Chapter 3

1230 Words
Frances' POV "Hayyy ang aga ko naman nagising. Bakit ba kasi ang ingay anong oras palang ba?" bulong ko dahil tulog pa si Ate Ella dito sa tabi ko. Nasan naba yung cellphone ko? 6:30 palang? Eh bakit ang ingay? Wala naman kaming gagawin ngayon ah? Alam ko may meeting kami mamayang 6pm pero duh ang aga pa dzai.  Tumayo nako at naghilamos. Bababa ako kasi gising narin naman ang diwa ko. Pero titiklupin ko muna tong kumot ko baka mabalibag pako ni Ate Ella pag naabutan pa niyang hindi to tiklop. Hindi ko maiwasang isipin lahat ng ginagawa sakin ni Jaydee. Umagang umaga siya agad naiisip ko. Pano ba naman kasi napakapafall. Nakakainis kaya!  Pero go with the flow nalang ako tsaka diko naman yun sineseryoso kasi alam ko naman na ginagawa lang niya yun para sa mnloves namin. Pero wag ka ang sweet parin niya kahit off cam. Yung mga simpleng gestures niya na ako lang talaga yung nakakapansin. O dahil ako lang naman talaga yung nagbibigay ng meaning? Hays bahala na nga. Bababa nako at mukang may nabasag pa sa labas. Naestatwa ako ng makita ko si Jaydee at Amy na magkayakap, may basag na baso malapit sa kanila at mukhang pinagluto pa ni Jaydee si Amy ng almusal (sana all). Hindi ko alam pero parang may kumirot sa dibdib ko ng makita ko ang dalawa. Natulala ako hanggang sa marealized ko na pinapanood ko silang dalawa kung paano sila maglampungan(??) o lambingan?  Why am I sounded like a jealous girlfriend right now? Napairap nalang ako sa naisip ko. We are just bestfriend. We are just a ship.  Ewan ko pero bigla akong nairita at dali daling pumasok sa kwarto namin kaso lahat ata ng sama ng loob ko napunta sa pagsara ko ng pinto kaya naman kumalabog ito and for sure rinig na rinig yun sa baba pano ba naman kasi nagising ko din si Ate Ella at eto na nga lagot ako. "Wow, Goodmorning too Frances" bati niya sa akin at halatang antok pa kasi naman pupungay pungay pa ang mata niya. Chineck niya kung anong oras na at.. "Anong meron? ang aga pa ah? Tsaka why naman may pagkalabog ng pinto Queen?" Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya yung nakita ko kanina like hello? E ano naman kung may nakita ko it's not like a crime naman. Hindi naman ako pinagtaksilan dahil wala namang kami. "Sorry ate huhu. Kasi ano may nakita akong ipis papalapit dito-- Oo tama! Kasi yung ipis nga ano lalapit sana dito sa pinto kay ayun anooo--- nasara ko ng malakas. Natakot ako e" Yan nalang ang nasabi ko hindi ko alam kung tatalab kasi wala naman talagang ipis dito sa mansion. Tsaka alam ng Ate kapag nagsisinungaling ako kasi di naman talaga ako nagsisinungaling. I feel sorry to you Ate nagising kita. Sana lang tumalab ang aking charm. Hindi siya sumagot at tinignan lang ako na para bang gusto niyang sabihin na Frances sinong niloko mo? Kahit nga langaw madalang magkaron dito sa mansion sa sobrang  linis ipis pa kaya?  Kaya naman kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin humiga nalang din ako sa tabi niya at sumiksik.  "Kung ano man yang ineemote mo jan ngayong umaga, nandito lang lagi si Ate para sayo ha? Pero sana sa susunod wag naman ganitong kaaga Frances ang sarap na ng tulog ko e malapit na sana e!" Nagulantang naman ako sa sinasabi ni Ate Ella kaya naman tulin tulin kong iniba ang usapan. "Hoy Ate ano yun ha? Anong muntik na? Ikaw haaaa, napaghahalataan ka." Ang sabi ko sabay tawa sa kanya kasi siguro di niya narealize yung sinabi niya sa huli. Mga tao nga naman ngayon nahuhuli na sa sariling bibig. Baka bukas makalawa niyan aamin na to ang tanong nalang ay kanino? "Wala yon!  Just don't mind it. Ikaw yung inaano ko dito e bakit moba binabalik sakin? Ikaw talagang bata ka!" Tumawa nalang ako sa kanya na may halong pambubuyo kasi knows ko naman na pinagpapantasyahan niya si Ate Gabb no! Like sino ba naman ang hindi papantasya sa babaero na yun?! Napatawa ako sa naisip ko. Naglinis nalang kami muna ng kwarto at nagcheck ng mga social media accounts. Napansin ko lang ha ang daming nagshiship kay Ate Gabb at Coco tapos meron naman kay Jaydee at Madie tapos si kung kanikanino pang members. Hmmm.. Nanood lang ako ng ilang videos sa t****k commonly puro sa aming MNL tsaka sa for you page naman mga sikat na artista at kung sino sino pa.  Pero may nakaagaw ng pansin ko etong babae na to. Pero hindi naman siya artista, infairness maganda siya at the same time pogi din. She can pull both. Nagback na ako ng t****k and chineck ko naman kung may message ako from my family members. Si mommy nagchat pati si duke, nangangamusta... Hindi na namin namalayan ni Ate Ella na 8:30 na pala at mukhang gising naman na ang lahat dahil maingay na sa baba kaya naman nagkayayaan na kami ni Ate Ella na bumaba tsaka gutom na rin ako. May paalmusal kaya? JAYDEE'S POV Pagkatapos naming marinig yung kalabog ng pinto hindi na namin yun masyadong pinagtuunan ng pansin kasi baka isa sa mga members lang namin yun. Baka hindi naman intensyon by the way andito na silang lahat si Ate Ella at ang aking Queen ay kabababa lang.  "Queen, kain na kayo ni Ate Ella ayun pagkain mo yung nasa mas malaking pinggan." Napakamot pa ako sa aking ulo dahil sa kahihiyan baka kasi asarin na naman kami ng teammates namin pero tinanguan lang ako ni Frances at derederechong pumunta sa kusina kasama si Ate Ella.  Kaya naman diko napigilan na sundan siya ng tingin. "Mukhang may dalaw ang Queen mo ah" pambubuyo sakin ni Ate Gabb na ngayon ay nakatitig na kay Ate Ella.  Hindi ko tuloy alam kung may dalaw nga talaga si Queen pero alam ko wala pa kasi magkasunuran lang sila halos ni Laney e alam ko mauuna pa si Laney sa kanya kaya naman tinawag ko si Laney. "Laney, meron kaba ngayon?" Tanong ko sa kanya habang may pinag uusapan silang dalawa ni Amy.  "Ako? Wala pa bakit? Bibilhan mo ba akong chocolates? HAHA" Kaasar naman to nagtatanong lang e. Kung wala siya ngayon ade ibig sabihin wala din si Frances. E bakit ang cold niyaa? Parang nung isang  linggo lang ang saya saya pa ng moment namin sa kwarto nila ni Ate Ella. FRANCES' POV Tinanguan ko lang si Jaydee at tsaka pumunta dito sa kusina at talagang separated pa ang pagkain namin ni Ate Ella. Pagkakita ko sa almusal ko ay bumungad sa akin ang ilang piraso ng bacon with 3 hotdogs at meron pang side dish, nakakatakam. It's my favorite! Napangiti naman ako at kitang kita ni Ate Ella. Paniguradong namumula ako ngayon. Kasi naman yung kay Ate Ella simpleng simple lang talaga na breakfast like hotdog and egg. Ghad, this woman never fails to put a smile in my face.  Naguilty naman ako sa pangsnob ko sa kanya kanina kaya naman dali dali siyang hinanap ng mata ko pero ayun.. Nandon na naman siya kila Amy at  Laney. Mukhang masaya sila ah? Tsaka anong bibiling chocolates? Wow ah. May pagbili kapa ngayon ng chocolates sa iba. Akala ko naman sakin kalang ganyan--- pati pala sa iba.  NAKAKAINIS KA TALAGA JENNIFER NANDY!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD