FRANCES' POV
Nandito kami sa labas inaantay namin yung ibang girls para makapunta na kami sa kabilang isla. Doon kami magfafarewell party last day na namin bukas pero ngayon kami pinagcelebrate with Pablo Company kasi bukas daw ay ibibigay nila samin yung oras para mamili-- magpicture at kung ano pa man daw ang gusto naming gawin.
Wala naman ng nag usap tungkol sa nangyare kagabi. Okay naman ako sa girls, binabati naman nila ko pwera kay Laney-- si Amy kasi kanina nginitian niya ko ng magkasalubong kami sa Hallway. Si Laney naman halatang ayaw pa niyang makipag usap sakin.
"Magiging okay din ang lahat Ces.." Sabi sakin ni Brei. Nginitian ko naman siya-- nakita ko naman sa malayo si Kielle kasama si Ella na kapatid niya. Nakapolo siyang puti,nakacap at nakashorts na black. Lalo siyang gumagwapo kapag simple lang siya manamit.
Nginitian naman niya ko pagkalapit niya sakin-- nagbeso naman kami ng kapatid niya. Pansin naman niya na namumugto yung mata ko kaya pinahiram niya ako ng sunglasses para daw maiwasan na yung pagtatanong. Baka daw kasi makita ng Dad niya ususero pa naman daw yun.
Tumawa naman ako ng bahagya atsaka ko sinuot yung shades na binigay niya. Hindi naman siya nagtanong about sa mata ko dahil siguro alam naman niya kung bakit dahil alam niyang mahalaga sakin si Jaydee-- at yung pagkakasagit ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi na kami babalik sa dati ni Jaydee.
Hindi ko naman itatanggi na gusto ko naman talaga si Kielle pero hindi ko alam bakit parang may mali. Basta ang pinakagusto ko sa kanya--- hindi siya pala tanong kapag alam niyang hindi pa ako open magkwento sa kanya.
Nakita ko namang lumabas na ng Hotel si Madie at Jaydee na magkahawak ang kamay. Halos lahat naman kami nagulat dahil nagtatawanan sila. I mean si Jaydee yung pinakamalakas yung tawa halatang inaasar niya si Maddie base sa nakikita ko dahil hinahampas siya nito habang patakbo namang tatawa tawa si Jaydee kila Laney.
JAYDEE'S POV
Tawa ako ng tawa dito dahil kay Madie dahil kanina ko pa siya tinatakot sa plano naming pagsnorkeling-- sabi ko kasi baka mamaya may pating o piranha sa gitna ng dagat tulad nung mga nasa pelikula. HAHAHAHAHAHA! Hihingal hingal naman akong tumakbo kila Laney na halatang kanina pa samin nakatingin.
"Laney o! Si Jaydong nga kanina pako inaasar niyan!" Pagsusumbong naman ni Madie. Tumawa naman ako habang hinahabol ko yung hinga ko sa sobrang LT ni Madie.
"Hala! E totoo naman talaga yun bahala ka!" Dagdag ko sa pang aasar ko.
"Hoy teka nga-- teka lanng ha!" Sigaw ni Laney na nakaagaw naman ng pansin ng lahat. Inaantay kasi namin yung Yacht na sasakyan namin papunta sa kabilang isla.
"Ano ba nangyayare sa inyo? Tsaka Jaydee? Nagka amnesia kaba?" Takang tanong naman ni Laney sakin.
Tinawanan ko naman sila ng sobrang lakas--- as in sobrang lakas bago ako magsalita. HAHAHAHAHAHAHAHA!
"Sinasabi mo? HAHAHAHAHA Abe okay lang ako no! Ako paba? Tsaka hindi na sakin mahalaga yun actually tanggap ko naman na umpisa palang hhahahhaha!" Sabi ko at alam kong halos lahat ay nakikinig.
Binatukan naman ako ni Laney. At nginuso sakin sila Frances na nakatingin samin ngayon.
"Aray ko naman bakit naman may pagbatok ka!" Sabi ko kay Amy bago ako pumunta sa harap ni Kielle at Frances habang nasa gilid yung kapatid niya.
Nakatingin sakinn lahat-- nararamdaman ko. Narinig kopa nga ang pagtawag sakin ni Ate Gabb. Bakit? Abe wala naman akong gagawin sa kanila. HAHAHHAHAA!
MADIE'S POV
Natahimik kaming lahat ng makita naming derederechong pumunta si Jaydee sa harap nila Kielle-- napalingon pa nga kaming lahat nung marinig namin ang mahinang tawag ni Ate Gabb kay Dong. Kahit ako kinakabahan para sakanya----
"May the best man win tol--- congrats. Alagaan mo yan ah." Sabi ni Jaydee kay Kielle at inabot ang kanyang kamay.
"Salamat tol. No need to say that--- aalagaan ko si Queen sa abot ng aking makakaya." Tipid ngiti namang sabi ni Kielle. Lumingon naman si Jaydee kay Frances at--
"Salamat sa chance na binigay mo Queen-- those days are memorable" Sabi ni Jaydee habang nakatitig sa kanya si Frances, kahit nakashades siya alam kong nakatitig siya kay Dong. Kitang kita ko pa ang paglunok niya.
Hindi sumagot si Frances kaya naman umalis na si Jaydee sa harap nila. Sinalubong ko naman siya atsaka saktong aalis nagtawag na si Coach dahil nandon na pala yung sasakyan namin.
"Are you okay Dong..?" Paninigurado ko naman sa kanya habang nakikinig sila Ate Ella sa isasagot ni Jaydee.
"Dong hindi naman masamang malungkot tsaka nag aalala kami sayo---" Dagdag naman ni Laney sa likod ko.
Hindi naman makakaligtas sakin ang luha niya-- nakita kong tumulo ang luha niya pero agad niya itong pinunasan.
"I'm okay-- I just wanna be happy for them." Sabi niya at ngumiting tipid.
Bigla naman nagsalita si Coach sa taas. Nandito kasi kami halos sa baba dahil nag eenjoy kaming panoorinn yung mga isda na nakikita namin.
"Girls if you wanna sing open tong mic ha?" Sabi naman ni Coach samin. May parang nakaset up don na mini stage. Isang mic na naka stand at sa gitna naman nun ay yung Dj. Medyo mahaba daw kasi yung biyahe namin kaya naman parang nagkaroon na din kami ng Yacht party.
At dahil nga nag eenjoy ang lahat tapos si Jaydee naman nakatulala lang dito sa tabi ko habang katabi sila Laney na patuloy siyang nililibang.
Naisipan ko namang umakyat sa mini stage-----
FRANCES' POV
Hindi pa rin ako nagsasalita mula kanina. Nakatitig lang ako dito sa labas-- nandun sila Jaydee sa kabilang side. Kami kami naman nila Ate Nile nandito at kinakamusta nila ko pero hindi naman ako kumikibo. Naramdaman ko namang tinap ni Ate likod ko at hindi na ulit nagsalita.
"Besh-- pagkailangan mo ng mapagsasabihan ng problema mo nandito lang kami ha? Nandito lang ako." Sabi ni Coco sakin habang kahawak kamay si Brei. Tinanguan ko naman siya atsaka ako tipid na ngumiti sa kanya.
"Water?" Alok naman sakin ni Kielle. Agad ko naman yung kinuha at ininom. Nagkakasiyahan lahat habang kami ni Kielle ay nakatahimik lang.
"Do you love me?" Tanong ko sakanya.
"Ofcourse, what kind of question is that?" Pagtataka naman niya.
"Nothing-- i felt bad kasi about kay Jaydee." Sagot ko sa kanya.
Niyakap naman niya ako..
"It's okay--- i know it's hard sa umpisa dahil alam ko naman na may pinagsamahan kayo and I respect that." Sagot niya sakin while she's rubbing my hair. She kissed my forehead and--
"Magiging okay din kayo ni Jaydee-- I know it's kinda awkward for now. Babalik din kayo sa dati Hun." Sabi naman niya sakin atsaka siya uminom.
Magsasalita sana ako ng marinig naminn na may nagsalita sa mic. Pumunta naman kami agad sa gitna para makita kung sino yun--
"Hi guys.." Sabi ni Madie. Nakatayo siya doon at nakatingin ng deretso-- sinundan ko ng tingin kung saan yung mata niya at nakita ko si Jaydee. Tinutulaktulak pa siya nila Amy para mapunta sa harap. Nagtatawanan naman yung iba at halata sa mukha ni Jaydee na nahihiya siya sa nangyayare.
"Uhmm-- I just want to sing a song for this very special girl in my life..." Dagdag niya kaya naman nagtilian yung iba sa mga girls pero mas malakas talaga yung sa Team Bakal mga nagtutulakan pa nga e.
Nakita ko naman ang paglingon sakin nila Ate Ella kasama si Coco at Brei. Hindi ko naman yon pinansin-- Hawak hawak naman ni Kielle ang kamay ko. Naramdaman kong pinisil niya yon ng bahagya, lumingon ako sa kanya nakita ko namang nakangiti siya sakin sinuklian ko naman din yon ng matamis na ngiti..
"Ipagpatawad mo, aking kapangahasan
Binibini ko, sana'y maintindihan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sa? yo, ayaw nang lumayo
Ipagtawad mo, ako ma? y naguguluhanDi ka masisi na ako ay pagtakhan
Di na dapat ako pagtiwalaan
Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo
Ngunit parang sayo, ayaw nang lumayo
Ipagpatawad mo, minahal kita agad..."
Sobrang ganda ng boses ni Madie--- halos lahat kami nakatingin lang sa kanya. Vinivideo naman nila Laney ang pantutukso nila kay Jaydee. Unti unting bumaba si Maddie mula sa taas at dahan dahang lumapit sa kanila. Nagtitilian naman silang lahat dito at nakita ko pa ngang napasilip sila Coach sa taas.
"Aah, minahal kita agad
Aah, minahal kita agad
Ipagpatawad mo, oh hoh
Oh hoh woh..."
Sa sobrang ganda ng boses niya para siyang naghehele ng baby. Matagal ko ng alam na magaling talaga kumanta si Madie siyempre pag nasa workshop kami naririnig namin isa't isa. Hindi ko lang talaga mapigilan na humanga sa kanya ngayon kasi parang galing talaga sa puso niya yung bawat lyrics ng kanta..
Nasa harap na siya ni Jaydee at nakita ko namang pinaabot ni Coach kay Ate Ruth yung isang mic atsaka binigay kay Jaydee--- support na support Coach? Nakita ko namang hiyang hiya si Jaydee abutin yon pero dahil si Coach ng ang nagpapabigay ay kinuha niya yon at sabay nilang kinanta yung bridge.
"Sana nama'y ipagpatawad mo
Ang malabis na kabilisan ko
Ngunit ang lahat ng ito'y totoo..."
Bakit ako nasasaktan?-- Parang ang sakit sa mata. Bago pa matapos yung kanta inaya ko na si Kielle sa bandang likod ng Yacht kung nasaan yung mga pagkain at sinabi ko sakanyang nagugutom nako.
"Sinong niloko mo Frances?" That was my innerself's said.