MADIE'S POV
Naalimpungatan ako dahil sa sobrang lamig—- Inayos ko yung kumot ko at yayakap sana kay Jaydee pero wala siya sa tabi ko. Agad agad naman akong bumangon—- sumakit tuloy ulo ko.
Pagkatayo ko dahan dahan akong naglakad paalis sa higaan namin— halos tulog na silang lahat. Napansin ko naman na wala sa tabi ni Kielle si Frances. Kinabahan naman ako agad at hinanap sila sa buong penthouse. Dahan dahan lang akong kumilos dahil baka may magising. Wala sila sa kusina—— at sa taas.
Imposible namang nasa labas sila dahil umuulan ngayon. Sinilip ko muna sila sa bintana atsaka ko nakita silang dalawa— hindi ko makita mukha nila dahil parehas silang nahaharangan. Kaya naman dahan dahan kong binuksan yung pinto—— nagulat naman ako dahil pagkabukas na pagkabukas ko saktong nakita ko na hinalikan ni Frances si Jaydee.
Natulala ako—- andami agad pumasok sa isip ko. Para akong namghihina. Para akong tutumba anytime. Nagtagal yun ng ilang segundo—
"Nandy——" halos pabulong kong sabi, para silang nakakita ng multo sa sobrang gulat nila. Pagkalingon na pagkalingon nila sakin agad akong tumakbo palabas. Wala akong pakielam kung umuulan ngayon. Kahit tamaan pako ng kidlat bahala na.
Sobrang sakit.
JAYDEE'S POV
Biglang tumakbo palabas si Madie hahabulin ko naman siya agad pero hinila ako ni Frances at niyakap.
"Please——" Hindi kona siya pinatapos at tuluyan ko ng sinundan si Madie. Hatinggabi na. Madilim at malamig pa. Hindi pa naman namin kabisado ang isla nato baka maligaw siya.
Basang basa nako sa ulan kakahabol sa kanya— buti nalang maputi siya kaya nakita ko siya agad. Niyakap ko naman siya habang nakatalikod siya. Nararamdaman ko ang paghikbi niya. Kaya naman agad ko siyang hinarap sakin. Kitang kita ko si Madie na umiiyak ngayon——
"Shhhhhh... pls don't cry. Nangako ako sayo na hinding hindi na kita paiiyakin diba. Please stop crying dong——." Sabi ko habang pinipilit kong pigilan ang pagpatak ng luha ko.
Hindi parin siya nagsasalita iyak lang siya ng iyak— Basang basa na kami dahil sa lakas ng ulan.
"Come on dong—— Ikaw lang ang mahalaga sakin ngayon. I'm really sorry about that kissed hindi dapat yun nangyare. I'm really sorry— I didn't mean to hurt you. Stop crying pls.—" I said.
"Donggg— magsalita ka naman." Iyak pa rin siya ng iyak. Paano ko ba siya mapapatahan— sht!
Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap—-
"Please—- don't hurt me. Mahal kita dong. Mahal na mahal kita." She said while crying.
"Shhhhh. I won't. Hinding hindi na kita sasaktan Madie." Sagot ko naman habang yakap siya.
FRANCES' POV
Iyak ako ng iyak pagkatapos habulin ni Jaydee si Madie. Ilang segundo lang yung nakalipas tsaka ko narealized na habulin si Jaydee. It's now or never!
Hinabol ko sila kung saan sila tumakbo— bahala na. Basang basa na rin ako ng ulan ng matanawan ko silang magkayakap. Lumapit ako ng bahagya para makipag usap sana sa kanila at itama lahat ng pagkakamali ko.
"Please—- don't hurt me. Mahal kita dong. Mahal na mahal kita." I heard while Madie's still sobbing.
"Shhhhh. I won't. Hinding hindi na kita sasaktan Madie." Napansin naman ni Madie na nakatayo ako sa likod nila. Nakatalikod sakin si Jaydee kaya naman siya ang nakakita sakin.
Biglang lumayo si Madie kay Jaydee at akala ko ay pagkakataon ko na yon para makapagsalita—- pero nagulat ako ng biglang hinalikan ni Madie si Jaydee. Pinanood kong gumalaw ang mga labi nila para sa isa't isa. Para naman akong dinudurog dito sa kinatatayuan ko.
Gulat na gulat ako sa pangyayari. Hindi kona inantay pa silang matapos at agad akong tumakbo pabalik sa Penthouse. Nakita ko namang gising na yung ibang girls at may dalang payong si Kielle.
"Where have you been?! Bakit ka naligo sa ulan?" Sabi sakin ni Kielle na halatang halata ang pag-aalala niya sakin. Yumakap lang ako sa kanya habang umiiyak. Wala na akong pakielam kung basa ako basta ang mahalaga mailabas ko tong nararamdaman ko.
Para namang nanlambot si Kielle at tinap lang yung likod ko. Para akong bata na nagsusumbong dahil inagawan ako ng lollipop.
Narinig ko namang pinapapasok na kami ni Ate Alice dahil baka daw magkasipon pa ako at lagnatin. Agad naman akong pumasok at pinagbihis ng damit.
Nandito kami sa kusina ni Kielle. Pinagtimpla niya ako ng kape— wala paring nagsasalita samin pero ramdam ko na galit siya sakin.
Bigla namang bumukas yung pinto at nakita kong sabay sabay na sinalubong ng Team Bakal sina Jaydee. Agad naman silang pinapunta sa CR para magbihis.
Tumingin naman sakin si Kielle na parang alam niya na lahat ng nangyare. Iwas tingin naman ang ginawa ko at patuloy lang ako sa paghikop ng kape. Nahihiya ako sa kanya. Hindi naman niya to deserve—-
"I'm sorry—-" Yan nalang ang nasabi ko. Hindi naman siya kumibo at dahan dahang minasahe ang sintido niya.
"Gusto ko sanang mag usap tayo ngayon—- pero magpahinga kana lang muna. Matulog kana ako na bahala jan." Sabi niya atsaka niya niligpit yung pinag inuman ko. Mahinanon lang siya magsalita pero natatakot ako.
KIELLE'S POV
Gising ako. Gising ako nung tumayo siya— hindi parin ako natutulog dahil masyadong malamig dito sa sala. Tatayo na sana ako para sundan siya pero nakita kong tumayo si Jaydee at pumunta rin sa labas matapos ang ilang minuto nung lumabas si Frances.
Narinig ko lahat— lahat lahat. Actually ramdam ko naman yun. Hindi naman ako manhid. Masakit pala pag alam mong napipilitan lang sayo yung tao. Ang sakit pag alam ko na yung totoo pero ayaw tanggapin ng sarili mong utak at puso.
Hindi kona pinakinggan pa lahat— hanggang don lang ako sa—-
"Ayokong masaktan si Kielle that night kaya ko siya sinagot. I don't wanna be rude in front of her family! Ayokong mapahiya siya—-." pagkarinig ko niyan galing sa kanya. Humiga na ako. Hindi ko na ata kayang marinig pa lahat. Pumikit ako at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit ng lalamunan ko dahil pinipigilan kong humikbi— baka magising pa yung iba. Hirap na hirap akong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Nagtalukbong naman ako agad ng maramdaman ko na may tumayo— para siyang may hinahanap dahil kanina pa siya palakad lakad. Hindi ko makita kung sino dahil nakatalukbong pa din ako.
Dahan dahan ko namang tinanggal yung kumot sa mukha ko at luminga linga— nakita ko si Maddie na nakatingin sa bintana. Napausog naman ako ng onti dahil bigla siyang pumunta sa pinto at dahan dahan iyong buksan.
"Nandy..." Dinig kong sabi niya. Pagkatapos non ay wala nakong narinig na iba— hindi parin ako tumatayo sa pagkakahiga ko pero naramdaman kong parang maingay yung mga tsinelas nila.
Patayo na ko ng makita ko si Frances na nakabackhug kay Jaydee— parehas silang umiiyak.
"Please——." dinig kong pagmamakaawa ni Frances pero bumitaw si Jaydee sa pagkakayap niya at tumakbo palabas ng terrace. Nakita ko namang natulala siya ng ilang segundo bago tumakbo palabas at hinabol si Jaydee.
Agad agad naman akong lumabas ng pinto at tatakbo na rin sana pero parang may pumipigil sakin na huwag.
Pero dahil nandon si Frances humabol ako pero hindi ko pinaalam sakanya. Sinundan ko siya habang nakapayong ako—- nakita kong napatigil siya malapit sa dalawa.
Papalapit na sana si Frances sa dalawa ng bigla siyang huminto at nagulat naman ako ng makita si Madie na hinalikan si Jaydee. Naestatwa si Frances—- ng maramdaman ko na anytime ay tatakbo siya pabalik ng Penthouse agad agad naman akong nauna para hindi niya mahalata na nakita ko sila. Na alam ko lahat—-
Nagpanggap ako na parang walang nangyare sa loob ng penthouse habang tulog na tulog pa rin sila— pero ginising ko si Alice para maging makatotohanan ang alibi ko— Alibi ko sa sarili ko na pilit itinatanggi ang nakita ko—narinig ko.
"Atee—" gising ko sa kanya. Tsaka ko sinabi na wala yung tatlo at lumabas kami para tignan nagising din yung ibang girls dahil na rin siguro sa lamig. Nandito naman na ako palabas ng terrace ng makita ko si Frances— agad agad niya kong niyakap. Parang nawala lahat ng galit ko. Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko nung niyakap niya ko—-
Para akong si Superman at ikaw ang nagsisilbing Kryptonite ko.