Chapter 8

1788 Words
JAYDEE'S POV Kaya pala parang familiar siya kanina sakin nung nagpakilala siya samin siya pala yung tiktoker na pinag uusapan nila Queen nung nakaraan. Grabe ang yaman pala talaga nila. Tapos na kami magshoot and chinecheck nalang niya yung photos. Kanina kopa nga nahahalata na puri siya ng puri kay Queen. Actually lahat naman kami kaso may nararamdaman ako iba. Char. Nag ooverthink na naman ako wahahahaha! "You did well guys!" Sabi ni Kielle sa amin. Nakapagpalit na kami ng mga suot namin and I think magdidinner na. "Thank you po." Sabi naming lahat and si Ate Gabb nga may pagyuko pa napayuko din tuloy ako hahahaha. "So tara dinner?" Aya niya samin pero nakatingin lang naman siya kay Queen. Aba aba. Nagtinginan muna kaming lima si Nile kasi alam ko sasabay siya kila Lara yun kasi kasama niya sa room. Kaya inaantay namin siyang sumagot. "Uhm. Ako I'm free naman. Sinabihan naman nako nila Lara na pag mauuna sila matapos magchat siya sakin kaso wala pa sila kaya siguro mauna na tayo? Medyo gutom narin naman nako hehe" Sabi naman ni Ate Nile may pagkamot pa sa ulo. Syempre nakakahiya kaya mga tol. Anak to ng may ari nung Hotel tsaka etong lahat ng projects namin sa kanila kaya duh? sino ba naman kami wahahahahaha "Siguro wag na. Ano kasi e nakakahiya diba? Ate Ella?" Singit naman ni Queen. "Oh bakit naman kayo mahihiya sakin? Come on don't be shy 5 months tayong magsasama." Sabi niya samin at ngumiti pa kay Queen. Talaga namann! Char baka naman oa ko lang wahaha! "Eh? Ces? okay lang naman siguro tsaka para maging comfortable din tayo sa kanya hehe. Diba ikaw yung magiging photographer namin for this whole project?" Tanong naman ni Ate Ella. "Yeah. Ako nga hehehe" Ang cute niya totoo. Nakakabakla. Charot! Ang ganda niya and pogi rin mga tol. Agad namang inakbayan ni Ate Gabb si Ate Ella. Hoy Gabbo! Hahahahahahaha cute. Napatingin tuloy si Ate Ella sa kanya and yung mukha naman ni Ate Gabb eto. Well. Binabakuran. HAHAHAHAHAHAHA So ayun na nga wala narin naman na kaming nagawa kundi magdinner kaming anim. Napansjn ko na ang tahimik ni Queen habang si Kielle at Nile ay magkausap tapos si Ate Gabb at Ella naman busy sa pagtiktok. "Gutom kana ba?" Bulong ko sa kanya. "Hindi pa naman masyado." Kanina pa kasi kami umorder pero wala pa. Ako kasi nagugutom na hahahaha! "Bakit ang tamlay mo?" Tanong ko ulit. "Hey are u fine? Gusto mo ba ng gamot?" Sabat naman ni Kielle. Kanina kausap niya si Nile ah! hmm. Pano naman niya narinig pinag uusapan namin -.- "Yeah. I'm fine. Thanks. Napagod lang siguro hehe" Sagot naman ni Queen. Nagkasabay pa kaming tumayo ni Kielle. "Kuha na kitang tubig" sabi ko "Water u want?" tanong naman niya. Kaya naman napatingin samin sila Ate Gabb. Wala paring umuupo saming dalawa, napatahimik lahat. "Oh tubig Ces" Abot naman ni Nile kay Queen. "Thanks Ate. Umupo na kayong dalawa ayan na yjng food oh." Sabi naman ni Queen. Napapagitnaan namin siya and hindi ko mapigilan na matingin sa kanya kasi ang tahimik niya talaga. Kanina pa to e. Nung nagsimula kaming magshoot hays. "Btw. Frances—- I messaged u on t****k" Wait? Message? Kailan pa sila naging close? (Close agad Jaydee? Hindi ba pwedeng chatmate muna?) "Uhm.. Yeah I saw it kaso nakalimutan kita replyan kanina hehe nasa isip ko kasi tong shoot and ikaw naman pala yung photographer hahaha" Sabi naman ni Queen. Inaantay kong magsalita si Ate Gabb kasi sinenyasan kona siya na umuwi na kami sa Hotel pero siguro nahihiya din siya tulad ko na umepal sa usapan ng dalawa. "It's okay. So I think the next time I message u— You'll reply naman right? hahahaha" Ade kayo na chatmate buset na to. Sa harap kopa nag gantuhan. "Ofcourse. Yeah." Teka? Namula ba siya? O sa ilaw lang yun ng resto? "Hello? Yes coach opo. Okay po. Yeah yeah bye." Napatingin naman kami kay Nile. "Uhm si coach hinahanap na tayo. Tayo nalang daw wala sa room." Buti naman kala ko magchichismisan pa tong dalawa na to. Habang naglalakad kami pauwi nasa likod silang dalawa. Oo may sarili lang naman silang buhay. Kaya naman etong tatlo na to nakatingin sakin na para bang inaasar pako -.- "Selos ka dong? Hahahahaha!" Pang aasar sakin ni Ate Nile. Nakakainis naman e. Bakit ba kasi ihahatid pa niya kami? E kaya naman naming bumalik sa Hotel hindi naman kami maliligaw. "Wag niyo nga akong asarin. Badtrip na nga ako e" Magsasalita sana si Ate Gabb kaso narinig naming nagtatawanan sila Kielle at Frances kaya naman nung napansin nila na napatingin kami sa kanila nag peace sign lang silang dalawa at naghampasan. Wow kanina lang parang wala kang sa mood. Tapos ngayon may pahampas hampas kapa? Hampasin kaya kita jan Queen? charot na may halong kirot. "Oh wag mo ng tignan. Magkatabi naman kayo sa kama e hahahahahahha" sabi ni Ate Gabb sakin sabay akbay. Hindi ko nalang yun pinansin at nauna na sa room namin. Medyo malapit naman na din kasi kami. FRANCES' POV Grabe ang dami kong tawa dahil sa tao na yon hahaha! Ang saya niya palang kasama. Not bad. Nasa lobby na kami and nagpaalam na sa amin si Kielle nun ko lang napansin na wala na si Jaydee nasan naman kaya yung babae na yon? "Mga Ate asan si Dong?" tanong ko sa kanila habang pasakay kami ng elevator. "Tumalon na sa rooftop" Sagot naman ni Ate Gabb. Na agad naman siyang binatukan ni Ate Ella. Haynako si Ate talaga. "Nauna na bunso natatae ata nagmamadali e" Hahahaha mabilis talaga metabolism ng babae na yun. Grabe di manlang kami inantay. Nagpaalam naman na sa amin si Ate Nile dahil iba nga siya ng room pero dito din siya sa floor namin halos magkakadikit lang naman din kami. Naabutan kong nakahiga na si Dong kaya naman tumalon na ako sa higaan namin atsaka ko siya inasar. "Sino kaya ang nagmamadaling bumalik sa kwarto dahil natatae na? hahaha" Pang aasar ko sa kanya with matching tatlong tawa. Oo nabilang ko baket angal ka? Hindi manlang niya ko nilingon. Kaya naman napalingon ako kay Ate Ella at Ate Gabb. Ano problema nito? Nginusuan ko naman sila Ate dahil nagkibit balikat lang naman sila sa akin. Nagcocod pala siya baka di niya ko narinig? Pero imposible no! Anlakas kaya ng boses ko. Hmp! Tampo nako. Ginawa ko naglinis muna ko ng katawan ko tsaka ako nagpalit ng pajama tapos nagskin care na rin ako para if ever na makakatulog nako e okay na. Sumampa nako ulit sa kama namin at napansin ko namang tulog na ang aking mga magulang sa kabilang kama kaya naman nagpapansin ako kay Jaydee. Sinisiksik ko siya muntik na nga malaglag e hahahaha! Hinarap ko na siya kasi naman ayaw niya akong pansinin! "Dong..." tawag ko sa kanya. Hindi niya padin akk nililingon nakikipagchat pa rin siya sa kung kanjno man yun. Sinilip ko naman curious ako e bat ba! Team Mateluk tsaka si Maddie ang nakita ko sa messenger niya. Hmmmm. Gabing gabi na nakikipagchat pa sa iba! Tsaka di manlang ako pinapansin kainis naman to! "Dong? Ding dong ding dong ding dong!" Paulit ulit kong sabi sa tapat ng tenga niya. Nainis na siguro kaya pinansin na niya ko whaahahah! Papansinin mo din pala ko e -.- "Bakit?" Ay wow. Ang cold ng mama niyo. Problema neto? Red days ba? "Luh. Ang sungit mo naman kala ko ba baby moko? Bakit hindi moko pinapansin? Tsaka bakit hindi mopako niyayakap?" Pagtatampo ko naman sa kanya. Siyempre ginamitan ko ng powers ko para pansinin na niya ko no. Diko naman alam bakit niya ko di pinapansin. Hmm "Hays. Oo na. Ikaw kase e!" O bakit naman naging kasalanan kopa ngayon e wala naman akong ginagawa? Buang neto. "Hoy dong ano ginawa ko sayo? Dahil ba inasar kita na tumae ka?" Yun lang kase naiisip ko e hahahahahaha. "Tsk. Nevermind. Halika na nga dito baby ko. Hindi naman kita natitiis." Sabay bitaw sa phone niya at yumakap naman sakin. Ayan ganyan sana Jaydee may painarte inarte kapang nalalaman jan. Sapokin kaya kita. Tumahimik lang muna kami saglit makakatulog na sana kami ng biglang nagring phone ko. Teka? May tumatawag? Number lang? Hoy anong oras na kaya hating gabi na jusko naman. JAYDEE'S POV Ang sarap na ng puwesto namin e. Patulog na sana kami oh! Badtrip may tumawag pa. Dali dali namang kumalas sa yakap ko si Queen dahil baka magising sila Ate sa kabilang kama nakakahiya. "Hello?" Rinig kong sabi ng nasa kabilang linya. "Uhm? Hi? Sino to? I'm sorry hindi kasi nakasave number mo." Sabay lingon sakin ni Queen na parang nagtataka kung sino yung tumawag. "Hey it's me. Kielle diba hiningi ko number mo kanina? U forgot?" Pagkarinig na pagkarinig ko palang nagtalukbong nako ng kumot atsaka lumingon sa kabilang side ng bed namin. "Oww. Yeyeye i forgot I'm really sorry. I'll save it from now on haha" Rinig kong sagot ni Queen. Ade wow. Hating gabi na tumatawag pa. Patulog na yung tao nang iistorbo pa. Kainis. Bakit ba ang bitter ko? "Nakaistorbo bako? I mean tulog ka na ba nung natawag ako?" Kung tulog yan ade sana hindi na nakasagot sa tawag mo! Hindi ako galit. Hindi talaga! "Uhm. Not really patulog palang din naman ako." Ikaw lang? Ikaw lang yung patulog ha? "Oh nice. I think we should call it a night? Haha. Baka magka eyebags ka sisihin mopa ako." Kalbuhin pa kita e. Jk lang bitter lang ang ate mo. "Hahaha sige goodnight." Bakit kailangan mopa tumawa Queen? Kailangan tatawa kapag maggugoodnight? "Yeah. Goodnight. See you tomorrow lady." Lady lady chuchuchu. Narinig ko namang nag end call na sila buti naman. Hindi ako gumagalaw guys. Kwari tulog nako. HAHAHAHAHAHAHA "Tignan mo to. Hindi manlang ako inantay matulog" Ako ba kausap niya? Dipa ko tulog hoy. Gusto ko sana siyang lingunin kaso gusto kong antayin kung may sasabihin pa siya. "Grabe tong araw na to. Sobrang saya." Bulong niya pero rinig na rinig ko. Kanino ka naging masaya Queen? Sakin ba? Asa naman ako e no. Inaantay kopa kung may kasunod pero wala nakong narinig. Naramdaman ko nalang na yumakap na siya sakin tsaka siya bumulong... . . . . . . . . . . . . . . . . . Goodnight b. BUMILIS t***k NG PUSO KO HOY! ABNORMAL NA ATA AKO KANINA LANG RANT AKO NG RANT TAPOS AHHHHHHH!!!!! JUSQ MAHABAGING RUDEH BAKIT KA NAMAN GANYAN SA AKIN. HUHU LAKAS BUMAWI! MAGTATAMPO NA SANA KO KASO WAG NALANG PALA WAHAHAHAHAHHAHAHAHA! GOODNIGHT GUYS MATULOG NA DIN KAYO HOY! BUKAS NA DAW MAG UUPDATE SI WRITER BLEHHHH!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD