JAYDEE'S POV
Pauwi na kami ni Madie. Ang tahimik lang namin habang naglalakad dito sa dalampasigan. Halos tunog ng dagat lang maririnig mo. Sobrang peaceful, sana naman magtagal pa yung project namin dito and sana maging successful din yun para marami pa kaming maging projects sa mga susunod na buwan.
Papunta na kami sa lobby ng matanawan ko sila Frances at Kielle, they are laughing to each others faces like they are the only people in this hotel. I saw her laughing--- yung mga tawa at ngiti niyang antagal ko ng hindi nakikita. Napahinto ako habang nakatanaw kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Are u really happy with her Queen? Does she makes u happy?
Inantay ko lang silang magpaalaman sa isa't isa and that scene really broke me.. I saw Kielle kissed Queen's forehead--- hey?
That should be me.
MADIE'S POV
Nakalimutan na ata ni Jaydee na kasama niya ko, nakahinto lang kami dito kasi bigla siyang huminto at nakatitig sa labas ng lobby. Sinundan ko naman ng tingin kung saan nakatingin ang malulungkot niyang mata. I saw pain in her eyes. How can someone hurt this woman? How can someone resist this woman? Huh? Tell me.
Nagulat ako sa nakita ko ng biglang hinalikan ni Kielle si Frances sa noo. This time I hugged Jaydee paharap sakin. Tama na Jaydee. Stop being so fool. I don't want anyone to hurt you like this please.
Walang nagsasalita samin hanggang sa naramdaman ko nalang na basa na yung damit ko. She's crying-- she's hurting pero wala naman akong magawa. Naawa ako na naiinis sa kanya.
How can u be so blind Jennifer?! NAGAGALIT AKO SAYO KASI BAKIT MO SINASAKTAN NG GANITO YUNG SARILI MO! I HATE YOU! I cried in pain.
"I'm sorry.. I just can't help to see you hurting." Bulong ko sakanya while rubbing her back. Niyakap niya ko ng mahigpit kaya naman mas lalo kaming nag iyakang dalawa.
Nasasaktan ako kasi bakit hindi nalang ako Jaydee? Nasasaktan ako kasi nasasaktan ka-- kasi sinasaktan ka niya. You don't deserve this kind of pain :
JAYDEE'S POV
Walang laman utak ko ngayon. Wala akong maramdaman para akong namamanhid sa mga nangyayare. Andami kong gustong itanong. Andami kong gustong sabihin pero bakit para akong walang lakas na magsalita.
Narinig ko namang sabay na sabay pa kami suminghot ni Madie kaya naman nilighten up ko yung mood namin kasi mukha na kaming nagbreak sa itsura namin kung may nakakakita man samin ngayon hahahahaha.
"Akina kaya sipsipin ko?" Pagbibiro ko naman sakanya. Inirapan niya lang ako at hindi siya sumagot. Niyakap ko nalang siya at hinayaan ko munang pakinggan namin ang bulong ng alon ng dagat.
FRANCES' POV
Nagulat ako sa ginawa ni Kielle. As in hindi ako agad nakagalaw kaya naman tinap niya yung ulo ko and said a good bye. I was shocked. Para akong nakuryente.
Lutang akong pumasok sa hotel. Hindi ko na nga namalayan na nandito nako sa harap ng kwarto namin. Pagkatok ko si Ate Gabb nagbukas sakinn ng pinto. Sila palang ni Ate Ella andito. Wala pa siya.
"Kamusta date nak?" Tanong naman ni Ate Ella, lingid man sa inyong kaalaman ay anak anakan ako nila Ate Gabb at Ate Ella. Naisip ko na naman yung nagyare kaya naman hindi ko maiwasang mamula sa pagkakatanong ni Mami.
"Oh? Mukhang hanggang ngayon e kinikilig kapa ata." Sabi naman sakin ni Ate Gabb. Hoy hindi kaya ako kinikilig-- bawal ba mamula?
"Hindi ah! Tsaka okay naman. Natural na dinner lang nothings special naman po." Pagtatanggi ko at pagsisinungaling ko din. Ewan ko bakit hindi ko nasabi. I just feel that this is not the right time to tell. I mean sinabi lang naman niya na she likes me and wala naman na siyang sinabi na iba. I think it's not that important.
Nagnod naman silang dalawa and gusto ko sanang itanong kung nasaan si Jaydee pero maglilinis muna ko ng katawan siguro naman pagkatapos ko nandito na siya. Medyo late nadin naman na kasi.
Natapos nakong maligo, nakahiga na yung dalawa pero wala padin si Jaydee. I checked my phone pero wala naman siyang text or chat 11:43 na dito sa phone ko kaya naman hindi ako mapakali baka mamaya napagtripan na sila sa labas kaya naman hindi ko na napigilan yung bibig ko at naitanong ko na kila Ate kung alam nila kung nasaan na si Dong.
"Wala naman siya chat sakin tsaka nakita ko story kanina ni Madie nasa seaside sila around 10 siguro yun not sure." Sagot sakin ni Ate Gabb kaya naman humiga nako at tinry itext si Jaydong.
"Hey? Where r u? It's kinda late na kasi just checking if you are ok..." *delete delete* Maybe i'll just wait for her. Kailangan kong magsorry sa kanya. I know that nagtatampo siya sakin sa nangyare kanina. Sorry my poor luv.
Maya maya naman narinig ko ng may kumakatok sa pinto. Nilock ko kasi talaga yun para ako yung magbubukas ng pinto pag dumating siya. Bumungad naman ang mukha niya at mukha ni Madie. It's kinda late na pero ngayon lang sila natapos magdinner? Parehas pa silang namumula at mukang umiyak pa sila dahil halata sa mga mata nila tapos eto namang si Jaydee singhot ng singhot.
"Ahm.. Akala ko tulog na kayo, sorry sa istorbo. Tinry lang namin ni Madong kung bubukas pa yung room kung hindi kasi makikitulog muna ako sa kanila." Pagpapaliwanag naman ni Jaydee-- ngayon ko lang din napansin na magkahawak pa sila ng kamay. Hindi naman ako agad nakapagsalita.
"Hatid ko lang siya sa room niya. Wag mona ilock yung pinto para dika na maistorbo. Salamat." Aalis na sana sila pero hindi ko alam san nanggaling yung boses ko basta ang nasabi ko lang bago ko isara yung pinto ay...
"Iintayin kita Jaydee."
Nakabalik naman agad si Jaydee dahil halos anim na pinto lang naman ang pagitan ng room namin sa room nila Madie. Pumasok siyang hawak hawak ang phone niya. Maingat niya itong nilapag sa table na katabi ng bed namin at pumuntang restroom para maglinis ng katawan.
Nakita ko namang nagmessage sakin si Kielle dali dali ko naman yun nireplyan at nag goodnight. Maya maya lang narinig ko namang tumunog phone ni Jaydee hindi ko naman sinasadya na makita kung sino yung nagchat or yung nagmessage pero galing yun kay Madie.
Nakita ko naman siyang lumabas na ng cr na nakapajama na kaya naman dali dali akong kumilos pabalik sa higaan ko. Nagphone siya saglit bago niya ito nilapag sa table. Walang nagsasalita samin. Parehas lang kaming nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita. I think madaling araw na pero hindi parin ako dinadapuan ng antok. Sobrang dami ng nangyare ngayong araw at hindi ko alam kung paano ko yun ipaprocess sa utak ko.
"Kamusta date?" Tanong niya. Mahina lang boses niya dahil mahimbing na nga nag tulog nung dalawa.
"It's fine." Ramdam na ramdam ko na may pagtatampo siya sakin. Pero hindi ko alam pano ko siya kakausapin. Ang seryoso niya. Hindi ako sanay.
"Masaya kaba?" Tanong niya ulit. Hindi naman ako nakasagot agad dahil napalingon ako sa kanya. Bakit Jaydee? Ikaw ba? Masaya ba kayo ni Madie kanina? I mean halatang halata naman na masaya sila dahil mukhang nakalimutan na nila yung oras.
"Yup. Masaya naman." Sagot ko habang nakatingin sakanya. Nakatingin lang siya sa kisame na para bang may inaantay siyang kasunod na sasabihin ko.
"Mabuti naman kung ganon. Matulog kana." Sabi naman niya sakin sabay talikod. Ramdam na ramdam ko na kailangan ko talagang magsorry sakanya dahil sa nangyare kanina.
"I'm sorry." Bulong ko sa kanya habang nakabackhug ako sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagpitlag niya. Hindi siya nagsalita at hindi niya rin ako nilingon.
"I'm sorry about sa kanina. I didn't really mean that." Bulong ko ulit habang nakasiksik sakanya.
Naramdaman ko namang unti unti siyang humarap sakin.
"It's okay. Wag mona isipin yun tapos naman na. Ang mahalaga naging masaya ka ngayon." Tipid niyang ngiti sakin. Bakit ramdam kong may iba siyang pinopoint out? Ako lang ba yung nag ooverthink?
"I'm really sorry. Wag kana maging cold sakin. Hindi ko kayang ganyan ka sakin." I said sincerely.
"Pagod lang siguro ako, wag ka mag alala bukas pagkagising ko okay na ko." Ngiti niya sakin at tuluyan ng tumalikod.
Hindi ko na siya kinausap pa dahil baka nga pagod lang siya. Hindi ko narin siya niyakap at hindi narin ako nagpayakap pa dahil ramdam ko naman na wala talaga siyang sa mood.
JAYDEE'S POV
Hindi ako makatulog. Naiisip ko parin lahat ng nangyare. Chineck ko yung phone ko at nakita ko namang nagreply pala sakin si Madie. Hindi na ako nagreply dahil panigurado tulog na yun. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ko.
Maaga ako nagising at nakita kopang tulog parin ang mga kasama ko. Hindi ko naman maiwasang titigan si Queen. Hindi ko rin naman siya kayang tiisin. Buti nalang linggo ngayon wala kaming shoot lahat kaya panigurado leisure time namin ngayon. Nakita ko namang nagtext sakin si Madie.
"Hey sleepyhead, r u awake?" Such a conyo Madie.
"Nope, I'm still sleeping rn actually my spirit just replied to you." Panloloko ko naman sa reply.
"I'm here at your door."
Dali dali naman akong tumayo para icheck kung nandito nga siya sa labas at bumungad naman sakin ang matamis niyang ngiti while holding a plastic. I think pagkain yun kasi nagmomoist pa siya sa plastic.
"Breakfast?" Pag aaya naman niya sakin.
"Tara pasok ka. Dito nalang natin kainin wahhahahaha." Sagot ko naman sa kanya at derederecho siyang pumasok sa room namin. Nagulat naman ako dahil gising na pala sila Ate Gabb inaya naman namin silang kumain. Si Queen ayun tulog parin. Hindi na namin siya ginising dahil Sunday naman at tulad nga ng sabi ko free day namin ngayon.
FRANCES'S POV
Naalimpungatan naman ako ng makita kong kumakain yung apat. Si Madie andito, may pinag uusapan ata sila kasi naghahagikgikan sila. Kala siguro nila tulog pako.
"Goodmorning guys" Bati ko naman sakanila. Napahinto sila sa pagtatawanan at bigla naman akong binati ni Jaydee ng sobrang energetic na goodmorning.
Eto, ganito yung Jaydee na kilala ko. Niyakap pa niya ko at inayang kumain ng almusal. Dala pala yun ni Madie. Bumangon naman nako at nakita ko naman yung pag iwas ng tingin ni Madie kanina nung niyakap ako ni Jaydee hindi ko alam kung ako lang yung nakapansin pero parang nag iba yung mood niya.