nila na ipagkasundo kami sa isa't-isa. Lumapit kami ni Azi at sabay kaming yumuko bago kami paupuin sa upuan. Magkatabi kami ni Azi habang ang mga magulang namin ay magkatapat. Mahabang lamesa ang narito at marami din pagkain na animo'y may kaarawan na ipinagdiriwang.
Napatingin ako sa magulang ko na kasalukuyan na nakatingin din sa akin na may ngiti din sa kanilang mga labi. Paano nila nagagawang ngumiti na ganyang kaganda habang ako naman ay nalulungkot dahil ipapakasal nila ako sa lalaking hindi ko naman gusto?
"Maaari na siguro natin ideklara sa kanila kung ano ang mahalagang pagpupulong na ito Megaleiótate," ani ng ina ni Azi.
Bakit nila tinatawag na Megaleiótate ang aking mga magulang kung pareho lang naman sila ng katayuan? Parte siguro ng pagbibigay galang.
"Bago yan humingi muna tayo ng maiinom," ani ng aking ama. "Cup-bearer."
"Tóra tha ypakoúso epísis, to megaleío sas," sagot ng Cup-bearer na sinasabi ay kanyang agad na susundin ang pinag-uutos ng aking ama.
Nagsalin na siya ng wine sa mga baso ng aming mga magulang. Pero kami ni Azi ay pareho lang tahimik sa upuan, hindi pa din namin ginagalaw ang aming pagkain.
"Bakit hindi n'yo pa ginagalaw ang inyong pagkain?" tanong ng ama ni Azi.
Nagkatinginan kami ni Azi at tinanguan niya ako parang sinasabi na kumain na ako. Hindi na ako nagsalita pa dahil sinimulan ko na ang pagkain pero ang mga tenga ko ay nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.
"Maganda siguro kung ang lahat sa ibang bansa ay dadalo sa itinakdang araw para sa ating mga anak?" presinta ng ina ni Azi at sinagot naman iyon ng aking ina.
"Iyon nga din ang plano na aming gagawin ni Amynkor. Para naman masilayan nila na parehong masayang nagsasama ang ating mga anak."
"Lovely."
Ngayon pa nga lang ay hindi na ako magiging masaya.
"Cup-bearer, pakisabihan si Gentleman Usher na ilabas ang kremang tinapay ngayon din."
"Nai to megaleío sas."
Sana naman ay hindi na sila gumawa ng hakbang upang gawin ang lahat para lang maikasal kami sa isa't-isa. Hindi naman ako papayag na gawin iyon sa akin dahil hindi pa ako handa para dyan. Wala nga din akong alam kung ano ang pagmamahal at kung paano tumayo bilang asawa ni Azi. Pareho naman kaming tutol ni Azi maiintindihan naman nila siguro iyon.
"Megaleiótitá sou, parakaló, pes mou ti synévi?" hindi ko na mapigilang magtanong na sabihin sa akin kung ano talaga ang nangyayari.
Ngumiti ang aking ama. "Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa Amethyst. Ipagkakasundo namin kayo sa isa't-isa."
"At iyon ang mahalagang pagpupulong na atin ginaganap," sagot naman ng aking ina. "Royal council."
"Nai," ani ng Royal Council at pumaroon sa harapan ng lamesa. Ito ang pangalang ibinigay sa mga konseho ng tagapayo at tagapangasiwa kaya tinawag na Royal Council.
"Kailan mo ba mismo gustong ganapin ang araw na kanilang kasal Megaleiótate?" tanong ng ama ni Azi.
"Sa mga susunod na buwan?" sagot ng aking ama na sinundan ng Royal Council.
"Masyado po atang mabilis ang iyong nais na mangyari Megaleiótate. Baka mabigla ang mga ibang bisita dahil sa mangyayaring kasalan na gaganapin dito sa Interior kung nais mo agad na mangyari ang kasalan sa susunod na buwan?"
"Ngayon ay ano ang maibibigay mong payo sa aking desisyon?"
"Mas maiging pagplanuhin muna natin nang mabuti ang gaganapin na kasalan. Marami pang hindi nalalaman si Prinkípissa Améthystos sa ganitong kaganapan," magalang nitong sagot.
"Sa tingin ko ay tama siya," sagot ng aking ina at sumang-ayon ang magulang ni Azi.
Kailangan ko na bang tumutol?
"Kung gayon ay pagplanuhan natin ito ng mabuti. Tama naman din ang iyong payo kaya mas maiging turuan muna si—" pinutol ko na ang sasabihin ng aking ama.
"Tumututol po ako sa gagawin ninyo para sa akin Megaleiótate," nakayukong anas ko.
"T-Ti les Prinkípissa Améthystos?" nauutal na tanong ng Royal Council.
"Hindi po ako pumapayag na maipakasal ako sa lalaking hindi ko naman gustong makasama sa matagal na panahon," sagot ko pa. Parte ng tradisyon namin ang sumagot habang nakayuko dahil nagbibigay galang iyon sa mga nakakatanda. "Hindi ninyo sana mamasamain ang aking pagtutol sa gusto ninyong mangyari Megaleiótate."
"Bakit mo naman gustong tumutol sa ganitong klaseng kaganapan Amethyst?" tanong ng ina ni Azi.
"Katulad din ng iyong anak ay tutol din sa kasalan na mangyayari. Tama ba ako Prinkípas Azí?" sagot ko at sumagot si Azi.
"Tumututol din ako sa kasalan na gusto ninyong mangyari para sa amin Megaleiótate."
Napalunok muna ako ng laway bago muling sumagot. "Kung hindi po ninyo sana mamasamain ang aming pagtutol ay maaari po bang wag ninyo ng ituloy ang ipagkasundo kami sa isa't-isa?"
"Kung gayon," biglang sumeryoso ang aking ama. "Bigyan ninyo kami ng dahilan kung bakit n'yo gustong tumutol sa aming gusto gawin para sa inyo?"
Kinakabahan na ako Amethyst. Lakasan mo ang loob ko.
"May minamahal akong iba Megaleiótate," si Azi ang unang sumagot.
"A-Anong sabi mo?" tanong ng ama ni Azi. "Kaya mo bang gustong tumanggi sa aming mga desisyon dahil ikaw ay may ibang iniibig?"
"Iyon nga ho Megaleiótate."
"Kung ganon sino ang babaeng yan?! Kaya nga kita ipinagkasundo dito sa kanilang anak ay mas nararapat sayo ang isang babae na kagaya ni Amethyst!"
"Dahil isa siyang Prinkípissa?" inis na sagot ni Azi. "Maaaring hindi isang prinsesa ang aking minamahal pero kaya ko siyang tratuhin bilang prinsesa."
"Suwail ka," gigil na anas ng kanyang ama.
Nakakatakot naman.
"Hindi ako suwail Megaleiótate. Sapagkat ipinaglalaban ko lang ang totoong saloobin ko dito. Hindi ko siya mahal, at lalong hindi ko siya kayang mahalin dahil lang sa kanyang posisyon. Kung gusto ninyo ako ibaba sa aking posisyon pansamantala bilang sa parusa na aking matatanggap ay tatanggapin ko. Basta hindi lang ako maikasal sa babaeng ito."
"D-Den boró na to pistépso aftó," sagot ng ina ni Azi na sinasabing hindi siya makapaniwala.
Napalunok pa ako ng ilang beses dahil ako na din mismo ang tinanong ng aking ama.
"Ano naman ang iyong ipapaliwanag sa amin Amethyst? Ikaw ba ay may iba din na minamahal kaya gusto mo din itong tanggihan?"
Ayokong gumamit ng tao, gusto ko ay mula sa loob ko ang gusto kong sabihin.
"Wala po akong taong minamahal Megaleiótate. Dahil hindi ko pa alam ang bagay na iyan kung paano gawin. Kaya ko gustong tumutol dahil katulad na kanyang sinabi ay ayokong maikasal sa kanya dahil hindi ko naman ito gusto."
"Magagawa mo naman siyang gustuhin," ani ng aking ina kaya napangiti ako.
"Ayoko po siyang gustuhin dahil sa iyon ang gusto ninyong naisin. Gusto kong gustuhin ang isang tao dahil may rason, ayoko po siyang gustuhin dahil katulad ng sinabi niya ay may iba siyang minamahal. At hindi mo kailangan matutunan gustuhin ang isang tao dapat kusa mo itong magugustuhan na hindi pinag-uutos ng ibang tao," magalang na sabi ko. "Wala pa po sa plano ko ang mga bagay na iyan dahil mas nanaisin ko munang abutin ang aking pangarap kaysa bagay na iyan. Respetuhin nyo po sana ang aming desisyon Megaleiótate. Hindi naman po namin nais na labagin ang inyong gustong mangyari."
Hindi sila nakasagot dahil sa aking sinagot. Nakahinga ako ng maluwag dahil nasabi ko ng ayos ang aking saloobin na hindi nauutal.
"Pasensya na sa sasabihin ko pero..." biglang sabi ng aking ina. "Rerespetuhin ko ang desisyon ng aking anak. Dahil may punto ang kanyang sinabi. Napaisip din ako, hindi natin hawak ang desisyon para sa kanila dahil may sarili silang mga paa."
Thank you mommy.
"Sang-ayon ako sa anak ako," ani din ng aking ama kaya napatingin ako bigla sa kanya. "Mas mabuting suportahan na lang natin sila sa kanilang nanaisin kaysa higpitan natin sila."
"Kung gayon ay wala na kaming magagawa pa," ani ng ama ni Azi. "Napalaki ninyo ng maayos ang inyong anak, malawak ang pag-iisip at maganda ang paliwanag na kanyang binitawan."
"Salamat po," sagot ko at ngumiti siya.
"Nais ko sanang makilala ang iyong minamahal na babae Azi," biglang sabi ng kanyang ina. "Gusto ko siyang makilala."
"Nai," ani ni Azi sabay tingin sa akin. "Salamat."
"Salamat din."
"Kailangan na namin umalis Megaleiótate. Malayo pa ang aming uuwian at baka kami ay gabihin."
"Salamat sa inyo," sagot ng aking ama.
"Ikinagagalak kong makilala ka Prinkípissa Amèthystos," anas ni Azi at ngumiti ako. "Siguro kapag ikinasal kami ay imbitado ka."
"Makakaasa ka na makakarating ako sa itinakdang araw ng inyong kasal Prinkípas Azí."
Kaunting pag-uusap pa ang kanilang binitawan bago lumisan ang pamilyang Demolious sa aming tahanan. Parehong umakbay sa akin sila mommy at daddy na hindi ko naman inaasahan.
"Pasensya na kung pinangungunahan namin ang iyong desisyon Amethyst," sabi ni daddy.
"Hayaan mo at hindi namin iyon uulitin, susuportahan ka na lang namin sa iyong gustong naisin na mangyari sa iyong pangarap," si mommy.
Ngumiti ako. "Wag na po kayo humingi ng tawad dahil ginawa n'yo lang iyon para sa ikakabuti ko. Pero sadyang ayoko lang po mangyari ang bagay na iyon. Dahil gusto ko po ay ako mismo ang magsasabi sa inyo na ikakasal na ako."
"Kailan ba mangyayari yan?"
Ngumiti ako sa aking ama. "Kapag nakamit ko na ang pangarap. Sa ngayon ay pag-aaral ko muna ang aatupagin ko hindi ko muna iisipin ang mga bagay na iyan dahil hindi ko pa naman alam yan."
Ngumiti sila mommy at daddy sa akin at pareho akong yinakap. Ngayon ay wala na akong poproblemahin pa dahil hindi na nila itinuloy ang balak nila para sa akin. Mahal na mahal talaga nila ako.
Lumipas ang mga taon at tapos na ako sa aking kurso at isa na akong ganap na doctor. Doctor na mas pinili kong maging ob gyn. Masaya sila mommy at daddy dahil sa aking napagtagumpayan na award at diploma. Ito daw ang magandang regalo na aking ibinigay para sa kanina. Nanatili muna ako ng isang taon bago ako paluwasin ni mommy at daddy sa pilipinas dahil tapos na daw ang klinika na para sa akin. Naging doctor ako sa bansa namin pero mas nais kong maging doctor sa pilipinas at nakapasok na din ako sa Maynila ng hospital bilang doctor.
Sa clinic naman na sinasabi ni mommy at daddy ay isa iyong klinika na para sa mga buntis na tinatawag na OB-GYN Clinic. Sa dumaang taon na pananatili ko sa Greece as doctor ay may naipapanganak na akong mga babae. Maganda naman din ang katayuan ko dahil sa bukod na cute na baby ang bubungad sa akin sa pagod ko. Kahit alam kong yung nanay talaga ang mas napapagod.
"Cous!" pagtawag ni Apollo sa cellphone ko. Kakarating ko lang sa bahay ko at hindi ko pa din nakikita si Apollo sa mga dumaang linggo.
"Hey cous? Napatawag ka?"
"Kakauwi mo lang galing clinic mo? Sino tao don?"
"Umuwi na din yung dalawang nurse ko maaga kong pinauwi."
"Nice! So kita tayo now sa milk tea shop. Treat ko."
Bigla agad akong nahumaling. "Sige go ako."
"Nice! I miss you!"
"I miss you too."
Naligo muna ako at nag-asikaso sa aking sarili. Gusto ko naman din makita si Apollo kaya hindi ko ininda ang pagod ko.
"Apollo!" masayang tawag ko at sinalubong niya ako ng yakap.
"I miss you cous. Wow as in wow. Ilang years ka nandoon sa Greece pero sa tingin ko walang nagbago sayo," pagbibiro ni Apollo at binigay sa akin ang milk tea. "So?"
"Hahaha. What so?"
"May nangyari ba?"
"Wala naman," nakangiting sabi ko.
"Sa tagal ng pananatili mo doon sa greece sasabihin mong wala?"
"Hmm," ani ko ng ininom ko ang milk tea. "Am, gusto akong ipakasal nila mommy at daddy sa lalaking hindi ko mahal. So, syempre minsan yung katinuan sa mga pananagot ko minsan lang umaatake kaya tinanggihan ko at sinabi ang saloobin ko."
"Wow? Good to hear that. Akala ko pumayag ka eh."
"Hindi ah. May ibang minamahal kasi yung lalaki kaya tumanggi din siya," sagot ko pa at tumango siya.
"So, dederetashin kita. May gusto ka ba kay Yuhence?"
Para akong nasamid sa tanong ni Apollo sa akin kaya bigla kong binaba ang iniinom ko at tinignan siya ng deretso.
"Ano ba yang tanong mo?"
"Hoy alam mo ba na hindi ako lagi makatulog dahil sinabi mong siya pala ang minemeet mo sa MOA?"
"Hala? Bakit hindi ka makatulog hawak ko ba yang mata mo?" napapikit si Apollo dahil sa sinabi ko at biglang umupo ng ayos.
"Cous, hindi ka ba nangangamba kay Yuhence?" tanong ulit sa akin ni Apollo.
Tinignan ko siya. "Ha? Bakit ako mangangamba?"
"I mean, hindi ka ba kinakabahan sa kanya?
"Ha? Bakit naman ako kakabahan sa kanya?" ani ko sabay inom ng milk tea.
"I mean hindi pa masyadong green ang isip mo."
"Kailan pa naging color green ang pag-iisip, Apollo?" inosenteng tanong ko at napasapo siya ng kanyang noo. Napanguso ako.
"You're such a innocent."
Talaga bang masyado pa akong inosente? Marami pa kasi akong hindi alam sa mga bagay-bagay. Kahit halik nga hindi ko alam kung paano.
Bigla akong natigilan sa naisip ko. Ninakawan pala ako ng halik ni Yuhence noon!
"He's my friend Amethyst. Brokenhearted din ang gago na iyon," muli pang sabi ni Apollo at sinamaan ko siya ng tingin.
"I said don't cuss. You know i hate it. Ayoko ng mga cuss."
"S-Sorry, cous. I-I mean. Mahirap pigilan. Damwit."
"Ha? Damwit?"
Bagong mura ba yon? Ngayon ko lang kasi narinig ang salita na yan sa tanang buhay ko.
"Paano mo ba siya nakilala?"
Humigop muna ako ng inumin ko bago ako magsalita. "Sa sea side ng MOA."
"Ano naman ang ginagawa mo doon?"
"Kakauwi ko lang galing greece last, last year noon diba? Matagal din akong naabando doon sa pala—I mean sa mansion namin doon."
"Dude, i know. Alam ko ang lugar ninyo, pero baka bigla kana naman hanapin ni tito at pauwiin na naman sa Greece?"
"No. He let me. And besides, gusto ko din malaman ang mga bagay-bagay Apollo. Dahil katulad ng sinabi mo ay isa akong inosente," naka-peace na sabi ko habang ginagalaw iyon pasara at pabukas. "Hindi naman ako papatayuan ni daddy ng sarili kong clinic kung hahanapin niya ako."
"Aisssh! Naughty princess."
"Sinong makulit na prinsesa?" tanong ko habang luminga-linga sa paligid.
"Whatever," ani niya at sabay tingin sa kanyang relo. "s**t!"
"Cous!" malakas na tawag ko.
"Sorry. I need to go Amethyst, ngayon ang kasal ni Vien. Bakit ko ba nakalimutan?!"
Nanlaki ang mata ko. "Wait?! Don't tell me you're going to stop the wedding?"
"What? No. Kailangan lang ako doon ni Esther," iling na sabi niya. "Mabilisang pag-aasikaso ang gagawin ko dahil kailangan after ng graduation ay nandoon na dapat ako."
"Fine. Pupunta na lang ako sa sea side ng MOA," nakangiting sagot ko.
"Just call me okay?" ani niya sabay tingin sa kanyang cellphone. Tinignan ko naman kung sino ang na sa wallpaper niya.
"Who's that girl?"
Ngumiti si Apollo. "My favorite girl. Alis na ako, cous. Just call me kung nakauwi ka na sa bahay mo."
"Yeah. Enjoy," ngiting sabi ko.
Pareho na kaming umalis ni Apollo sa shop na iyon, siya tumungo sa dadaluhan niyang kasal habang ako naman ay pupunta sa mall. Hindi ko talaga kayang kalimutan ang ganda ng lugar na ito. Nang makaakyat na ako sa second floor ay luminga-linga na naman ako sa paligid.
"So pretty. Walang pinagbago," nakangiting sabi ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na may nabangga akong tao.
"What the hell?" inis na sabi niya at nagulat ako sabay linga sa paligid.
"Hala? Mukha ba itong impyerno?" tanong ko sabay tingin sa lalaki. Nanlaki ang mata ko dahil ang lalaki na nakabangga ko ay si Yuhence.
"You again?" gulat na anas niya at napahawak ako sa mukha ko.
"Hala? Nagbago ba ang mukha ko?"
"The f**k?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Lalo siyang gumawapo. Tumangkad din siya ng kaunti sa akin. Lalo din nangibabaw ang kagwapuhan niya.
Napanguso ako. "Ang bad ng mouth mo."
"What?"
"Ano? Am..." nangangapa ako ng sagot. Bakit pag siya ang kaharap ko lumalakas ang t***k ng puso ko? Kinakabahan ba ako?
"Am?" ginaya ni Yuhence ang sinabi ko at umiling ako.
"A-Ah. W-Wala, wala."
"Nothing ha."
Napaisip muli ako sa sinabi niya kaya muli akong luminga sa paligid ng mall. Pero wala namang mga apoy.
"K-Kasi ano... m-mukha bang impyerno ang mall? K-Kasi nagsabi ka ng hell."
"What the f—" natigilan si Yuhence sa kanyang sasabihin dahil sinamaan ko siya ng tingin. "I-I mean what the freeze."
Lumingon ulit ako sa paligid ang. "Ha? Akala ko ba impyerno bakit naging freeze? Hala? Nagi-snow na pala sa impyerno?"
Dahil sa sinabi ko ay biglang tumawa nang malakas ang kasama niyang babae. He have a girlfriend? She's pretty with her cocktail dress.
"Hahaha. Ang kyut ninyong dalawa."
Hindi naman siya kyut. Gwapo siya para sa akin pero magnanakaw. Noong nakaraang taon kasi na nandito ako sa sea side ay bigla niya kasing inagaw ang iniinom kong milk tea. Tapos noon naman ay ninakawan niya ako ng halik.
"In that way?" inis na baling sa akin ni Yuhence.
"Yes way," sagot pa nito sabay baling sa akin. "Hi. I'm Vivienne Zin. What's your name?"
"I'm Rhena Amethyst. You can call me Amethyst," nakangiting sagot ko sabay nakipagkamay sa kanya. Pero agad din akong umaling kay Yuhence. "Kaibigan mo pala ang hugutero na magnanakaw na yan?"
Nanlaki ang mata ni Vivienne dahil sa sinabi ko. Napanguso ako. May mali ba sa sinabi ko? Eh totoo namang magnanakaw siya.
"I'm not a thief. f**k it!" inis na naman na sagot ni Yuhence sabay hila sa kamay ni Vivienne at nilayasan ako.
"Magkasintahan nga sila," ani ko at tinignan ang kamay nilang magkahawak. "Pupunta na lang ako sa seaside."
To be continued. . .