FRANCES' POV
It feels like everythings normal. Nandito na kami nakaharap sa bonfire while singing some songs of ours. Hindi kona katabi si Jaydee. Andon siya kila Ate Ruth nagtatawanan sila. Si Madie naman andon kila Ate Alice gawi— si Kielle naman nandito parin sa tabi ko. Kasama na namin sa bilog sila Coach habang sabay sabay kaming nag iihaw ng hotdog with mallows.
Bigla namang tumayo si Kielle at pumunta sa harap ng Mini Stage may dala dala siyang gitara.
"Uhm. Hi guys. I just wanna share this to all of you.." Sabi niya atsaka siya lumingon sakin..
"Frances I want you to know that u mean everything to me and this song is for you." Nagpalakpakan naman sila. Narinig kopa ngang chineer ni Mr. Pablo ang kanyang sariling anak.
"It's late in the evening
She's wondering what clothes to wear
She puts on her make up
And brushes her long blonde hair
And then she asks me, "Do I look alright?"
And I say, "Yes, you look wonderful tonight"
We go to a party
And everyone turns to see
This beautiful lady
That's walking around with me
And then she asks me, "Do you feel alright?"
And I say, "Yes, I feel wonderful tonight"
I feel wonderful
Because I see the love light in your eyes
And the wonder of it all
Is that you just don't realize how much I love you"
Natapos siyang kumanta tsaka naman sila nagpalakpakan. Nagthank you naman ako at biniro pako ng Dad niya.
"Eh kailan moba sasagutin ang anak ko? O baka naman kayo na e hindi niyo lang sinasabi?" Biro naman ng Dad niya. Nangiti naman ako na parang nahihiya na ewan. Basta yung ngiting awkward mga tol kasi diko alam sasabihin ko.
"Dad! Don't tease her look she's blushing" saad naman ng kapatid ni Kielle. Narinig ko namang nag excuse ang Team Bakal para magcr at inaya rin naman nila si Madie.
I feel so threatened. Hindi ko alam pero natakot ako nung sinabi ni Madie sakin na kapag sinaktan ko si Jaydee hinding hindi kona siya mababawi pa.
"Did you like it?" She asked at tumabi na ulit sakin.
"Yeah. Thank you btw." Sabi ko naman.
"All for you my lady." Natatakot naman akong saktan si Kielle dahil ramdam ko naman na pure talaga yung nararamdaman niya para sakin.
Right now. Gulong gulo pa talaga ako.
JAYDEE'S POV
Talo ata tayo mga par ah. May pakanta e tapos boto pa si Mr. Ceo malamang anak niya yun so plus points din hays. Inaya ko nalang umalis ang Team Bakal atsaka inaya din nila Laney si Maddie nandito kami sa parang cottage.
"Sorry kanina par." Tapik sakin ni Laney. Actually hindi naman ako galit sa kanya. Nainis lang ako sa nangyare pero hindi sa kanya.
"Nukaba okay lang yun no. Basta ang mahalaga e lumaban tayo. Talo man o panalo ang mahalaga pinaglaban ko." Sagot ko naman sa kanya.
"Nandito naman kasi si Madong e naghahanap kapa ng iba" Biro naman ni Amy samin. Alam naman nila lahat ng kwento dahil wala naman kaming sinisikreto sa bawat isa. Kahit si Ate Ruth hindi naman madalas makasama alam parin niya lahat.
Hindi naman kumikibo si Maddie nakatingin lang siya sa dagat. Nakita ko namang nilapitan ni Ate Ruth si Maddie at sinenyasan na niya ako na siya na ang bahala.
"Mga tol may naisip nako. Diba sa ikalawang araw na yung Anniversary ng Hotel? Diba ayun yung may Event?" Tanong ko naman kila Laney.
"Oo tol bakit?" Tanong naman nila.
"Balak ko ng tanungin si Frances ng "will you be my girlfriend?" syempre kailangan ko tulong niyo no! Gusto ko maging memorable yun!" Sabi ko habang halata sa boses ko ang pagkasabik.
"Huy gagsti oo nga! Pano ka nga pala sasagutin kung hindi mo naman tinatanong? Tama tama!" Sagot naman ni Amy.
"Ano g ba kayo?" Tanong ko sa kanila na kahit si Ate Ruth at Madong ay napatango.
Grabe bilib ko kay Madong alam ko naman na hindi parin nawawala yung pagmamahal niya sakin pero eto siya sa tabi ko at patuloy akong sinusuportahan kay Frances. Mahal na mahal ko talaga to.
Napansin namin na tapos na ang kasiyahan at tinawag narin kami ng ibang girls para pumasok na. Patayo na sana ko dahil nauna na sila Laney maglakad ng bigla akong hilahin ni Madong at niyakap.
"Payakap.. baka kasi hindi kona ulit to magawa kapag sinagot kana ni Frances." Sabi niya. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Maraming salamat dong ha. Kahit kelan hindi moko binitawan. Kahit nasasaktan na kita nandiyan ka parin para sakin." Sabi ko sa kanya.
"Pag ako nauntog na sa katotohanan iiwanan na kita." Pagbibiro naman niya. Kaya naman bumitaw ako sa yakap niya at kuwaring nagtatampo.
"Hmp. Kala koba hindi moko iiwan?" Sabi ko naman sa kanya habang siya naman ay natatawa sakin.
"Hindi nga. Niloloko lang naman kita. Tsaka kapag naging kayo na ni Frances wag mokong kakalimutan ah. Tsaka best friend mo padin ako okay?" Sabi niya habang nakangiti sakin. Hindi nako sumagot at ginulo ko nalang ang buhok niya tsaka tumakbo pabalik sa Hotel.
MADIE'S POV
"I wish I can stop myself from loving you.." tinignan ko lang siyang tumakbo palayo sakin. Maybe this is the last time na makikita ko ang ngiti mo Dong. Kasi alam ko naman na darating din tong araw na to—- na magbabago na tayo dahil magiging kayo na.
Syempre hindi naman ako paepal na best friend pag naging sila na ni Frances. I literally will watch them from a far. Hindi ako manggugulo. I stand by her as her bestfriend and nothing more. Ganon ko siya kamahal.
JAYDEE'S POV
Eto na guys! Nasabihan kona lahat ng members and hindi naman ako nabigo dahil lahat talaga sila tumutulong para iset up yung surprise ko mamaya kay Frances! Grabe kinakabahan nako. Maaga akong gumising para hindi nako matanong ni Frances kung saan ako pupunta.
Kasabwat ko lahat at amg nandito naman para mag ayos ay syempre ang Team Bakal with some Ate's dahil bawal kami mawala lahat baka magtaka si Frances pag ganun hahahaha!
Halos ang tulin ng oras dahil hapon na—- kabang kaba naman ako dahil ang simula ng event ay 6 tapos hanggang 8 lang ata yun and bago mag 8 aalis na kaming lahat para pumunta sa sinet up naming place.
Nagsimula na ang event at lahat naman kami ay excited na. Hindi naman mapigilang magtanong ni Frances kung saan ako lupalop galing sinagot ko lang siya na naglibot libot lang kami ng Team Bakal dito sa Isla dahil last 3 days nalang kami dito babalik na kami ulit ng Manila.
Nakapagperform na rin kami at nakakanta na sila Ate Sheki kaya naman unti unti kaming umalis para hindi mahalata ni Frances na wala na kami.
FRANCES' POV
Si Kielle na yung nagsspeech. Napansin ko naman na parang nawala lahat ng girls. San naman kaya sila nagpunta? Walang pag aya? Parang hindi ako kagrupo ah. Char lang.
*1 message*
"Punta ka dito sa place kung saan moko pinayagang manligaw sayo." Text ni Jaydee. Paalis na sana ako ng bigla kong narinig na tinawag ako ni Kielle on mic.
"Frances?" Tawag niya sakin. Nakita ko namang nagdim ang paligid at nakatuon sa akin ang spotlight.
"I know things did move so fast for the past 5months. I mean for almost 5months na nandito kayo. Things move fast very well on us. Hindi ko alam na makakakita ako ng anghel— or should i say makakabunggo hahahahaha. Remember the first time we met?" Sabi niya habang dahan dahang bumababa sa stage.
I hate this feeling.. Parang alam kona kung san to papunta—- pls no. Huwag sa harap ng maraming tao.
"The first time I saw you hindi ko agad naisip na darating ako sa puntong to— na liligawan ka." Nandito na siya sa harap ko nakita ko naman sa paligid ang mga business partners nila and her Mom & Dad together with Ella her sister they seem so happy because of us.
"At siyempre hindi ko na to patatagalin pa—-
JAYDEE'S POV
Kanina kopa tinext si Frances pero hindi parin siya dumarating—-
"Goodluck Dong." Bulong sakin ni Madong halata ata sa mukha ko na kinakabahan ako ah.
"Uhm guys dito muna kayo— baka naligaw na si Queen e puntahan ko lang." Tumango naman sila at sinigawan nila ko ng "CHAIR UP" mga loka loka talaga.
Pagkapasok ko sa event place nakita kong nasa harap ni Frances si Kielle at nasa kanila ang spotlight.
The first time I saw you hindi ko agad naisip na darating ako sa puntong to— na liligawan ka." Sambit ni Kielle habang nakamic. Natigil naman ako dito sa pinto at para akong naestatwa. Teka? Huli naba ko?
"At siyempre hindi ko na to patatagalin pa—- rinig kong sabi ni Kielle.
"Will u be my girlfriend Frances Therese?" Hawak ng mga bodyguards ang placards at binasa yun ni Kielle.
Hindi naman agad agad sumagot si Frances sa sobrang tulala. Pero ang buong crowd ay walang ibang sinisigaw kundi "Say Yes" paulit ulit.
"Yes." Sobrang hina ng pagkakasabi ni Frances pero dinig na dinig yun ng buong sistema ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad akong tumalikod at nilisan iyon.
Bumalik ako sa place kung saan namin hinanda ang lahat—
Sinalubong naman ako agad nila Laney at hinahanap sakin si Frances. Halos matutunaw na yung mga hawak nilang kandila. Sinindihan na pala nila hahaha.
"Dong? Bakit ikaw lang nasan na si Frances?" Tanong naman nila sakin. Lumapit ako sa ibang girls at tsaka ko ginulo lahat ng hinanda namin.
I'm crying. Nagulat silang lahat sa ginawa ko kaya naman napasigaw silang lahat hindi kona halos alam kung sino yung pumipigil sakin.
Napaupo nalang ako habang yakap yakap ako ni Madie.
"Dong—- hindi na siya pupunta." Sabi ko habang nakayuko at humahagulgol sa sakit na nararamdaman ko. Hindi kona alam ang sumunod na nangyare dahil bigla nalang akong walang nakita.