Marikit's POV Ilang araw na simula 'nung mawala si Emerald at di ako makatulog ng maayos ni hindi ko nga mabitawan ang phone ko dahil naghihintay ng update sa mga pulis. At ngayon di ako isinama ni Trigger dahil nahimatay ako kanina sa police station. Nandito ako ngayon sa ospital. Hawak-hawak ni mama ang kamay ko. “ Ma? Nakatulog at nakakain kaya ang anak ko nang maayos? Ma, baka umiiyak na iyon.” niyakap ako ng mahigpit ni mama. “ Bakit kailangan pa siyang mawala ma? At kapag nalaman ko kung sino ang kumidnap sa anak ko, ibabaon ko siya ng buhay sa lupa.” dagdag ko pa. " Magpahinga ka muna anak.” Paano ako makapagpahinga kung di ko alam kung saan dinala ang anak ko. Kung pinakain o pinatulog ba siya. Isa lang ang pumasok sa isip ko ang posibleng dumukot kay Emerald. Walang iba kun

