Chapter 6

882 Words
COCO'S POV So hanggang matapos yung kanta na Halik Sa Air ay walang nagsasalita sa amin ni Frances. Malapit na naming maubos yung drinks namin pero hindi parin dumarating yung inaantay namin. Hays. "Guys. I'm sorry late ako. Thank you sa pag iintay" Naagaw naman ang atensyon namin ni Frances ang nagsalita.Wow.Dininig ni Lord panalangin ko. Nandito na siya. "It's okay Hun. Atleast nandito kana. What do u want to drink?" Sabi naman ni Frances. Hmm. Patuloy pa rin ako sa pag inom ng drinks ko. "Uhm. Siguro sa condo nalang Hun. Medyo pagod din ako e." Sabi naman ni Kielle. Yes. Si Kielle si Hun and they are together since then. Kakauwi lang ni Kielle galing flight kaya sinundo namin siya ni Ces. Actually dapat si Ces lang kasi nga magkasama naman sila sa iisang condo and ako dakilang sabit. Char. Nagpasama sakin si Besh kasi nga diko rin alam. Hahahahaha. Parang kanina lang ang bitter bitter niya sa sasakyan. Well siguro kahit naman sino hindi parin makamove on sa nangyari 2 years ago. "Uhm? San ba kayo dederecho? Alam ko may reunion tayo sa next next Sunday diba? So what's the plan?" Kasi naman yung dalawa may sarili ng mundo. Hello? Kasama niyo kaya ako. "Ow. Yeah Hun, diko pa nga pala nasasabi sayo kasi I want to tell you this in person. So like Besh said we are having reunion with the girls this 2nd week." Frances said. And hindi naman siya nagpapaalam kay Kielle. Pinapaalam niya lang. Like u know? Hindi rin naman kasi pwedeng kulang kami. Nandon kaya lahat. Dapat nga this Sunday na yun kaso nadelay yung flight ni Ate Nile kaya inaantay namin siya. "Ofcourse Hun. No problem. As long as u want to tsaka alam ko naman na miss na miss mo na sila." Mabait naman si Kielle. Through the past years wala naman silang naging problema ni Frances. Simpleng selosan lang ganon. Natural naman yun sa magjowa duh. Pero kami ni BreiBrei ko chill lang relationship namin. Hahahahaha. Masasabi kong swerte talaga ko sa babaeng yun kahit minsan napakabully sakin. "Siguro uwi muna tayo sa condo. Dapat kasi Besh don nalang kayo sa katabi naming unit e!" Singhal naman sakin ni Frances. Aba luko ata tong babae nato. Bigla biglang inaaning hahahahaha. Sa kabilang building kasi kami ni Brei and we are planning naman talaga na lumipat sa building nila Ces. Hindi ko nalang muna sinasabi sa kanya kasi nga ang Baby Brei ko ay medyo busy pa sa kanyang work. "Alam mo Frances at Kielle tara na. Ilibre niyo naman ako ng pagkain jusq. Doon nalang tayo kumain sa condo niyo para makapagpahinga narin naman si Kielle." Suggestion ko. Wala pa naman kasi si Brei mamaya pa siyang gabi uuwi kasama niya sila Jaydee,Laney,Amy at Maddie kasi nagpatayo sila ng Dance Studio. And doon sila mismo ang nagtuturo sayaw at pagkanta. "Nice idea. Medyo pagod nga ako at wala pa akong tulog. Siguro mag drive thru nalang tayo jan sa Yellow Cab." Saad naman ni Kielle. Kawawa naman tong tao nato. Sobrang dami kasing business tapos FA pa siya. Sobrang successful niyang tao. Kahit nga siguro hindi na siya magtrabaho meron pa rin siyang pera. So ganun na nga ang nangyari. Nandito na kami ngayon sa condo nila. It was nice naman pala tsaka maganda talaga sa building na to. Ang mahal kaya ng isang unit dito. Pumasok naman na si Kielle sa kwarto nila ni Frances at kami namang dalawa ay kumakain dito sa sala habang namimili siya ng panonoorin namin sa Netflix. "Besh? wag nalang kaya akong pumunta sa reunion?" Aba'y siraulo talaga to. Buang nga. Kakasabi ko lang kanina na bawal nga yung kulang. "Para saan pa't inantay nati si Ate Nile kung pwede namang kulang?" Pagtataray ko sa kanya. "Alam mo kasi Besh. I think it's not that easy" Alam ko naman yon. Pero para sayo rin naman yung pagpunta mo. I mean may kanya kanya naman na silang buhay ni Jaydee. "Tol, natanggap na natin diba? Tanggap mona. Tanggap na niya noon pa. Ano pa bang pinoproblema mo?" sabi ko habang kumakain. "Oo besh tanggap konaman na. Ang diko lang alam e pag nakita kona siya. I mean hindi ba yun awkward? Kasi alam naman nating lahat yung nangyare 2years ago." Loka talaga tong babae na to. Kahit hindi naman na problema. Pinoproblema parin niya. Syempre bago kami nagset ng reunion pinlano na namin without them (Jaydee&Frances) knowing na wala ng magbibring up nung topic. Tsaka ang balita ko sa Baby ko okay na okay naman daw si Jaydee. It feels like hindi na nga daw big deal kay Jaydee ang lahat. "Just go with the flow par. Tulad ng dati. Hindi naman natin malalaman ang mga susunod pang mangyayari not until the reunion happened. Tsaka diba sabi ni Coach sa El Nido parin daw ang venue? Sabi nga niya kakausapin niya si Kielle about that." Dagdag kopa. "Really? I didn't hear about that. Well maybe, ganon na nga lang siguro. Hayaan nalang. And ayoko rin naman ng gumawa pa ng issue about us. Okay na ako kay Kielle." Sabi naman niya habang nakatingin sa Tv. Okay ka naman kay Kielle, okay and being happy hits a lot of difference. I think u should know that Frances.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD