Third Person's POV Kinabukasan ay napagpasyahan naming umuwi ng Maynila kasama ang mga magulang ni Trigger ngunit pagdating nila sa airport ay napagtanto ng yaya ni Emerald na nawawala ang kaniyang alaga. “ Ma'am, sir.. nawawala po si Emerald...” natatarantang sambit ng yaya ni Emerald kaya sabay silang napahinto sa paglalakad papasok sa loob ng kotse. “ Ano?! Paano mo naiwala ang anak namin? Hindi ba't ikaw ang may hawak sa kaniya?” galit na turan ni Trigger sa yaya ng anak nila. “ Bakit di mo magawa ng maayos ang trabaho mo?dagdag pa ni Marikit. “ Ano ang gagawin natin?” natatarantang tanong ni Marikit sa kaniyang kasintahan. Naggi-guilty ang yaya ni Emerald dahil di niya nagawa ng maayos ang trabaho niya. Sa gitna ng kaguluhan, ang mga tao sa paligid ay nagsimulang magtinginan.“

