Chapter 13

1952 Words
MADIE'S POV Parang slow motion sakin ang lahat---- sobra akong nagulat ng nilapit ni Jaydee sakin yung mukha niya at tuluyan akong nahalikan para akong sasabog sa sobrang saya pero mas nagulat kami ng biglang may nabagsak na kung ano. Nakita ko si Frances na halatang halata ang gulat sa mukha niya sa baba naman niya ay yung phone na nahulog, teka kay Jaydee ba yun? Tinawag ni Jaydee si Frances kasi nakatingin parin siya samin para siyang naestatwa.  Pagkatawag sakanya ni Jaydee bigla naman siyang tumakbo pababa, susundan sana siya ni Jaydee pero hinawakan ko yung braso niya. Napatingin naman siya sakin hinawakan niya yung kamay ko atsaka ito unti unting tinanggal... "Usap tayo mamaya." After she said that she left. Wow. Ganun ganon lang yon? Natatawa ako sa sitwasyon ko. Asa kapa self na pipiliin ka ni Jaydee over her Queen. Kinuha ko yung phone ni Jaydee sa lapag at umakyat na sa kwarto namin. Kasama ko sa room sila Amy,Laney at Ate Nile. Pagkapasok ko ramdam ko na umiikot yung pakiramdam ko habang busy silang tatlo magjam binigay ko naman kay Amanda yung phone ni Jaydee and everything went black. LANEY'S POV  Nagjajam kami nila Amanda dito kasi wala namang plano yung ibang girls siguro mga pagod din kasi nga isang linggo na din kami halos nagtatrabaho. Dumating si Maddie na namumutla at namumugto ang mata. Hindi naman kami nagsalita at pinanood lang namin siyang lumapit samin sabay abot kay Amanda ng cellphone hindi ko alam kung kanino yun pero bigla nalang siyang bumagsak buti nalang naagapan namin siya. Agad namang lumabas si Ate Nile para puntahan si Coach. Ano ba naman kasinng pinaggagawa neto sa buhay. Agad namang dumating sila Coach tsaka dinala sa clinic si Maddie. Hawak hawak ko naman yung phone ni Jaydee habang si Nile at Amanda ay sinamahan si Coach sa clinic.  Nagchat ako sa gc namin na nasa clinic si Maddie. May mga nagreply naman at agad pumunta sa labas ng clinic ng Hotel. Halos lahat nandito na pati sila Ate Princess ang kulang lang ay si Jaydee at Frances. Nasaan naman kaya ang dalawang yon? JAYDEE'S POV Sht sht! Tulin kong hinabol si Queen palabas ng Hotel sa sobrang bilis niyang tumakbo akala ko hindi ko siya maabutan. Nakita ko naman siyang napaupo sa dalampasigan habang umiiyak. Tumakbo naman ako ulit papalapit sa kanya baka kasi mamaya tumakbo na naman to. "Queen?" Tawag ko sa kanya. Dahan dahan naman siyang lumingon sakin tsaka niya binaggit ang pangalan ko. Dahan dahan akong lumuhod at niyakap siya patagilid. Iyak naman siya ng iyak habang nakayakap din siya sakin. Wala pang nagsasalita samin hinayaan ko lang siyang umiyak sakin na parang batang inagawan ng lollipop. "I'm sorry.. I don't know how to act well the moment I saw u kissing her." She said while sobbing.  "Shhhh.. I'm sorry nakita mo pa yung mga ganung bagay." Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko. Naguguluhan nga ako bakit siya umiiyak. Ayoko naman munang mag assume. "Are you two...?" Hindi ko na siya pinatapos pa sumagot nako agad. "No, we're not. We're not in a relationship." Saad ko while rubbing her back. She didn't response kaya naman nanahimik nalang din ako. Umayos nako ng upo habang nakatingin sa dagat. Inayos na niya ang sarili niya at yumuko. "I don't like seeing u being sweet with other girls Jaydee." What does she mean? Nilingon ko siya pero nakayuko parin siya at nilalaro ang buhangin. "...I want u only with me, happy with me." Sinalubong ng magagandang mata niya ang mga mata ko. "What do u mean? Hindi kita maintindihan Queen." Sagot ko. "Hindi ko rin alam Jaydee, I'm confused." Saad niya at humawak sa buhok niya. Kaya naman sinulit ko na ang pagkakataon na to para umamin sa kanya. "I like you." Bulong ko habang nakatingin sa sikat ng araw. Alam ko lunch time na pero hindi ako nakakaramdam ng gutom. Parang hinahalukay ang tiyan ko sa sobrang kaba. "You like me?" Pagsisigurado naman niya. Medyo gulat si ate mong girl. "Yeah, since nasa mansion palang tayo. Kahit hindi pa tayo shiniship ng Mnloves. I really really like u. Or should I say I already love u?" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "What?! Are u damn serious? Then kung ganon y'd u kissed Madie in front of me!" Sabi niya sakin na may pahampas pa. Natawa naman ako sa reaksyon niya dahil akala ko ay iiwasan niya ko dahil sa pag amin ko sakanya. "Eh hindi ko naman alam na nandoon ka malay koba." Pambibiro ko naman sakanya at sunod na sunod na hampas naman ang inabot ko. "Aw. Aray! Joke lang yun ouch!" Pano hindi parin siya tumitigil sa paghampas sakin. "Napakababaero mo talaga! Buwisit ka!" Niyakap ko naman siya agad para kumalma siya.  "So ano Francese Therese? Tayo naba?" Sabi ko sa kanya habang malawak na malawak ang ngiti ko. "Ha? Anong tayo? Baka ipakain kita sa mga piranha jan! Manligaw ka muna!" Tsaka naman siya tumayo agad at patakbong bumalik sa hotel. "Hoy! HAHAHAHAHAHA SHETTTT!" Sigaw ko naman sa galak. Manliligaw na niya ko? Is this for real? OMG! FRANCES' POV Buwisit ka Jennifer. Tinatawag niya ko pero hindi ko siya pinapansin, hanggang dito rinig na rinig ko ang tawa niya. Namumula ko ngayon kaya agad akong tumayo kanina pagkasabi ko sakanya na manligaw muna siya. Hindi ko alam pero sobrang saya ko ng malaman ko na gusto pala niya ko. Nako Jennifer Nandy umayos ka tigil tigilan mo pambababae. "Hi babylove." Bulong sakin ni taka, para namang may mga butterfly sa tiyan ko dahil sa buwisit nato! Babylove amp korni mo Jaydee! Sabi ko sa isip ko. Tumahimik naman siya dahil hindi ko naman siya pinansin pero naghuhumming pa ang lola niyo halatang halata na masayang masaya siya hahahaha! Pagkadating namin sa lobby nakasalubong namin ang ilan sa mga girls at sinabi agad nila samin ang nangyare kay Madie. JAYDEE'S POV Agad akong tumakbo sa clinic pagkarinig ko kila Ate Sheki na dinala nga nila Coach si Madie doon. Naabutan ko naman sila Amanda ang nagbabantay sa kanya, nakahiga si Madie wala namang nakaturok sa kanya na kung ano pero tulog padin siya. "Ano nangyare?" Tanong ko sa kanila. "Ikaw nga ang tatanungin namin Dong, ano nangyare sa inyo? Dumating si Madie sa kwarto namin na namumutla at parang galing sa iyak. Inabot niya sakin to tapos bigla na siyang hinimatay." Sht. Kasalanan ko to. Inabot naman sakin ni Amanda yung phone ko. Nakatahimik lang kaming lahat habang nasa labas yung ibang girls at kami naman nila Amanda ay nandito sa loob. Dumating si Coach kasama yung nurse dito sa clinic. Sinabi naman ng nurse na nalipasan lang daw ng gutom si Madie at dahil din daw sa Fatigue. Oo nga pala halos wala pa siyang pahinga dahil sakin tapos ang aga pa niya nagising kanina.  Sinabi naman agad ni Coach na pwede na kami ulit bumalik sa rooms namin at maglunch ang mga hindi pa naglalunch. Sinabi ko naman kay Coach na aantayin kong magising si Madie at dito nalang ako kakain sa loob ng clinic, pumayag naman siya at nakita ko namang hindi parin umaalis sila Ate Gabb kasama si Queen sa labas. "Ahm.. Queen babantayan ko muna si Madie ha? Aantayin ko muna siya magising sabay ka nalang muna kila Ate kumain. Usap nalang tayo mamaya ha?" Sabi ko sakanya at hinalikan ang kanyang kamay. "Sige. Kumain kana jan ha. Ikamusta mo ako kay Madie, ichat moko agad pag nagising siya." Sabi naman niya at yumakap sakin para magpaalam na. Tinanguan naman ako nila Ate Ella nagpahuli naman si Ate Gabb at bumulong pa sakin na--- "Kwentuhan moko mamaya." Tinanguan ko naman siya at bumalik na dito sa loob. I'm really sorry Madong. Dumukdok ako sa kama kung saan siya nakahiga, wala akong gana kumain. Iintayin ko nalang muna siguro siyang magising. FRANCES' POV  Patapos na kami kumain ng biglang nagring phone ko. Agad ko namang kinuha yung phone ko sa bulsa ko dahil baka si Jaydee na yung tumatawag.  Si Kielle pala, sinagot ko naman yun agad. Nangamusta lang naman siya at tinanong ako kung kumain na daw ba ko. Sinabi rin niya na uuwi daw siya mamayang gabi dahil pinagpaalam daw niya kay Coach na pumunta kaming lahat sa Bar nila dito sa Hotel. Hindi naman daw Wild Bar yun kumbaga mga special guests daw talaga ang pinapapasok doon. Pumayag naman daw si Coach sa kanya dahil pinilit daw niya talaga ito. Sinabi na daw niya sa akin ng una para daw malaman ko na siya daw ang date ko for tonight. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.. Nanliligaw ba sakin si Kielle? I mean sinabi lang naman kasi niya na gusto niya ko. Crush ko siya oo pero I think hanggang dun lang yun. Tinext ko naman si Jaydee kung kamusta na sila doon ni Madie. Pero sa palagay ko si Jaydee ang tulog at si Madie na ang gising base sa natanggap kong reply. "We're fine. -M" Ayan yung reply kaya naman hindi nako nagreply pabalik. Umakyat na kami sa room namin doon ko nalang siguro aantayin si Jaydee, iidlip nalang muna siguro ako or maaya maglaro sila Ate Gabb ng Call of Duty. MADIE'S POV I opened my eyes at ang bumungad sakin ay puting kurtina. I think after the incident dinala ako nila Amy sa clinic. Nakita ko naman si Jaydong na nakadukdok dito sa tabi ko at mahimbing ang tulog. Inayos ko ang ilan sa mga strands ng buhok niya at nakita ko naman ang maganda niyang mukha.  I really can't believe that she kissed me. Alam ko namang nadala lang siya kaya niya yun ginawa but it really felt like it's real. Hinayaan ko lang muna siyang matulog at napansin ko naman na may pagkain kami dito sa side table. Tumunog naman ang phone niya at nakita kong may text si Frances. "Hey u guys ok? Is she awake?" She texted. Nireplyan ko naman yun kasi tulog pa naman si Jaydee.  "We're fine. -M" Ang sinagot ko sa text niya. Hindi naman na siya nagreply kaya naman inihiga ko ulit yung ulo ko sa kama. Ilang minuto lang nagring na naman ang phone niya this time nagising na siya at siya na ang sumagot sa tawag. I think si tita yun based on their conversation. Natapos naman agad yun atsaka siya bumaling sakin. "Gising kana pala. I'm sorry nakatulog ako. May masakit ba sayo? May nararamdaman kabang kakaiba?" Sunod sunod naman niyang tanong. "Kalma dong, okay nako. Gutom lang to" Sagot ko naman. "Eto may pagkaing dinala si Coach para satin. Kain muna tayo." Sabi naman niya at agad na inasikaso ang kakainin namin. Nabasag naman ang katahimikan namin ng magsalita siya. "I'm really sorry Madong, sorry dahil sakin kaya ka naover fatigue. Hindi ka nakapagpahinga ng dahil sakin." Kinontra ko naman agad yun pero sinundan niya agad ng... "I'm sorry about dun sa kanina. Dapat hindi ko yun ginawa." Para naman akong sumabog, yung matagal ko ng kinikimkim dito sa kalooblooban ko ay nasabi ko sa kanya. "Stop. If u r sorry about the kiss. Then leave. Umalis kana Jaydee. I don't need someone na ipapamukha sakin na mali ang mahalikan ako." Sobra akong nasaktan sa sinabi niya. You always like that Jaydee. U keep on hurting me wala naman akong ibang ginawa sayo kundi ang mahalin ka, saluhin ka sa tuwing nasasaktan ka niya. "Dong-- that's not what i mean.." Hindi ko na siya pinatapos pa.. "I SAID LEAVE ME ALONE!" I shouted and I saw her flinched. Dahan dahan siyang tumayo at nilisan ang silid ko. I cried in pain. Lagi naman e. Lagi mo naman akong sinasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD