Chapter 32

1422 Words
JAYDEE'S POV Nandito na kami sa kotse pero napakatahimik ni Madie—- parang ang lalim ng iniisip niya. "Dongg? Okay kalang ba? Tahimik mo ata?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive ako. Hindi naman siya sumagot at nakita ko naman ang pagpikit niya. "Kinakabahan kaba ngayon?" Tanong ko ulit pero hindi parin siya sumagot. Kaya naman hindi na ako nagsalita pa. May special performance kasi siya ngayon dahil anniversary nga ng Bar na pinagtatrabahuhan niya kaya naman hinayaan ko lang siyang manahimik. Nakarating na kami dito sa Bar at nagpapaantay naman samin sila Laney— sabay sabay silang pupunta dito kasama si Frances. Si Kielle daw ay hindi nakasama dahil nagkaroon ng emergency meeting kanina sa Coffee shop ata nila. After nung nangyare don sa Hotel hindi na kami ulit nakapag-usap ni Frances. At wala din akong balak na kausapin pa siya. "Mauuna nako sa loob." Cold na sabi naman sakin ni Madie. Hindi na niya ko inantay magsalita pa at agad agad na lumabas ng kotse. Anong problema nun? kanina lang e okay naman siya. Mamaya ko na nga lang siya kakausapin. Maya maya lang ay dumating naman na sila Laney—- kasama si Amy,Brei,Coco at Frances. Buti pinayagan siya ni Kielle. Hmmm. Pumasok naman kami agad at kita ko naman ang pagkahiya ni Frances sakin. Hindi ko siya pinapansin hanggang sa makaupo kami dito sa table. Ang daming tao at parang fiesta sa sobrang daming pakulo ng bar. "Guys puntahan ko lang si Madie—-." Pagpapaalam ko naman sakanila atsaka ko sila iniwan. Narinig ko naman na umorder na sila Laney ng maiinom. MADIE'S POV Nakakawalang gana—- pumasok ako sa office ni Zach at naabutan siyang nag aayos ng desk niya. Napansin naman niya ang pagpasok ko. "Oh? ang tamlay mo naman ata." Sabi niya sakin habang nakatingin sa maliit na salamin sa desk niya. Hindi naman ako kumibo at agad umupo dito sa couch niya. Napabuntong hininga nalang ako atsaka ako yumuko. Ang sakit—- hindi ako makapag isip ng maayos. Parang gusto ko nalang maglaho. Parang gusto kong sumigaw. Isigaw lahat tong nararamdaman ko. "Hey—" Tumabi siya dito sakin atsaka niya hinawakan yung kamay ko. "Ano nangyare sa inyo?" Tanong niya sakin. Hindi ko naman na napigilan yung sarili ko at umiyak nako sa harap niya. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya at hinayaan lang akong umiyak—— Niyakap naman niya ako para patahanin. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Kung ano gagawin ko. Basta ang alam ko lang ngayon— sobra akong nasasaktan. How can u do this to me Jaydee? "I saw a reciept on her bag—- it was from a Hotel." I said between my sobs. "Shhhhh. Let her explain muna. Baka naman may dahilan siya kung bakit niya yun nagawa." Payo naman niya sakin. Tumahimik naman na kami pagkatapos non. Tumahan na rin ako at nagretouch—- bigla namang may kumatok sa labas at agad namang binuksan yun ni Zach. Si Jaydee—- "Tara na? Doon ka muna sa table natin mamaya kapa naman kakanta diba?" Aya niya sakin. Lumingon naman ako kay Zach na parang nanghihingi ako sa kanya ng tulong at buti naman ay nagets niya ko. "Actually Jaydee, she'll stay here while she's waiting for her turn." Sabi naman ni Zach. "For what? Para masolo mo girlfriend ko?" Angas na tanong naman niya kay Zach at lumapit sakin. "Tara na Dong." Hinila niya ko pero hindi ako nagpahila. Kaya naman pumagitna samin si Zach at hinawakan ang isa kong kamay. "Pag ayaw niya—- wag mong pilitin." Sabat naman ni Zach kay Jaydee. "Ano bang pakielam mo ha? Marami kapang utang sakin Mr. Zach—- akala mo ba hindi ko alam yung mga ganyang galawan?" Atsaka niya tinanggal yung hawak ni Zach sakin. "Bakit? Ganyan ba ginagawa mo Jaydee? Ganyan ba yung way mo sa ibang babae?" This time ako na yung sumagot sakanya. "What are you saying Dong?" Naguguluhan naman niyang tanong sakin. "You know what— just leave. Pupuntahan ko nalang kayo don. Aayusin ko lang gamit ko." Pagsuko ko naman sa usapan namin. Honestly, I don't wanna here anything. I don't wanna here another lie again. "You're unbelievable Madie." She said atsaka siya umalis. Napasabunot naman ako sa ulo ko dahil sa naging reaksyon niya. Now she's the one who's mad at me? Wow Jaydee. Ako pa ang unbelievable sating dalawa? "Come on. Mapag-uusapan niyo din yan ng maayos. For now just focus on your things—- you can do this okay?" Atsaka naman siya lumabas. Naiwan naman ako ditong gulong gulo. Lumabas narin ako pagkaayos ko sa sarili ko at sa gamit ko. Hinanap ko naman ang table nila at kita ko namang nag-eenjoy sila doon. Himala—- wala ata si Kielle. "Huy Madong! Galingan mo mamaya ah. Sabi nila most requested na naman daw yung mga pangbroken hearted na kanta. Inaabangan ka nga halos nila e." Sabi naman sakin ni Amanda habang paupo ako sa tabi ni Jaydee. "Hahahahaha. Totoo ba? Pero sad songs naman talaga kinakanta ko dito—- sobrang dalang lang ng up beat." Paliwanag ko naman. Nagtanguan naman sila atsaka ako pinashot ng wine. Nagtatawanan naman sila habang ako hindi parin kinikibo ni Jaydee. Bakit parang kasalanan kopa ngayon? Maya maya naman ay tinawag nako sa stage para magprepare. "Good evening guys—- I just wanna greet the most handsome owner of this bar. Congratulations Mr. Zach for your successful business and I'm really glad that I am a part of it." Nagpalakpakan naman silang lahat atsaka ako tumingin sa table namin. Nakita ko naman ang mga pasimpleng tinginan ni Jaydee at Frances. What was that? FRANCES' POV Nakakainis naman. Paano ako bubuwelo na makausap si Jaydee. Baka kasi alam niya kung nasaan yung bracelet ko. Alam ko suot ko yun nung nagbar ako. Hays. Bigay pa naman sakin yon ni Mommy. Napapatingin ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita. Tsaka parang badtrip siya ngayon—- nag-away ba sila ni Madie? "Wish I could be the one The one who could give you love The kind of a love you really need Wish I could say to you That I'll always stay with you But baby, that's not me—-" Natigil kaming lahat sa pag-uusap namin ng kumanta si Madie. Maganda talaga boses niya ilang beses ko na ring sinabi yon pero this time parang kakaiba—- parang galing na galing talaga sa puso niya. Kitang kita ko rin yung lungkot sa mga mata niya at tumitingin pa siya kay Jaydee. Tinignan ko naman si Jaydee at ganon din reaksyon niya. Nakatingin lang siya kay Madie na parang naguguluhan—- "You need someone Willing to give their heart and soul to you Promise you forever Baby, that's something I can do—." Pinagdiinan niya yung salitang "CAN" na dapat ay can't yun habang nakatitig kay Jaydee at namumungay na mga mata niya. Parang anytime iiyak si Madie—- I feel so bad at her. "..Oh, I could say that I'll be all you need But that would be a lie I know I'd only hurt you, I know I'd only make you cry I'm not the one you're needing I love you, goodbye—-" Habang kinakanta niya yung chorus ay nakapikit lang siya—- sobrang tahimik ng Bar. Tanging yung tugtog at boses ni Madie lang yung naririnig namin. "Leaving someone when you love someone is the hardest thing to do When you love someone as much as I love you Oh, I don't wanna leave you Baby, it tears me up inside But I'll never be the one you're needing I love you goodbye——" Pagkatapos niyang kantahin yung bridge nakita naming lahat kung paano siya tumingin kay Jaydee na papatayo na ngayon dahil—— umiiyak si Madie. What's happening? Bago pa man makalapit si Jaydee kay Madie, nakita naman namin siyang napahinto sa gitna dahil nandon na si Mr. Zach—- Si Mr.Zach ang umakay kay Madie pababa ng stage atsaka namin pinuntahan si Jaydee na parang naestatwa sa nakita niya. JAYDEE'S POV Something's wrong. The way Madie sang—- I know there is something that's bothering her. Naguguluhan ako sa nangyayare kaya lalo na nung bigla siyang naiyak— agad naman akong tumayo para puntahan sana siya pero nandon na si Mr. Zach. Naramdaman ko naman ang paglapit sakin nila Laney—- WHAT WAS THAT MADIE?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD