LANEY'S POV
Parang pinagsakluban ng langit at kupa itong unit nila Jaydee. Isang araw na simula nung umalis si Madie dito dahil sa nangyare sa kanila. Pinabuksan nga lang namin tong unit nila sa staff dito dahil ayaw kaming pagbuksan ni Jaydee. Sobra na kaming nag-aalala sa kanya.
Hindi niya sinasagot lahat ng tawag at texts namin sa kanya kaya naman nung tinawagan namin si Madong kahapon sinabi niya na nag-away nga daw sila ni Jaydee pero hindi naman namin alam kung bakit—- sobrang iksi lang ng pinag-usapan namin ni Madie dahil halatang ayaw niya ring magkwento.
Kaya naman agad kong tinawagan sila Ate Gabb at Brei na bisitahin namin si Jaydee. Nandito na kami ngayon sa loob ng unit nila at tumambad samin ang mga nakakalat na bote ng beer— chichirya at may ilang basag na pinggan at bote rin ng beer. Nagkatinginan naman kami nila Amanda atsaka namin tinawag si Jaydee.
"Jaydee?—-." Pagtawag namin sa kanya atsaka kami sumilip sa kwarto nila. Nakita namin siyang nakayuko habang hawak yung picture nila ni Madie. Mukhang hindi pa siya naliligo at kumakain.
"Pre?" Narinig ko namang sabi ni Brei atsaka lumapit kami unti unti sa kanya.
"Dongggg—- nandito lang kami." Sabi naman ni Ate Gabb atsaka siya niyakap.
Hindi parin timitingin samin si Jaydee. Hindi parin siya nagsasalita. Hinayaan muna namin siya at niligpit ang ilan sa mga kalat niya dito sa kwarto. Habang sila Coco naman ay nagsimula ng ayusin yung labas kasama si Ate Ella.
Kung kailan namang malapit na yung reunion tsaka pa nagkaganto. Wala kaming idea kung ano nangyayare sakanila hindi rin naman kasi sila palakwento about sa relationship nila.
"What happened Jaydee?" Tanong ni Ate Ella atsaka lang siya tumingin samin. Nagulat naman kaming lahat ng bigla siyang humagulgol atsaka bigla niya akong niyakap.
"Iniwan niya ako La-neyy nasaktan ko si Ma-die. Iniwan na niya a-ako" Hagulgol na sabi niya habang nakayakap siya sakin. Napatingin naman ako sa mga kasama ko dito at nakita ko ang awa nila kay Jaydee. Pinakalma muna namin siya bago namin siya hayaang magkwento.
Si Madie? Iiwanan si Jaydee? Sobrang impossible non mga par. Saksi kaming lahat kung gaano kamahal ni Madong ang tol namin.
Bago namin siya pinagkwento pinaligo muna namin siya habang inaantay namin yunu food na inorder namin dahil tama nga hula namin dahil hindi pa nga siya kumakain.
Pagkatapos niyang maligo wala parin siyang buhay kung maglakad--- namumugto ang mga mata and she look so pale. Hinayaan muna namin siyang kumain atsaka namin siya tinanpng..
"What really happened Jaydee?" Tanong ni Coco sakanya.
Kinuwento naman niya samin ng buong buo lahat ng nangyare simula nung umaga nung nanggaling sila kila Frances----
"Grabe--- wala kaming kaalam alam sa nangyare sainyo." Sagot ni Amanda pagkatapos niyang magkwento.
"We don't have so much time to tell you guys actually dapat nga ngayon dahil magkikita kita tayo at bibisitahin si Frances dahil sabi niya they have a personal space ni Kielle--- umuwi na daw ito sa Palawan kaninang madaling araw." Sagot naman ni Coco.
"O ano naman ang nangyare sa kanila?" Tanong ko naman.
"Sabi niya ipapaliwanag nalang daw niya pag nagkita kita tayo and wag daw tayo mag-alala kasi they both fine with their decisions. Para sakanila din daw naman yun." She replied magsasalita sana ko ng biglang nagsalita si Ate Ella.
"Honestly Jaydee-- kung hindi kita kilala at ako yung kaibigan ni Madie I will sue you." Nakita ko naman ang pagpigil ni Ate Gabb sakanya.
"--No she needs to hear this," Pagbaling naman niya kay Ate Gabb at samin nakita ko naman ang pagyuko ni Jaydee.
"We all know what kind of relationship yung pinasok natin--- and based on my opinion I just saw Madie loving you deeply, understanding you even the times na you are so madly inloved with Frances. I don't bias Madie-- actually I didn't hear anything from her. I don't know what her side but correct me if I'm wrong---- I didn't see Madie that kind of a girl you said. Dapat ikaw mismo nakakaalam kung ano at hindi kayang gawin ng girlfriend mo Jaydee. I can't even imagine Madie kissing another guy--- we all know how much she hates a guy right?" Mahabang sabi ni Ate Ella. Tumango naman kami dahil may point naman talaga siya. Totoo naman lahat ng sinabi niya. Tinignan ko naman si Jaydee at nakita ko namang umiiyak na naman siya.
"Tanggapin mo na nagkamali ka Dong-- imbis na magmukmok ka jan hanapin natin ang girlfriend mo at magsorry ka. Sa loob ng ilang taon alam ko kung gano ka niya kamahal--- alam namin kung gano ka niya kamahal. Kahit hindi siya sweet sayo pag magkakasama tayo, ramdam namin lahat kung gano ka niya tinetreassure." Dagdag ni Ate Ella.
"She's right Jaydee. I know you are sorry for what really happened pero huwag ka samin magsorry--- sa kanya." Sabi ni Brei atsaka ito lumapit sa kanya.
"Dong-- mahal ka namin kaya namin pinarerealized sayo yung mga pagkakamali mo, okay? Mahalaga kayo samin ni Madong at saksi kami sa lahat ng pinagdaanan niyo. Ayaw ka naming nalulungkot at ganun din kay Madie.
"Thank you talaga sa inyo---- hindi ko alam gagawin ko kung wala kayo." Sagot naman ni Jaydee samin atsaka siya yumakap samin.
Haynako Jennifer. Sana lang e hindi pa nauuntog si Madelaine.
"Oh enough na sa drama-- kailangan na nating hanapin si Madong at ng magkabati na kayo." Pambasag trip naman ni Amanda.
"Ikaw talaga---" Sabi ni Coco sa kanya atsaka kami nagtawanan.
"Tara-- I think there is someone who can help us." Sabi naman ni Jaydee at agad kaming inaya palabas.
JAYDEE'S POV
Nandito kami sa tapat ng bar nila Zach-- siya lang yung unang tao na pumasok sa isip ko para makatulong samin. Sarado pa sila pero may nakita akong janitor ata yun and I asked kung nandito ba yung Boss nila--- sumagot naman siya na nandoon nga daw sa loob kaya naman pinatawag ko ito sa kanya and I said na this is emergency para hindi na ito magtanong pa.
"Oh bakit kayo nandito? Sarado pa ang bar ko--- atsaka ikaw? Ano susuntukin mo bako ulit? Sabi niya sakin. Hindi naman nagsalita mga kasama ko dahil sinabihan ko na agad sila kanina na baka nga maging rude samin si Zach dahil sa nangyare.
"I'm not here to fight you. Actually I'm here to say sorry about what happened the last time we saw each other. I shouldn't do that." I apologized. Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mata niya.
"Hmmm--- it's okay. Hindi naman yun big deal. Naiintindihan ko naman tsaka nakainom ka din non as far as I remember right?" He asked and tumango naman ako. Aalis na sana siya pero nagsalita ako.
"Anddd-- meron pa sana akong itatanong sayo." Dagdag ko bago siya umalis. Lumingon naman siya sakin.
"Puntahan mo siya sa resthouse ko sa tagaytay I'll send you the address. Nandon siya nakastay. And don't tell her if she asks kung ako nagsabi sayo na nandon siya. You're welcome." At dali dali naman siyang pumasok sa bar niya pero bago pa siya tuluyang makapasok ay agad nakong sumigaw ng salamat sa kanya. Kumaway naman siya habang nakatalikod.
Agad agad naman kaming umalis nung nakita kong sinend na niya sakin yung address. Mabait nga talaga si Zach--- i feel so guilty. Kasama ko ngayon sila Laney at Amy. Hindi nako nagpasama pa sa apat dahil masyado na silang maraming naitulong sakin. Si Coco naman din ay pupunta kila Frances dahil nga sa nangyare sakanila ni Kielle. Sila Ate Ella naman ay pinatawag ni Coach para magmeeting about dun sa reunion namin.
Madonggg--patawarin mo sana ako.