MADIE'S POV
"Are you 100% sure about that? Baka naman mamaya magkaparehas lang sila ng bracelet ni Frances?" Sagot naman sakin ni Zach matapos kong ikwento lahat.
"Hindi naman pwedeng coincidence na magkamukha ng bracelet si Frances atsaka kung sino mang babae ni Jaydee. And remember? That night nagbar si Frances--- the night Jaydee didn't came home." Paliwanag ko naman sakanya.
"Okay okay--- so what's your plan? Hindi mo naman pwedeng takbuhan lagi si Jaydee. Hindi mo naman pwedeng takbuhan nalang lagi yung problema niyo Madelaine." Payo naman niya sakin.
Hindi nako sumagot at nanatiling nakatingin dito sa phone ko. Malapit na mag 8pm kaya magbubukas na din tong Bar and alam ko na pupuntahan ako dito ni Jaydee based on her texts sakin. Hindi siya tumitigil kakatawag at kakatext sakin simula pa kanina. I feel so guilty pero ano gagawin ko? Ang sakit sakit ng ginawa mo sakin.
"Tara magdinner muna tayo bago dumami yung tao." Aya naman sakin ni Zach. Hinndi nako tumanggi dahil kanina pa rin ako gutom-- hindi pa kaya ako kumakain.
"Hindi na muna ko kakanta ngayon-- gusto ko nalang magstay sa VIP room kung pwede, magbabayad nalang ako." Sabi ko sakanya habang papunta kami sa VIP Room.
"Nukaba-- no need to pay. Tsaka stay all you want if that's the only thing na makakapagpagaan ng loob mo feel free to use it." Sabi niya sakin atska niya ako nginitian.
I'm so thankful na nagkaron ako ng taong mapagkukwentuhan ng lahat ng mga hinanakit ko sa buhay--- pag kasi sa ibang girls ako nagkwento hindi naman nila ako maiintindihan. Tsaka ayoko namang magbago pa tingin nila kay Frances at Jaydee.
Pagkakain namin umalis naman na siya atsaka ako nagkaraoke mag-isa. Umorder narin ako ng iinumin ko. Light munaaa--- mamaya nako maghahard. Ayoko naman kasing maglasing iniisip ko parin si Jaydee. Baka mamaya malasing na naman ako si Zach na naman kasama ko tapos baka magalit pa siya sakin---
"Wow takot ka na magalit siya sayo pero siya hindi siya natakot saktan ka? Hindi siya natakot na magsinungaling sayo? Bakit kaba ganyan sa sarili mo Madie? Ikaw na yung nasasaktan pero ang iniisip mo parin yung nararamdaman ni Jaydee." my innerself said.
"Kasi mahal ko--- mahal na mahal ko." Bulong ko naman sa sarili ko sa tingin ko kapag may nakakita sakin dito mapagkakamalaman akong baliw. Sinagot ko ba naman yung sarili ko---- yung totoo self? Boang kana? Napailing nalang ako sa ginawa ko tsaka ako nagkaraoke mag-isa.
Maglilibang ako hanggang sa makalimutan ko yung sakit-- iinom ako kahit gano kapait maibsan lang ang sakit.
JAYDEE'S POV
Kanina pako dito sa labas ng bar na pinagtatrabahuhan ni Madie--- marami ng pumapasok pero wala parin siya. Kanina kopa siya tinatawagan pero nagriring lang.. nagtetext din ako pero hindi niya ko nirereplyan. Hindi rin naman siya online. Madelaine nasan kana ba?
"Si Ma'am Madelaine po ba hanap niyo?" Tanong sakin ng guard-- siguro kanina niya pako tinitignan tsaka kilala naman niya siguro ako dahil hhatid sundo ko dati si Dong.
"Opo--" Hindi ko na natapos sasabihin ko dahil pinapasok na niya ko kasi kanina pa daw hapon nandito si Dong. Agad naman akong pumasok at nagpasalamat sakanya.
Sobrang dami parin ng tao kahit magpapast 9 palang--- san ko naman hahanapin si Madie dito?
Nakita ko naman agad si Zach tatawagin ko sana siya kaso bigla siyang pumunta sa taas--- mga VIP room. Hinabol ko siya pero naging mabagal ang pag-usad ko dahil sa sobrang daming tao.
Pagkarating ko dito sa taas hinanap ko naman kung saang room siya pumasok--- baka naman may meeting sila? Sumisilip naman ako sa bawat pinto may parectangle na maliit kasi sa mismong pinto yung sakto lang yung mata. Pero natitinted naman yun pag gusto ng nasa loob na alam niyo na--- walang istorbo ganern.
Nakakatatlong room nako yung isa tinted tapos yung dalawa naman hindi pero wala naman sila dun puro grupo ng kabataan na nagsasayawan yung mga nakita ko--- wala namang kababalaghan hahahaha.
Sa pang-apat na kwarto--- nakita ko na si Zach kakatok na sana ako ng makita ko si Madie sa gilid. Sinilip ko naman ng maigi kung may kasama pa sila pero wala na. Tinry kong buksan yung pinto pero nakalock--.
Nakita kong nag-iinuman silang dalawa habang kumakanta si Zach ay nakatingin siya kay Madie na parang inaasar niya o hinaharana? Hinahampas kasi siya ni Madie-- kitang kita ko naman na masaya siya sa Zach na yon. Busy pala Dong ha-- busy sa lalaki ganon? Kaya ba hindi mo sinasagot mga tawag at text ko?
Sa sobrang init ng ulo ko tinry ko ulit tawagan si Dong--- ilang ring muna bago niya ito napansin. Nakita ko naman ang pagtitig niya dito kaya naman napahinto rin si Zach sa pagkanta niya, hindi ko marinig kung ano yung kinakanta niya kanina dahil lahat ng VIP dito soundproof. Nakita ko naman ang pagsilip ni Zach sa phone ni Dong.
Para naman akong binagsakan ng langit at lupa ng hindi ito pinansin ni Madie at kinuha ang mic kay Zach atsaka siya kumanta--- sumasayaw sayaw pa siya habang kumakanta nakita ko naman ang pagtawa ni Zach sa kanya.
Umuwi nako atsaka uminom mag-isa dito sa condo namin. Nakapatay lahat ng ilaw--- Dim lights lang dito sa kusina namin. Nandito ako habang umiinom ng tahimik. Nakakailang bote na rin ako pero wala pa rin si Dong. Ano na kaya ginagawa nila ngayon? Kaya ba siya biglang umalis kanina ay dahil don sa lalaking yon?
Kaya pala lagi niyang pinagtatanggol si Zach sakin--- kasi nagkakamabutihan na pala sila. Boss pala ha--- Boss pala yung ganon. Nag-iinom silang dalawa-- nagsasaya habang ako alalang alala sa kanya. Bullshit!
*ting*
Agad ko yung tinignan dahil baka si Dong yung nagtext--- pero nagulat ako dahil galing to kay Frances----
"We need to talk Jaydee."
Hindi ko naman yun pinansin dahil si Madie lang ang nasa isip ko ngayon--- mahal ko si Madie. Mahal na mahal. Kung tatanungin niyo ko kung ano nararamdaman ko kay Frances--- wala na. Matagal ng wala. Siguro naguluhan lang ako nitong mga nakaraang araw dahil masyado akong nabigla sa pagkikita namin sa tagal ba naman--- Pero wala na talaga, maybe there is just a special place here in my heart that belongs to her. Nothing more-- nothing less.
Halos 2am na medyo may amats na rin ako pero wala padin si Madie--- sunduin ko na kaya siya? Pagkatayo ko naman ay naramdaman ko na medyo nahilo ako. Oh gosh--- dahan dahan naman akong bumaba sa lobby para sana sunduin na si Dong kaso naalala ko wala nga pala sa baba kotse ko nasa taas nakapark. Hays lasing na nga ata talaga ko.
Bago ako tumalikod nakita ko naman ang paghinto ng isang sasakyan--- bumaba si Zach sa driver seat atsaka niya pinagbuksan ng pinto si Madie. Tinignan ko sila mula dito, hindi naman nakatakas sakin ang pagyakap ng mahigpit ni Madie sa lalaki na yun at bago pa umalis ay nakita ko namang nagbigay ng halik sa pisngi si Madie kay Zach.
Agad naman akong tumakbo at sinuntok yung lalaki na yun.
"Jaydee!" Gulat na sigaw ni Madie habang napaupo si Zach sa sahig. Pumagitna naman agad samin yung guard at nakita ko naman ang pag-alalay ni Madie kay Zach para tumayo.
"What's your problem ha?!" Sigaw sakin ni Zach. I gave him a dagger look-- both of them.
"Ma'am kumalma po kayo--mukhang nakainom pa po kayo, tara napo sa loob. Sa loob napo natin yan pag-usapan." Sabi sakin nung guard habang nakaharang sa gitna namin ni Zach.
"Really Madelaine? Jan kapa kumakampi?" Sigaw ko sakanya dahil hawak hawak pa rin niya sa braso si Zach.
"Ano bang pinagsasabi mo Jaydee?!" Sigaw naman niya sakin pabalik. Hindi nako nagsalita ng pinauwi naman na nniya agad si Zach at nagsorry.
Agad akong pumunta sa unit namin dinig na dinig ko naman ang paghabol sakin ni Madie. Pagpasok ko pumunta ako agad sa iniinom ko atsaka ko binalibag sa dingding namin. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Madie---- kahit dim lights nakikita ko sa mga mata niya na natatatkot siya sakin.
MADIE'S POV
"Saan ka galing?" Pabulong niyang tanong habang nakatingin sakin ng walang expression.
Hindi ako agad nakasagot dahil natatakot ako sakanya--- ngayon ko lang siya nakitang ganito.
"SAAN KA GALING MADELAINE?!" Sigaw niya atsaka niya binalibag lahat ng nasa lamesa namin. Napapitlag naman ako-- kabang kaba ko. Wala naman akong ginawang masama-- I just let myself enjoy para makalimutan ko yung ginawa niya sakin.
"Ni hindi ka manlang sumagot sa mga tawag at texts ko--- tangina. Alalang alala ako sayo. Tapos makikita ko kanina sa bar magkasama kayo.. Masayang nagkakantahan-- may pahampas hampas kapa. Iyon ba yung "stuff" na aasikasuhin mo? Yung bonding time sa boss mo?" Tanong niya ulit sakin at dahan dahan siyang lumapit.
"Nandon ka kanina?" Halos pabulong kong tanong dahil takot na takot ako sa kanya ngayon--- epekto ba to ng ininom niyang alak? Kanina paba siya umiinom? Dahan dahan naman akong napaatras sa paglapit niya.
"Oo--kitang kita ko kayo kung paano kayo maglandian sa VIP room na yun. Kaya kaba cold sakin this past few days dahil sa lalaki na yon ha?" Matalim parin yung tingin niya sakin at patuloy parin siya sa paglapit sakin..
"Jaydeee-- calm down please. Mag-eexplain ako." I whispered. Pero parang wala siyang naririnig at patuloy lang sa paglapit sakin. Wala naman nakong maatrasan dahil nandito nako sa pinto.
"Ano? Kamusta? Kwentuhan mo naman ako sa ginawa nyong dalawa sa VIP room-- naghalikan ba kayo? Ano? Nagsex ba kayo? Ha Madie? Masarap ba makatikim ng lalake? Umungol ka din-----" I slapped her so hard.
"f**k YOU JAYDEE! KUNG AKALA MO GANUN AKONG KLASENG BABAE--- f**k YOU!" Sinampal ko muna siya ulit bago ako tumakbo palabas ng unit namin--- halos wala akong makita sa dinadaanan ko dahil iyak ako ng iyak. Wala nakong pake kahit pagtinginan ako ng mga tao dito sa lobby. Agad naman akong pumara ng taxi at sumakay dito--- bahala na san man ako pulutin.