Chapter 16

1288 Words
JAYDEE'S POV "Pipiliin mo bako Jaydee?" Huling tanong ni Madie.  She just lost her self---- nakayakap lang ako sa kanya habang umiiyak siya. Hinayaan ko lang siyang paghahampasin ako-- hinayaan ko lang sabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin sakin.  Naiiyak ako sa sitwasyon namin. Hindi ko napansin yung binibigay niyang pagmamahal sakin sa sobrang focus ko kay Frances. Hindi ko napansin yung taong laging nandito para sakin. Sobrang selfish ko. Hindi ko deserve na mahalin moko Madie. "Alam ko naman na hindi moko pipiliin-- pero masama bang umasa Dong? Masama bang umasa na mamahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo?" She murmured. Naririnig kopa ang pahikbi niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong kaalam alam sa nararamdaman niya. Ni hindi ko manlang alam na nasasaktan ko na siya. Hindi ako sumagot at hinayaan ko muna siyang tumahan. Medyo malamig dito sa labas gusto ko na sana siyang ayain sa loob pero lumayo na siya sakin atsaka tumayo. "Alam ko naman kung ano yung sagot-- pero tinanong pa rin kita kasi nagbabaka sakali padin ako. Huwag kang mag alala hindi naman kita pipiliting mahalin ako. Nandito parin ako para sayo. Magiging masaya pa rin ako para sayo. Pero sana kung totoo man yung sinabi ni Kielle kanina-- hayaan mo ako-- payagan mo ako.. na mahalin ka. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka sa harap nila." Derederecho niyang sabi. Niyakap ko lang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Umiyak ako sa kanya dahil sa sobra akong nasasaktan dahil nasasaktan siya ng dahil sakin.  "I--m sorry.. Please wag mo akong iiwan ha-- I might be sound selfish pero sana kung ano man ang mangyaree-- kahit ano man sana ang mangyare-- I hope you stay.." Sabi ko sa kanya while sobbbing. She just rubbed my back and make me hush.  "Don't worry dong, noon ngang nasasaktan moko hindi pa rin ako umalis sa tabi mo-- noon ngang masaya umalis bako sa tabi mo? Ni minsan hindi kita iniwan-- sa tingin moba ngayon pa kita iiwan? Kahit kalaban ko mismo ang sarili ko--- hindi kita iiwan." Sabi naman niya atsaka ako inayang pumasok sa loob.  FRANCES' POV "Kielle.. what are you talking about?" Pagtatanong ko naman sa kanya na may halong inis. Nakakainis talaga! Umalis na sila Jaydee kanina simula nung pagkasabi niya na WE ARE DATING! Like hello? Bakit hindi ko alam?  "What's wrong about  that?" She said. What's wrong? Are you damn serious? Sht! "Kielle, lemme clear this things out. We are not dating okay? Hindi porket sinabi mo sakin na you like me ay tayo na. And please don't be too harsh to Jaydee." Sabi ko sakanya bago ako nag umpisang maglakad palabas ng Bar. "I think this things are working? I'm sorry I think I misunderstood everything." Sagot naman niya. "You should say sorry to Jaydee and can you just please be friends with her?" Sabi ko naman sa kanya. Ayoko na kasing makipag away pa sa kanilang dalawa. Pwede naman na okay lang kaming tatlo pinapagulo pa nila mundo ko. "Why you always protecting her? And I'm sorry about being rude to your bestfriend-- don't worry I wil talk to her tomorrow." Hindi naman nako sumagot medyo malapit narin naman na kami sa room namin. Bago siya tuluyang umalis pinigil ko siya---- "Kielle-- Jaydee is not just  my bestfriend--closefriend or what the hell you think, she's courting me." Nakita ko naman ang pagkabigla ni Kielle. "She's courting you? Wait--- kelan pa?" Sagot din naman niya. "Kanina lang umaga--" Sagot ko pabalik. "Really? I'll court then.," Hindi nako nakasagot ng bigla siyang tumalikod paalis. "See you tomorrow my future!" Pahabol sigaw naman niya. Sinarado ko nalang yung pinto at napailing. Hinanap naman agad ng mata ko si Jaydee dito sa kwarto namin. Pero si Ate Gabb, Ate Ella at Ate Nile ang tumambad sa harap ko. Nakatingin sila sakin na parang nag aabang ng paliwanag ko. Kinuwento ko naman sakanila lahat lahat. Nagets naman nila kaso ang pinag aalala daw nila ngayon ay si Jaydee. "Oo nga nasaan ba siya Ate? Bakit ikaw yung nandito?" Tanong ko kay Ate Nile. Humiga na kasi yung dalawa halatang antok na.  "Nakipagpalit sakin e, dito na muna daw ako ngayon sabi niya--- Hindi naman ako nakatanggi dahil parang binagsakan ng langit at lupa itsura niya." Sabi naman niya sabay higa. Tumango naman ako atsaka naglinis ng katawan. So magkatabi sila ni Madie ngayong gabi? Hays. Jaydee hayaan mo muna sana akong magpaliwanag bukas. Back to normal naman ang lahat. Mukhang payapa naman na sa kwarto namin-- nagising naman ako ng makita ko sa harap ko si Jaydee at Kielle . Wala na si Ate Nile pero sila Ate Gabb mukhang kanina pa tinitignan tong dalawa. Paano ba naman kasi-- si Jaydee may hawak na tray na may pagkain with sunflower tapos si Kielle naman ganon din pero roses naman yung bulaklak na dala niya. Nanlaki naman agad yung mata ko dahil hindi ko naman to inaasahan. Nagtalukbong ako agad at narinig ko naman ang tawanan nila Ate. "Goodmorning daw sabi nung dalawa Queen HAHAHAHA" Rinig ko namang pang aasar sakin ni Ate Ella.  "Anong ginagawa ng mga yan dito?" Sagot ko habang nakatalukbong padin. Nakakahiya!  "Ako dito naman talaga ako nakaroom so wala namang kaso don diba? Binili kita ng almusal hehe tsaka eto oh fresh na sunflower." Rinig ko namang sabi ni Jaydee. "I just want to be sure na kakain ka ng breakfast. Kailangan healthy ka syempre may shoot pa tayo mamaya. Tsaka ganito naman talaga gawain ng manliligaw diba? Taking care their Queen." Sagot naman ni Kielle. Nagtawanan naman sila Ate sa gilid. "Umalis na muna kayo! Hindi pa ako nag aayos atsaka argghhh! Nakakahiyaaaa!" Sigaw ko sa kanila alam kong namumula ako ngayon. Hindi ko naman inaasahan na ganito sila. Tsaka paano nalaman ni Jaydee na hindi naman talaga kami dating ni Kielle? Narinig ko namang pinaalis muna ni Ate Ella yung dalawa at hayaan muna daw akong makapag ayos. Narinig ko pa ngang nagrereklamo si Jaydee dahil kwarto din naman daw niya to hahahahha! Pero wala silang nagawa at pinag antay nalang nila sa labas yung dalawa. Tinanggal ko naman yung kumot sa ulo ko at napapikit ng mariin. Buwisit na dalawa yun! Ang aga aga pa e! "Hirap ng mahaba ang buhok no Akin?" baling naman ni Ate Gabb kay Ate Ella. "Baka mmatapakan mo yung buhok ni Queen" dagdag biro pa ni Ate Gabb na tinawanan naman ni Ate Ella. Binato ko naman siya ng unan atsaka pumasok sa cr. JAYDEE'S POV Nandito kami sa labas ng pinto habang inaantay si Frances. Iniwan na namin don yung breakfast na dala namin. Nagtataka ba kayo paano ko nalaman ang lahat? Siyempre nag voice record sakin si Ate Gabb at kinuwento niya sakin lahat ng nangyare kagabi. Hindi ko naman alam na pupunta si Kielle dito at magdadala ng breakfast. Kung tatanungin niyo kung kamusta na kami ni Maddie. Tulad ng napag usapan hindi naman niya ako pinigilan sa panliligaw ko kay Frances. She respect my decision and kahit daw ano mangyare kahit anong oras o panahon darating siya para sakin. Nagkausap naman kami ng maayos and she requested na kalimutan ko na lahat ng nasabi niya sakin. "We should act normal, like everythings normal-- bestfriends?" Ayan yung huli niyang sinabi sakin and tumango naman ako at niyakap ko siya bago ako umalis sa room nila. I'm so blessed that I have her in my life.  Habang naghihintay kami dito sa labas bigla namang nagsalita tong kasama ko---- "May the best man win?" Sabi naman sakin ni Kielle out of nowhere. Nilahad naman niya yunng kamay niya at tsaka ko iyon tinanggap. May the best man win.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD