Marikit's POV “ Ano ang nangyari sa kaibigan mong iyon, anak?” tukoy ni mama kay Syrel. Napansin niya rin pala ito sa gilid na walang kibo. Kahit ako ay di ko alam kung ano ang nangyari 'dun. Para siyang namatayan sa hitsura niya eh. Hay! Matawagan nga iyon mamaya. “ Di ko rin alam, ma.”kamot-ulong sagot ko kay mama. Tinulungan ko na ring mag-impaki si mama sa mga gamit ni papa. Makakalabas na kasi si papa ng hospital kaya't ang saya ko sa ayaw na ito. Nang magising si papa ay inalalayan ko siyang makabangon, binihisan narin siya ni Mama. Kinuha ko sa kilid ang kaniyang wheelchair na binili ni mama para kay papa. Sakto naman ang pagdating ni Nurse Jarred kaya't nagpatulong kami sa kaniya na ilagay si papa sa wheelchair nito. “ Maraming, Salamat nurse Jarred.” malumanay na pasasalamat

