JAYDEE'S POV
Rinig ko pa ang tawanan nila Amanda pagkatakbo ko para habulin si Madie. Pano ba naman kasi tumili pa ang lola niyo HAHAHAHA! Paikot ikot lang kami dito sa studio hanggang sa mahuli ko siya.
"San ka pupunta ha?" Pagtatanong ko naman sa kanya habang parehas kaming hingal na hingal. Tatawa tawa naman siya bago siya sumagot.
"Sa kabet ko baket? Time na niya no kanina mo pa kaya ako kasama--- alis! alis!" Tumatawa naman niyang sabi bago ako magsalita sa kanya e narinig ko naman ang pangangantyaw ng mga loko.
"Ayun may kabet!" Sigaw samin ni Brei habang tumattawa.
"Nako buti naman nauntog kana Madong!" Sigaw rin ni Laney at nag apir pa silang mga taka.
Inirapan ko lang silang lahat pati si Madie dahil hanggang ngayon pinagtatawanan parin nila ko. Whatever.
"Ade don kana sa kabet mo!" Sabi ko sa kanya at nagkunwaring nagtatampo. Pano lagi nagbibiro na may kabet siya. Siguro totoo nga yon! Pagmamaktol ko sa sarili ko.
"Para kang tanga. Niloloko ka lang e--" Nakikita ko naman ang pagngiti niya sakin. Hindi ko pa rin siya papansinin bahala siya jan! Naiinis niya ko talaga lagi! Sila sila magkakasabwat etong mga tropa ko kala mo wala kaming pinagsamahan laging nakampi kay Madonng -____-
"Donggg- hindi bagay. Halika na---" Aya naman niya sakin kaya naman sumagot nako.
"Eh san ka nga pupunta!" Pagmamaktol ko ulit sa kanya.
"Malamang kukunin ko yung pagkain sa labas! Umorder kaya tayo kanina diba! Diba?" Sagot naman niya sakin kaya naman rinig ko ang tawanan ng mga kasama namin.
"Ay--- oo nga pala wahahhahha! Eh baket kase di ka manlang nagsasabi jan, sabi mopa kabet mo pupuntahan mo. Siguro kabet mo nga yang magdedeliver no!" Sabi ko naman sa kanya. Tinawanan naman niya ko atsaka ako hinila palabas.
"Stop being so cute Nandy-- I might kiss you in front of them." Rinig kong sabi niya habang naglalakad kami palabas para kunin yung inorder naming lunch.
"Ade ikiss mo wahahahhahaha!" Panghahamon ko naman sa kanya kaya naman nakatanggap ako ng malakas na batok sa kanya. Bigat talaga ng kamay kahit kelan -.-
Nandito na kami sa studio habang sabay sabay kumakain at pinag-uusapan namin kung ano yung gagawin namin after namin dito sa studio. Naputol yung pag uusap namin ng biglang nagring phone ko. Si Ate Gabb tumatawag----
"Hello? Baket--- pwet mo may raket" Derederecho kong sabi pagkasagot ko.
"Hoy!" Sigaw naman ni Ate Ella sa kabilang linya. Gagi kala ko si Ate Gabb wahahhahaha!
"Hala sorry ate hahahaha! Kala ko si Ate Gabb e, san kayo?" Tanong ko naman sakanila habang patuloy kami sa pagkain dito. Niloudspeaker ko yun tsaka ko binaba sa gitna naming lahat--- sa sahig lang kami kumakain kasi wala naman kaming table dito sa Studio.
"Nandito kami sa labas ng Studio niyoo--- nanjan ba kayo ngayon? Nagpapark na kami dito e." Sagot naman ni Ate Ella. Sabay sabay naman kaming sumagot at pinatay na niya yung tawag.
Maya maya lang ay nakita na namin silang pumasok--- tumayo naman kaming lahat para yakapin sila. Medyo matagal narin simula nung nagkitakita kami. Busy kasi sila dahil nagtayo din sila ng Business sa Quezon. Nagkamustahan naman kami at nakita ko namang nagliligpit si Maddie ng pinagkainan namin kaya iniwanan ko muna at tinulungan siya.
"Akina dong--" Sabi ko sa kanya at inabot sakin yung isang plastic. Nagtapon kami ng basura sa labas atsaka kami bumalik sa loob. Naabutan naman namin sila na nag-uusap usap.
"Hindi na pala natin kailangan magreunion e!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Amanda.
"So any planns for tonight?" Tanong naman ni Ate Ella samin bago kami tumayo para magtiktok HAHAHA.
"May gig ngayon biskot diba?" I asked Maddie. Kinuha kasi siyang vocalist ng friend ng mama niya sa Bar nito. Pumayag naman siya kaya ayon yung pinagkakaabalahan niya at sa umaga naman nandito siya minsan pag hindi siya ganon kapuyat.
"Yeah, I think it's best of you come with me guys." Pag aaya naman ni Madong sa lahat.
"G na agad yan Dong!" Sigaw naman ni Laney. Wala namang kumontra at dahil ngayon lang dinn naman kami nagkita kita. It will be a fun night!
"Chat ako sa gc kung sino available? Baka magtampo sila pag nagpost tayo ng pictures e." Suggestion naman ni Coco. Nagtanguan naman kami at--
"Yeahh that's a good idea. Miss ko narin ang ibang girls." Sagot naman ni Ate Ella.
Kung ano ano ginawa namin-- t****k,harutan,kantahan. Umuwi muna kami sa condo namin ni Maddie dahil 8pm pa naman ang gig ng aking Dongski ay magpapalipas muna kami ng oras dito. Habang nagluluto ako nasa sala naman sila at nanonood ng Horror Movie.
"Tulungan na kaya kita Dong?" Sabi sakin ni Maddie at yumakap sa likod ko. Nililinis ko kasi tong paglulutuan ko.
"Panoorin mo nalang kaya magluto ang asawa mo ha?" Pangtetease ko naman sa kanya sabay pitik sa ilong niya.
"Aww--" Reaksyon naman niya atsaka siya nagpout. Binigyan ko naman siya na smack sa lips dahil sa sobrang cute niya. Hinampas naman niya ako agad at tumingin sa likod kung may nakatingin ba. Hahahahaha. Busy naman yung mga nasa sala at tutok na tutok sa kanilang pinanonood.
"Why? Hahahaha. Iwasan mo din kasing maging cute ayan tuloy----" Pambibiro ko naman sa kanya atsaka ko pinagpatuloy ang pagluluto ko. Habang siya naman ay nandito pa rin sa table namin at nagcecellphone.
"Huy pupunta daw si Ate Alice-- free daw siya tsaka sila Ate Abby at Sela." Dinig kong sabi niya sa mga taong nasa sala.
"That's nice! Excited na ako huhu.." Sabi naman ni Brei. Magsasalita na sana ako ulit ng biglang nagsalita si Coco.
"Sasama din daw guys sila Frances." Natahimik naman kaming lahat--- napatingin naman sila sakin pati si Madong na parang inaantay nila akong sumagot.
"Cool. That's cool. Matagal narin naman natin siyang hindi nakikita." Sagot ko nalang atsaka ngumiti. It's kinda awkward kasi hindi naman na namin siya napag-uusapan kahit na bestfriend niya si Coco.
"Ayon.. tsaka okay lang din yon no. Miss ko na kaya yung conyo girl na yun.." Singit naman ni Amanda. Nag-agree naman silang lahat at nakita ko naman na ngumiti sakin si Maddie atsaka ako nagpatuloy sa pagluluto ko.
Nakatapos na kami kumain habang naghuhugas naman ng plato si Laney at Amanda ay nagpaalam naman na maliligo na si Madong.
"Ayaw moba kong isama?" Pambibiro ko naman sakanya at nakita naman naming lahat ang pamumula ng mukha niya. Agad naman akong binato nila Brei ng unan.
"Ang harot! Ang harot!" Sabi sakin ni Ate Gabb habang hinahampas ako ng throw pillow. Tumawa naman ako atsaka ko sinabihan si Madong na bilisan niya ang pagligo dahil susunod talaga ako sa kanya sa banyo pag nagtagal siya. Agad naman siyang tinulak ni Ate Ella papasok sa Cr dahil kung ano ano daw ang sinasabi ko. Kaya naman nagtawanan lang kami at pinagpatuloy ang panonood.
"Btw donng--- okay lang naman sayo na kasama natin sila Frances diba? Kasama niya din kasi si Kielle e." Sabi naman ni Coco sakin at parang nahihiya pa.
"Huy-- ano kaba okay lang no. Tsaka napakatagal na non, wala na sakin yun." Sagot ko sakanila at ramdam ko namang nakatingin sila saking lahat.
"Come on--- wag niyong gawing awkward yung atmosphere dito. Okay na talaga ko, masaya naman ako-- masaya kami ni Madong. Mahal ko si Madong at isa pa gusto ko narin naman ng maayos yung issue dati pa. Friends friends ba ganon." Dagdag ko naman narinig ko naman silang nagsing-ayunan atsaka kami ulit bumalik sa panonood.
Maya maya lang ay nakita kong lumabas na si Madong sa CR kaya naman tumayo na rin ako para maligo. Hindi ko naman maiwasang mag-isip kung ano ang mangyayare mamaya pagg nagkitakita kami. It's been how many years nga? Dalawa ba or tatlo? Bahala na si Batman. Basta ako ayoko na ng gulo, masaya na kami ni Madong at kuntento na ko don.
MADIE'S POV
Habang inaantay namin si Jaydee matapos maligo ay nandito naman ako sa sala kasama ang girls. Seryosong seryoso silang nanonood habang ako naman ay nagpapatuyo ng buhok. Lumapit naman sakin si Amanda atsaka ako kinausap.
"Okay ka lang na Dong?" Pagtatanong naman niya na nakaagaw pansin ng iba. Napatingin naman ako sa kanya na parang nagtataka.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" Balik tanong ko naman atsaka lumapit si Ate Ella para ipaggpatuloy yung pagpupunas sa buhok ko.
"Kasi nagwoworry kami about sa inyo--- diba ngayon nalang ulit kayo magkikita kita since then--" Pinutol ko naman ang pagsasalita ni Ate Ella atsaka ako nagsalita.
"You guys don't really have to worry anything about me-- about us. We already moved on about what happened 2years ago. And I trust Jaydee. Alam ko namang hindi siya gagawa ng ikakasakit ko." Sabi ko sakanila and they agreed to me.
"Oo nga kayo naman kasi--- nakamove-on na lahat e. Kayo nalang yung hindi pa ata. Tsaka wag niyo ng gawing awkward mamaya yung sitwasyon, both companies naman ay okay na sa mga buhay nila. Si Jaydee at Maddie masaya na, ganon din naman sila Frances. I think eto na nga yung right time para mawala na yung gap between two parties diba?" Sabi naman ni Laney. Tama naman siya, kasi sakin wala namang kaso kung makakasama namin sila mamaya.
"Alam naman namin yon-- syempre gusto lang din namin makasigurado na okay lang sa lahat lalo na sayo Maddie. We care about your feelings din naman. At kung wala namang problema ade mas maganda para maenjoy natin mamaya yung party kahit kulang tayo." Dagdag naman ni Coco.
Naiintindihan ko naman sila na they are concerned about me kasi nga sa napagdaanan ko ba naman kay Jaydee. Saksi silang lahat don. Pero tulad nga ng sabi ko. Okay lang sakin dahil may tiwala ako kay Nandy.
Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas si Jaydee, she never fails to amaze me. Ngumiti siya saakin at parang magtatanong pa sana kung ano yung pinag-uusapan namin pero agad akong tumayo para yakapin siya. Naramdaman ko naman ang pagkagulat niya at narinig ko namang nagsalita si Ate Gabb sa likod.
"Awwwww-- cutiee. Akin hug mo din ako huhu." Rinig kong sabi ni Ate Gabb atsaka sila mga nagtawanan. Napangiti naman ako sa katakaan nila atsaka ako nag-aya na lumabas na, baka malate pako dahil sa mga to.
"Jaydeee-- wag mokong bibiguin ha?" Sabi ko sa isip ko habang nasa harap namin sila dahil hinaharot siya ng Lamy dahil masyado daw nabakla si Jaydee kanina nung niyakap ko siya. Nagtatawanan naman kami dito sa likod habang nakatingin sa kanila.