Chapter 67

2279 Words

"Ang saya mo siguro kagabi, Madam, ano?" ani Wency habang abalang nagluluto ng tanghalian. Isang beses pa niya akong nilingon. Pareho kaming naroon sa kusina, kaming dalawa lang kung kaya ay marami ang pagkakataong asar-asarin niya ako. Palibhasa ay hindi ako makatayo para hambalusin siya. "Naglalaro... kaya ka pala hindi makalakad?" segunda niya at matamis pa akong nginitian, mas lalo akong inuudyo. "Mabuti at naiwan ang isang wheelchair ng Daddy mo rito, mayroon kang nagagamit ngayon." "Hindi ka ba talaga titigil, Wency?" utas ko rito at ang hudas ay tinawanan lang ako. "Pero, Madam, masaya rin ako para sa 'yo. Deserve mo 'yan." "Ang alin?!" singhal ko, gusto ko na siyang sabunutan at talagang ayaw akong tantanan. Malakas siyang tumawa, kita ko na pati ang lalamunan niya. Nagpantig

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD