Chapter 21

1810 Words
JAYDEE'S POV Pagkatapos naming kumanta agad ko naman siyang niyakap at nagpasalamat. "I want to make you happy Nandy.." Bulong sakin ni Dong. Halos lahat ay masaya naman sa isa't kalahating oras naming biyahe dito sa dagat. Hindi ko naman masyadong napansin sila Kielle at Frances. Maybe tama na nga tong desisyon ko na hayaan nalang siya kung saan siya masaya. Nakapagsnorkeling na kami. Swimming. Banana boat. Halos lahat ng water activity nagawa na namin, sobrang saya naming lahat. Picture dito— picture doon. Sana hindi nalang to matapos. Halos pagabi narin at sa penthouse kami magstay bukas kami ng umaaga babalik sa Hotel para makapaglibot hanggang hapon dahil 6pm ang flight namin pabalik ng Manila. Buong hapon kaming magkasama ni Madie actually kasama namin ang Team Bakal tsaka sila Ate Gabb at Ate Ella. Yung iba namang girls ay may kanya kanya ding grupo. "Ang sexy mo naman dong.." biro ko kay Maddie. Naka one piece kaming lahat. Kitang kita ko naman ang pamumula ng mukha niya kaya inasar ko siya at hinampas niya naman ako. "Lagi mo nalang akong hinahampas." Pag-iinarte ko sa kanya. Agad naman siyang sumandal sa balikat ko at nagsorry. Nandito kami sa dalampasigan—— pinanonood namin ang paglubog ng araw. "This is my favorite scene——" bulong ni Maddie. "I love how sun goes down and rise again like there is always a beginning in every end." Tuloy tuloy niya sabi. Nakikinig lang ako sa kanya. Halos kami nalang pala yung nandito. Hindi ko napansin. Siguro hindi na kami inistorbo nila Laney kung saan man sila nagpunta. "Nandy—- can I take care of your heart?" She murmured. Napalingon naman ako sakanya dahilan para umayos siya ng upo. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Sobrang pungay ng mata niya— ang ganda ng kilay niya. Nakatingin ako sa mga mata niya— sa ilong— hanggang sa mga labi niya. Dahan dahan kaming lumapit sa isa't isa— "Jaydee..." Napabalikwas naman kami sa gulat dahil sa nagsalita. "Frances?" Saad ko naman. FRANCES' POV Nandito na kami sa loob ng penthouse— nagkakasiyahan na kami halos. Kakain na kasi kami kaya talaga namang iba ang energy ng girls hahahahaahaha. Nangunguna sa kaingayan si Ate Sheki at Brei. "Amanda— pakitawag na yung ibang mga wala pa dito. Kakain na tayo." Utos ni Coach kay Amy. Wala pa rin si Kielle dahil nagpunta sila ng Dad niya sa labas idunno why. Kaya naman nagprisinta nako na ako nalang tatawag sa mga wala pa. Maliit lang naman tong isla kaya hindi naman ako maliligaw— nag offer naman na sasamahan ako ni Coco pero sabi ko ay kaya kona ayoko namang maistorbo kopa yung kasiyahan nila sa loob. Habang naglalakad ako palabas nakita ko yung dalawa. Si Maddie na nakasandal kay Jaydee nakaupo sila sa dalampasigan. Palapit nako sa kanila para ayain sila na kakain na pero hindi ako makapagsalita. Nakita kong dahan dahang lumingon si Jaydee kay Madie— teka, parang nangyari na to. Dahan dahan silang lumalapit sa isa't isa ng bigla nalang lumabas sa bibig ko ang pangalan ni Jaydee.. kitang kita ko naman ang pagkagulat sa mga mata nila. "Frances?" Sabi naman ni Jaydee sabay tayo at inilahad ang kamay niya kay Maddie na agad naman nitong hinawakan. "Ahh a-ah, I'm sorry guys I didn't mean to i-interrupt you from what you guys doing.." Sabi ko na nauutal kaya naman napatingin ako sa buhangin. "Hun!" Rinig kong tawag ni Kielle sa likod ko. Agad naman kaming napalingon at nakita ko si Kielle na papalapit samin. "Hinahanap mo daw kami ni Dad? I think nagkasalisihan tayo. Tara kakain na daw. Tara na kayo—" Aya naman niya kila Madie. Agad naman siyang umakbay sakin at naglakad habang nasa likod naman namin sila Maddie. Wala namang nagsalita hanggang sa makarating kami sa penthouse. MADIE'S POV Wala namang nagsalita samin ni Jaydee matapos yung muntik ng mangyare sa dalampasigan. Narinig naman namin ang pag ulan sa labas kaya wala kaming ibang choice kundi ang magstay lang dito sa loob ng penthouse. Parang bahay din yung style niya— may mahabang dinner table, may malaking sala at may dalawang bedroom sa taas. Hindi ko nga alam kung paano kami matutulog mamaya ang balak kasi kanina ay magtetent kami sa labas kaso e bigla ngang umulan. Siguro dito kami sa malaking sala matutulog lahat. Nag isip naman magvideoke ni Mrs. Pablo para daw hindi naman kami mabored— andami kasi sanang plano kung hindi umulan. Nagvideoke kaming lahat katabi ko dito sa baba si Jaydee at ang Team Bakal habang kumakanta si Amanda. Nagpapataasan kami ng score kaya naman puro kalokohan ang ginagawa namin. Napansin ko naman na hindi na awkward yung atmosphere samin ni Frances nagkakatinginan pa nga kami minsan kasi nahuhuli ko siyang nakatingin kay Jaydee. Ako na yung kakanta at yung pinili kong kanta ay "Para sa Akin" tumayo naman ako at nilahad ko kay Jaydee yung kamay ko. Narinig ko namang nagtilian ang girls sa paligid namin habang tawang tawa sila Coach sa gilid. "Kung ika'y magiging akin 'Di ka na muling luluha pa Pangakong 'di ka lolokohin Ng puso kong nagmamahal Kung ako ay papalarin Na ako'y iyong mahal na rin Pangakong ikaw lang ang iibigin Magpakailanman..." Habang kumakanta ko sinasayaw naman niya ko kaya hindi ko mapigilang tumawa. Naririnig ko naman yung ibang girls na napapasabay pa sa pagkanta ko. 'Di kita pipilitin Sundin mo pang iyong damdamin Hayaan na lang tumibok ang puso mo Para sa akin..." Tinulak naman kami ng Team Bakal sa isa't isa pero nagyakapan lang kami at tumawa. Gusto kitang mapasaya Nandy. Sa paraan ko at hindi sa paraan ni Frances. FRANCES' POV Ang saya nila— ang saya niya. Siyempre isa ako sa mga natutuwa para sakanila lalong lalo na sa kanya. "Hun? May gusto ba si Madie kay Jaydee?" Tanong sakin ni Kielle. "Hindi ko alam Hun e. Ang alam ko magbestfriend sila and sobra lang talaga yung care nila sa isa't isa.." Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano silang dalawa. Hindi pa naman umaamin si Maddie pero halata naman yun base sa lahat ng kilos niya. Siguro ako lang yung kumokontra sa isip ko. "Bagay sila noh Hun? They look so cute and fit to each other." Sabi ni Kielle habang pinapanood namin silang nagtatawanan. Ngumiti naman ako at tumango. Yeah— they look so perfect together. Maybe I should focus on what I have. Nakahiga na kaming lahat dito sa sala— ang ilan ay tulog na, I mean ako nalang ata ang gising. Katabi ko si Kielle. Kasama namin dito sa baba yung ibang girls at yung iba naman ay kasama ni Coach sa isang kwarto. 20 persons kami dito sa sala. Hindi ako makatulog kaya naman naisipan kong tumayo at magpahangin sa labas. Malakas pa rin yung ulan— nandito ako sa terrace habang nagmumuni-muni nakita ko namang lumabas din si Jaydee. Nginitian niya lang ako tsaka siya umupo sa kabilang side ng terrace.. Walang nagsasalita tanging buhos lang ng ulan yung naririnig namin. Tahimik din ang dagat na parang inaantay din ang pag uusap naming dalawa. "Kamusta ka?" Tanong niya kaya naman napalingon ako sa kanya pero nakatingin parin siya sa kawalan. "Ako? Okay lang—- ayos lang. Ikaw?" Pagbabalik tanong ko sa kanya. "Ayos lang din." Sagot naman niya at wala na ulit nagsalita. "Jaydee.." Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. Nakita ko namang napalingon siya sakin. "..I just wanna say sorry for what happened. I know things did flow so fast.." Pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam pero sa tingin ko kailangan kong ipaliwanag sa kanya lahat ng nangyare samin. "..It's okay— wag mo nang ibalik yung tapos na Frances." Sagot niya in a serious way. Naiiyak ako— "But— you don't understand.." dagdag ko naman habang nakayuko sa gilid niya. Naramdaman ko ang init ng luha sa pisngi ko—. Hindi parin siya nagsasalita. "..Jaydee, I miss you. Nabubuang na ata talaga ako dahil hindi kana mawala sa isip ko." This time I cried while i'm talking—. Pinunasan ko yung luha ko at nakita ko namang tumayo siya at humarap sakin. "But you didn't chose me Frances. You never chose me." She said while I was crying. Hinawakan ko siya sa kamay pero iniwas niya lang yun. "Stop. Ano papaasahin mo na naman ba ko ha Frances? Don't say things na hindi mo kayang panindigan." Narinig ko ang pagpiyok niya kaya alam kong umiiyak na rin siya ngayon. "You said you wanna be happy with me right? You said na gusto mo sayo lang ako— sayo lang ako sweet— at kung ano ano pa.." Bulong niya sakin ramdam na ramdam kong galit siya sakin base sa tono ng pananalita niya. "Y-yes, that's what I really wanted Dong.." I said between my sobs. "Stop! You're such a liar! Alam mo umasa nako Frances! Umasa nako na sa huling pagkakataon ako yung pipiliin mo! Ako yung dapat na nasa tabi mo ngayon! Sinunod ko lahat ng gusto mo—. Tangina halos magpakatanga nako sayo— lahat ng sakit na nararamdaman ko binalewala ko noon kasi gusto kita. Hindi kita sinukuan agad dahil ganon daw talaga pag mahal mo yung isang tao!" I heard her crying. Hindi ganon kalakas pero hindi rin ganon kahina yung boses niya— sapat lang para marinig ko. "..pero anong napala ko? Dapat pala talaga nakinig nalang ako sa kanila na you will never see me. You never saw my worth. Ang lagi mo lang iniisip ag yung sarili mo! Napakaselfish mo Frances.. napakaselfish mo.." Napaupo na siya habang dahan dahan akong lumuhod para makatapat siya. Parehas kaming nag iiyakan. Mahina pero ramdam mo yung sakit— Sobrang sakit ng dibdib ko para akong sasabog sa sobrang sakit. "I'm really sorry— if only I could bring back that night sana hinanap ko kayo agad. Sana umalis ako agad nung napansin kong wala kayo—." I said in disbelief. "..sana nung tinanong ako ni Kielle tumakbo ako papalapit sayo— sana hindi ako sumagot sa tanong niya.. sana——." Hindi pako natatapos magsalita pero tumingin siya sa mukha ko at sinabing—- "But you didn't— kasi duwag ka Frances. Duwag ka." Sobra akong nasasaktan dahil alam kong totoo yung sinasabi niya. Duwag ako. Oo. "Ayokong masaktan si Kielle that night kaya ko siya sinagot. I don't wanna be rude in front of her family! Ayokong mapahiya siya—-." I answered. "Pero ako okay lang— okay lang na masaktan? Okay lang na mapahiya? Okay lang na mawala?— Ha? Frances?— Ako—." Hindi kona siya pinatapos pa dahil siniil kona agad siya ng halik sa labi. "Nandy—-." Parehas kaming lumayo sa isa't isa ng makita namin siya sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD