Chapter 23

1591 Words
KIELLE'S POV Nakita kong humiga naman na si Frances pagkatapos kong hugasan yung pinagkapehan niya. Nakaupo naman sila Jaydee sa sofa kung saan nagpapatuyo sila ng buhok. Yung iba naman ay natulog na ulit. Chineck ko sa phone ko kung anong oras na nakita ko naman na 2am na pala. Tumabi nako kay Frances--- walang nagsasalita pero ramdam ko naman na may gusto siyang sabihin. "Hun...? Can we talk?" She asked. Agad ko naman siyang nilingon at niyakap.  "Matulog nalang tayo Hun? Mamayang umaga nalang natin siguro pag usapan yan.." Hindi ko alam kung ano binabalak niyang sabihin---kung magsosorry ba siya o makikipaghiwalay sakin. Hindi ko alam--- kaya naman sinulit ko na yung pagyakap ko sakanya. Nakatulog ako ng ganon ang pwesto ko. JAYDEE'S POV Pagkatapos naming magbihis ni Madong nagpatuyo naman kami ng buhok dito sa sofa-- wala paring nagsasalita samin kanina pagkatapos nung--- alam niyo na. "Why you kissed me back?" Out of nowhere na tanong ni Maddie. Napalingon naman ako sa kanya habang pinupunasan ko yung buhok ko. "Masama ba dong? Bad kisser ba ako?" Sabi ko sa kanya habang tumawa ng mahina--- baka kasi magising pa sila. Nakakahiya hahahhaha. "Ewan ko sayo Dong!" Sabi niya at humiga na. Tatawa tawa naman akong tumabi sa kanya. "I want to know how sweet your lips that's y I kissed you. Pwede bang tikman ko ulit?" Bulong ko sakanya. MADIE'S POV Para namang tumaas lahat ng balahibo ko sa bulong sakin ni Jaydee. Humarap lang ako sa kanya tsaka ako sumiksik sa chest niya. This-- this is what I wanted. This cloud nine feeling----Naramdaman ko naman ang pagyakap sakin pabalik ni Jaydee atsaka ako nahimbing ng tulog.  Grabe parang kanina lang kapipikit ko palang tapos umaga na agad? Anong oras ba kami natulog? Sht. Parang ang sama ng pakiramdam ko. Nakita ko naman sa tabi ko si Jaydee-- nakayakap sakin ang mukhang malalim pa ang tulog niya.Chineck ko yung phone ko kung anong oras na-- Mag aalasais na ng umaga at tatlo nalang silang tulog dito. Ginising naman na ni Ate Alice yung dalawang tulog tapos ako naman na yung gumising kay Jaydee. "Donggg--" Sumiksik naman siya sakin kaya naman nahiya ako dahil nakatingin sila Ate Alice samin.  "Ahm-- donnggg bangon na---- ano kasi medyo late na gagayak kapa." Sabi ko sa kanya, naiilang kasi ako pano makatingin sila Laney dito sa gilid--- halatang mga nang aasar. "Biskot naman e! Kiss muna--" Sabi naman niya habang nakapikit at ngumuso naman sakin. Agad naman siyang binato nila Amanda ng unan. "WALANGYA KA JAYDONG! KUNG ANO ANO SINASABI MO KAY MADIE! KAYA KUNG ANO ANO NATUTUTUNAN NYAN E!" Sabay hampas ni Amy agad namang napabalikwas si Jaydee. Kamot ulo naman niyang tinignan yung mga tao sa paligid. "Hehehe-- sorry na mga ate. Kala ko kasi nasa kwarto kami ni Dong." Hiyang hiya na sabi niya tsaka siya tumayo. Inalalayan naman niya ko saka niya niligpit yung pinaghigaan namin.  Sabay sabay kaming nagbreakfast pero may kulang--- sila Frances at Kielle.  FRANCES' POV Maaga akong nagising-- hindi ko nga alam kung nakatulog bako halos mag-aalasingko palang. Bumangon ako at nagising naman agad si Kielle. Tumingin lang siya sakin-- "Aga mo namang bumango.." Rinig kong sabi niya habang papunta ako sa sink para magtoothbrush. "Pwede naba tayong mauna sa Hotel Hun?" Tanong ko sa kanya. Agad naman siyang umoo at gumayak. Nagpahatid kami sa isang tauhan nila. Habang nag aalmusal kami dito sa Yacht niya--- nagsimula na akong magsalita. "Hun-- I don't really know what should I say to you.. but-- I'm really really sorry for everything." Saad ko. Nakatingin lang siya sa sunrise habang humihigop ng kape. Hindi niya ako sinagot kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita-- "..sobrang dami kong kasalanan sayo, actually baka nga pag nalaman mo hiwalayan mo nako-- iwan mo nako. But I want to be honest with you." This time nakalingon na siya sakin at parang inaantay yung susunod kong sasabihin. Kaya naman nagpatuloy akong magsalita at sinabi ko lahat ng pangyayare kagabi-- mula umpisa. Wala naman siyang reaksyon kaya naman lalo akong kinabahan-- nahihiya ako sa kanya dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin ako-- alagaan ako.  "I know--- narinig ko lahat, nakita ko din hehe." Sabi niya in a soft way. Gulat na gulat naman ako dahil paano niya nalaman-- pano niya nkita at narinig e kami lang naman ni Jaydee ang gising kagabi bago pa kami makita ni Maddie.  "Howw...?" I asked.  "Gising ako nung tumayo ka--- pinakikiramdaman kita kagabi  dahil first night natin yun together kaya hindi rin ako masyadong makatulog. And then naramdaman kong tumayo ka--- akala ko iinom ka lang kaya hindi ako dumilat pero nung nagtagal kana ng konti naisipan ko na sanang bumangon pero nakita ko si Jaydee na papalabas ng pinto. I'm sorry for being so nosy, tumayo ako para makita kayo." Mahabang paliwanag naman niya habang iniislice yung pancake na almusal namin. "Did you heard everything?.." I asked again... "I think hehe." Sagot naman niya sakin ng tipid. "So did you saw it...?" Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha niya. "Did you saw that I kissed Jaydee last night?" Mahina kong sabi sakanya. "No--- I didn't." Sagot niya sakin at kitang kita ko sa mata niya kung paano siya nasaktan sa sinabi ko.  "so-- you kissed her? Pero ako na girlfriend mo hindi?" Sabi niya sakin habang iniiwasang tignan ako. Sht. I'm so dumb.  "Hun- let me explainn please.." Tumingin naman siya sakin at nakita ko ang mga luha sa mga mata niya. "You don't have to Hun-- It's okay. I'm fine-- " Sabi niya sakin sabay hawak sa mga kamay ko. "Am I not enough ba Hun? I mean-- may pagkukulang bako sayo ha?" Sabi niya sakinn habang nakayuko hawak hawak parin ang mga kamay ko. "Kielle--- shhh. Come on don't cry. You are enough okay? Actually I'm so greatful having you in my life. To be part of it--." I answered. Tumingin naman siya ngayon sa mga mata ko. "..I'm really really sorry for everything. I- don't really know what happened to me last night. I'm so confused." Iyak ko naman sa kanya. Agad naman niya akong nilapitan at lumuhod sa gilid ko habang yakap yakap niya ko. "Naguguluhan ka ngayon dahil nakikita mo si Jaydee-- kapag tayo namang dalawa lang masaya naman tayo diba? Okay naman tayo diba?" Paglilinaw naman niya. Is it true? Dahil ba sa nakikitta ko si Jaydee kaya ako ganito? Iba nga ba kaming dalawa ni Kielle pag wala si Jaydee sa paligid namin?-- sa paligid ko? Tanong ko sa sarili ko dahil hindi ko makuhang sagutin si Kielle na umiiyak ngayon sa harap ko. "Can I ask you something Hun?" Ganun pa rin pwesto namin pero this time nakahiga na yung ulo niya sa lap ko while I'm brushing her hair. Umoo naman ako at-- "Do you really love me?" She murmured sapat na para marinig ko. Umayos naman na siya ng talungko habang inaantay ang sasabihin ko. "..ofcourse, I do." Pagkatapos kong sabihin yun ay hinalikan na niya ko-- It was a soft and slow kiss. Ramdam na ramdam ko yung pain and love between her kisses.  "I love you Ms. Pinlac" she said and hugged me. "I love you too, Hun." I replied. Tama na yung nakasakit ako ng isa--- this time, I won't be unfair to you Kielle. I will do anything para makabawi sayo.  JAYDEE'S POV  Nandito na kami sa Hotel--- hapon na at nag aayos na kami ng gamit pabalik ng Manila. Nakapamili na kami ng kanya kanyang souvenirs para sa mga family namin. Napapansin ko naman na parang umiiwas samin si Frances. Well sakin naman ay pabor yun-- para na rin sa ikakabuti naming lahat. Dala dala ko naman ang gamit ni Madie habang pasakay kami ng Van. Kung nung papunta kami dito ay si Frances ang kasama ko-- ngayon hindi na. Umupo kami sa bandang dulo-- ako yung nandito sa tabi ng bintana dahil alam ni Maddie na ito ang favorite spot ko. Nakita ko naman sa labas si Frances at Kielle sa likod naman nila ay si Coach at ang parents ni Kielle. Bago umakyat si Frances ay nakita ko namang pinabaunan siya ng halik ni Kielle bago ito magmano sa mga magulang niya--- sweet. Pagkatapos nun ay umakyat na si Frances katabi niya si Coco tapos si Brei naman ay katabi si Ate Nile-- nung papunta kasi kami dito sa El Nido, ang katabi ni Madie ay si Ate Nile tapos CocoBrei at kami naman ni Frances. At dahil ng alam ng girls ang mga nangyayare ay sila na ang nag adjust. "Saktan mo muna ng saktan ang sarili mo hanggang sa mawala yang nararamdaman mo para sa kanya--- maghihintay ako. Maghihintay parin ako sayo." Out of nowhere na sabi sakin ni Madie. "Anong sinasabi mo Dong? Akala koba okay na tayo? I mean nagkakaintindihan naman na tayo diba?" Bulong ko naman sa kanya. "Dong-- matagal na kitang kilala. Basang basa ko na lahat ng galaw mo." Hindi naman ako agad sumagot-- "-- don't force yourself to love me Nandy. Wag mokong gawing rebound. Wag kang mag alala hindi ako galit sayo. At sana kung pwede lang naman sana-- hayaan mo parin akong mahalin ka at alagaan ka" Sabi niya sakin at tipid na ngumiti. "Thank you Dong-- hayaan mo lilipas din to. Ako paba? Hayaan mo darating din tayo sa panahon na ako naman ang babawi sayo-- na ako naman ang mag-aalaga't magmamahal sayo." sabi ko sakanya sabay hawak sa kamay niya. "Aasahan ko yan Nandy..." Bulong naman niya pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD