JAYDEE'S POV
Wow. Ako talaga? Ako pa yung rude? Nagwalk out na ako kanina sa sobrang inis ko sakanya. Bakit ba parang ako pa yung naging masama? Gusto ko lang naman siyang makausap ah. Ilang oras na nga silang magkasama. Yung sa paglalakad na nga lang yung hinihiling ko na makasama siya tapos. Ewan nakakasama ng loob.
Akala ko naman hahabulin niya ko sa pag walk out ko. ASA yan ang sabing innerself ko. Sa sobrang inis ko tinawagan ko si Laney para magpasama sana kumain, nagugutom na kaya ako.
Nahirapan pa ko makipag english talking dun sa Kielle na yon. Pasalamat nga siya tinawag kopa siyang Ma'am kahit na halos magkasing edad naman kami. Ganon ba yung rude ha Frances?! Naiiniis moko talaga!
Hindi naman sumagot si Laney sa tawag ko wala nakong choice kundi kumain mag isa dito. Habang umoorder ako sa ano mang resto tong napasukan ko nakita ko naman si Amy. Sinundan pala ko ni taka, sana all diba.
"Par! Tara na nga dun ano ba nangyayare sa inyo? LQ?" Sabi naman sakin ni Amy habang hinihingal siya. Sinabi ko naman sakanya yung nangyare and alam naman pala nila yung ibang part ang hindi lang nila alam ay kung bakit naman ako nagwalkout.
"Huy tol, okay ka lang ba? Baka naman kasi nahihiya lang talaga si Frances kay Kielle give her atleast a chance to explain herself naman. Tol english yan ah." Napangiti naman ako sa pagiging seryoso niya.
"Kahit naba. Wala naman akong sinabing mali diba?" Pagpupumilit ko naman.
"Tol, alam mo tara na don wag kana magtampo jan. Kahit na sino pa tama o mali tara na doon at ako'y nagugutom na." Pagmamaktol naman ni Amy. Sinabi ko naman sa kanya na paninindigan ko to at ayoko pang makita si Frances at Kielle.
"E sino naman kasama mong kakain jan? Malungkot kaya kumain mag isa."
"Ade ikaw! Bakit mo pa ko sinundan kung hindi mo naman ako sasamahan." Sagot ko sakanya.
"Taka kaba, iintayin nga daw nila tayo kaya for sure hindi pa sila kumakain dun." Ayoko talaga sumama. Masama pa loob ko.
"Ayoko nga. Si Madie nalang tatawagan ko magpapasama ko sakanya." Sagot ko naman pabalik sa kanya. Hindi naman siya naniwala agad sakin na magpapasama ako kay Madie kaya naman dalidali kong tinawagan si Madie para sabihin sa kanya na nandito ko sa resto, hindi naman ako nabigo dahil ilang ring palang ng phone niya sinagot na niya yun and nag agree naman siya na pupunta siya dito dahil cancel daw ang project nila for today dahil wala daw yung producer.
Narinig naman ni Amy pag uusap namin dahil niloudspeaker ko pa yon para naman talaga marinig niya at wala ng pero pero. Hindi na niya inantay dumating si Madie dahil gutom na gutom na nga ang loka.
Maya maya lang nakikita ko na si Madong. Kumain muna kami tsaka ako nagkwento sa kanya ng buong pangyayare.
MADDIE'S POV
Ang sarap naman kumanta ng "Kung ako nalang sana ang 'yong minahal hindi kana muling luluha pa...." Bakit kasi hindi nalang ako Dong? Pwede namang ako nalang diba? Hindi kita sasaktan ng ganyan kung ako yung pinili mong mahalin.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan kaso hindi naman ako ganong klaseng tao. Hahayaan ko siyang maging masaya sa kung saan siya masaya. Basta ako nandito lang ako sa kanya sa lahat ng oras. Malungkot man siya o masaya----- I'm here. I'm still here for her.
"Hayaan mo muna siyang magpaliwanag sayo Dong, tulad nga ng sabi sayo ni Amy baka naman nahihiya lang talaga si Frances kay Kielle dahil nga bago niyo palang naman siya nakilala." Sabi ko sakanya. Ang hirap pala no. Ang hirap palang mag advice sa taong mahal mo. Nasasaktan din ako pag nasasaktan ka. Kung pwede lang kitang angkinin, inangkin na kita.
"Hayaan mo na nga yun. Pag kinausap niya ko ngayong araw okay na sakin." Rupok, kung ano yung kinarupok ko sa kanya mas doble pa ata yung pagkarupok niya kay Frances.
Dong bakit kaba ganyan? Ako naman yung nauna ah? Bakit hindi mo ko nakita? Sadya atang nananakit yung tadhana dahil bigla ba namang tumugtog dito sa resto yung Paubaya ni Moira..
Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal
Saan nagkulang ang aking pagmamahal?
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na?
Ako ang kasama, pero hanap mo siyaAt kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niyaSaan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako?
Ba't 'di mo inamin na mayro'ng iba?
Ako ang kayakap, pero isip mo siyaAt kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sa kaniya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niyaBa't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan?
Ako 'yung nauna, pero siya ang wakasAt kita naman sa 'yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya, pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sa kaniya
Walang nagsasalita samin hanggang sa matapos yung kanta. Damang dama ko yung kanta pero parang mas damang dama niya kasi naman hindi siya nakakain ng maayos. Tapos nakong kumain siya naman nakakatatlong subo palang ata.
"Tara na. Pupunta pako sa tent namin e meron kaming shoot ngayon." Hindi ka manlang nakakain ng maayos. Hays.
"E pwede bakong sumama sayo? Wala naman kasi akong gagawin e. Yung iba kong mga kasama sa team bumalik na ata sa Hotel kasi gusto daw nilang magswimming." Tanong ko naman sa kanya.
Actually gusto ko na sanang magpahinga kaso iniisip ko si Jaydee knowing nandoon at makakasama pa niya si Frances at Kielle. Hindi ko alam pero bakit ko din ba sinasaktan ang sarili ko? Alam ko naman na kahit ako yung nandito, kung hindi naman ako yung kailangan niya balewala din.
"Sure, mas okay nga yun para ay kausap naman ako sa tent. Madalas kasi magkausap si Ate Nile at Amy tapos si Ate Gabb at Ella naman parang may sariling mundo lagi. Syempre alam mo na kung sino kausap ni Frances diba." Napatango nalang ako at tumayo narin para makapunta sa venue nila.
Masyado ata kaming napaaga ni Jaydee dahil halos puro staff palang yung nandito kaya naman pinaupo muna ko ni Jaydee sa tabi niya habang inaayusan na siya ng isang staff, nag earphone naman siya at pumikit. Habang inaayusan siya nagphone muna ko and after ilang minutes naalala kong hindi pa nga pala ako nakakainom ng tubig sa sobrang kadaldalan naming dalawa.
Tumayo ako at kumuha ng tubig, kinuha ko narin si Jaydee kasi di ako sure kung nakainom ba siya kanina. Masyado kasing occupied yung utak ko kanina kaya hindi kona napansin ang mga bagay bagay.
Inabot ko naman sa kanya yung tubig, sinuklian naman niya ko ng matamis na ngiti. Sino ba namang hindi maiinlove sa tao na to? Ngiti palang niya nakakatunaw na lalo na pagsumayaw to wala na lusaw na naman ang puso ko.
Agad naman akong umiwas ng tingin kasi baka mahalata niyang namumula ko. Napansin ko rin na nandito na sila Ate Ella binati nila ko at tinanong kung bakit ako nandito, sinabi ko naman sa kanila and then nagsimula na sila magshoot.
Medyo matagal din pala sila pero hindi naman ako nainip, ang ganda kaya nung tinitignan ko. Iba talaga appeal ni Jaydee. Para niya kong nagagayuma sa tuwing ngumingiti siya sa camera. Pagkatapos nila agad ko naman siyang kinatyawan na magaling pala siyang magpose pose. At sinabi ko pa na sobrang professional niya kasi hindi niya dinala sa trabaho yung sama ng loob niya kay Kielle.
"Ang galing naman ng Dongdong ko. Parang pwede na sa FHM" Panloloko ko naman sa kanya habang sila Ate Gabb at Ate Nile ay nagtutulungan magtanggal ng make up. Hinampas naman ako ni Jaydee habang tumatawa.
"Loko loko ka talaga kahit kelan, gusto mo ba akong magFHM ha?" Pambubuyo naman niya na kahit siya e natatawa sa pinagsasabi niya.
Natigil yung pagtatawanan namin ng biglang pinagpaalam ni Kielle si Frances samin na magdidinner date nga daw sila. Agad namang nagbago mood ni Jaydee kung kaninang tatawa tawa siya ngayon naman bigla nalang siyang tumahimik habang inaayos niya yung gamit niya.
"Can u be my date for tonight Madie?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Like really? A DATE WITH HER? Sure ba siya diyan? Hindi ko alam kung kikiligin ba ko o ano.
Siyempre hindi naman ako makakatanggi sa kanya. Bago ako sumagot e nginitian pa niya ko ng pagkatamistamis. Lord help me not to fall inlove with this woman po huhu. Talaga namang mapapadasal kana pag kaharap mo si Jaydee. Sobrang hirap pigilan ng nararamdaman ko. Kumakabog na yung puso ko sa sobrang tuwa.
"So I guess, silence means yes Ms. Epilogo." Ngiti niya sabay hawak sa kamay ko at sumenyas kay Amanda na mauuna na kami.
Dinala ako ni Jaydee dito sa seaside. Sobrang romantic ng place halos puro couple yung mga nandito. Wala paring nagsasalita samin ni Jaydee. Ginuide naman ako ni Jaydee at pinag usog ng upuan. Such a gentlewoman. Paano naman ako hindi maiinlove sakanya?
How can I resist this woman? Huh? Tell me. Because now, I'm really sure that I'm falling deeper to you Jennifer Nandy Villaruel.
JAYDEE'S POV
Dinedma ko lahat ng narinig ko kanina. Tama na siguro yung sakit na naramdaman ko kanina nung sinita niya ako about being rude with HER KIELLE, she seems so happy kaya hinayaan ko nalang siya. Siguro nga hanggang tropa nalang kami.
Bilang pagpapasalamat ko kay Madie naisipan ko siyang idate for dinner. Hindi ko alam gagawin ko pag wala siya tabi ko--- since trainee kami para kaming kambal na hindi mapaghiwalay, she's like a sister to me.Katuwang ko yan sa lahat ng bagay. Siya lagi yung sumasalo sakin pag napapagalitan ako ni Coach pag late ako minsan. She always saved me.
Habang nagpipicture at video kami ni Madie dumating na yung order namin at kumain naman na kami agad.
"Bakit mo naman ako binibigla ng date Jaydong? Hindi tuloy ako nakapag ayos. Nakakainis ka." Singhal niya sakin habang panay naman ang kain niya.
Napakasoft person ni Madie hindi ko nga alam kung paano kami naging close. Kasi naman ako napakaingay ko talaga tapos siya naman yung tipo ng tao na pag hindi mo kinausap hindi siya magsasalita.
"You look perfect naman kahit ano suot mo. With or without make up you still look pretty." Banat ko naman sa kanya. Pero totoo yun ah. Sobrang ganda ni Madie, simple lang siya pero arghh. She's indeed beautiful.
Napansin ko naman ang pagyuko niya. Kinilig pa ata sakin wahahhahaha! Alam niyo ba si Madie napakadaling malaman pag namumula siya pano ang puti kasi tsaka fun fact lang ah sobrang dali din niya kiligin konting pang aasar lang sakanya namumula na agad yan hahahaha. Such a cutie.
"Tigilan mo nga ako sa pambobola mo kapag ako nafall sayo tignan mo." Pagbibiro naman niya kaya naman tinawanan ko siya dahil sa sobrang cute niya.
MADIE'S POV
Tignan mo to nakakainis. Tinawanan ba naman ako. Totoo naman sinabi ko sakanya. Tsaka hindi ako nafafall sa kanya kasi nga---- I already fell. Hulog na hulog nako sayo Jaydee.
Tinitignan ko lang siyang tumawa kahit na alam ko naman na malungkot talaga siya. Kahit naman hindi niya sabihin sakin. Kilalang kilala ko na siya bawat kilos niya alam ko kapag may mali.
"Actually thank you for coming talaga Madie, you've been always there to saved me since then. Eto lang yung naisip kong way to return all your goodness to me. Sana hindi ka magsawang samahan ako sa lahat ng laban ko sa buhay. Wag mokong iiwan ha? Iloveyou okay?" Sincere na sabi naman niya habang ako eto pilit kinakalma yung sarili ko dahil para nakong sasabog sa saya.
Magsasalita na sana ko kaso hindi pa pala siya tapos magsalita... Binitawan niya yung hawak niyang kutsara't tinidor. She hold my hand and directly look into my eyes.
"Thank you. You've been my bestfriend and a sister to me since then. And I want you to know that you are the best of the best friend in the world." She peck in my hand and binawi ko naman na iyon agad. Sinuklian ko naman siya ng matamis na ngiti atsaka kami nagpatuloy sa pagkain.
Bestfriend and sister. Madie the great bestfriend of Jaydee u should know that self.
KIELLE'S POV
Habang kumakain kami ni Frances she seems so quiet. I don't know why. Hindi ba niya gusto yung pagkain? Sht baka nga. Palpak pa unang date namin arggh.
"Hey? U don't like the food ba? Ang tahimik mo kasi e." Napapitlag pa siya nung nagsalita ako. Grabe ang lalim naman ng iniisip neto.
"No, uhm.. Not really I'm sorry. It's good actually thank you for having me here." Sabi naman niya while smiling. Oh God she looks so perfect.
"Really? You seem so pre-occupied what's on your mind?" I ask.
FRANCES' POV
Nakakahiya naman kay Kielle sht. Bakit ba kasi naiisip ko kung nasaan na yung dalawa na yun like hello? I have my own date naman with my girl crush pa. I'm happy ofcourse I just can't imagine na nandito ako ngayon kaharap siya while my little brainy ay kung ano ano ang nasa isip.
"Nothing, just ahmmmm my family. I just miss them." Sagot ko sa kanya. Wala naman nakong ibang maisip na sasabihin sa kanya. Alangan namang tanungin ko siya kung saan kaya nagpunta si Madie at Jaydee diba.
"Oww, u wanna call them right now?" she asked.
"Maybe mamaya nalang bago matulog. We should enjoy this night I think." I replied with a smile on my face. She just nod at me and talk about things.
Actually we just stated our personal things like what is your favorite food, color, etc. She's fun to be with.
Habang nagtatawanan kami bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko kaya nagulat ako. I have a feeling kung saan na to papunta. Oh please no..
"Francese Therese.. I just want you to know that---- I really really do like you. And I know masyadong mabilis to pero ayoko na kasing patagalin pa. Does I make this awkward or what? Don't worry hindi mo naman kailangan sumagot. I just want you to know how I feel about you." Tuloy tuloy niyang sabi at alam ko ngayon na parang natatae na ewan yung mukha ko.
OMG IS IT REAL? KIELLE PABLO DID CONFESSED TO ME RIGHT NOW? KIELLE PABLO THE GREAT GREAT DAUGHTER OF MR.&MRS. PABLO? IT CAN'T SINK TO ME RIGHT NOW!
THE HELL! MY GIRL CRUSH JUST CONFESSED TO ME!