Chapter 12

1715 Words
MADIE'S POV Naisipan ko namang dalhan ng breakfast si Jaydee and para nadin macheck ko kung okay na siya. Hindi ko mapigilang mag isip kagabi habang nakahiga ako kung ano na balita sakanila ni Frances. Hindi naman mawala sa isip ko na magkatabi sila, kung may pinag usapan ba sila o ano. At dahil maaga nga akong nagising bumili nako ng almusal at nagtext kay Jaydee. Pinagbuksan naman niya ko agad ng pinto at sabay sabay kamingkumain. Tawanan kaming apat dahil puro katakaan si Nandong. Parang bumalik na ulit siya sa dati, yung masaya at parang walang problema. Tatanungin ko sana siya kung ano nangyari kagabi pagkahatid niya sakin sa room ng biglang nagsalita si Frances.. "Goodmorning guys" bati niya sa amin nginitian naman namin siya pero nagulat kaming lahat sa ginawa ni Jaydee. Lalong lalo na ako ng bigla niyang niyakap si Frances. Bakit parang walang nangyare kagabi? Wag mo sabihing okay na agad sila? I mean hindi naman ako tutol kung magkakaayos sila ang sakin lang naman e, bakit ang tulin naman? Ni hindi pa nga siya nagkukuwento sakin. Ganon ganon nalang ba yun Jaydee? So ano etsapuwera na naman ba ko? Nakita ko naman na napatingin sakin si Frances nung niyakap siya ni Jaydee. Siguro nakita niya yung expression ng mukha ko. I just wanna clear things out guys. I don't have any problem with Frances. Ang ayoko lang ay yung makitang nasasaktan si Jaydee ng dahil sa kanya. Natapos naman ng kumain lahat and inaya ko naman si Jaydee sa rooftop. I think I need some explanation naman diba dahil ako ang kanyang the great great bestfriend :> "Care to explain Jennifer?" Bungad ko agad sa kanya pagkarating na pagkarating namin sa rooftop. "Ang alin?" Pagbabalik tanong naman niya. "Between you two? I mean ano okay naba kayo ulit?" Parang sinasaksak ko yung sarili kong dibdib sa sobrang sakit. "Ahh. Oo okay naman na kami. Nagsorry siya sakin kagabi and sabi ko sakanya pagkagising ko kako sa umaga okay nako like hello dong? Hindi ko naman siya kayang tiisin." Napayuko nalang ako dahil sa sobrang sakit ng narinig ko. Ganun ganon lang yun Jaydee? sabagay sino ba naman ako para magreklamo, isa lang naman akong dakilang bestfriend niya. "Wala naman kasi akong magagawa dong, mahal ko e." Tuluyan ng nadurog yung puso ko sa narinig ko. Pilit kong pinipigilan yung iyak ko pero tinaksil ako ng sarili kong mga mata. "Huy dong... umiiyak kaba? Okay kalang ba?" Pag aalala naman niya. Hindi kona napigilan ang paghikbi ko na naging dahilan para yakapin niya ko. "Huyyy ano ba nangyayare sayo? May masakit ba sayo? O ano.. Huyy nag aalala nako magsalita ka naman" Tuloy tuloy niyang tanong sakin pero lalo lang lumakas ang paghikbi ko. "Ikaw kasi e naiiyak lang ako sa tuwa dahil masaya kana ulit. Wag kana iiyak ulit ha?" Imma call myself a bad liar----sa sobrang galing kong magpanggap. Sobrang sakit ng dibdib ko parang hindi ako makahinga.  "Hush na. I'm okay naman na e. Tsaka masyado lang talaga akong nasaktan kahapon and okay naman na ko ngayon. I mean nagsorry naman na siya sakin kaya ayun kesa naman patagali kopa e wala naman siyang kaalam alam sa mga nangyare." Derederecho niyang sabi habang nagpupunas ako ng luha ko.  Hindi na ako sumagot at inaya ko na siyang bumaba. Sinabihan kami ni Coach ngayon na we can do things that we want and I'm planning to take her sa kabilang isla. I wanna try snorkeling. Tsaka gusto ko ring magcreate ng memories with her. I don't wanna waste my time being with her.  "Dong do u have any plans for today?" I asked her while we're walking pabalik sa unit nila. "Wala pa naman, bakit u'll ask me ba to have a date with u?" Pambibiro naman niya. "Ofcourse not duh, I just wanna ask u if you want to spend the rest of your life with me?" Sabi ko in a serious way. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya. Bigla naman siyang tumawa ng sobrang lakas. When I say malakas. SOBRANG MALAKAS TALAGA.  I feel so insulted kaya naman inirapan ko siya. At iniwan dun sa labas, nandito nako sa kwarto nila naabutan kong nagtitiktok naman yung tatlo. Naagaw namin yung pansin nila ng biglang sumulpot  si Jaydee sa kung saan at tawag ng tawag sa pangalan ko na parang nawawala. Hindi ko siya pinapansin nagpaalam nako kila Ate Gabb na mauuna nako at ichat nalang nila ko if may concern sila. FRANCES' POV Dumating si Madie kasunod si Jaydee na hinahabol siya. Hindi naman siya pinapansin ni Madie at tuloy tuloy lang sa pag aayos ng gamit niya. Nagpaalam siya samin at tulin naman siyang sinundan ni Jaydee sa labas. "LQ ba yung dalawa?" Tanong ni Ate Ella. Tumingin lang ako sakanila at nagkibit balikat. Hindi ko alam, sila ba? I mean diba yung LQ stands for Lover's Quarrel?  JAYDEE'S POV  Tignan mo tong babae na to. Napakamoody ngayon. Kanina lang dinalhan niya ko ng almusal tapos umiyak tapos ngayon naman nagwalkout. Ahay!  "Madong!!!" Sigaw ko sa kanya dito sa hallway. Derederecho siyang naglakad papuntang stairs. Myghad! Hindi pa talaga gumamit ng elevator! Nakita ko namang bukas yung sa janitor area ata to o ano. Dali dali ko siyang hinila papasok tsaka ako humarang sa pinto.  "Dong naman.." Hingal na hingal kong pagrereklamo sa kanya. Nakaiwas lang siya ng tingin sakin at ramdam na ramdam ko din yung hingal niya. Inaantay ko siyang magsalita pero mukhang wala siyang balak mga tol. "Heyy, pansinin mo naman nako oh" Paglalambing ko sakanya. Hinahawakan ko yung kamay niya pero iniiwas niya lang yun. "Dong ano ba, sorry na. Kala ko naman kasi nagjojoke ka lang e. Tsaka habang buhay naman akong sayo diba?" Hindi parin siya sumasagot pero this time nakatingin na siya sakin. "Habang nabubuhay ako ikaw lang ang nag iisang Dong ko." Nagpout pako para effective. "Psh. I feel so insulted kaya, may nakakatawa ba dun sa sinabi ko?" Pagtataray naman niya. "Wala ano kasi nabigla lang ako sa sinabi mo, I'm expecting kasi na aayain moko gumala or what." Dagdag ko naman. "Aayain nga kitang magsnorkeling sa kabilang isla! Tinanong ko lang yung kanina kasi I just wanted to know if you still gonna be there for me : FRANCES' POV Pagkaalis ni Jaydee gumagayak naman na kaming tatlo dito kahit hindi naman namin alam kung may pupuntahan kami ngayon. Wala pa naman kasing nagpaplano. Nagtext sakin si Kielle na wala nga daw siya dito sa ngayon kasi may pinaasikaso daw si Dad niya sa farm. Medyo malayo daw yun dito and sabi niya kapag daw may pagkakataon dadalhin niya daw kami dun. Nagreply naman ako sakanya at nagscroll lang sa t****k. Medyo matagal narin kaming nakahiga dito, narinig ko namang may nagriring na phone naglingunan pa kaming tatlo kung kanino yun. Nahagip naman ng matako na phone pala yun ni Jaydee, tumatawag pala si Tita. Sinagot ko naman yun agad at sinabing wala dito si Jaydee pero sabi niya importante daw kasi yung sasabihin niya and kung okay lang daw ay pwede ko daw bang ibigay kay Jaydee yung phone at tatawag nalang siya ulit. Umoo naman ako at nagpaalam kila Ate na hahanapin ko muna sila Jaydee.. Nandito nako sa lobby pero hindi ko sila makita. Lumabas na din ako at luminga linga pero wala talaga. Tsaka ko lang naisip na baka nasa room lang sila ni Madie kaya naman dali dali akong bumalik sa loob pero tumatawag ulit si Tita and sinabi ko na hinahanap kopa sila akala daw niya kasi ay na kay Jaydee na yung phone.  Mula dito tanaw ko na maraming tao ang nag aabang sa elevator panigurado hindi na ako kakasya pag sumabay pako doon kaya naman tinake ko yung stairs papunta sa unit namin. Grabe nakakapagod naman dito hunako. Late ko naman na narealized na tawagan si Madie at tanungin kung nasaan sila. Chineck ko yung phone ni Jaydee pero wala ng signal. Nako naman baka mamaya tumatawag na si tita. Lalo akong nagmadali at ayun yung dalawa sa wakas nakita kona! Teka san sila galing? Sa Janitor's Area ba yun? Tsaka bakit umiiyak si Madie? Magsasalita na sana ako ng marinig kong kinakausap ni Jaydee si Madie.. "Hey, wag ka umiyak omg. Sorry sorry." Dinig kong sabi ni Jaydee habang pawis na pawis silang dalawa. Derederecho lang sa paghikbi si Maddie niyakap naman siya ni Jaydee paulit ulit na nagsosorry. Hinarap ni Jaydee yung mukha ni Madie at pinunasan niya ang mga luha nito. Dahan dahan namang inangat ni Madie yung mukha niya halos magkatapat na sila... parang alam ko na yung mangyayare pero eto pa rin ako patuloy ko paring inaabangan yung susunod na mangyayare.  I froze when Jaydee and Madie kissed. Sa sobrang pagkagulat ko naibagsak ko yung phone ni Jaydee kaya naman nagulat silang parehas habang ako nakatulala padin sa kanila. "Queen?" Sambit ni Jaydee. Noon lang ako natauhan at tumakbo agad pababa ng hagdan. Iniwanan ko silang dalawa dun. Hindi ko narin nasabi sa kanya yung pagtawag ni Tita. Nabigla ako sa nakita ko. I mean... akala koba they are like sisters with each other? Tsaka bakit ang tagal nila kagabi? Tapos kanina naman dinalhan pa siya ng almusal ni Madie. And then bigla naman siya inaya ni Madie pumuntang rooftop kanina after namin mag almusal. Ano? Ano ba talaga sila? Why did they kissed?  Bakit parang pakiramdam ko pinagtaksilan ako ni Jaydee. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Derederecho lang akong tumatakbo hanggang sa sobrang hingal ko natigil ako dito sa seaside. Halos wala namang tao dahil medyo dulo dito. Umupo ako saglit at huminga ng malalim. Bigla nalang akong naiyak dahil hindi ko rin alam. Bakit ba ako umiiyak? I keep on sobbing. Nabubuang naba ko? Iyak lang ako ng iyak dito hanggang sa---- "Queen?" lumingon ako habang may mga luha pa sa mata ko dahil alam ko kung kaninong boses yun galing hinihingal pa siya at halatang halata sa mukha niya ang pag-aalala...  "Jaydee..." bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD