Chapter 14

1562 Words
JAYDEE'S POV Pagkapaalis sakin ni Madie sa clinic agad ko namang tinawagan si Laney na samahan muna niya si Madie sa clinic. Nagkasalubungan naman kami at pinaliwanag ko sa kanya lahat ng nangyare simula kaninang umaga. "Siraulo ka pala e! Bakit mo kasi hinalikan si Madong! Alam mo Jaydee hindi kita pinipigilan sa lahat ng bagay na gusto mo. Gawin mo lahat ng makakapagpasaya sayo pero wag ka namang gumamit ng tao kapag nasasaktan ka ni Frances." Galit na saad sakin ni Laney habang nasa likod naman niya si Amanda na hindi naman kumikibo. "Hindi ko nga alam par kaya nga ako nagsosorry diba. Tulungan niyo nalang akong suyuin si Dong, alam ko naman yung mali ko e." Sabi ko naman sa kanila. "Osiya tama na yan baka kayo naman ang mag away pag untugin ko kayo jan." Awat naman samin ni Amy. "Nagchat si Coach sa GC natin na may lakad daw tayong lahat mamayang gabi, it's kinda formal daw so siguro don mo nalang siya kausapin. We will help you." Sabi naman ni Laney sakin. "I'm sorry talaga mga par, promise gagawin ko lahat para magkaayos kami ni Dong. Sige na kayo na muna bahala sa kanya papalamigin ko muna ulo niya. Alagaan niyo dongdong ko ha. Akyat muna ko sa room namin." Nagpaalam narin naman na sila at ako naman eto derecho sa kwarto namin. Naabutan ko naman silang tatlo na naglalaro. Napatingin naman sila sakin atsaka nila kinamusta si Madie. Sinabi ko naman sa kanila na nagalit sakin si Madie pero hindi ko na sinabi kung bakit. Tapos sinabi ko narin naman sa kanila na okay na siya. Humiga muna ako at pumikit. Naramdaman ko namang tumabi sakin si Queen tsaka niya ko niyakap. "Are you okay?" Tanong niya sakin habang nakahilig yung ulo niya sa balikat ko. "Mmmm." Sagot ko naman. Umubo naman yung dalawang nasa gilid namin kaya naman napadilat ako ng mata. "Care to explain what happened Jaydee?" Sabi naman sakin ni Ate Gabb. At dahil pagod nako kakasalita si Frances na ang nagkuwento ng buo. Walang labis walang kulang. "For real?! OMG. I'm so happy for you Dong! Sa wakas naman nakalabas kana ng kuweba." Pang aasar sakin ni Ate Gabb. "Hoy Ate alam mo?" Tanong naman ni Queen. "Ofcourse! Ako pa ba?" Sagot naman ni Ate Gabb. "E ikaw Ate Ella?" Tulin namang umiling si Ate Ella sakin at tumingin kay Gabb ng masama. Bakit daw kasi hindi niya yon sinabi sakanya para daw naging matulin yung proseso ng Frandeesal wahahahahaha. Pagkatapos ng asaran, nakahiga lang kami dito habang yung Uniphant nagtitiktok kami naman ni Queen nakahiga lang. "So anong plano mo kay Madie? You should say sorry to her Dong" Tumango naman ako dahil iniisip ko kung pano ako makakabawi kay Madong. Minsan lang yun magalit. Actually never kopa siya nakitang magalit at first time niya rin akong sigawan kanina. Naidlip ako, naramdaman ko nalang na may tumatapik na sakin. "Dong..? Wake up na, gumagayak na kami." Malambing na sabi ni Queen sakin habang nakatayo siya sa gilid ko. Tumayo ako atsaka ko siya yinakap. Binato naman ako ni Ate Gabb ng tuwalya. "Hoy! Wag kang tsansing sa anak namin! Manliligaw kapalang ha! Chupi! Chupi! Maligo kana bilisan mo." Sigaw naman sakin ni Ate Gabb habang hinihila na ako paalis kay Queen. Tawa naman ng tawa sila Ate Ella at Queen. Hindi ko naman mapigilang magpout at matawa din dahil sa ginawa ni Ate Gabb. Pagkaligo ko chineck ko yung phone ko kung anong oras na at ilang mins. nalang 7pm na. Nakita ko namang nagtext sakin si Laney na kasama na nila si Dong at nakabihis na daw sila. Habang inaayos ko yung damit ko narinig ko namang may kumatok sa pinto namin nagkatinginan naman kaming apat at ako nalang ang nagbukas. Nandito kasi ako sa salamin malapit sa pinto. Nagulat naman ako ng makita sa harap ng pinto namin si Kielle may dalang bouquet tapos nakasuit siya. "Nanjan ba si Frances?" She asked. FRANCES' POV "Nanjan ba si Frances?" rinig kong sabi ni Kielle. Omg. Bakit naman nandito si Kielle! Wala pa naman akong pinagsabihan na umamin siya sakin at inaya niya ko bilang date niya for tonight. Nakita ko namang binuksan ni Jaydee yung pinto sapat para makapasok si Kielle. "Nandito, pasok ka." Rinig kong sabi ni Jaydee. Nakaserious mode na naman si Dong huhu. Derederetso namang pumunta sakin si Kielle inabot yung bouquet na dala niya atsaka siya nagbeso sakin. Binati naman niya sila Ate na nasa likod ko. "Akala ko 7:30 pa start?" Tanong ko naman sa kanya. Habang nakikita ko sa peripheral view ko na busy si Jaydee sa phone niya at yung dalawa naman dito sa likod ko ay tahimik. "Yeah. Uhm naisipan ko na dito nalang muna ako magstay habang inaantay ko na mag 7:30. Btw, you look so perfect." Sabi naman niya sakin. Bigla namang umalis si Jaydee kaya napalingon ako. "Thankyou." Sabi ko naman kay Kielle. And we talk about things. Syempre diko sinabi sa kanya nangyare ngayong araw like diko naman siya girlfriend or what para sabihin sa kanya lahat ng nangyayare sakin.  JAYDEE'S POV Ade wow. Umalis nalang ako dahil naalibadbaran ako sa Kielle na yon. Nagtext naman agad sakin si Ate Gabb tinatanong kung saan ako pupunta nireplyan ko naman yun agad at sinabi ko na magkitakita nalang kami sa Bar.Nagchange outfit din ako, kung kanina nakadress ako ngayon naman nakasuit nako. Nandito ko sa room nila Laney nagpeprepare na din sila. Si Madie naman nagmamake up na, hindi parin niya ko pinapansin. Paalis na kami ditong lahat kasabay ko maglakad si Ate Nile habang yung dalawa sinasabayan naman si Dong. Actually ang ganda lalo nila lalo na si Dong.  Sinabi ko naman kay Ate Nile na mauna na sila doon dahil may dadaanan pako. Naisipan ko naman bilhan ng bracelet si Madie for peace offering. Naglibot libot ako sa labas pero wala akong makita. Anklet lang meron. Siguro okay nato, may nadaanan  naman akong flower shop. Naalala ko na naman yung bigay ni Kielle kay Queen na bouquet psh. Naisipan ko namang ibili si Madong ng isang piraso na rose. Ayan perfect na. Sana naman mapatawad na niya ko. MADIE'S POV Nandito na kami halos lahat sa Bar, it was nice naman pero hinahagilap ng mata ko si Jaydee. I feel sorry about what happened kanina--- dapat hindi ko siya sinigawan. Habang nakaupo ako dito at palinga linga sa iba kong members dumating naman sila Ate Gabb kasama si Ate Ella, nasa likod naman nila si Frances at Kielle.  May hawak na bouquet si Frances kaya naman kinantyawan siya ng mga girls halatang halata naman ang pamumula nng pisngi niya. Hindi naman ako galit sa kanya, we are actually inn good terms pero hindi kami ganon kaclose. Halos nagsasaya na lahat ng  dumating si Jaydee. She's holding a flower, nakasuit siya ngayon tulad nila Ate Gabb. Kung kanina beat songs yung tumutugtog ngayon naman pang slow dance kaya naman lahat kami ay halos napatingin sa kanya dahil namatay lahat ng ilaw at nakatuon naman sa kanya ang spotlight. Nakita ko namang sinenyasan niya si Laney sa taas ng thumbs up habang si Amy naman ay katabi yung Dj na mukhang kinasabwat nila.  "I have loved you only in my mind But I know that there will come a time You'll feel this feelin' I have inside FRANCES' POV Nagulat halos kaming lahat dahil biglang nagdim yung lights while we're talking nila Ate Dian, nandito si Kielle sa tabi ko nakikipag usap naman kila Coach. Halos lahat napatingin sa main entrance lalo nako dahil yung taong kanina kopa hinahanap ay dumating na, this time nakasuit siya at may hawak siyang flower left hand niya tapos mic naman sa right hand niya.  Nakita kong tumingin siya sa taas kung nasan si Laney at Amy. Bigla siyang kumanta habang nakatingin kay Madie--- "Fallin' in and out of love just like a play Memorizin' each line I still don't know what to say What to say... Pachorus na ng dumating siya sa harap ni Maddie. Bigla naman nawala yung tugtog at halos lahat ng members ay nagtitilian na. Inaantay namin lahat kung ano yung susunod niyang gagawin.. "Madelaine Epilogo-- I'm really sorry for what happened.." Sabi niya habang nakatingin kay Madie sabay abot ng rose. Nagtilian naman lahat lalong lalo na sila Coco. Ako naman wala akong reaksyon dito pinapanood ko lang sila kahit si Kielle at Coach ay nakatingin din sa dalawa. "Don't know what to do Whenever you are near Don't know what to say My heart is floating in tears When you pass by I could fly... Kanta ni Jaydee ng acapella. Agad agad naman siyang niyakap ni Madie at umiyak. Sweet. Umiwas naman ako ng tingin at ininom ko nalang tong light alcohol na sinerve samin. Narinig ko namang nagsalita ulit si Jaydee.. "Can I have this dance?" Pagkasabi niya noon sa mic ay agad namang nagpatuloy ang kanta. Nagsisigawan naman sila Laney habang nagvivideo naman sila Brei. Bigla naman akong inaya ni Kielle na sumayaw din sa gitna. Halos lahat kami nandito. CocoBrei, Uniphant, SeBy and yung iba pang ship. "You look so perfect Frances." Sabi sakin ni Kielle. I just smile at her and hug her very tight. Pumikit lang ako dahil ngayon ko narealized na--- nasasaktan talaga ko kapag wala sakin ang atensyon ni Jaydee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD