Chapter 26

1678 Words
JAYDEE'S POV Hanggang makarating kami dito sa bar hindi parin nila ako tinitigilan -.- "Shhhhhh! Tama na baka masyadong lumaki ulo ni Madong niyan." Pambibiro ko naman. Inirapan naman niya ako tsaka siya nagpaalam samin na pupunta muna siya sa main office ng Bar.  "Samahan na kaya kita?" I offered. Pero tumanggi siya dahil dito nalang daw ako at samahan sila Ate na intayin ang ibang girls. Wala naman akong magawa dahil siya ang Boss. Hahahhahahah! "Tiklop ka talaga Jaydong! Hahhahahaha." Pang-aasar naman sakin ni Amanda. Nagtawanan naman silang lahat. Kakabadtrip sila ngayon hmp!  Si Ate Gabb at Brei din naman tiklop sa dalawa bakit puro ako mga buset na to. May lumapit naman saming waiter para tanungin kung sa Vip ba kami or sa regular. Sinabi ko naman sakanila na pag nagVIP kami e hindi namin mapapanood ng maayos yung kanta ni Maddie kaya naman pumayag sila at nirequest namin na ilagay kami sa gilid kung saan malapit sa stage.  "Ang ganda naman pala dito e, mukhang safe naman si Madong pag may gig siya. Mukhang wala namang mga basag ulo." Pagsasalita naman ni Brei.  Noong una talaga nagpaalam sakin si Madie about nga dito hindi ko siya pinayagan kasi nga alam niyo naman pag bar diba. Pero sa kapipilit niya sakin e napapayag niya rin ako pero bago yun pumunta muna kami dito para makausap yung friend ng Mama niya-- pero hindi palagay ang loob ko dahil itsura palang mukhang manyak talaga kaya naman nung unang linggo ni Madie dito e lagi ko siyang sinasamahan kahit may work ako sa Studio kinabukasan.  Pero siguro nahahalata din niya na wala ako laging tulog kasi sunod sunod yung gig niya non at halos 4am na kami nakakauwi tapos 10am kailangan nasa Studio nako hanggang 6PM and then kakain--maliligo tapos pupunta na naman kami ng bar. Kaya isang gabi sinabi niya sakin na huwag ko na siyang samahan at okay lang naman daw siya don. Baka daw magkasakit pako kakapuyat. Hindi naman na ao nakakontra dahil totoo naman yun-- lagi akong puyat tapos pagod sa umaga kakaturo sa Studio. "Oo nga, mabuti nga at kaibigan daw ng mama ni Madong yung may ari nitong Bar kaya 100% sure na safe talaga dito." Dagdag naman ni Ate Gabb habang palinga linga.  "Ayon nga guys e-- alam niyo ba nung unang kita ko don sa may-ari ng Bar na'to mukhang hindi mapagkakatiwalaan tol." sabi ko sakanila. "Huy ang judgmental mo, malay mo ganon lang talaga itsura niya. Jaydong ah!" Pagsusuway naman sakin ni Amy. "E totoo kaya! Basta tuturo ko sa inyo mamaya kapag nakita ko." Sabi ko naman sakanila at binatukan naman ako ni Laney. Sinamaan ko naman sila ng tingin at inaya ko pa sila ng pustaha. Hindi naman sila talaga naniniwala hays! Bahala nga sila basta ako hindi talaga ako panatag sa Boss na yun. Bigla namang nag-excuse si Coco dahil nandiyan na daw sila Ate Alice kasamahan yung ibang girls kaya naman sinamahan ni Brei si Coco para sunduin ang mga ito sa labas. Kami naman ay umorder na ng dalawang bucket at makakain. Mild drinks muna dahil maaga pa naman. FRANCES' POV Nandito na kami sa sasakyan papuntang Bar, sinend sakin kanina ni Coco. Medyo kinakabahan ako na ewan pero hindi ko yun pinapahalata. Baka kasi magtanong pa si Kielle. We talked about random things pero mostly about sa Coffee Shop.  Nakarating na kami dito sa Bar at halatang marami ng tao dahil medyo nahirapan kaming magpark. May tumulong naman samin mukhang bouncer ng bar para makapagpark kami ng maayos. Bago kami bumaba ay chinat ko si Coco na nandito na kami sa labas-- nag intay kami ng ilang minuto pero hindi siya nagreply kaya naman napagpasiyahan naming pumasok na at hanapin nalang sila sa loob.  Sobrang ingay--- maraming sumasayaw sa gitna at mga nagsisigawan pa. Agad naman akong inakbayan ni Kielle dahil nababangga kami ng mga tao. Pilit namin silang hinahanap pero hindi namin sila makita kaya naman inaya niya muna ako sa taas ng bar para makita namin ng maayos.  Hindi naman kami nabigo at nakita namin sila. May mga iniinom na sila at kitang kita ko ang pag eenjoy nilang lahat. Grabe namiss ko sila. Hindi naman nakawala sa paningin ko sila Jaydee na nagtatawanan katabi si Madie. Ang laki ng pinagbago niya-- medyo tumaba narin siya kaya mas lalong bumagay ang polo na suot niya. Bumaba naman kami agad para puntahan sila. Napansin naman nila kami agad at dali dali kaming pinaupo pero bago yun yumakap muna ako sa kanilang lahat--- nung nasa tapat naman na ako ni Jaydee at Madie ramdam ko namang natigilan sila.  Tinignan lang ako ni Jaydee from a jolly face niya kanina ay bigla itong nagpoker face atsaka kami tinanguan ni Kielle. Ngumiti naman sakin si Madie-- I smiled back and umupo na. Kamustahan---tawanan at asaran naman ang ginawa namin. Sumayaw din kami sa gitna na parang mga nakawala sa mga sariling rehas. Pagod na pagod kami pero sobrang sulit at saya sa pakiramdam. Namiss ko yung ganitong feeling-- yung walang pinoproblema. Bumalik naman kami agad sa seats namin dahil biglang nagsalita yung DJ ata yun hindi ko alam kung sino kaya natigilan kaming lahat pero si Amanda at Ate Lara ay mga nagkukulit na--- mga lasing na ata kung ano ano sinasabi kaya naman tawa kami ng tawa.  May pinakilala yung DJ na banda--- banda ata nila Madie. Agad naman siyang inalalayan ni Jaydee papuntang stage at sumigaw pa ng "Go aking Biskot!" kaya naman nagsigawan tong mga nasa table.  "Good evening everyone--- this night is a very special night dahil nakasama ko ngayon dito ang mga kaibigan ko. Actually yung iba sawa nako sa pagmumukha nila dahil lagi ko silang nakikita pero dahil no choice ako wala narin akong magawa--" Nagtawanan naman ang lahat atsaka siya ulit nagsalita. "The songs we are going to sing po ay para sa mga naiwan, iniwan, nagmahal pero hindi nakatanggap ng pagmamahal pabalik, nabusted, nafriendzoned ano pa ba? Hahahhaa. Actually this is the most wanted of some people here at the bar. Mukhang maraming broken ngayon ah?" Narinig naman namin ang ibang grupo na mga nagkakantiyawan at nagsisigawan---- mukhang isa sila sa mga nagrequest. Agad namang nagstrum ang gitarista nung sumenyas si Madie---- "Pilit nating iniwasan Ganitong mga tanungan At kahit 'di sigurado Tinuloy natin ang ating ugnayan...." Grabe para siyang isang anghel na kumakanta dito sa loob ng bar. Yung kaninang maiingay na grupo dito, ngayon ay nakatingin lang sa kanya at halatang amaze na amaze.  "...Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan Nagsimula nang magsisihan Lahat ay parang lumabo 'Di alam kung sa'n tutungo.... Pinakinggan lang namin siya habang umiinom parin kami. Si Kielle naman busy sa pakikipag-usap kay Ate Alice. Pinag-uusapan ata nila yung tungkol sa reunion.  Napatingin naman ako kay Jaydee na ngayon ay titig na titig kay Madie-- nakikita ko rin naman ang paminsan minsang pagsulyap ni Madie sa kanya. Hindi ko na yun pinansin atsaka ko tinungga itong beer na nasa harap ko. "...sabi ko na nga ba, dapat no'ng una pa lamang 'Di na umasa, 'di naniwalaHindi tayo pwede Pinagtagpo pero 'di tinadhana Hindi na posible Ang mga puso'y huwag nating pahirapanSuko na sa laban Hindi tayo pwede" Napakasakit naman ng kanta na yan--- natapos na siyang kumanta kaya naman bumalik na agad siya dito sa table namin dahil may kasalitan naman pala siyang kumanta. Nakita ko naman ang paghalik ni Jaydee sa ulo ni Madie at pinaupo ito sa tabi niya. Nagpatuloy lang kami sa pag inom--kwentuhan ng buhay buhay. At dahil lasing na nga halos ang ilan samin nakaisip naman ng katakaan si Ate Gabb mag 7 minutes to heaven daw kami. Ang ikinagulat ko ng malala ay walang nagreklamo kahit mismo si Ate Ella. (Ang seven minutes to heaven ay isang laro na kapag natapat sayo yung nguso ng bote ikaw ang biktima tapos kung kanino naman tumapat ang pangalawang ikot ng bote ay ayun ang kasama mo sa isang VIP room ng 7 minutes.) Dahil narin siguro sa kalasingan kaya walang kumontra. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kielle sa bewang ko kaya naman sumandal ako sa kanya.  Unang ikot ay tumapat ito kay Amy na malakas na ang tama, nagsigawan pa nga sila hahahaha! Ang sarap nilang panoorin-- ito namang Amanda na to kung gaano siya kakulit sa normal na araw ay mas dumoble ang kulit ngayong nakainom kaya naman sobrang laughtrip dito. Sa pangalawang ikot naman ay kay Laney tumapat kaya naman nagwala sila parehas-- mga buang.  Agad agad naman silang pumunta sa room atsaka nagstart ang kanilang 7 minutes to heaven--- malamang magdamag lang magtatawanan ang dalawang yon sabi ni Ate Ella kaya naman nagtawanan kaming lahat. Habang inaantay namin sila nainip ata si Lara at nag aya namang magbody shot. Mga to talaga puro kalokohan ang nasa isip. Nagsang-ayon naman lahat unang una pa si Coco at halatang halata ang galak sa mukha niya hahahah! Grabe. So dahil bawal ang KJ ay sumali kaming lahat even Kielle.  Unang ikot ng bote ay natapat kay Coco at ang pangalawang ikot ng bote ay kay Ate Gabb--- agad agad namang sinenyasan ni Brei si Ate Gabb hahahaha! Selosa. Nagpakagentleman naman si Ate Gabb at nilagay ang iodized salt sa likod ng palad ni Coco. Matapos niyang inumin yung tequila dali dali naman niyang dinilaan ang iodized salt sa likod ng palad ni Coco.  Nagpeace sign naman siya kay Brei at agad naman niyang hinalikan sa pisngi si Ate Ella. Sweet-- hindi naman kasi issue yon we are matured enough para sa mga gantong bagay. Next round naman ay natapat kay Kielle kinakabahan naman ako--- pero tumapat ang pangalawang bote kay Madie. Inenext spin sana ni Lara pero tumutol si Madie. "Why? Don't worry all goods here." Dinig kong sabi niya. Napatingin naman kaming lahat kay Jaydee na sumeryoso ang mukha. Kaya naman nagsalita ulit si Madie. "Donggg-- it's just a game okay?" Sabi naman niya kay Jaydee atsaka ito nagbigay ng smack. Umokay naman si Jaydee kaya ramdam kong nakahinga ng maluwag yung iba pero ako--- hindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD