Chapter 24

1363 Words
FRANCES' POV Nakabalik na kami dito sa Manila--- and sabi sakin ni Kielle bago kami umalis don ay susunod daw siya dito tutal ay may coffee shop sila somewhere dito sa Manila, aayusin muna daw niya mga maiiwan niyang gawain doon sa El Nido. Bago kami umakyat at bago umalis si Coach dito sa mansion ay kinausap niya na muna kami. "You did a good job girls---" Sabi niya samin kaya naman nagpasalamat kami at nagpalakpakan.  "I wanna be open to you all--" dagdag naman niya. "Paano ba to--- ahm,I was diagnosed that I have a bone cancer--" Hindi pa siya nakakatapos ay bigla na kaming nagreact lahat. "Wait--wait-- chill. Hindi pa naman siya ganon kalala kaya ko nga sinabi sa inyo agad para alam niyo rin yung mga nangyayare.---" Paliwanag naman niya. Nag usap usap kaming lahat about don at ayun nga iintayin namin siyang gumalinng at sasamahan namin siya sa laban niya. Halos isang buwan din ang nakalipas mula nung nagpaconfine na si Coach kaya naman yung ibang mga girls ay nagdecide na munang umuwi sa kanikanilang bahay sa probinsya. Nalulungkot mang kaming lahat pero ganon talaga ang buhay. Hanggang sa magsiuwian narin kaming lahat pero bago yun dinalaw muna namin si Coach sa ospital. Kung tatanungin niyo kung kamusta kami ni Kielle--- okay kami. Lagi niya akong sinusundo kapag maag asiyang nakakapag out sa work niya tapos magdidinner kami ng sabay. Tulad ngayon kasama namin si Kielle papuntang ospital. Si Coco, Brei, Ate Gabb, Ate Ella, Ate Nile at Ate Lara ang kasama namin. Pagkapunta namin sa ospital agad agad din naman kaming naghiwalay--. Inaya naman ako ni Kielle sa condo niya. I'm just wondering kung kamusta na sila Jaydee-- nauna silang umalis samin sa mansion kasi nung isang araw pa sila umalis with Team Bakal at Maddie. Napapansin ko naman na shiniship na sila ng mga MNLloves dahil wala na ngang balita samin-- tsaka siguro nakikita rin naman nila sa social media kung bakit. I feel sorry sa mga nagshiship samin ni Jaydee kapag nga nag oopen ako ng mga social media accounts ko lagi kaming nakatag ni Jaydee--- Mga videos, pictures namin together. Wala lang bigla ko lang siyang namiss. It's been a couple of months na rin simula nung hindi kami nag usap. END OF FLASHBACK------------- FRANCES' POV Nakatulog naman si Coco dito sa tabi ko. Buang talaga tong babae nato-- siya nag aya manood ng Netflix tapos tinulugan naman ako. Actually wala talaga akong naintindihan about sa pinanonood namin bumalik kasi sa isip ko lahat lahat ng nangyare samin at kung paano kami nakarating sa punto nato. Niligpit ko naman lahat ng pinagkainan namin atsaka ako nagcheck ng social media. Inunfollow ko sila ang Team Bakal since then dahil ayoko siyang makita. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko para kamustahin siya-- I was browsing at t****k ng makita ko sa FYP ko na may bagong video inupload si Laney--- kasama niya sila Brei mukhang eto yung studio na sinasabi ni Coco na pinag ipunan nilang lahat para maitayo. Sa bandang huli naman ng video biglang sumingit si Jaydee--- yung tipikal na Jaydee na maharot. They seem so very happy. Mukhang nakamove on na nga silang lahat at ako nalang ang natira.  "Hun?" Rinig kong tawag sakin ni Kielle sa loob ng kwarto namin. Tumayo naman ako agad at pinuntahan siya---- "Yes Hun? Do you want anything?? Water?" I asked atsaka ako umupo sa tabi ng higaan namin. Dito ako nakatira sa condo niya simula nung pinakilala ko siya sa Family ko nung nakaraang Christmas.  Pinagpaalam niya ako na magstay sa Condo niya tsaka binigyan niya rinn ako ng trabaho sa Coffee shop nila. Ako yung ginawa niyang Branch Manager simula nung natanggap siya sa NAIA.  "No-- Just hug me.." She murmured habang nakasiksik sakin. Agad naman akong humiga sa tabi niya para yakapin siya. Magtatatlong taon na kami next month ganun parin siya. Maalaga--- may respeto at hindi parin nagbabago yung pakikitungo niya sakin simula kung paano niya ako niligawan.  May mga time na lagi kaming nag aaway dahil pinagseselosan niya yung isang crew sa Coffee Shop tapos tinanggal niya kaya kami nag-away. She's been so possessive kapag naman sinasabihan ko siya about sa mga ganong bagay lagi lang niyang sinasabi na mahal na mahal lang daw niya talaga ako at ayaw niya lang akong mawala. Kaya minsan hinahayaan ko nalang siya--- siguro natakot din siya non nung nakita niya at narinig niya lahat ng napag  usapan the night when me and Jaydee kissed. Hindi ko naman siya masisisi. "I missed you----" Bulong niya sakin.  "I missed you too---" sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya. Mahal ko si Kielle. Hindi naman kami aabot ng ganito katagal kung hindi.  Inayos naman niya yung buhok na nakaladlad sa mukha ko while we're still staring at each others faces. Nakapikit naman ako ng maramdaman kong inipit niya iyon sa likod ng tenga ko and then I felt her lips next to mine-- ilang segundo lang ang nakilipas at dahan dahan niyang nilayo sakin ang mukha bago ako dumilat ay naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. "I love you. Mahal na mahal kita Frances." Sabi niya sakin at agad akong niyakap.  "I love you too, Kielle." Sabay yakap ko pabalik sa kanya. Tumahimik naman siya atsaka ako nagtanong kung alam niya naba na totally healed na si Coach at nagbabalak na ang venue ng Reunion ay sa place nila sa El Nido. "Nopee--- I don't hear anything about that. Kanina ko nga lang nalaman na may reunion kayo e--- why didn't you tell me nga pala agad? Kelan mo paba alam?" Tanong naman niya sakin pabalik. "Actually kanina ko lang din yun nalaman Hun, ngayon lang din naman kami nagkasama ni Besh dahil busy ako sa Coffee Shop at busy naman siya sa Studio nila." I lied, dahil matagal ko ng alam na magkakareunion kami dahil nagchat non si Coach sa dati naming GC at nangangamusta kaya nga din namin nalaman na magaling na siya e. "Hmmmm--- mamaya call ko si Dad para mapagghandaan nila doon. Kailan nga ulit yon?" Tanong naman niya.  "Ang alam ko next next sunday pa daw gawa nga na iintayin pa namin si Ate Nile nadelay daw kasi Flight niya." I said. "That's good. Mahaba pa yung preparation for that medyo mahirap kasi ngayon talaga magflight dahil Ber Months. Buti nga binigyan ako ng 1 month leave dahil wala pa akong pahinga simula nung January." Sagot naman niya. Sobrang busy kasi talaga ni Kielle--- sobrang sipag din naman kasi niya, isa yun sa hinangaan ko sa kanya. Never din siyang umasa sa family niya kahit na mayaman naman sila.  "Kaya nga Hun, buti nalang at pinagfile ka naman ng leave. Baka mamaya magkasakit kapa." I answered and bago naman siya sumagot ay narinig namin si Coco. "Ayan na Besh palabas na.." Sigaw ko naman mula dito sa kwarto namin at tumayo na. Narinig ko naman ang pagsunod sakin ni Kielle.  COCO'S POV Nagpaalam nako sa dalawa dahil ang sarap ng tulog ko e biglang tumawag sakin si Brei at nag aalala dahil hindi nga ako nakakapagreply hindi ko naman kasi alam na nakatulog ako. Kaya naman dali dali nakong pumunta sa studio namin pagkatapos namin mag usap sa phone. "I'm sorry baby-- hihi" Bungad ko sabay yakap sa kanya pano ang sama kasi ng tingin niya sakin. Kaya naman dali dali akong nagpacute sakanya. Sana epektib wahahahaha. "Oh respeto naman sa mga walang jowa!" Dinig kong sigaw ni Laney dahilan para magtawanan kaming lahat. Sa tagal namin ni Brei ni minsan hindi pa ata kami nag away ng malala talaga. May mga time lang na hindi kami nagkakaintindihan pero after namin ipaliwanag yung bawat sides namin okay na. Ganon lanng-- Mas madalas pa nga ata naming pagtalunan kung saan kami kakain hahahhaha. "Hoy biskot san ka na naman pupunta!" Dinig kong sigaw ni Jaydee kay Madie. Humarap naman si Madie tsaka siya dinilaan. Kaya naman agad tumakbo si Jaydee papalapit sa kanya at narinig naman namin ang pagtili ni Madie. Tatawa tawa naman kami ditong mga natira. We are actually happy dahil nakikita naming masaya na talaga si Jaydee. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD