Marikit's POV “ Papa!” naluluhang tawag ko sa kaniya at sabay ko siyang niyakap ng mahigpit. “ Patawad po, papa. Patawad sa nagawa ko sa iyo. Hindi na po mauulit 'yon pa. ” dagdag ko pa at 'di ko napigilan ang sarili kong umiyak dahil masayang-masaya talaga ako sa mga sandaling ito. “ Kumusta na ang pakiramdam mo, pa? May masakit paba sa'yo?” sunod-sunod kong tanong kay Papa. Bakas sa mga mata ni Mama ang saya nang magising si Papa. Niyakap niya rin si papa. “ Pinapatawad mo naba si papa?” maluha-luhang tanong ni Papa sa akin at tumango ako. “ Patawad rin pa sa nagawa ko sa iyo dahil naging nagmamatigas ang puso ko sa iyo. Mahal na mahal kita papa. ” sambit ko. “ Papa, ang sarap ng adobong manok na niluto mo, naparami ako ng kain don.“ dagdag ko pa at ngumiti sa akin si Papa. Baka

