Ehra Nagising ako dahil sa labis na lamig na nararamdaman ng buong katawan ko. Nanginginig ako sa lamig. Mabigat ang buong katawan ko na tila ba may nakadagan na bagay sa aking ibabaw. Hindi ko alam kung nasaan ako, basta ang alam ko ay wala na ako sa mabaho at masikip na bodegang pinaglagakan ko ng ilang araw. Malambot ang hinihigaan ko ngayon. Ramdam ko ang lamig na nagmumula sa aircon ng kwartong ito. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko si Manang Corazon. Napangiti ako dahil nagbabalik din sa islang ito si Manang. May hawak syang basang tuwalya at pinunasan nya ang aking noo. Bahagyang tumindig ang aking balahibo ng dumampi sa akin ang malamig na tuwalya sa aking noo pababa sa aking pisngi. “Magpagaling ka hija. Mataas ang lagnat mo.” Wika nya sa akin. Nag

