Ehra Patuloy pa rin ang hindi magandang nararamdaman ng aking katawan. Lalo na kapag gumigising ako sa umaga ay parang may nagrarambulang pusa sa aking sikmura. Hindi rin maaaring hindi ako dumiretso ng banyo sa oras na gumising ako sa umaga. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitignan ko ang aking itsura. Malaki ang ibinagsak ng aking katawan dahil wala rin akong ganang kumain. Kinapa ko ang aking sinapupunan. Pumukit ako at dinama ko kung mayroon bang nabubuhay mula roon. Malakas na rin ang aking kutob na may laman na nga ang aking sinapupunan kahit pilit ko itong itanggi sa aking sarili. Kahit hindi pa ako kumukonsulta sa doctor ay alam ko ang nangyayari sa aking katawan, buntis nga ako. Ngunit ayokong ipaalam ito sa iba. Lalo na sa kanyang ama-- na si Leon. “Ehra!” s

