FRANCES' POV
"Will you be my girlfriend Frances Therese?" Ang nakalagay sa harap ng stage atsaka niya ito binasa. No. Come on. This is not happening.
Nakita ko namang tuwang tuwa ang lahat ng nanonood at wala silang ibang sinasabi kundi "Say Yes" Hindi ko alam kung saan nanggaling yung lakas ko at nasabi ko halos pabulong——
"Yes." Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Kielle at nagpalapakan ang mga tao. Nilinga linga ko ang buong event place pero wala akong makita kahit isang Mnl.
Niyakap ako ni Kielle at nag thank you pa sakin. Habang ako pinaprocess kopa din sa utak ko kung ano nangyare. Nagpatuloy naman ang party— may ibang umuwi na rin. At halos sila ay dumeretso na sa Bar na pinuntahan namin noon para ituloy ang kanilang kasiyahan.
"You made me feel so alive today Frances. Thank you. Thank you for not rejecting me. I love you." Rinig kong bulong sakin ni Kielle habang nakayakap sakin.
Tumagal kami ng ilang minuto don bago ko marealized ang lahat—- si Jaydee. Wala na akong babalikang Jaydee. Tsaka ko lang naalala na nagtext nga pala siya sakin kanina! Dali dali naman akong nagpaalam kay Kielle sinabi ko na tinext ako ni Ate Abby at hinahanap ako. Gusto pa nga niya akong samahan sabi ko wag na buti nalang hindi siya makulit at halatang masayang masaya parin siya habang kausap yung iba sa mga pinsan niya.
Agad agad akong tumakbo pero gulo gulo na ang nadatnan ko— may mga kandilang nakatuwad. Kalat kalat yung mga kurtina na parang binagyo. Nakita ko naman sa malayo ang ilan sa mga girls.
"What happened here?" I ask parang gusto ko nalang lumubog sa lupa ng makita ko na parang disappointed sila dahil sakin.
Wala namang pumansin sakin—- nakita kong napailing lang si Laney atsaka lumapit sakin habang pinipigilan nila Ate Ruth.
"Dapat talaga una palang hindi na namin hinayaan si Jaydee. Bakit ang selfish mo ha Frances!?" Bulyaw sakin ni Laney agad namang lumapit ang ibang girls samin. Habang ako naiiyak nako sa sitwasyon ko ngayon.
"Shhhh. Laney, tama na yan. Bukas na tayo mag usap usap lahat. Pagod tayong lahat kaya alam kong medyo mainit ang ulo mo. Sige na Amy ipasok niyo na si Laney sa Hotel." Dinig ko namang sabi ni Ate Alice. Nakayakap naman sakin ngayon si Coco.
"I'm really sorry." Napatakip nalang ako sa mukha ko at napaluhod dito sa buhanginan habang humahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Im really really s-sorry guys. This is not what I planned." I said between my sobs.
Narinig ko naman ang pagcomfort nila sakin habang patuloy parin ako sa pag iyak. Makalipas ang ilang minuto tumahan na rin ako at pinainom nila ako ng tubig.
"Besh? nasaan si Jaydee? Kailangan ko siyang makausap." I said at dali daling tumayo para pumunta kung nasaan man si Jaydee.
Agad naman akong pinigilan ni Brei. Kaya naman agad agad akong lumingon sa kanila na parang bakit ba nila ako pinipigilan.
"Come on! Let me go!" Sigaw ko sa kanila pero parang wala silang naririnig naiiyak na naman ako dahil alam ko na ayaw na nila akong palapitin kay Jaydee.
"I SAID LET ME GO!! I NEED TO EXPLAIN ABOUT WHAT HAPPENED! I NEED JAYDEE! LET ME GO!" Pagwawala ko—- naramdaman ko namang nakayakap sakin ngayon si Coco at sabay kaming umiiyak.
"Let me go please besh. Please I need to see Jaydee." Sabi ko habang umiiyak. Napansin ko naman na niyakap din ako ng ibang girls habang tinatap yung likod ko para pagaanin yung nararamdaman ko.
"She knows everything Besh.." Huling sabi ni Coco.
MADIE'S POV
Pasan pasan ni Ate Gabb si Jaydee habang papasok ng Hotel. Hindi na namin sinabi kay Coach ang pangyayare dahil ayaw na naming lumaki pa yung gulo.
"Ate Gabb, maybe sa room nalang muna namin siya magstay." Sabi ko kay Ate habang nandito kami sa elevator. Kasama ko sila Ate Princess habang dala yung ibang gamit namin ni Jaydee.
"Yea, I think that's better." Sagot naman sakin ni Ate Gabb at derederechong nilampasan yung room nila.
Hiniga niya si Jaydee dito sa kama namin ni Ate Nile atsaka sila nagpaalam na tutulungan muna nila yung ibang girls sa baba para mag ayos. Pero ang sabi ko sakanila sila na muna ang magbantay kay Jaydee at ako nalang yung bababa dahil kukuha rin ako ng gamot.
Pagkababa ko nakita ko mula dito sa Lobby ang pagkukumpol kumpol ng girls doon sa place kung saan nangyare ang lahat. Si Frances ba yon?
Agad naman akong pumunta and hindi nga ako nagkakamali—- dumating siya pero huli na ang lahat.
"Frances?" Napalingon naman silang lahat sakin. Kitang kita ko sa mukha ni Frances na sobra siyang nasasaktan. Bakit Frances? Why are you acting like that? Diba nga dapat masaya kana? Ha?
"Madie..." Bulong ni Frances. Tumayo naman siya at inayos niya yung sarili niya. Nagulat naman ako ng bigla niyang hinawakan yung dalawang kamay ko at biglang nagmakaawa.
"Please.. please Madie— Dalhin moko kay Jaydee— please— I need to talk to her." She said while sobbing. Nakita ko naman ang pag alala ng ibang girls sa likod niya habang nakahawak si Coco sa braso ni Frances.
Naaawa naman ako sa kanya. Pero hindi na pwedeng mangyare ang gusto niya. Hinding hindi na.
"Stop." I said. Napaluhod naman siya atsaka ko siya tinapatan.
"You made your decision Frances— and like I said the last time we talked. Hinding hindi mona makukuha ulit si Jaydee. You should choose wisely diba? You chose Kielle over her then why are you here crying? Do you realized now how worthy Jaydee is? Huh?" Sabi ko sa kanya dahil hindi ko mapigilan ang inis ko.
"Shhh girls tama na yan. Tara na masyado ng malamig dito sa labas. Come on. Magpahinga na tayo. Ipahinga mo muna yan Frances—" Sabi naman ni Ate Lara samin.
Itinayo naman na nila si Frances pero bago sila tuluyang makalayo nagsalita ako—-
"Don't you dare to come near to her. Dahil hindi ako magdadalawang isip na harangan ka."
FRANCES' POV
Bago kami tuluyang makaalis nila Coco ay narinig kong nagsalita si Maddie kaya naman napahinto kami—
"Don't you dare to come near to her. Dahil hindi ako magdadalawang isip na harangan ka." Bulong niya sapat na para marinig naming lahat. Hindi ko naman na ito nilingon dahil iyak parin ako ng iyak.
Inakay naman ako nila Brei papasok sa hotel. Wala ni isa samin ang nagtangkang magsalita. Ni hindi ko nga rin alam kung anong oras na. Sirang sira na yung make up ko. Hindi ko na halos alam kung ano ang itsura ko.
"Are you sure na dito kana?" Tanong sakin ni Brei dahil nandito na kami sa harap ng room namin. Tumango naman ako pero inantay parin nila akong makapasok. Nakita ko namang patay parin yung ilaw at parang wala pang taong pumapasok dito simula kanina.
"Okay ka lang ba jan? Baka nasa bababa pa sila Ate Gabb. Gusto mo samahan muna kita jan besh?" Sabi sakin ni Coco na halatang halata sa mukha niya ang pag aalala. Tinanguan ko lang ulit siya at tipid akong ngumiti. Nagpasalamat ako sa kanila bago ko tuluyang isara yung pinto.
Habang nagpapatuyo ako ng buhok inisip ko lahat ng nangyare—- na kami na ni Kielle at wala na sakin si Jaydee. Naiyak na naman ako dahil ano na naman ba tong nagawa ko.
Naramdaman kong may pumasok na sa kwarto.
"Ate Gabb— Ate Ella.." sabi ko habang nakatingin sa kanila. Derecho naman agad sa CR si Ate Gabb at si Ate Ella naman tipid na ngiti ang sinukli sakin.
"It's okay honey—- nandito lang kami para sayo." Sabi sakin ni Ate Ella at niyakap niya ko bago siya kumuha ng damit pampalit.
JAYDEE'S POV
Nagising ako dahil pakiramdam ko ay sobrang haba na ng tulog ko. Pagkadilat ko ng mata nakita ko si Madong sa tabi ko at sa kabilang kama naman ay mahimbing na natutulog si Amy at Laney. Tsaka ko lang na realized yung mga nangyare kagabi.
Did I past out? Naramdaman ko namang gumalaw si Dong kaya naman agad agad akong pumikit. Naramdaman kong bumangon na siya tsaka ko narinig na nagbukas yung pinto ng CR.
Nakapikit parin ako habang inaantay ko siyang lumabas. Naramdaman ko naman ang marahan niyang paghiga ulit sa tabi ko.
Hinaplos niya ang mukha ko at—-
"How can someone reject u?— You don't deserve this kind of pain Nandy. If only I had a chance to make you mine— I would do everything to make you happy." Dinig kong bulong niya habang binabrush niya ng sarili niyang kamay ang buhok ko. Amoy na amoy kopa yung mint sa hininga niya. I feel so blessed. Paano ko naman nagawang saktan ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako—
Sumiksik ako sakanya at yumakap habang nagpapanggap parin akong tulog. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik.
"Dongggg— kakain na." Naalimpungatan naman ako ng may tumatapik sa braso ko. Nakatulog pala ako ulit.
"Mmmm——" sagot ko naman habang nag iinat.
"Bumangon kana jan. Bumaba na sila Laney kasama yung ibang girls para magswimming sa labas bukas na ang last day natin dito. Gusto mobang bumaba pagkatapos kumain?—" May sasabihin pa ata siya pero natigil siya ng yinakap ko siya.
"Goodmorning Dong." Sabi ko habang nakayakap sa kanya atsaka ko siya kiniss sa cheeks niya.
"Para saan naman yon? Ang tsansing mo umagang umaga—." Biro naman niya sakin. Tumawa naman ako at dali daling pumunta sa cr para magtoothbrush.
Now I realized who's gonna stay by my side till the end. And that person deserves to be loved too.
MADIE'S POV
Tapos na kaming kumain ni Jaydee at tulad ng dati parang walang nangyare sa kanya kagabi. Wag mo sabihing okay na naman sila? Pero hindi. Dahil magdamag siyang tulog e. Sagot ko sa sarili kong tanong— kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya.
"Wanna swim? Okay lang naman kung ayaw mo— I will understand. Kung saan ka doon din ako." I said.
"Bakit hindi tayo magsnorkeling? Diba gusto mo yun?" Sabi naman niya habang nililigpit yung pinagkainan namin.
"Really dong? Is it okay? Pano kung makita mo siya? I mean yung kagabi diba—." Sabi ko sa kanya habang nakatalikod siya sakin dahil papunta siyang sink para hugasan yung pinagkainan namin.
"Forget about it Dong— this time hayaan mokong makabawi sayo—- wait." Nakatulala lang ako sa kanya habang inaantay yung susunod niyang sasabihin.
"This time we will make our story. Our own story—." Dagdag niya. Sabay halik sa noo ko atsaka siya bumalik sa sink para tapusin ang paghuhugas.
Hindi ko alam pero natatakot ako na baka dahil lang sa nangyare kagabi kaya siya ganito sakin ngayon. Pero dahil isa akong dakilang marupok— masaya ako. Sana lang hindi mo ako paasahin Dong. Sana lang——-