JAYDEE'S POV
Halos magtatatlong buwan narin kami dito sa El Nido. Two weeks na ang nakakalipas mula nung dinalhan namin ng sabay ni Kielle si Queen ng breakfast. Lagi kaming nagkakainitan pag magkakasama kaming tatlo tulad nalang nung nakaraang araw.
Wala kaming shoot dahil sunday tapos sinabi samin ni Coach na mag boodle fight daw kami sa lunch time ade sobra naman tuwa namin. Habang nagpeprepare kami bigla dumating si Kielle na may dalang lunch nila ni Frances ade sinabi ko naman sa kanya na may boodle fight nga kami kaya hindi pwede kumain si Frances kung gusto niya nalang kako e mamayang merienda nalang kainin yung dinala niya.
Syempre lunch nga e, boodle fight nga diba e pinagpilitan parin niya yung gusto nya kaya naman nabanas ako at nagkairingan kami kaya naman ang ginawa ni Frances ay kinain parin niya yung dala ni Kielle at kakain nalang daw ulit siya sa boodle fight para daw wala ng away.
Syempre pag time ng girls, time muna nain. Advantage ko naman dahil kasama ko lagi si Frances tapos katabi ko pa siya matulog odiba plus points saken :P Pero hindi ko naman yun inaabuso no. Naghaharang pa nga kami ng unan sa gitna kasi baka mayakap ko siya bigla WAHAHAHA!
Nandito kaming lahat sa labas, sa seaside dahil magkakaron kami ng Bonfire Party with the CEO ang Pablo Company. Siyempre present na si Kielle hindi naman yun mawawala. Nag aayos kaming mga girls dito nakita ko naman na maraming dala si Maddie kaya naman sinalubong ko siya at tinulungan.
"Kala ko tititigan mo lang ako e." Sabi niya sabay abot sakin ng mga pagkaing dala niya. Mga hotdog with mallows yung dala niya halos apat na tupperware din to. Medyo marami kasi kami lamoniyo naman. Nginitian ko lang siya tsaka kami naglakad papunta sa pinagseset-up'an ng Bonfire. May maliit na stage sa gitna atsaka mga bandana sa gilid kung saan nasa sentro naman nito yung mga kahoy na siyang paliliyabin namin mamaya.
Halos ang tulin ng oras dahil sabay sabay naming nasaksihan ang paglubog ng araw. Pinasara muna itong seaside dahil sa sobrang dami namin atsaka they want privacy daw for the bonfire party.
FRANCES' POV
Nagsimula ng mag ihaw yung iba naming kasama habang kami naman nila Ate Princess ay nagkukuwentuhan dito. Kinakamusta nila ko kung okay padaw ba ako at kung hindi pa daw bako magpapagupit ng buhok sa sobrang haba nito dahil parehas daw na magandang gwapo ang nanliligaw sakin. Hinampas ko naman sila dahil puro sila kalokohan.
Naagaw ng pansin namin ng biglang may nagsalita sa Mini Stage na ginawa kanina nila Ate Yzabel katulong yung ibang girls.
"Are you ready girls? We are going to do some games later okay? I need your cooperation and please enjoy this simple party that I held for you!" Sabi ni Mr. Pablo habang kasama niya ang kanyang asawa sa mini stage.
Nakita ko naman sa baba nito ang magkapatid na Pablo habang kumukuha ng drinks nila. Napansin siguro ni Kielle na nakatingin ako atsaka siya lumapit sakin na may dalang wine.
"Hi beautiful. Hi girls!" Bati niya sa akin at sa ibang girls na kasama ko. Inabutan naman niya ako ng wine at nakipagcheers sakin.
"Maiwan muna namin kayo jan. Hihiihi" Hagikgikan naman nila Ate Princess. Nahiya naman ako sa naging reaksyon nila kaya nagsorry ako kay Kielle because they are teasing us.
"Don't be sorry. Actually I like that they are teasing us." Sabi naman niya sakin ng nakangiti. Nakita ko naman si Jaydee na nakatingin samin tapos umiwas agad ng tingin.
Pupuntahan ko sana siya kaso biglang nagsalita si Coach na pumunta na daw kami sa loob ng circle. Tumabi naman sakin si Kielle sa isang gilid ko naman ay si Jaydee katabi naman niya si Maddie na sinundan naman ni Coco and so on.
"Okay now uumpisahan natin ang ating laro sa pambansang laro syempre ang truth or dare" Nagsigawan naman ang ibang girls. Napansin ko naman na nanonood lang si Mr.&Mrs. Pablo samin. Silang tatlo lang nila coach yung nakakatanda dito tapos kami ng 48 at yung magkapatid na Pablo ang nasa circle.
Lumipat kami ng pwesto para mapaikot agad yung bote ng maayos. Kasi dun kanina sa circle na inupuan namin nasa gitna yung mga kahoy na sisindihan mamayang 7:30.
"So ang mechanics ng game ay ganito.. halimbawa natapat ang ngusong bote kay Nile and then yung katapat niya yung magtatanong or mamimili ng tao na gusto niyang magtanong for Nile. And 2 truths -1 dare ang mechanics meaning kapag nagtruth si Nile at sa pangalawang ikot naman ay natapat kay Gabb tapos truth din ang pinili niya meaning yunng susunod na matatapatan ay wala ng ibang choice kundi magdare. Gets?" Mahabang paliwanag naman samin ni Coach nagsang-ayon naman kaming lahat.
Halos nakakawalong ikot na din yung bote at sa pang siyam na ikot tumapat sakin ang nguso ng bote at si Laney naman ang magtatanong or mamimili ng taong gusto niyang magtanong sakin. Bago pa magsalita si Laney sumingit si Coach na aalis muna sila nila Mr.&Mrs. Pablo at mag enjoy daw muna kami. Tumango naman kaming lahat atsaka lumingon na kay Laney na seryosong seryoso ngayon.
"Si Maddie ang gusto kong magtanong sayo." Sabi naman ni Laney tsaka siya siniko ni Amanda na katabi niya.
"Bakit? Wala namang problema diba Maddie?" Umiling naman si Maddie atsaka bumaling sakin si Laney. Umiling din naman ako. Pero wala naman akong ibang choice kundi truth dahil nagdare kanina si Ate Ella. Inutos sa kanya ni Brei na ikiss si Ate Gabb sa noo ginawa naman niya yun kaya nagtilian kami kanina.
"So dahil wala ng pamimilian, truth." Sabi ko naman dahil halos nakaabang ang lahat sa itatanong sakin ni Madie.
MADIE'S POV
"Sa tingin mo, meron nabang mas nakakalamang jan sa puso mo? Knowing na alam naman nating lahat na sabay kang nililigawan ni Jaydee at Kielle." Nakita ko namang napalingon si Jaydee sakin at ang iba pang members. Naramdaman ko namang hinawakan ni Coco yung kamay ko.
Parang nagulat pa si Frances sa tanong ko kasi hindi parin siya sumasagot.
"I think it's too private to answer that question. Kasi para sakin just saying lang ha-- that question will be much better kung kaming tatlo lang yung mag uusap. And I think hindi ko naman kailangang ibroadcast sa inyo kung sino ang lamang at sino ang kulelat, diba?" Sagot sakin ni Frances.
"No---wanna know why? Hindi mo naman sila pwedeng makuha parehas. And I think this is the right time to know kung sino sa kanila ang gusto mo." Naramdaman ko namang pinipigilan nako ni Jaydee.
"Tama na yan. Baka mag away pa kayo. I think we should play another game to lighten up the mood." Sabi naman ni Ate Alice.
"At kayong dalawa sumunod kayo sakin" Sabi naman ni Ate Abby samin ni Frances. Tumayo naman kami agad at iniwan ang ibang girls doon.
JAYDEE'S POV
"What's your problem Laney? Bakit naman si Madie pa ang pinagtanong mo nanjan naman sila Brei at ibang girls. Andami natin oh! Tuloy nagkainitan pa yung dalawa" Inaawat naman ako nila Coco dahil medyo napalakas yung boses ko.
"What? Ano bang mali sa ginawa ko Jaydee? E sa kung gusto kong si Maddie yung magtanong e hindi ko naman kasalanan na ganon yung tinanong niya. Tsaka ano bang masama don ha? E si Frances lang naman yung may problema bakit kasi hindi nalang niya sagutin yung tanong!" Sigaw naman sakin pabalik ni Laney.
"Frances did the right thing-- i think yung bestfriend mo ang may problema dito Jaydee. Dapat hindi niya tinatanong yung mga ganong bagay lalo na't hindi naman siya kasali about sa panliligaw natin kay Frances." Sabat naman ni Kielle habang pinipigilan siya ng kapatid niya sa gilid nito.
"Pwede ba wag kang makisawsaw dito. Alam mo okay naman kami dito e. Okay naman sana kami kung hindi ka sumingit sa istorya namin!" Sabi ko sa kanya. Agad naman kaming pinigilan ng ibang girls. At ilang minuto lang ay bumalik na sila Coach at Mr.&Mr. Pablo. Umarte namang normal ang lahat atsaka kami nagpatuloy sa party. Pinakain muna kami bago sindihan ang mga kahoy sa gitna.
FRANCES' POV
"May problema ba kayong dalawa sa isa't isa ha?" Agad na tanong sa amin ni Ate Abby pagkalayo namin sa ibang girls.
"Ako wala akong problema kay Madie, I was just shocked y'd u asked such things na hindi ka naman belong." Sagot ko habang nakatingin kay Madie.
"Gusto ko lang naman malaman kasi baka pinapaasa mo na naman si Jaydee. Frances hindi tayo close alam ko yon at wala rin akong pakielam kung ano ang desisyon mo sa buhay mo nung wala pa si Jaydee sa options mo. This time hindi ko na hahayaang magpakatanga pa sayo si Jaydee." Sagot sakin ni Maddie. Nakikinig lang naman samin si Ate Abby.
"Well I'm sorry kung ganon. Pero sana maintindihan mo din na kahit ako mismo naguguluhan pa ako ngayon sa dalawa. I think I need more time para mafigure out kung sino talaga sa kanila." I said in disbelief. Masisisi niyo ba ko? Sadyang mahirap talaga mamili at ayoko rin namang magmadali sa pagpili dahil baka pagsisihan ko yun bandang huli.
"I just wanna let you know na kapag sinaktan mo ulit si Jaydee. Hinding hindi mona siya makukuha sakin. Choose wisely Frances." Huling sabi niya bago bumalik sa ibang girls. Si Ate Abby naman tinap lang yung likod ko tsaka ngumiti ng tipid sakin at bumalik narin sa ibang girls.
Choose wisely Frances-- yan ang paulit ulit na naririnig ko sa utak ko habang pabalik sa circle kung saan kumakain na sila at nandon narin pala sila Coach.