Chapter 29

1381 Words
JAYDEE'S POV Pagkatapos naming magdinner ni Madie ay agad naman kaming gumayak dahil ihahatid ko siya sa Bar, meron siyang gig ngayon. Sabi ko nga sakanya wag na muna kaya siyang pumunta— pero pinigilan naman niya ako at sayang din naman daw yung kikitain nila ngayong gabi. Kaya naman eto na kami paalis na para ihatid siya. Pagdating namin sa bar ay nagstay muna ako ng ilang minutes bago ako nagpaalam na uuwi na. Medyo maaga rin kasi kami bukas dahil maraming trainee ang pupunta sa Studio. Habang nagdadrive ako nadaanan ko naman ang ibang bar dito malapit sa Bar na pinagtatrabahuhan ni Madie. Napansin ko naman na marami ding mga tao kahit na tabi tabi lang halos yung mga bar. Naabutan naman ako ng stop light dahil sa pagkalibang ko sa mga tao na papasok sa bar. Nakakaagaw naman talaga ng pansin dahil sa dami nila. Habang nasa stop light ako ay tumingin ako sa rear mirror ko kung meron bang kotse sa likod ko.  Medyo late na rin kasi napansin ko naman na wala, nahagip naman ng mata ko si Frances—- teka si Frances nga ba yun? Nakatayo sa harap ng bar at parang lutang. Inaantay ko kung lalabas si Kielle sa paligid niya pero pumasok na siya agad at nawala na siya sa paningin ko. Natauhan naman ako ng biglang may bumusina sa likod ko. Green light na pala. Kaya naman dali dali akong umandar—- pero hindi ako mapakali at bago pa man ako makalayo sa Bar ay nakita ko ang sarili ko na pabalik dito. Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sakin na sundan si Frances. Kaya naman bumaba ako agad sa kotse ko matapos akong makapagpark. Sobrang daming tao. At mukhang wild bar pa itong napasukan ko. Hinanap naman ng mata ko si Frances pero hindi ko siya makita. Baka namalikmata lang ako—- palabas na sana ako ng mahagip ko siya at may kausap na lalaki. Pinanood ko muna sila at nakita ko naman ang biglang tungga niya sa drinks niya at pumunta sa dance floor. Bigla namang may nakabangga sakin kaya nawala na naman siya sa paningin ko. Arghhh!  FRANCESE THERESE PINLAC! Hinahanap ko na naman siya sa gitna ng crowd. Nakakainis naman! Hindi ko na siya makita. Sobrang daming tao atsaka masyadong mausok puro nagvavape pa tong nakasalubong ko. Tumungtong ako dito sa upuan at nakita ko siya sa gitna kung sino sino ang sinasayawan. Agad naman akong tumakbo papalapit sa kanya pero sobrang hirap dahil ang daming nakaharang—! Bago pa ako makarating sa kanya ay nakita ko naman ang paghapit ng isang lalake sa bewang niya. Bigla naman akong nairita sa nangyare at agad kong sinuntok yung lalaking nakahawak sa bewang niya. Bigla naman nagulat yung mga nasa paligid pati siya. Narinig kopa ang pagtawag niya sa pangalan ko. Agad namang tumayo yung lalaki na sinuntok ko at—- "Ano bang problema mo ha!" Atsaka ako sinugod pero marami naman ang nakaharang bago niya ako malapitan. "STOP BEING SO PERVERT WITH MY GIRLFRIEND! YOU ASSHOLE!" Sigaw ko sakanya at mabilis na hinila si Frances palabas ng bar. Pero mukang hindi pa siya natatauhan sa mga nangyayare. Pagkalabas namin ng bar ay sakto namang sumuka siya. God. Frances. Kitang kita ko naman ang panghihina niya kaya naman pinasan kona siya at isinakay sa kotse ko. Huminto muna ako dito sa convenience store at bumili ng tubig. "Oh." Abot ko sa kanya habang nakapikit siya. Ano ba namang suot yan Frances. May mag pupunta ba sa bar na ganyan ang suot? Nakasando lang siya na halos makita na yung cleavage niya at nakashorts pa. Talagang mababastos to. Hindi naman siya gumalaw kaya naman lumapit ako sa kanya atsaka ko binuksan yung bottled water at nilagay ang straw. Dahan dahan ko namang nilagay sa labi niya yung straw at uminom naman siya. "What happened? Bakit ka nagbar mag isa? At ganyan pa talaga suot mo? Asan ba si Kielle?" I asked with irritation. Napaayos naman siya ng upo atsaka tumingin sakin. Namumungay ang mata niya at halatang may tama pa ng alak sa buong sistema niya. "Why did you tell that guy that I am your girlfriend?" She murmured. "I just said that to stop him from touching you." I replied at tumingin sa manibela. "Really? I thought you wanna be my girlfriend just like before—" She said at sumandal sa upuan. "Where's Kielle? Bakit ka pumunta ng Bar na ikaw lang mag-isa? At kelan kapa natutong magbar Frances?" I questioned. "She's with her friends—- nagbar." She replied. "Kung nagbar sila bakit ikaw lang nakita kong mag-isa don?" Tanong ko ulit. "They are in the different bar, I guess." She answered. Hindi naman nako nagtanong. Siguro may LQ tong dalawa. This is not the Frances I know. Tsaka namumugto yung mata niya kanina palang sa Bar so ibig sabihin umiyak siya before siya makarating don. "Iuuwi na kita sa Condo niyo. San nga kayo?" Tanong ko naman sa kanya habang nakapikit siya at hawak hawak ang kanyang ulo. "No—- don't. Ayokong umuwi. Bababa nalang ako. Hayaan mona ko dito. Salamat sa pagtulong." Sagot naman niya at bababa na sana ng kotse ko pero agad kong nilock ang mga pinto. "Uuwi kana. Baka hanapin kapa ni Kielle. Tsaka tignan mo nga yang itsura mo. Mamaya mapahamak kapa—- kasalanan kopa." Dugtong ko naman. "Ayoko ngang umuwi!" Sigaw niya sakin. Magsasalita na sana ko ng bigla siyang umiyak. "Ayoko!—- ayoko Jaydee!" Sabi niya sakin at pinaghahampas ako. Hinayaan ko lang siyang hampasin ako hanggang sa kumalma siya. "Bakit mo ba ko ginaganito— bakit niyo ba ko ginaganito?" Narinig kong sabi niya habang nakadukdok sa chest ko. Dahan dahan ko namang nirub yung likod niya para tumahan siya. Don't let your emotions flow Jaydee—- sobrang tagal mong binuo yung sarili mo. Wag mong hayaang masira ka na naman. Si Madie—- wag mong sasaktan. Yan ang naiisip ko habang nakayakap siya sakin. Ramdam ko na anytime susuko ako kay Frances—- ramdam ko na pag nagpatuloy pa to baka hindi kona mapigilan yung sarili ko. Kaya naman bago pa mahuli ang lahat nagsalita nako— "Tara. Ichecheck in muna kita sa Hotel malapit sa Condo niyo. Doon ka muna magpalipas ng oras. Kailangan kona rin umuwi dahil maaga pa ko bukas" Aya ko naman sa kanya pinipilit kong maging cold sa kanya pero sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak para na naman akong nanlalambot. Chineck ko kung anong oras na 3:45 na sa relo ko. Ghad! Baka mauna sakin si Madie sa condo! Kaya naman kahit hindi pa sumasagot si Frances at tuloy lang siya sa pag iyak ay agad kona siyang hinatid dito malapit sa Condo nila. Pagkapasok namin sa room na nirent ko ay inihiga kona siya sa kama at tinanggal ang sandals na suot niya. Paalis na sana ko pero bigla niya akong hinila sa tabi niya. "Wag mokong iwan dito—-" rinig kong bulong niya. Gulat na gulat ako dahil eto na naman yung pakiramdam— yung pakiramdam na matagal ko ng kinalimutan. "Frances— hindi pwede baka hanapin ako ni Madie at isa pa tatawagan ko nalang si Kielle para may kasama ka dito kung gusto mo." Suggest ko naman sa kanya. Pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Please Jaydee—- kahit ngayon lang." Rinig ko sa kanya at amoy ko pa nga yung alak sa hininga niya. Wala naman nakong nagawa kaya hinayaan kona. "Ganito nalang— intayin nalang kitang makatulog tapos aalis nako" Sabi ko sa kanya tumango naman siya ng dahan dahan atsaka niya ulit siniksik yung katawan niya sakin. Naramdaman ko nalang na niyakap ko siya pabalik at pinaglaruan ang buhok niya. Nagising naman ako ng biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Hindi ko iyon pinansin dahil antok na antok pako. Pero dahil hindi iyon tumigil ay nabuwisit nako at kinuha kona. Isang mata palang yung dinidilat ko ng makita ko ang maraming missed call sakin ni Madie—Laney— Amy. Nanlaki ang mata ko pagkakita ko ng mga pangalan nila. Agad naman akong napabalikwas ng tayo at nakita kong nakatulog pala ako sa tabi ni Frances! s**t! s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD