ELLA'S POV
Ngiting ngiti tong Frances na to sa almusal niya aba parang kanina lang e nagdadabog duon sa taas, ay kabuang na babae na ire! Nakikita ko namang siya'y masaya talaga at mukhang magpapasalamat pa kay Jaydee kaso nasa Team Mateluk.
Bakit pa kasi pinipigilan kung halata naman ang iyong nararamdaman? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Maraming nasasayang dahil sa pagpigil ng nararamdaman pero marami rin ang nasasayang na pagkakaibigan kapag nagka-aminan.
It is between friendship or relationship? Napakahirap sumugal sa isang bagay na hindi ka sigurado kung parehas kayo ng nararamdaman. Baka kasi sa huli ikaw lang yung masaktan.
"Pasulyap sulyap ka't kunwari'y patingin tingin sa akin di maintindihan ang ibig mong sabihin.." Kanta ko habang papalapit kay Frances. Eto talagang bata nato napaka indenial! Sabagay ako rin naman.
FRANCES' POV
Kabadtrip naman tong si Ate Ella lagi nalang akong pinagtitripan. Inirapan ko lang siya at pumunta na sa sala kung saan nanonood ang ibang members.
Napansin ko naman na paupo na rin sila Amy at Laney dito sa baba ng sofa. Nasaan na naman kaya si Jaydee? Hindi ako lumilingon sa kung saan pero nakikita ko sa peripheral view na wala siya sa palagid.
Hanggang sa nabored nako dahil mamaya pa naman ang meeting namin atsaka dito rin naman gaganapin ang meeting sa mansion dahil si Boss Manager naman ang pupunta dito para daw less hassle na. Biruin mo ba naman 48 kaming pupunta sa kanya.
Paakyat na sana ko pero nakaisip ng katakaan si Ate Gabb at Brei na maglaro ng spin the bottle kasi nga wala naman kaming ibang ginagawa at take note!
BAWAL GUMAMIT NG CELLPHONE !
Hmmmm. Okay I think this will be fun. Nakita kona ring bumaba si Jaydee. Ano naman kaya ginawa niya sa taas? Bakit ba ang dami kong tanong hays! Naloloka na ata ako or baka may gayuma yung almusal ko kaya puro siya laman ng isip ko!? Ghad! Char. Hindi na kailangan ng gayuma no. Char ulit, napangisi nalang ako sa naisip ko.
GABB'S POV
So dahil kami ni Brei ang nakaisip ng laro na to dahil binulungan kami ni Ella my loves na parang balisa nga daw etong si Ate mong Frances. Ayaw pa kasi mag aminan ng mga to! Halata namang nais nila ang isa't isa! HAHAHAHAHAHA.
Pero syempre may plano din ako no para sa aking my loves, sa tingin ko kasi may lihim din tong pagtingin sakin— ayaw lang umamin duh. (Lakas ng hangin diba?) Pero ang totoo ako talaga yung patay na patay sa kanya HAHAHAHAA! So eto na pabilog na kami.
"Game na. Walang KJ ah! Truth or Dare halimbawa sa akin natapat tapos pinili ko ang Truth, yung susunod naman na matamaan ng bote ay wala ng ibang choice kundi Dare! Gets?" nagsitanguan naman silang lahat at halatang excited na excited sila sa laro namin dahil nga ngayon lang namin to nagawa HAHAHAHAHA.
Hindi niyo lang alam may purpose itong laro na to kaya good luck sating lahat.
Pinaikot kona yung bottle and the first lucky lady was Coco! Yeah nalink din siya sakin pero talagang baby sister lang ang turing ko sa kanya. She's cute and adorable at the same time pero hanggang doon lang yon. Baby sister period.
"Truth or Dare" Sabay sabay namin sabi. Hahahahahahaha! Nagkatawanan pa kami dahil para kaming choir.
"Truth!" sigaw naman niya. Aba matapang tong batang to. So dahil natapat ang pinakapuwet ng bote kay Brei siya ang magtatanong. Mukang pinag iisipan talaga ng mabuti ni Brei yung itatanong niya dahil nga may pagtulaktulak pa sila Sela sa kanya dahil lingid naman ho sa kaalaman niyo ay matagal ng may pagtingin ang Ate mong Brei dito sa aking baby sister kaya naman abang na abang kaming lahat sa kung ano ang itatanong niya.
"What do u think of me? Like am I attractive ba sayo?" Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yan nagtilian naman kaming lahat dito si Sheki nga may pasubsob pa HAHAHAHAHA loka.
"Katahimikan guys goossshhhh!!! AckkkkkKkk!!" nagkunwari pang hinimatay etong si Laney mga buang talaga tong kasama ko. Nagtawanan muna kami bago namin pinasagot si Coco.
"Yes. Very attractive." Pagkatapos sumagot ni Coco wala nakong ibang narinig kundi hiyawan at tilian batuhan ng mga throw pillows sa paligid nagtatatalon pa tong sila Jaydee. At ako naman pasimpleng tuwang tuwa at yumakap kay Ella HAHAHAHAHA syempre sulitin natin ang oras na walang nakakapansin.
Gabb ft. Hokage moves.
FRANCES' POV
GRABE. SANA ALL. TALAGA. Nagwala kami halos dito wahahahahaha! Umpisa palang talaga namang pasabog tong si Brei! Kilig na kilig ang loka! ADE SANA ALL DIBA!?
"Guys move on. Ako lang to" saad naman ni Brei with flipping her hair pa. Oo na ikaw na talaga Brei! Kinaltukan naman siya ni Ate Abby! Grabe sobrang saya. Nakalimutan kong malungkot ako hahahahaha sadgirl ka te? Tsaka hindi nga pala ako malungkot no! Duh.
Nagpatuloy na ang pag ikot ng bote at talaga naman. Kapag nga naman sinusuwerte ka. Kay Jaydee natapat at si Ate Gabb naman ang magpapagawa sa kanya ng Dare kasi diba kanina Truth pinili ni Coco.
Bakit ako kinakabahan? Normal pa ba to?
GUYS SAGUTIN NIYO KO! NAKATITIG SAKIN SI JAYDEE!
Ako na ang unang umiwas kasi I feel so awkward ewan ko basta nagugulo buong sistema ko!
"Soooooo.. at dahil sa akin natapat my lovely Jennifer Nandy.." bago pa matapos ni Ate Gabb yung sasabihin niya binulungan naman siya nila Laney—- siguro sinabihan nila ng gustong ipagawa or what. Dunno. Nakayuko ako ngayon kasi diko alam tong nararamdaman ko buang talaga ko.
"Gusto kong kantahan mo si Frances ng gusto mong kantahin para sa kanya. Yung parang harana?" Gulat na gulat ako dai! Ako? Haharanahin? Teka.
"OO HARANAHIN MO JAYDONG!!!!" Sigaw naman nila Ella at Sheki yun lang narinig kong boses pero halos lahat sila. Mukhang pinagtitripan pa nila ko. Hays. Naguguluhan na nga ako bakit naman ganito! Lord help me.
JAYDEE'S POV
Well kanina bago kami magstart pumunta ko sa labas para bumili ng chocolates sa tindahan. Tigpipiso lang yun pero sana magustuhan niya. Hanggang sa may tumawag na sa akin at pinabababa ako dahil nga gusto daw nila maglaro ng spin the bottle.
At eto na nga pagkatapos nila CocoBrei.
FRANDESAL NAMAN ANG LALAYAG WAHAHAHAHAHAHAHAHA.
Well pabor naman sakin na haranahin siya dahil nga ramdam ko na parang ang cold niya sakin this day, so sad. So this is my time to shine!
"Oh bhie! Gitarahan mona kayang kaya mo yan wag kang iihi ha?" Sabay abot ng gitara sakin ni Amy. Siraulo talaga to kaya naman nabatukan siya nila Ate Gabb at Laney. Nakakainis nakayuko siya. Kaya naman sisimulan kona.
"Frances? My Queen?" Tawag ko sa pinakamalambing na boses. Wala pa man akong ginagawa nagtilian na tong mga hinayupak na to!
Kakatayo ko palang matutumba nako kakatulak sakin papalapit kay Frances aba mabibingi nako sa sobrang lakas ng tili nila! At nahagilap ko naman ang pinakamagandang babae sa buhay ko.. Nakangiti at halatang natatawa sa mga ginagawa netong siraulo naming members.
Ang ganda. Nakakatunaw ng buong sistema.
"Shhhhhhhh! Pano ko naman kakatahan ay kaingay niyo!" Sigaw ko para naman makabuwelo nako no HAHAHAHAHAHA. Nagzipper naman sila ng kanilang bibig na kala mo sila e Grade 1 na pinatahimik ng kanilang teacher.
Tumingin ako sa magaganda niyang mata at sinimulan ko ng istrum ang gitara na sinabayan naman ng beatbox ni Lara.
"Well, I will call you darlin' and everything will be okay
'Cause I know that I am yours and you are mine
Doesn't matter anyway
In the night, we'll take a walk, it's nothing funny
Just to talk
Put your hand in mine
You know that I want to be with you all the time
You know that I won't stop until I make you mine
You know that I won't stop until I make you mine
Until I make you mine"
Kanta ko sa kanya habang may pasayaw sayaw pa si Amy at Laney. Mga siraulong to.
"Hi, hindi ko alam kung ako lang ba yung nagbibigay ng meaning pero Frances——-"
FRANCES' POV
WAIT! WAIT! AAMIN BA SIYA WTH. KINAKABAHAN AKO NA PARANG NATATAE NA DIKO MAINTINDIHAN!!!!
"——sorry kung may nagawa man ako sayo kagabi o kaninang umaga, napansin ko kasi na hindi moko binati ng good morning kasi diba lagi mo naman ako ginigreet atsaka hinahug? hehehehehe sorry kung meron man" Sh*t! Sh*t! Bakit parang disappointed pako?
Bago pako makapagsalita nambuyo na naman tong mga members namin.
"Dong! Ang bakla mo naman! Dika lang pala nagreet kung ano ano pa inaarte mo jan!" Tawanan nila Amy, mga siraulong to.
Pero ang cute niya wahahahahahaha! Kala ko naman kung ano sasabihin niya jusq po muntik nakong atakihin sa puso.
"Baliw ka! Hindi ah, sadyang masama lang yung timpla ng umaga ko kasi medyo maaga ako nagising alam mo naman hindi ako sanay hahahaha! Atsaka thank you. Thank you sa song na kinanta mo para sakin" Ngiti ko sakanya at lumapit ako para yakapin siya. Like? Wala namang masama diba? Normal lang naman sa magbestfriend yon diba?
"Goodmorning" bulong ko sakanya na parang narinig naman ng lahat kaya naman nagkagulo kami at nagpatuloy kami sa kasiyahan.
Ilang oras lang matapos ang mga pangyayari lumayag din naman ang ibang shippers; Uniphant—-ang aking mga magulang, sila ate Sela at Abby at halos lahat naman! HAHAHAHAHAHA.
Parang nilaro lang namin ito para mag-asaran.
"Frances!" tawag sakin ni Jaydee kaya naman nagtaas ako ng kilay na parang inaantay kung ano yung susunod niyang sasabihin.
"Tara may papakita ako sayo sa taas." Nagpadala nalang ako sa hila niya habang yung ibang miyembro ay naglilinis at may kanya kanya ng toka para sa pananghalian.
Nandito na kami sa tapat ng pinto ng kwarto namin ni Ate Ella at eto namang babaeng kasama ko kalaki ng ngiti sa akin na para bang inaantay niya ko na buksan ko yung pintuan namin.
Dahan dahan ko namang binuksan yung pinto namin at nakita ko ang ilang gumamela at mga chocolates na galing tindahan sa labas ng mansion.
Magsasalita na sana ko pero inunahan niya ko. Bastos to. Tumingin ako sa kanya at pinakinggan ang kanyang mga sinasabi habang nakangiti sa kanya.
"Sorry low budget kasi nagmamadali ako tsaka ayan lang available jan sa labas. Yung gumamela nga pinatas ko lang sa likod kanina hehehe. Peace offering ko yan kasi akala ko galit ka sakin" Sabi niya sakin habang kinakalikot niya yung daliri niya. Halatang kinakabahan ka Nandy. Kalma, ako lang to.
"Ano kaba! HAHAHAHA Ayos lang no! Tsaka diba nga favorite ko to. Thank you ah! Ang sweet mo naman!—- sa lahat, sana sakin lang" Syempre pabulong na yung huli no. As in bulong na bulong lang kahit langgam hindi maririnig HAHAHAHAHA.
"Ano sabi mo? sa —-ano? Hindi ko narinig." Talagang hindi ko ipaparinig sayo yun no! HAHAHAHAHA. Secret muna natin yon mga readers!
"Wala, sabi ko ano kako yung title ng kinanta mo kanina sakin?" Syempre iniba kona usapan no. Ang ganda kaya ng kinanta niya sakin. Lakas makakilig Jaydee!!!! Y KA GANYARNNNNN!
"Make you mine." Sambit niya habang nakatingin sa mata ko. Napatitig ako sa ganda ng mata niya at unti unti kong nararamdaman yung hininga niya— palapit ng palapit para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makagalaw. Magkikiss ba kami? Ano ba tong nasa isip ko ang kalat! Nakapikit ako at inaantay ko ang susunod na mangyayari hanggang sa naramdaman kong kiniss niya yung ilong ko.
(?) GANYAN YUNG REAKSYON KO! OO NAPADILAT TALAGA KO AT ALAM KONG PULANG PULA NAKO NGAYON!!
Nakapikit parin siya at dahan dahang lumayo sa akin tsaka ngumiti at umalis.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ginulo mo ang buong sistema ko Jennifer Nandy.