Chapter 30

1512 Words
MADIE'S POV Nandito ako sa main office at kakatapos ko lang kumanta. Ginagayak kona yung ibang mga gamit ko para makauwi nako. Kinuha ko yung phone ko na nakacharge at tinignan kung may chat ba sakin si Jaydee. Himala hindi siya ata nagchat or text na nasa bahay na siya. Palabas na sana ko pero tinawag ako ng kaibigan ni mama na Boss dito. "Hatid na kita Madelaine." Rinig kong offer niya. Kahit ata ilang beses ko siyang sabihan na Madie nalang ang itawag sakin ay hindi niya yun maiintindihan. "Nako hindi napo Boss. Magagrab nalang ako malapit lang din naman kami dito." Sagot ko naman sa kanya. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sakin kaya naman binilisan ko ang pagpunta malapit sa pinto. Bigla niya akong hinawakan sa balikat ko at bahagyang pinisil ito. "Stop being so formal Madelaine. Take care." Sabi niya saakin at hindi nako sumagot. Lumabas nako agad. Grrrr. Kinikilabutan talaga ko sa lalake na yon. Pagkarating ng grab ay agad naman akong hinatid nito sa Condo namin ni Jaydee. Pagpasok ko sa unit namin nakapatay ang ilaw at parang wala pa si Jaydee. Agad ko namang binaba yung mga dala ko at tsaka pumasok sa room namin. Walang bakas ni Jaydee. Chineck ko kung anong oras na at mag aalas kwatro na ng umaga. Nasan naman kaya yung babae na yun? Agad ko naman siyang tinawagan pero mukhang walang signal kung nasan man siya naroroon. Tinawagan ko naman sila Coco pero hindi parin sila nasagot— maaga pa kasi, panigurado mga tulog pa yun. Tinawagan ko naman ang Lamy at buti naman matapos ang ilang ring ay nasagot nila. "Hello? Madie? Napatawag ka?" Sagot sakin ni Laney na mukhang nagising ko. "Uhm. Tatanong ko lang sana kung nanjan ba si Jaydee? Wala kasi siya dito e. Kakauwi ko lang." Paliwanag ko naman. "Ha? Wala dito si Jaydee. Actually chinat ko nga din siya kagabi bago kami matulog na agahan niya mamaya dahil marami kaming Trainee na pupunta." Mahabang paliwanag naman niya. "Laney—- wala pa kasi si Jaydee. Hindi ko siya macontact. Hindi rin siya nagchat or text sakin kanina nung umalis siya galing bar." Sagot ko naman. "Teka teka— puntahan ka namin jan." Umoo naman ako at agad ko ng pinatay yung tawag para macall ulit si Jaydee. This time nagriring naman yung phone niya pero biglang nawawala. Nasan kaba Jaydee—- Dumating na sila Laney at tinry naming contact'in yung ibang girls para tanungin kung napadpad ba doon si Jaydee. Pero wala. Wala pading anino ni Jaydee. Kasama na namin si Coco at Brei na maghanap para sa mga possible niyang puntahan at tambayan. "Magkaaway ba kayo Madong?" Tanong naman sakin ni Brei. Agad naman akong umiling dahil hindi naman talaga kami magkaaway. Sumasakit na ulo ko sa puyat pero gusto kong makita si Jaydee. "Try kaya natin pumunta sa Studio? Baka mamaya don lang yun nakatulog e. Baka sa sobrang takot sayo Laney nauna na don." Agad naman kaming nagpunta sa Studio pero nakalock pa yun. Si Laney pa nga ang nagbukas. Pagpasok namin wala paring bakas ni Jaydee. Isa nalang yung hindi namin natatawagan sa mga girls. Kaya naman nakiusap ako kay Coco kung pwedeng tanungin niya si Frances baka sakaling alam niya or may idea siya kung nasan si Jaydee. Tinry naman niyang tawagan si Frances pero mukhang tulog pa ito dahil hindi niya nasagot. Tinatawagan parin nila Laney at Amy si Jaydee. This time nagriring na. Sadyang hindi niya lang nasasagot. Nung ako na yung tumawag sinagot naman ni Jaydee kaya agad agad ko siyang tinanong kung nasaang lupalop ba siya ngayon. "Nandito ako sa Condo natin kadarating ko lang nasan kaba?" Sabi niya sakin na parang hinihingal naman. Hindi na ako nagsalita at pinatay ko agad yung tawag atsaka kami dumiretso sa Condo namin. Nandon si Jaydee nakaupo sa sala namin. Agad ko naman siyang niyakap at naiyak ako. God—- akala ko may nangyari ng masama sa kanya. "Jaydong saan ka galing? Alalang alala sayo si Madie. Natawagan na namin lahat ng girls even Frances grabe ka!" Sermon sakanya ni Brei. Inaantay naman namin siyang sumagot. "Sorry guys. Sorry biskot ko. Nasiraan kasi ako ng kotse yung isang gulong nga pala natin palitin na. Eh dapat tatawagan ko kayo kagabi kaso bigla akong nalowbat kaya naman don nalang ako nagstay sa kotse." Mahabang paliwanag naman niya. "Wag mo ng uulitin yun dong—- sobra akong nag alala sayo" Sabi ko sa kanya atsaka ako lumayo. Bakit parang amoy alak to? "Uminom kaba Dong?" Nakita ko naman ang pagkabigla niya dahil sa tanong ko. Agad naman niyang inamoy yung damit niya pati hininga niya. "Ah— oo dong kasi kagabi nastress talaga ko dahil naglakad ako don sa malapit na convenience store walang charging station kaya naman napabili ako ng isang beer" Patawatawa niyang sabi napakamot pa sa ulo. "Eh bakit naman naghahanap kapa ng charging station? Pwede ka naman magcharge sa kotse mo Dong?" Tanong naman ni Coco. "Ano kasi— wala akong chord. Nakalimutan ko dito sa bahay." Sagot naman niya agad. "Ade sana nakitawag ka nalang para napuntahan ka namin" Dagdag naman ni Amy. "Eh—- hindi ko kabisado mga number niyo." Pagdedepensa naman niya. Kaya naman pinatigil kona silang lahat atsaka ako nagpasalamat sa kanila sa pagtulong sakin hanapin si Jaydee. Pagkaalis nila ay agad naman akong nagbihis at natulog. Puyat na puyat ako grabe—- buti nalang walang masamang nangyare sa Dongdong ko. JAYDEE'S POV Nakahinga nako ng maluwag nung tumigil na sila sa pagtatanong. Nagpaalam naman sila na gagayak na sila para makapasok na kami sa Studio agad namang nagbihis si Madie atsaka siya natulog. Hindi ko naman na siya inistorbo pa dahil alam kong puyat siya. Sabi nga sakin nila Laney wala pa daw siyang tulog dahil pagkauwi daw ni Madie e tinawagan ako at sila para hanapin ako. Naguiguilty naman ako. Nagsinungaling ako kay Madie. Sasabihin ko naman sana yung totoo e. Kaso baka mag away na naman kami kakabati nga lang namin kahapon. Tsaka wala naman akong ginawang masama. Wala naman kaming ginawang masama. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na—— okay lang na nagsinungaling ako sa kanila—-, kay Madie. Agad naman akong pumunta sa studio pagkaligo ko. Kitang kita ko naman ang mga mata ni Laney na masamang nakatingin sakin. "Saan ka talaga galing Jennifer?" Tanong niya habang nakapamewang sila ni Amy. Buti nalang at wala pa sila Brei dito kung hindi lagot ako lalo. "Sinabi kona sa inyo kanina no!" Pagdedepensa ko naman. "Okay!" Sabi naman nilang dalawa at nagtawanan. Grabe akala ko talaga nakatunog sila sa pagsisinungaling ko. Nagsimula namang magdatingan yung mga students namin kaya naging busy na rin kami agad at matulin na lumipas yung oras. Bandang alasais na kami natapos magturo atsaka namin napag-usapan yung about sa reunion na magaganap na sa isang linggo. Saturday ngayon kaya we still have 8 days to prepare. Friday naman ang dating ni Nile galing Canada. Pagkauwi ko sa Condo nadatnan ko naman si Madie na hinahanda yung dinner namin. Sinalubong naman niya ko ng isang magandang ngiti atsaka ako inayang kumain. "Wag mo na kaya akong ihatid dong? Baka mamaya masiraan ka na naman e" Sabi niya sakin habang kumakain kami. "Nukaba. Hindi na ako masisiraan no. Tsaka balak ko magstay sa Bar kasi wala naman kaming pasok bukas." Sabi ko naman sakanya. "Aynako. Magtigil ka wala kapang pahinga at maayos na tulog." Pangangaral naman niya sakin. Hindi naman nako tumutol pa dahil siya ang boss. Hahahahahahaa. Pagkasakay naman namin sa kotse bago kami umalis ay tinanong niya ako kung may dala akong chord if ever na malowbat na naman ako pauwi. Nakalimutan ko pa kasi magcharge sa studio kanina. Kaya naman dali dali akong bumalik sa unit namin habang siya naman ay nasa kotse na. MADIE'S POV Tignan mo yun hindi na natuto. Agad siyang tumakbo pabalik ng unit namin at ako naman ay umupo na dito sa passenger seat. Pagkapasok ko ay nakaamoy naman ako ng ibang pabango. Nagbago ba si Dong ng pabango? Naghihikaw ako dito habang inaantay ko siya—- nagulat naman ako ng may biglang bumusina sa labas muntik na masagasaan yung pusa. Sa gulat ko naman nailalaglag ko yung pakaw ng hikaw ko. So clumsy Madie. Habang hinahanap ko yung pakaw ko may nakita naman ako bracelet. Kinuha ko agad yun at tinignan—- hindi to kay Jaydee at lalong hindi to sakin. Agad ko namang itinago ng makita ko siyang patawid na papunta dito sa sasakyan. Habang nagdadrive siya ay hindi ko naman na mapigilang magtanong—- "Dong? May sinakay kabang iba dito?" Tanong ko sakanya. "Saan? Dito sa kotse?" tanong naman niya pabalik habang nakafocus sa daan. "Oo." I replied. "Wala naman. Hindi naman nagpahatid sila Laney kanina dahil may lakad pa sila. Kagabi naman ay ikaw lang naman ang sinakay ko dahil nga hinatid kita diba." She answered. Hindi naman na ako sumagot. Kelan kapa natutong magsinungaling sakin Nandy? At kanino tong bracelet na to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD