LANEY'S POV
Hi guys! Wow kala mo talagang vlog e no hahahahahaa. Andito kami ngayon sa baba lahat sabay sabay kaming nagbreakfast.
Tawanan. Kwentuhan. Asaran. Natural na samin to. Pero ang hindi natural si Jaydee na kanina pa bangkang bangka sa usapan. Sobrang saya ata neto ngayon kita na pati ngalangala pag tumatawa.
"Ano meron kay Dong ngayon? Birthday ba niya?" bulong naman sakin ni Amy na halatang narinig ni Ate Gabb dahil magkakatabi lang naman kami katapat namin sila Jaydee.
"Taka, baka naman sinagot na siya ni Frances hahahaaha" Bulong ko naman pabalik.
"Malabo yan mga par at hindi pa nga umaamin yang tropa niyo. Malamang sa malamang e maunahan pa yan hahahahaha" Singit naman ni Ate Gabb habang kumakain. Anong mauunahan? Bakit meron paba nagkakagusto kay Ces na kamiyembro namin?
I mean naglolokohan lang naman kami pati yung iba syempre close na namin sila. Minsan nagkakantyawan kami na crush namin si ganito ganyan. Ako nga crush ko si Amy pero tropa kami. Crush na paghanga lang talaga hindi yung in a romantic way.
"Bakit sino kaagaw ni Dong?" Pabalik tanong naman ni Amy sakanya. Habang ako inaantay kong sumagot si Ate Gabb kaso biglang sumingit si Jaydee.
"Hoy! Ano yang pinagbubulungan niyo jan ha! Mga taksil talaga kayo saken porket di niyo ko katabi!" Pagtatampong kunwari naman ni Dong.
"Ayan sa kanya niyo tanong alam niya yun." Sagot naman ni Ate Gabb tsaka nagpatuloy ng makipag usap kila Ate Ella.
May sarisarili namang mundo sila Ate Abby at yung iba pang miyembro kaya naman pinangliitan ko ng mata si Jaydee habang naagaw naman namin ang pansin ni Frances.
"Ano yun?" Tanong ni Frances kay Jaydee.
"Wag mo ng pansinin yan mga baliw yan baby" At talagang pinanindigan niya yun ha! Well happy naman kami para kay Dong. Makita lang namin siya happy— happy toothpaste narin kami. (Waley kbye)
FRANCES' POV
Pagkatapos namin kumain ng almusal nagpasya kaming lahat na maglibot libot muna. Yung iba kasi may gagawin na after lunch kami naman kasi nila Ate Ella 2pm pa kaya medyo mahaba haba pa yung time namin para makapaglibot.
*Ting* 1 Message
Binuksan ko naman yon at nakita kong si Kielle ang nagtext sakin.
"Goodmorning. Where r u?" Hmm para sakin ba talaga to? Bakit naman niya ko hinahanap? Hindi ko na muna siya nireplyan at patuloy akong nakikipagharutan sa ibang members.
*Ting* "Hey? I just saw your story. Pwede ba kong sumama?" Ow shoot! Nagstory nga pala ko sa IG na nandito kami malapit sa Cave na pagpapasyalan namin. Bago ako magreply kinausap ko muna ang girls.
"Uhm guys? The daughter of Mr. & Mrs. Pablo wants to join us here? Is it okay?" Medyo awkward kasi hindi naman nila alam na kausap ko yun and take note. Hindi pa nila yun namemeet kasi nga hindi naman siya umattend sa meeting nung nakaraan.
"Si Ella ba?" Sabi naman ni Ate Gia. Yung iba naman nakatingin sakin na parang inaantay akong sumagot.
"Nope. Yung ano guys, yung hindi umattend sa meeting non hehehe" Kamot ko naman sa ulo ko kasi nakakahiya sa kanila. Napansin ko naman ang pagtahimik ng iba na parang inaantay pa nila ulit akong magsalita and big thanks kay Ate Nile dahil siya na ang sumagot.
"Si Kielle. Kielle Pablo panganay na anak nila Mr. and Mrs. Pablo, photographer namin siya kaya namin siya nameet. Right Team?" Sabay tingin kila Jaydee, Ate Ella at Ate Gabb. Tumango naman sila Ate Ella and si Jaydee naman parang walang narinig kaya naman—-
"WAIT? ARE U SERIOUS?" Sigaw naman ni Ate Sheki with matching pandidilat ng mata kay Ate Jem.
"Uhm? Yeah as they said." Sabi naman ni Ate Ella. Kinakabahan ako baka hindi sila pumayag pano ko idedecline si Kielle huhu.
"Ahhhhh!!! Omyggggg! Ultimate girl crush namin yun ni Jem!" Nagtatalon pa yung dalawa kaya naman parang takang taka yung iba.
"Sakin okay na okay lang siyang sumama satin omyghad." Sagot naman ni Ate Jem habang kilig na kilig parin sila ni Ate Sheki. Si Ate Jem nga pala yung nakakwentuhan ko non tungkol kay Kielle nung hindi ko pa siya kilala. Nakita ko namang natuwa yung iba kaya naman tinanong kona ulit sila.
"So guys ano? G?" tanong ko sa kanila and hindi naman na sila kumontra pa. Kaya dali dali kong nireplyan si Kielle na sumunod na siya dito.
Wala pang 15mins. siguro nandito na siya. And yung dalawa naman doon ay parang kitikiti na hindi maintindihan ang lagay hahahahaha. Hindi naman mahirap pakisamahan si Kielle kaya naman nakasundo niya na rin halos yung girls. Nahati kami sa dalawang grupo sa paglalakad kasi masyado kaming madami.
Sila Ate Gabb,Coco,Brei,Amy,Laney,Jaydee,Maddie,Lara,Nile,Louisse,Karla, Ella, Abby and Sela nandon sa likod tapos yung the rest nandito samin ni Kielle.
Tuwang tuwa ako kasi akala ko magiging awkward tong bonding namin with Kielle pero hindi naman pala.
GABB'S POV
"Sabi ko naman sayo, bakuran mona." Kanina pa kasi nagmamaktol tong si Jaydee. Ang kulit kasi e. Kinuwento na niya samin lahat ng nangyare. Pati rin naman ako naguguluhan dito kay Frances. Hindi ko alam kung ano ba gusto niya. Kung may gusto ba siya kay Jaydee o ano. Hays masisiraan ata ako ng bait sa dalawang to.
"U have feelings for Frances Dong?" Tanong naman ni Madie. Ito pa isa. Napapansin ko nga may gusto to kay Jaydee kasi simula trainee palang kami iba na talaga yung bonding nila. Kaso eto namang si Dong hindi ata yun nakikita. Well I'm not sure din naman, wala naman nababanggit sakin si Madie.
"Haynako Madong, kelan kaba pinanganak? Matagal na nga niyang pinapantasya yang si Frances" Sagot naman ni Amanda. Habang si Jaydee nakakunot parin ang noo. Wala naman kaming magagawa nasa kanya naman kasi yung desisyon at kung ano yung nararamdaman niya.
"My poor dodong.. Come here lemme hug u nalang" Kinatiyawan naman namin sila. Actually they look good together.
Naenjoy naman naming lahat yung paglilibot namin dito sa Cave. Si Jaydee ayon pinapasaya naman nila Amy with Madie. Kami naman ni Akin(Ella) nakapagpicture na. Habang ang CocoBrei ay naghaharutan parin. Yung ibang members aliw na aliw parin kay Kielle. Yung iba naman wala na kasi gagawin na nila yung mga designated projects nila.
"Guys, medyo late na pala tara maglunch na tayo. Alam ko busy na kayo niyan after lunch. Yung team mo naman Frances saakin naman kayo— walang problema don sabay sabay tayong malate hahahaha" Sabi naman ni Kielle at ayon na nga nagkayayaan na kami kumain.
May kanya kanya ng toka ang bawat isa. Nagpaalaman na kami kasi maghihiwalay hiwalay na kami. Yung iba doon na kakain kismo sa tent nila kami naman diko sure kung saan kami.
"Take care dodong!" Sabay kiss naman ni Madie kay Jaydee. Tapos tumakbo na palapit doon kila Laney.
"HOY BAKIT MAY PAGKISS KA SA ASAWA KO!!" Sigaw naman ni Amanda kay Madie pero dinilaan lang siya nito.
Ang mga batang ire ano. Natutuwa naman ako at ganyan sila sa isa't isa. Well, atleast hindi sila nag aaway away.
FRANCES' POV
Dodong? Ang panget naman ng tawag. Char. Etong Amanda na to may Laney na umaasawa pa kay Jaydee. Hays. Eh ano namang pake ko diba? Bakit ba ginagawan ko na naman ng issue yun e halata namang naghaharutan lang sila. Haynako self buang.
Naiwan kami dito nila Ate with Kielle.
"So ano tara lunch?" Aya naman samin ni Kielle. Si Amanda naman ang unang sumagot.
"Sure. Kayo ba guys?" Tanong naman niya samin.
Tumango naman kaming lahat pwera kay Jaydee na nagpatianod lang samin.
Kanina kopa siya hindi nakakausap mula nung dumating si Kielle. Kasi nakakahiya namang iwan to sa mga kamembers ko and napansin ko namang masaya siya kanina kay Madie. I mean, masaya naman siya kanina nagtilian pa nga sila Ate kanina nung niyakap siya ni Madie. Ade wow.
"Hey? R u okay? Ang tahimik mo ata." Bigla namang tanong sakin ni Kielle. Kinikilig naman ako sa tuwing chinecheck niya kung okay lang ako. I think girl crush ko nga siya omg. Nakakahiya.
"Yea, nagugutom lang siguro hahahaahha" Sabi ko naman and what the hell she just rubbed my hair and said..
"Don't be so cute. I might fall" Hindi ko alam kung narinig yun nung iba kasi nasa unahan namin sila and I think... NO! I'm PRETTY SURE THAT MY FACE RIGHT NOW IS RED AS HELL!!!
"You're blushing.." Pang aasar naman niya sakin kaya naman hinampas ko siya. And late kona na realized kung ano yung ginawa ko. Owsht.
"Sorry sorry. Myghad. Wag mo kasi ako inaasar sorry." Hiyang hiya namang sabi ko kaya naman napalingon sila Jaydee samin.
"Bakit? Ano nangyare?" Tanong naman bigla ni Jaydee.
"Wala, ano kaba. Hindi naman masakit tsaka wag kana mahiya sakin." Sagot naman ni Kielle ng nakatingin sakin.
"Can we walk together?" Sabi naman ni Jaydee ng nakatingin sakin. What does she mean?
"We are fine here. Don't worry hindi naman ako nangangagat and I won't do anything to hurt this lady. Come on let's continue to walk baka hindi na tayo makapagshoot niyan." Sabi naman ni Kielle in a serious way. Damn, she looks so hot.
Inaantay ko kung magsasalita si Jaydee kasi nakatingin samin yung apat. Bakit parang nakakaramdam ako ng tensyon? O sadyang mainit talaga dahil katirikan ng araw?
"Frances, ang sabi ko sabay tayong maglakad. Ma'am Kielle u can walk naman diba? Kasabay kaming lahat? I just want to talk in private with my Queen. Can I?" Sagot naman ni Jaydee.
OMG. THEY LEAVE ME SO SPEECHLESS.
Hinatak naman ako ni Jaydee at hindi na inantay sumagot pa si Kielle.
"What's your problem dong?! Don't be so rude with her!" Singhal ko naman kay Jaydee. Hindi naman tama kasi ginawa niya. I mean it's so rude!
"Okay. Then be with her." Sabi niya at derederechong naglakad. Hinabol naman siya ni Amy.
Hindi naman na nagsalita kaming mga naiwan pa dito dahil ayaw na rin naman na siguro nilang makielam pa tsaka nandito rin kasi si Kielle kaya siguro gets naman na nila Ate na wag muna pag usapan.
Naglunch kami ng hindi kasabay si Jaydee. Si Amy bumalik siya kanina nung nasa resto na kami and sabi niya pinabalik daw siya ni Jaydee dito samin. Susunod nalang daw siya. Pero wala. Hindi naman siya sumunod. Hindi narin naman na nagtanong si Kielle 'coz I think they are not in good terms based on kanina.
"I'm sorry Kielle." Sabi ko naman sa kanya habang papunta kami sa venue.
"No problem. Wala namang kaso sakin yun. Baka badtrip lang talaga siya or what. I understand." Sagot naman sakin ni Kielle.
Dumating kami sa venue nandoon na si Jaydee. Nakapikit habang may nakasalpak na earphone. Gusto ko sana siyang lapitan kaso biglang lumitaw si Madie sa kung saan ng may dalang tubig. Inabot niya ito kay Jaydee at sinuklian naman siya nito ng ngiti.
Bakit nandito si Madie? Akala ko ba meron silang project ngayon? Tsaka kanina badtrip si Jaydee diba? Nag walk out pa nga. Tapos hindi pa siya sumabay samin maglunch? For what? Tapos ngayon naman nandito sa tent namin si Madie. Wala namang kaso sakin na nandito siya— I'm just wondering why.
Siguro kaya hindi siya sumabay samin maglunch kasi kasabay niya si Madie. Hmmm. Dunno. Parang nawalan tuloy ako ng gana magtrabaho ngayon. Arghh.
"Hey, focus." Sabi naman sakin ni Kielle dahil magstart na rin naman kami at ako ang unang kukuhanan niya.
"Yeayeah. I'm sorry" Sagot ko naman and tinap niya lang yung head ko tsaka niya ako nginitian.
"You can do this. Okay? Smile." Sabi niya sakin at kinuhanan na niya ko.
Natapos kami magshoot pero andito parin si Madie. Nakita ko namang pinuntahan ni Amy yung dalawa.
"Ano nangyari kanina?" Tanong naman sakin ni Ate Ella. Sasagot na sana ko ng biglang...
"Guys? Can I borrow Frances for tonight?" Nagulantang naman ako sa sinabi ni Kielle. Napalingon sila Jaydee samin pati si Ate Gabb at Ate Nile na nagtutulong mag alis ng make up.
"Borrow? For what?" narinig ko namang tanong ni Ate Gabb.
"Uhm. I called narin naman na si Coach niyo aayain ko lang sana siya magdinner with me." WAIT?
"Oww, dinner date?" Sagot naman ni Amy. Nakita ko naman sa peripheral view ko na nagtatawan naman sila Madie at Jaydee.
"Ahm. Ganoon na nga sana kung papayag kayo at siya." Ngiting tugon naman ni Kielle kay Amy.
"Maybe si Frances nalang tanungin mo about jan kasi samin wala namang kaso basta nagpaalam ka kay Coach at iuwi mo siya ng buong buo." Sagot naman ni Ate Ella habang nandito sa tabi ko.
Nakatingin naman silang lahat sakin pwera kay Madie at Jaydee na nag aayos na ng gamit na parang walang naririnig.
"Yeah. Sure. It's okay." Sagot ko naman nagulat naman ako sa pagyakap ni Kielle sakin.
"Thankyou!— owww shooot! I'm sorry for hugging u. I'm just glad that you accept my offer." Nginitian ko naman siya and ayun naghiwahiwalay na kami. Nagpaalaman naman na kami sa isa't isa. Naunang umalis sila Jaydee at Madie. Kaya naman tinanong ko si Amy bago kami tuluyang umalis.
"Asan sila Jaydee?" Tanong ko kila Amy na nag aayos na ng gamit.
"Ah. Nauna na sila Ces kasi mukang may dinner date din sila ni Madie hindi rin daw sila sasabay samin e." Sagot naman ni Amy.
Oh really. Well good for her.
I think?