Chapter 68

2207 Words

Tunay nga na umuwi kami ng Pilipinas. Kalalapag lang ng eroplano at ngayon ay palabas na kami ng airport. Actually, kinakabahan ako sa hindi malamang rason. Hindi ko masabi kung ano, o sino ang kinatatakot kong makita rito sa Pinas. Ang dati ko bang mga katrabaho? Sina Diana? Francine at Hazel? Si Migs? O si Janno? Hindi ko alam. Hindi ko rin naman masabi na sila nga ang ayaw kong makita. Baka sadyang naninibago lang talaga ako. Limang taon din ang nagdaan. Hindi biro iyong haba ng panahon na itinagal ko sa Australia, kaya may kaunting paninibago sa katawan ko. O baka rin itong init na siyang nakakapaso sa balat? Tanghaling tapat kung kaya ganoon na lamang katirik ang araw. Bumuntong hininga ako. Nasa gitna pa lang kami, pero tanaw ko na kung sino iyong mga nag-aabang sa amin. Kitang-ki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD