//CONTINUATION OF FLASHBACK
ELLA'S POV
So natapos na yung dinner namin at the same time yung meeting with Pablo Family. They are so kind and down to earth kahit na mayaman sila. Mr. and Mrs. Pablo have two daughters pero kanina isa lang yung nandon and guess what? Kapangalan ko siya. Si Ella Pablo. And sabi nila kanina na yung isa daw nilang daughter ay nasa labas and kanina pa daw nila kinocontact pero hindi ito nasagot. Marami daw kasi talaga yun inaasikaso dito sa business nila kay ayun.
And yung napag usapan kanina ay yung designated projects namin with Team Pablo. I was designated in Modeling with Nile, Frances, Jaydee, Amy and Gabb. Sila Coco naman ay sa cosmetics. Yung iba naman sa pagkain wahahahahaha andon siyempre ang Becka hinding hindi mapaghihiwalay yon pagdating sa pagkain HAHAHA. Tapos sila Sheki naman may bubuuin atang kanta for the Theme Song sa Anniversary ng Hotel and then sasayawin naminb lahat yon sa event.
Pabalik na kami sa mga kwarto namin dahil late na rin halos mag10pm na. Sobrang saya kasi makipag usap sa kanila. Like u are belong talaga sa kanilang business. I hope this will work para hindi naman kami mapahiya. I know our team naman ay desidido talaga at gustong gusto nila yung mga projects namin ngayon.
JAYDEE'S POV
Pinagpapasalamat ko talaga na matangkad ako wahahahaha! Biruin niyo yon kasama ko pa si Frances sa shoot! Well eto na nga siguro ang panahon para ligawan ko siya. (Naks ligawan wahahahahahaha ok ka lang te?) Jk lang syempre. What I mean is. Ipagpapatuloy ko kung ano man tong nararamdaman ko sa kanya. Tulad ng napag usapan namin ni Ate Gabb pag naman may effect kay Queen yung mga ginagawa ko don nako may chance, so that means na pwede ko ng planuhin ang aking pag amin sa kanya. Kinda excited tho! SANA LORD IBIGAY MO SA SAKIN ITONG ISA SA MGA ANGHEL MO——- sana.
Nandito na kami sa kwarto at kinakabahan ako dahil first time ko siyang makakatabi sa kama. Busy siya sa phone niya. Yung dalawa naman naming roommate maganda na ang puwesto at nagbubulungan doon.
"San mo gusto? Kaliwa o kanan?" Alam ko kasi gusto niya sa gilid ng pader. Ayun ang sabi sakin ni Ate Ella.
"Uhm. Kahit saan... Ikaw bahala kung san mo gusto" Sabi niya habang type ng type sa kanyang phone. Ginawa ko ako nalang dito sa left side at dun naman siya sa right side kung nasaan yung pader.
Humiga na ko. Tapos tumabi na rin siya sakin. Hindi na siya nagcecellphone kaya naman humarap ako sa kanya. Halatang nagulat siya kasi nakatingin lang siya sa kisame. Parang tanga to wahahahahaha! Hindi ko naman siya aanuhin halatang kabado HAHAHAHA!
"Huy, gagalaw ka." Sabi ko sa kanya with matching mahinang hampas. Natatawa kasi ako sa kanya wahahahahaha! Ang cute.
"Ha? Ano— ano kaba. Nag aano ko. Tawag dito—- nakalimutan kona tuloy ikaw kasi e!" Ako naman yung nabigla ng bigla siyang humarap sakin.
? - me☺️ - Siya
"Oh bakit ka namumula? HAHAHA" pang-aasar niya sakin with matching tatlong tawa. Oo ganyan lang talaga siya tumawa parang laging bitin hahaahaha!
"Bakit mo naman ako ginugulat Queen! Hindi ako sanay na merong magandang nilalang na nakatingin sakin" Banat ko naman sa kanya. O ade ngayon siya ang namula hahahahahaha!
"Huy! wahahahaha wag kang maingay tulog na sila ate oh" Nguso naman niya sa kabilang bed. Napatitig naman ako sa lips niya. Bakit naman kasi may pag nguso!!
Napansin niya sigurong napatingin ako kaya naman hinampas niya ko ng mahina.
"Buang ka lika na nga dito inaantok nako. Manyak ka talaga kahit kelan!" Pang aasar naman niya sakin. Sabay yakap.
Aba ako pa manyak ngayon? E sino kaya tong nakayakap sakin ngayon? Well. Gusto ko naman to no. WAHAHAHAHAHA! Aangal paba ko tol? Hindi na uy!
"E sino kaya ang tsansing satin ngayon o?" Bulong ko sa kanya.
"I just want a hug dong. Bahala ka nga diyan!" Sabay talikod sakin.
Talaga naman! Napakamoody neto. Wahahahaha kung hindi lang kita mahal nako! Niyakap ko nalang siya kahit nakatalikod siya.
"Sorry na baby ko." Bulong ko naman sa kanya. Hindi naman siya nagsalita pero hinawakan niya yung kamay kong nakayakap sa kanya tsaka siya sumiksik sakin.
Hays. Ang sarap sa feeling. Wala na ata akong ibang hihilingin pa. Nakatulog ako ng ganon ang puwesto namin.
"Picturan mo bilis!" Rinig kong may nagbubulungan. Inaantok pako kaya hindi na muna ako dumilat.
*Click* *Click*
Ano ba yan. Ang ingay naman netong dalawa na to! Hays. Dumilat ako at halatang halata ang gulat ng Uniphant.
Tatayo sana ako ng mapansin kong nakayakap pala sakin si Queen at take note. Nakadantay pa ang paa niya sa legs ko. Hindi ako makagalaw baka magising siya.
Kaya naman abot abot ang tukso sa akin ng dalawa. Nahihiya ako acccKkKkk!! Natatawa ako na hindi ko maintindihan. Kaya naman sinenyasan ko silang dalawa na umalis na at baka magising pa si Queen aynako! Anong oras na kaya? Huhu. Siguro maaga pa naman kasi mukang maglalakad lakad pa yung dalawa sa labas hindi naman kasi sila nakagayak. Hapon pa naman kasi shoot namin for the project and dahil hapon pa naman. Susulitin kona tong oras na to no! WAHAHAHAHAHAHA.
Tinitigan ko lang siya habang natutulog. Sobrang payapa ng face niya. I think eto yung sinasabi nilang perfect person. Talented. Mabait. MakaDiyos. Nasa kanya na ata lahat e. Ako nalang yung kulang.
Odiba nailusot kopa HAHAHAHAHA. Habang nagdadaydream ako dito. Nagising na siya. Nginitian ko naman siya at mukhang nagulat pa siya sa mukha ko. Panget bako? Wait baka may muta pako omg!
"Hala sorry, natakot ba kita? May muta bako? Panget bako?" Tarantang tanong ko kasi nakatalikod na siya sakin ngayon.
"Ano ba yan dong! Bakit mo naman ako tinititigan habang tulog ako! NAKAKAHIYA!" Sigaw naman niya sakin. Hahahahahahaha. Akala ko naman mukha ko yung may problema nakakainis to.
"You look beautiful naman ah. Ang sarap mo kayang titigan" Banat ko naman. Pero totoo yun walang halong biro. Ganto talaga siguro pag inlove hahahaha!
"Nakanganga pa ata ako e! Or may tulo laway or.." Hindi kona pinatapos yung sasabihin niya dahil niyakap kona siya at binulungan ng...
"Shhhhh—- Goodmorning beautiful. Kahit nakanganga o tulo laway kapa. You're still beautiful. Hindi na magbabago yun sa paningin ko." Bulong ko sa kanya.
Pinaghahampas naman niya ko at derederecho siyang pumasok sa CR. Narinig ko nalang siyang sumigaw ng..
"JENNIFER NANDY GARCIA VILLARUEL MASASAPAK TALAGA KITA!!!" Tawa naman ako ng tawa dito sa kama HAHAHAHA.
FRANCES' POV
BUWISIT NA JAYDEE BAKULAW SIYA!!! ARRRGHHHH!!! PULANG PULA AKO NGAYON DITO SA CR MATAPOS KO SIYANG SIGAWAN!!
NAKAKAINIS!! NAHIHIYA NA AKONG LUMABAS DITO SA CR.
"Baby.. gumayak kana ha? Bibili lang ako sa baba ng makakain natin. Wag ka masyadong kiligin ha? Baka mabaldog ka jan." Tawa tawa niyang sabi sakin.
"JAYDEE!! ISA KAPAG HINDI KAPA TUMIGIL TALAGA!" Narinig ko naman siya tumawa ng malakas sabay sara ng pinto.
I did my morning routine and I opened my i********: to post my morning selfie.
"Thank you for putting a smile on my face." Posted! Kanina pako tapos gumayak and nandito na rin si Jaydee tapos na rin kaming kumain ng breakfast and balak namin maglibot with Team Mateluk and CocoBrei dito sa isla.
So habang inaantay namin yung iba nagscroll muna ko sa t****k nagview ng notification and nakita ko nagcomment si @kiellepabs "nice" hineart ko naman iyon and vinisit ko account niya out of curiosity. Finollow niya pala ko. Hmmm. Followback.
Maya maya lang nakita ko nagmessage siya sakin! OMG.
@kiellepabs - Hi gorgeous!
Hindi ko muna iyon naseen dahil naagaw ng pansin namin ang katok sa pinto. Malamang sila Amy na yun dahil rinig na rinig ko siya mula dito sa loob.
"Mga bhie! Tara na mga bhie! Mamaya na lampungan mga bhie enebe!!!" rinig kong sigaw ni Amy.
"Oo nga hoy dong! Ilabas mo ang beshy ko!!!" sigaw naman ni Coco.
Nagkatinginan naman kami ni Jaydee na tawang tawa sa kanila.
Halos nalibot na ata namin lahat dito. Nagkayag namang tumambay si Laney sa dalampasigan magtiktok daw kami. HAHAHAHA adik.
Halos hindi ko napansin yung oras pag kasama ko sila. Sobrang saya lalo na kasama ko rin si Jaydee na maya't maya ang tawag sakin ng Baby buwisit na to pafall.
"Baby.." nakaakbay siya sakin ngayon habang pabalik kami sa hotel.
"BABY!?!?" SABAY SABAY NILANG SABI.
TAWANG TAWA SI JAYDEE SA REAKSYON NILA AKO NAMAN PARANG NATATAE NA EWAN.
"KELAN PA NAGING KAYO BESH?" SIGAW NAMAN SAKIN NI COCO.
ETO NAMANG KATABI KO HINDI PARIN TAPOS TUMAWA MABULUNAN KA SANA!!
"HA? HINDI AH! ETO KASI KAGABI PA YAN!!" Sabay tulak ko kay Jaydee.
"Okay lang naman mga bhie. Tanggap naman namin kayo HAHAHAHA" Sabay tawang talon si Amy at Laney.
"Teka teka? So kayo na nga?" Pagliliwanag naman ni Brei.
"Hindi pa kalma lang kayo. Hahahahaha! Masyadong indenial tong beshy mo Coco e" Sabay tawa ni Jaydee.
Siraulo talaga to! Nakakainis kaaaa!!! PANIGURADO NAMUMULA NA NAMAN AKO NGAYON!!
Hindi ko na namalayan na nandito na kami sa tapat ng kwarto at hindi parin tumitigil tong apat na to sa pang aasar sakin!
"Balitaan moko dong pag sinagot kana ah! Magpaparty tayo HAHAHA" Kantiyaw naman ni Laney.
"Besh wag mokong kakalimutan pag naging magjowa na kayo ha!" Dagdag naman ni Coco.
"Alam niyo pagod lang yan magsigayak na nga kayo!" Nandito nako sa pinto at si Jaydee naman ay nandon parin sa labas nakikipagtawanan sa apat.
"JENNIFER!! MAY SHOOT PA KAYA TAYO AT KAYONG APAT HOY? DIBA MAY PROJECTS DIN KAYO NGAYONG HAPON?" Sigaw ko naman sakanila pero tinawanan lang nila ko atsaka kumaway paalis.
Mahahighblood ako neto. Hu nako Jennifer Nandy!!
"Sorry na baby HAHAHAHA" tawang tawa lang Jaydee? Sapakin kita jan e. Inirapan ko lang siya pero tinawanan pa din niya ko. Buang.
Tapos na kaming kumain ng lunch at gumayak para sa shoot pababa na kami ng makita kong may message na naman si Kielle.
"Snob? :("
Hindi kopa rin siya siniseen busy pako. Char. Wala ako sa mood makipagchat ngayon dahil gusto ko muna magfocus dito sa project namin.
Kasama na namin sila Ate Ella. Yung dalawa naman nagkasundo na ata at mukhang kinuwento pa ni Jaydee ang nangyare kanina kaya naman patingin tingin sa akin si Ate Gabb na parang nambubuwisit.
Hindi ko nalang siya pinansin kasi nandito na rin naman na kami sa venue kung saan kami magshohoot.
"Girls wait lang ha? Wala pa kasi si Ma'am siya yung kukuha sa inyo ngayon e." Sabi naman ng isang staff ng Pablo Company.
"Okay lang po ate. Medyo maaga pa rin naman yung dating namin" Sabi naman ni Ate Ella.
Complete set na kami. Inaantay nalang talaga namin yung photographer medyo mainit dito kasi malapit kami sa dagat. Dress tong suot namin yung pang beach ni Ate Ella habang yung dalawa naman Rush Guard na terno tapos mamaya palit naman. Habang nagreretouch kami kasi medyo nahuhulas dahil sa pawis narinig namin yung isang staff na nandiyan na daw yung photographer so lumabas naman na kami agad.
Nagulat ako paglabas ko dahil hindi ko inaasahan na siya yung photographer.
"Hi! I'm Kielle Pablo— daughter of Mr. and Mrs. Pablo the owner of that Hotel" sabay nguso niya don sa Hotel kung saan kami nakastay. Ngumiti naman siya samin—Actually I think she's smiling at me.