Gusto ko rin naman. Limang taon na rin naman na si Brayleigh at gusto ko na rin siyang sundan. Mukhang kaya ko naman nang manganak ulit. Well, kakayanin dahil nandito na si Brandon. Sa sinabi pa niya ay uminit ang pisngi ko. Aahon sana ako ngunit madali lang akong niyakap ni Brandon. Itinukod nito ang kaniyang baba sa ulunan ko, kaya hindi na ako nakagalaw pa. "Ilan ba ang kaya mo, Shan? Hmm? Dalawa? Tatlo? Gawin na kaya nating dose?" seryoso niyang sinabi, pero nauna na ang paghagikhik ko. "Baliw ka..." Mayamaya nang humalakhak siya. Grabe lang iyong pagkaakit ko sa pagtawa ni Brandon, ang sexy din kasing pakinggan. Napanguso ako. Hindi talaga maitatanggi na patay na patay ako sa kaniya. Lahat ng bagay na mayroon siya, para sa akin ay maganda. Wala siyang kapintasan sa akin. Puring-p

