Chapter 5

2061 Words
FRANCES' POV Eto na yung araw na pinakahihintay naming lahat dahil—— pupunta kaming Mnl48 sa El Nido Palawan! Yup, according to our Boss Manager last meeting kung saan naganap ang kiss sa aking ilong at iniwan akong naestatwa ni Nandy. Okay okay move on. So right now nag aayos na kaming lahat. Nasa baba na yung iba nagtitiktok, may nakalive at meron naman e nagpipicture. So hinagilap agad ng mata ko si Jennifer Nandy. Pababa na ako ng hagdan ng merong humawak sa bag at maleta na dala ko. Paglingon ko walang iba kundi si Jaydee. Wala siyang dala tsaka parang kanina pa siya nasa likod ko. "Ako na." sabay kuha ng mga bags ko at dali daling bumaba ng hagdan. Hindi pako nakakasagot ah! Hmp. Diyan ako tuwang tuwa kay Jaydee— sobrang maalaga niya. "So guys, ready naba kayo?" halatang excited ang lahat dahil hindi kami magkamayaw. Nagpicture muna kami at nag aayos ng kanya kanyang gamit. Medyo matatagalan kasi kami doon sabi ni Boss Manager 5months daw ang kontrata namin sa El Nido dahil gusto daw nung may ari ng hotel na pagstay'an namin na maging endorser kaming mnl48 sa kanilang bagong business. Siguro ang dami nilang business kasi alam ko hinati hati pa kami para sa mga selected na topic like yung iba model ng damit, yung iba sa cosmetics, yung iba naman sa drinks and meron din yung sa mismong hotel nila. Ayun yung natatandaan ko. And ang alam ko isa ako sa napabilang na magmodel ng damit. Not sure pa kasi alam ko pinafinalize pa. Tumabi sa akin si Ate Jem. Nakipagkwentuhan. Nagtiktok. At nagstory saglit sa IG. Habang nagscroll ako sa Tiktok... "Ces search mo yung kiellepabs jan, dalas ko yan makita sa fyp ko ganda tsaka ang pogi jusq" Ako naman si search curious lang. Pagkasearch ko, parang namumukaan ko to. Eto yung nakita ko din sa t****k nung kelan lang. Naagaw nga din nito yung pansin ko kaya naman nagview ako ng mga videos niya. Wow. Ang astig. FA pala siya grabe hindi halata. Ang ganda ganda niya pero bakit ang pogi din niya? I think eto yung tinatawag nilang girl crush. Hahahahahaha. Pero totoo naman. Kahanga hanga naman talaga siya. Kielle. Hmm. Interesting. "Oo nga Ate! Hahahahaha. Tignan mo oh." Habang pinanonood namin yung isa sa mga video niya. "Huy ano yan?" Tanong naman ni Jaydee na nandito na sa tabi namin. "Si Kielle, nakikita mo rin ba yan sa fyp mo? Sikat yan e galing sumayaw" Sabi ni Ate Jem "Ahhh oo napapansin ko nga yan, angas kaya niya" Sino ba naman kasi di makakapansin dito sa Kielle na to. Talented. Maganda. Pogi. Tsaka muka naman siyang mabait. Natapos ang pag iisip ko sa Kielle na yan ng dumating na sila Boss Manager. "Tabi tayo sa bus." bulong sakin ni Jaydee habang dala niya ang maleta ko, maleta niya at backpack niya. Hays. Masyado mokong iniispoiled Nandy. JAYDEE'S POV Wala naman masyadong ganap sa bus. Kasi puro tawanan lang din naman kami kahit magkatabi kami ni Frances apura naman ang pakikipagharutan namin sa ibang members. Ngayon nandito naman na kami sa eroplano. Ilang oras nalang nasa El nido na kami. Eto namang katabi ko nakatulog na sabagay halos isang oras at mahigit pa naman ang biyahe namin. Sinandal ko sa balikat ko yung ulo niya atsaka ko siya tinitigan. Grabe. Siguro nung nagpaulan ng kagandahan— siya yung nasa taas. Siya yung nagpapamigay nito. Hindi ko na rin namalayan na nakatulog nako. Nagising nalang ako ng kinakalabit nako nila Brei. Tulin ko namang dinilat ang mata ko tsaka ko ginising itong katabi ko. "Ces? Ces? Gising na. Nandito na tayo." With matching kalabit pa yan. Nagising naman siya agad tsaka kami tumayo and as usual being a gentlewoman pinauna ko siya at dinala ang maleta niya. FRANCES' POV Nandito na kami sa lobby ng hotel and sa isang room apat na tao ang magsasama. Basta ang naintindihan ko si Ate Gabb, Ate Ella at Jaydee ang kasama ko sa isang room. Antok na antok pa kasi ako kaya wala ako masyadong maintindihan. Agad naman kaming umakyat sa designated rooms namin. It was 2:45pm, nakapaglunch naman na kami kanina and eto kaming apat nag aayos ng mga damit namin. Dalawa lang yung bed kaya naman napagpasyahan ni Ate Gabb na tabi sila ni Ate Ella at kami naman ni Jaydee. Okay lang naman sakin kasi—- WAIT?! WHAT!! Kami ni Jaydee!? SA IISANG KAMA?! Ang OA ko pero eto na naman ako HAHAHAHA kinakabahan na naman ako ng walang dahilan. Naknang! Char. Ano kaya feeling? Yayakapin ko din ba siya tulad ng pagyakap ko kay Ate Ella? O mgalalagay ba kami ng unan sa gitna namin? Ano ba? HAHAHA. Diko alam! Sheytinamalagkeyt! Bahala na si Batman. Natapos na akong mag ayos. At ang sabi sa amin ni Boss Manager ay magkikita kita kami sa baba ng 7:30 para magdinner. So we have extra time to do whatever we want to do. "Anong balak niyong gawin?" Tanong sa amin ni Ate Ella, si Jaydee kasi mukhang walang balak umalis kasi nakahiga lang siya at magcecellphone. Tapos na niyang ayusin gamit niya. Nasa right side siya ng kama sa tabi ng wall so ibig sabihin ako sa left kung nasaan yung lamp shade na nakagitna sa dalawang bed. Tapos ang kaharap ko naman si Ate Ella. "Ako dito lang, kayo ba Jaydee? Frances?" tanong naman ni Ate Gabb sa amin. Busy'ng busy naman si Jaydee sa phone niya sumagot siya ng hindi manlang natingin sa amin. "Dito lang din ako Ate. Samahan kita." Sagot niya habang pindot ng pindot sa phone niya. Sasagot na sana ako na magstay nalang din ako dito pero naunahan nako ni Ate Ella. "Ikaw nalang Ces sumama sakin! Gusto ko maglibot sa labas e ang ganda kaya niyan mamaya pagpalubog na yung araw. Tsaka try din natin lumusong sa dagat!" Sabi ni Ate Ella sakin na halatang halata sa mukha niya yung pagkasabik. Wala naman nakong magagawa kundi ang umoo. Aba nanay ko kaya yan. "Sige Ate. Liligo lang ako" Sabi ko sabay gayak ng mga damit ko para maligo. JAYDEE'S POV Hays nakakapagod pala bumiyahe. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod ko. Hahahahaha. So ayun nga napagpasyahan namin ni Ate Gabb na magstay nalang dito sa room. Nakaalis na yung dalawa para maglibot sa labas eto naman kami ni Ate Gabb nag aayos ng kwarto. Pinagpagan ang higaan at nagwalis. "Bakit hindi kapa umamin?" Bigla niyang sabi sakin. Ano ba ibig niyang sabihin? Natigilan ako at umupo sa tabi niya na parang nagtataka. "Bakit hindi kapa umaamin kay Frances?" Paglilinaw niya. Napayuko nalang ako. Alam niya lahat. Alam naman nilang lahat e. Halos si Ate Ella at Frances lang mismo yung hindi nakakaalam. Kahit na sabihin nating parang MU si Ate Gabb at Ate Ella never niya sinabi kay Ate Ella yung nararamdaman ko para kay Frances. Kasi alam niyo naman yung magnanay na yun. Sobrang close at wala talagang maitatago sa isa't isa. "Parang hindi ko kaya ate. Baka kasi masira yung kung ano man yung meron kami ngayon. Natatakot ako." Totoo naman yun e. Kahit hindi ako sure kung ano yung tingin sakin ni Frances ayokong masayang yung pinagsamahan namin kung sakali mang hindi mutual yung feelings namin para sa isa't isa. "Nakikita ko naman sa mata niya na may nararamdaman siya sayo. Kahit nga si Ella nung minsan nabanggit niya sakin na yung anak nga daw namin e parang balisa sa tuwing nakikita ka." Hindi ko alam kung matutuwa ako or ano. Kasi mahirap sumugal. Mahirap sumugal sa walang kasiguraduhan. "Pero Ate ikaw man ang lumugar sa lugar ko. Hindi yun ganon kadali." Malungkot kong saad sakanya. Ayokong magkasakitan kami ni Frances. Ayokong lumayo siya sakin. Parang hindi ko kakayanin na hindi kami nag uusap. Na hindi kami nagpapansinan. Nakakatakot. "Ganito nalang. Kapag may mga hints siya na gusto ka talaga niya pero indenial lang siya try to confess! Perfect tong El Nido oh? Like sino naman ang magtatangkang magreject sayo? lalo na dito pa sa El Nido." Nanatili parin akong tahimik. Kasi nga tulad ng kanina kopa binabanggit. Natatakot ako. Nanghihinayang ako. "Mahirap kasi yung ganyan Jaydee. Bigay ka ng bigay pero hindi mo alam kung may matatanggap ka ba. Kung masusuklian kaba. I'm not saying for those material things or whatsoever na binigay mo sa kanya. What i'm pointing here is this." Sabay turo niya sa puso ko. "Yang binibigay mong pagmamahal." Dugtong pa niya. Magdamag kong pinag isipan yung mga sinabi sa akin ni Ate Ella hanggang sa nakatulog kaming dalawa sa kama nila FRANCES' POV Tuwang tuwa kami ni Ate Ella dito sa tabing dagat. Sobrang peaceful. Tsaka sobrang ganda ng sunset! Sayang wala si Jaydee at Ate Gabb tsaka nasan kaya yung ibang members? Ano kaya ginagawa nila? Napatingin ako sa palubog na araw... I took a picture and dali dali ko naman pinost sa IG ko "Beautiful Creation by Him" posted! Sa sobrang enjoy namin ni Ate Ella panoorin yung mga nagsusurf, jetski at banana boat hindi na namin namalayan yung oras. Medyo nagutom kami at nagkayayagan kaming bumili ng merienda sa mga tent na nasa paligid. "Ces ayun oh mukhang masarap!" turo ni Ate Ella sa isang tent kung saan dagsa ang mga tao kaya naman hindi maiiwasan ang banggaan. Ouch! May nakabangga sakin! Sakit naman sa noo. Hays napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabunggo sakin dahil para siyang may hinahabol. Mukha siyang nagmamadali kaya niya siguro hindi ako napansin. E ako naman busy kasi sa phone ko nagchecheck ako ng mga comments sa IG. Hindi parin ako nakakatayo dahil sa pagkakagulat ko. Nasaan ba si Ate Ella? habang pinapagpag ko yung dumi sa shirt ko may naglahad ng kamay sakin... Wait parang namumukaan ko to ah!? "Kielle?" sambit ko. "Sorry miss nagmamadali kasi ako hindi kita napansin. Btw. Yup Hi. Nice to meet you." Tuloy tuloy niyang sabi habang inaalalayan niya akong tumayo. Nastaratruck ako guys. Kung gaano siya kaganda at kagwapo sa t****k. Mas doble pa ata sa personal kaya naman hindi ako agad nakakibo! "Huy Ces! Okay kalang ba? Bigla ka nawala sa likod ko nandito kalang pala! Tsaka bakit ka puro buhangin" Tanong sakin ni Ate Ella at dun lang ako natauhan. "Hala Ate sorry kasi ano... Nakabangga ako ay este may nakabangga sakin" Hindi pa ako tapos magsalita ng biglang naglahad na naman si Kielle ng kamay— this time kay Ate Ella naman. "I'm sorry. I'm Kielle. Nabunggo ko yung friend mo kaya siguro hindi siya agad nakasunod sayo." Sabi niya at ngumiti. Nakakatunaw naman to ngumiti. Bago pa mahuli ang lahat nagsalita nako. "Ahm.. Sorry ulit Kielle btw kailangan na kasi namin umalis. Kailangan na namin bumalik sa hotel. Pasensya kana ulit" Ang tulin ko magsalita kasi nakakautal siya pag kaharap mona. Atsaka hindi na kami makakapagmerienda ni Ate dahil madilim na. Anong oras na kaya? Bago pa man kami makaalis ng tuluyan ni Ate Ella.... "How did you know me?" Narinig kong tanong ni Kielle. "Uhmm.. I just saw u on t****k? U kinda famous tho." Sagot ko at ngumiti sa kanya. "Ow. Thank you. What's your name nga?" tanong naman niya pabalik sa akin. "I'm Francese Therese Pinlac. Frances for short." sagot ko naman at kita ko sa mga mata niya na parang may iniisip siya. "Wait? Are u one of the member in this p-pop? The Mnl48? U kinda familiar kasi I think I saw one of your video on t****k too!" Sagot naman niya pero bago pako makasagot si Ate Ella na yung sumingit. "Yup she is. Ako din hehehe btw nice meeting you pero we need to go na talaga baka kasi mapagalitan kami alamonaman." Hindi naman na ako nakaangal dahil totoo naman ang sinabi ni Ate. "Yeah, yeah sure. Thank you. And nice meeting you both. Hope to see you again" And then we wave each other's hand and go to the separate ways. Grabe hindi ako makapaniwala na yung kanina naming pinag uusapan ni Ate Jem e nakita kona sa personal! Mas maputi siya sa personal. And very attractive. Patakbo naman kaming bumalik sa Pablo Hotel para makagayak for our dinner tonight with the Owner of this hotel with his family and then Mnl48 with our Manager to talk about the business na ipapagawa sa amin. //END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD