MADIE'S POV
Hindi ako nakapagfocus sa gig ko ngayon dahil sa pagsisinungaling sakin ni Jaydee. How can she do that? Kelan niya pa ako niloloko? At sino naman yung babae na yun?
Nandito ako sa office dahil pinatawag ako ni Zach--- Boss Zach. Nakakahiya nadala ko pa sa trabaho tong personal issue ko.
"Are you okay Madelaine? Sabi sakin ng isang crew you seem so bad at the stage." Nakakahiya-- totoo naman kasi nakalimutan ko yung lyrics kanina nung kinakanta ko kaya bumaba ako agad kahit na hindi pa yun tapos. Wala akong sa mood kumanta.
"I'm sorry po. I won't let that happen again. I'm really sorry." I said habang nakayuko sa kanya. Naramdaman ko namang tumayo siya at tsaka umupo sa table niya.
"What's bothering you?" He questioned.
"Nothing--- i just had a bad day(?) I guess." I replied.
"Do you want to go home?" He offered.
"No--- i don't think that's a good idea. I can sing naman na ulit po--- I'm just.." Hindi kko na naituloy dahil sa pagputol niya.
"Come on let's just have a drink at pag-usapan natin yang gumugulo sa isip mo." Inaya naman niya ako palabas atsaka kami nagpunta dito sa VIP room sa taas.
"Actually--- you don't really have to do this. I mean I'm still your staff here. You shouldn't treat me." I said habang papasok sa VIP room.
"It's okay Madelaine. I'm your Mother's friend kaya naman wag kanang mahiya sakin. To be honest isa ka sa mga dahilan kung bakit dumami na ulit ang tao dito sa Bar--- you are so talented and beautiful." Sagot naman niya atsaka kami dinalhan ng isang Bucket na beer at ilang makakain.
He started to open his beer and he offered to me naman ang isa. Uminom muna siya bago siya nagtanong---
"So what's bothering you Madelaine?" He asked.
"Nothing---" I answered at tinungga naman ang beer na nasa harap ko. Hindi naman siya nagsalita at nagpatuloy lang sa pag-inom. Tumayo siya upang buksan yung karaoke atsaka siya nagpatugtog.
VIP soundproof. May sariling karaoke sa loob at mini ref na may lamang ilang chocolates and hard drinks.
"Do you have a girlfriend?" Napalingon naman siya sakin at natawa ng bahagya.
"Why'd you asked?" He answered.
"Nothing--- I just want to talk about how relationship really flows----" Sagot ko naman sa kanya pabalik. Napansin ko naman ang pagkaseryoso niya atsaka siya sumagot.
"No-- I don't have." Maiksi naman niyang sagot at tumingin sakin.
"I think my girlfriend is cheating on me---" I murmured.
"What?" He asked again medyo malakas yung sounds dito sa loob kaya hindi niya siguro narinig.
"I think Jaydee is cheating on me." Pag-uulit ko naman. This time sapat na lakas ng boses na yun para marinig niya.
"How can you say so? Nakita moba? I mean-- u know. Kahit hindi naman kami close ng girlfriend mo nakikita ko namang mahal ka niya. Nakikita ko pa nga na masama siyang tumingin sakin minsan." Sagot naman niya sakin-- Sa totoo lang hindi ko inaasahan na mabait pala si Zach, halos kaage lang namin siya pero sobrang matured niya na mag-isip.
"No-- I just found a bracelet on her car. It's not hers at mas lalong hindi iyon sakin." I replied.
"Tinanong mo ba siya baka naman sa friend niyo lang yun-- ask before ka magconclude madalas jan nagkakaron ng misunderstanding tapos nauuwi sa hiwalayan." Payo naman niya sakin.
I think he is right. I should talk to Jaydee first before I conclude. Nagpatuloy naman kami sa pag-inom at nagkwentuhan lang magdamag. He is fun to be with! Actually umamin pa nga siya sakin na crush niya ko kahit daw may girlfriend ako-- pero hindi daw niya ugali ang mang-agaw.
Nagsorry pa nga ako sa kanya actually dahil masama talaga tingin ko sa kanya dati. Nagtawanan naman kami hanggang sa maubos namin yung isang bucket. Halos tigpito din kaming beer na naubos. Ngayon lang ako uminom ng ganito karami tapos lalaki pa kasamahan ko wahahahhaa!
Tatayo sana ako para magcr muna bago ako umuwi kaso bigla akong natumba--- agad naman akong naalalayan ni Zach atsaka ako nagsalita---
"Sht. I'm really sorry--- nakakahilo pala haha." I awkwardly laugh.
Agad naman akong tumayo at inalalayan niya ako habang papunta ng CR. Pagkalabas ko ng ay nag-offer naman siya na ihatid ako. Hindi naman ako tumanggi dahil baka mamaya san pako dalhin ng grab driver na sasakyan ko. Atleast kay Zach-- kilala ko siya.
Agad naman kaming sumakay sa kotse niya habang akay akay ako atsaka siya nagdrive. Grabe sana all hindi lasing. Hindi ko naman namalayan na nakatulog nako.
ZACH'S POV
Habang nagdadrive ako pahatid kay Madelaine ay napansin ko naman na nakatulog na siya. Mula dito sa driver seat nakikita ko na nalalaglag yung blazer niya kaya naman lumalabas ng balikat niya-- bat ba kasi kahilig nito mag sando pag may gig? Inayos ko naman yun agad bago pa ako makagawa ng kasalanan.
I have a crush on her yeah pero kahit ganito ako at medyo lasing--- may respeto ako sa babae at lalong lalo naman sa kanya.
Ginigising ko siya ng makarating kami dito sa harap ng building nila, I saw the time on my car's clock and mag-aalas kwatro na pala. Hindi ko naman na siya pinilit pang gisingin dahil mukhang malalim na ang tulog niya. Pinasan ko nalang siya papunta sa unit nila. Nandito palang kami sa lobby ay nakatingin na sakin ang mga nasa front desk--- eto naman kasing si Madelaine mukhang bangkay abe tulog na tulog.
"Can I know where is Madelaine Epilogo's unit? I'm her boss and she's kinda drunk." I said sa babaeng nasa counter. Hiningan niya muna ako ng ID at nahirapan naman akong kunin yun kaya naman medyo nagtagal kami. Pagkabigay ko ay tinuro naman nila sakin kung saan.
Nandito nako sa tapat ng room nila pero hindi ko siya maibaba dahil para siyang mantika kung matulog grabe tong babae nato. Kaya naman wala nakong ibang nagawa kundi ang katukin yung pinto. Halos ilang minuto din bago ito nagbukas kitang kita ko naman ang pagkagulat anni Jaydee dahil ako ang nakita niya habang nakapasan sakin ang girlfriend niya.
JAYDEE'S POV
Naalimpungatan naman ako ng may kumatok sa pinto namin. Agad ko naman yun binuksan at lumantad sakin si Zach pasan pasan si Madie. Hindi naman ako nakapagsalita agad atsaka niya inihiga ng maayos si Madie sa sala.
"You should take extra care of your girlfriend." And then he left. Wait? Si Zach? Pasan pasan si Madie? Ni hindi ko manlang siya natanong kung ano nangyare. Nilock ko naman agad yung pinto at nilapitan si Madong na nakahiga sa sala at tulog na tulog.
Hinubad ko naman ang sneakers niya atsaka ko siya tuluyang inayos sa pagkakahiga dito sa kwarto namin. Nag-init ako ng tubig atsaka ko siya pinunasan ng bimpo na may maligamgam na tubig.
Amoy na amoy ko naman ang alak sa katawan niya. What did you do Madelaine? Nakipag-inuman ka? Kelan kapa tumanggap ng shots ng hindi ako kasama? Halatang lasing na lasing siya dahil hindi manlang siya naalimpungatan. Hinayaan ko muna siyang matulog at pumunta naman ako sa sala para makapaglinis ng Condo namin.
FRANCES' POV
Pagkatapos ng Hotel incident with Jaydee--- kinaumagahan non ay ako nalang mag-isa. Wala na si Jaydee. Grabe sobrang sakit ng ulo ko nun. Aish. Kaagad ko namang chineck yung phone ko that time para makita kung anong oras na pero nakita ko ang maraming missed call ni Kielle sakin. Halos tanghali nako nakauwi non.
Alalang alala naman si Kielle sakin at kung saan saan daw niya ko hinanap. Wala naman daw siyang mapagtanungan na girls dahil wala siyang contact sa mga ito. Agad naman akong nagpaliwanag at sinabi ko na nagbar talaga ako at wala akong nakasama. At ang dinahilan ko naman sakanya kung bakit ako hindi nakauwi ay dahil namali ako ng sabi sa grab driver ng location ko at wala na akong nagawa kundi magcheck in don dahil sa sobrang hilo ko.
Agad agad din naman siyang nagsorry sakin after that-- nagkaayos naman kami dahil ayoko narin naman ng patagalin pa yung pag-aaway namin. We understood each other's side and yea. We're actually cool.
Sunday na ngayon at halos wala kaming plano kung ano gagawin namin. Kaya naman inaya ko nalang sila Coco na bumisita dito sa Condo at agad naman silang pumayag. Mga ilang oras lang ay nandito na sila ni Brei. Nakwento rin nila samin na anniversary ngayon ng Bar kung saan nagtatrabaho si Madie. Nag-aaya nga daw sila ulit sabi ni Laney pero hindi pa daw nila nakakausap si Jaydee kung ano balak. Nagnod lang ako sa kanila--- kasi I guess this is not a good idea.
MADIE'S POV
I woke up like there is something in my head. God. Sobrang sakit ng ulo ko. Napansin ko naman na nandito na ko sa unit namin ni Jaydee--- wala nakong ibang matandaan pagkatapos nung lumabas kami ni Zach sa Bar niya.
Tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto namin nakita ko namang napatingin sakin si Jaydee ng seryoso at mukhang galit. Lagot talaga ko. Bakit ba kasi uminom pako argh.'
"Kelan kapa natutong uminom Madelaine?" Tanong niya sakin sabay patay ng TV.
"Biskoooot--- nagkayayaan lang naman kami ni Zach na mag-inom kasi diba anniversary na ngayon ng Bar." I lied. Ayoko muna siyang tanungin about don sa bracelet. Not now.
"So kayong dalawa lang?" Pagtatanong niya sakin ulit. Umoo naman ako at niyakap siya.
"Don't be mad Biskot ko---- he's a good person actually." I answered. Tumango naman siya agad at sinigurado muna niya sakin kung wala talagang ibang ginawa sakin si Zach. Sinagot ko naman yon ng maayos atsaka niya ako niyakap pabalik.
"Siguraduhin mo lang kung hindi--- babasagin ko ulo non sa harap mo." Sabi niya sakin atsaka siya naligo. Tatawa tawa naman ako habang tinitignan siyang papasok ng CR. Actually kailangan ko na din atang maligo pero papatapusin ko muna siya syempre.
Narinig ko naman na nagriring yung phone niya sa bag niya sinabi ko naman sa kanya yun at sabi niya ay sagutin ko na. Si Brei yung tumatawag-- pupunta daw ba mamaya sa Bar, umoo nalang ako dahil anniversary nga ng Bar.
Isosoli ko na sana sa bag niya yung phone niya ng may nakita akong papel--- pagkakuha ko resibo. Resibo sa isang hotel ayon dito nagcheck in siya ng madaling araw ng Sabado. Teka? Ayon yung time na nasiraan daw siya kaya siya hindi nakauwi diba?
Jennifer Nandy--- why are you lying to me? At sino ang kasama mo sa Hotel? Kaninong bracelet yung nakita ko sa car mo? Para naman akong sinasaksak sa dibdib. Nararamdaman ko yung pagkirot ng puso ko. Bigla bigla ko namang sinara yung bag niya dahil narinig ko na yung pinto ng CR na bumukas.
"Ano sabi nila Dong?" Tanong niya sakin habang nakatalikod parin ako sa kanya. Act normal Madie-- Act normal.
"Punta daw sila sa Bar mamaya." Sagot ko atsaka pumunta nng banyo. Inopen ko agad yung shower, tinodo ko para hindi niya marinig ang pag-iyak ko.
Sino ang kinita mo Jaydee? Sino yung kasama mong matulog nung Saturday ng madaling araw? Sino? Sino ang babae mo? Bakit ka nagsinungaling sakin--- i thought you never make me cry. You're such a liar. I hate you. I reallyy really hate you.